webnovel

Salute

PAGDATING ni Lexine sa MH Headquarters ay binati siya agad ng dalawang security Marshal ng buong ngiti.

"Good morning Ms. Lexine."

"Good morning," bati niya pabalik. Di nakaligtas sa mata niya ang "extra" smile na meron sa mga labi nila. Napakunot ang noo niya dahil kahit nakalagpas na siya ay nakangiti pa rin ang dalawa.

Maging lahat ng nakakasalubong niya na agents at empleyado ay "extra" kung bumati ang ngumiti na para bang may kakaiba.

"Good morning Ms. Lexine!" duo na bati ng dalawang dalaga from research department pagkabukas ng glass elevator. Malaki rin ang pagkakangiti ng mga ito at makahulugan na nagtinginan.

"Good morning," bati niya pero nakunot na ang kanyang noo.

Kinikilig pa ang dalawa at nagbubungisngisan na naglakad palabas ng elevator. Napailing si Lexine. Ano ang mayroon sa mga tao sa HQ at bakit parang pasko na kung ngumiti? Di pa naman sila naglalabas ng Christmas bonus at 13th month pay.

Nagsalita ang AI, "You are now in B16."

Nagbukas ang elevator at naglakad si Lexine papasok ng office. Lahat ng ulo ay tumingin sa kanya na may kakaibang mga ngiti. Ano ba talaga ang meron? May nakakatawa ba sa suot niya o sa mukha niya?

Natanaw niya si Makimoto na nakatingin sa kanya mula sa isang sulok pero 'di tulad ng lahat ay malungkot ang Japinoy na binata.

Tatawagin sana niya si Makimoto para magtanong nang biglang pumailanlang malalakas na yabag ng mga sapatos.

Sa gulat ni Lexine ay isa-isang lumabas ang mga sundalo mula sa magkabilang panig ng office habang nagmamartsa. Isa-isang humilera ang mga ito sa gitna. Ang squad leader sa unahan ay sumigaw.

"Squad attention!"

Sabay-sabay na tumayo ng tuwid ang mga ito.

"Face right!"

Pumihit sila pakanan.

"March!" nagsimula sila ulit magmartsa.

"Left right, left right, left right!"

Sabay-sabay ang tempo ng mga paa ng mga sundalo. Walang maririnig kundi ang tunog ng kanilang mga military boots sa sahig.

"Stop on your position!" huminto ang mga ito.

"Face your left!" pumihit sila pakaliwa.

"Salute!"

Sabay-sabay na tumigil ang mga sundalo at nag-salute. Sinundan ni Lexine ang direksyon sa kaliwa at biglang lumitaw si Miguel na nakasuot ng camouflage na Army uniform habang may hawak na malaking boquet ng bulaklak.

Halos wala nang mapaglagyan ang kilig ng mga empleyado habang nakatingin sa dalawa na para bang mga fan girls na kinikilig sa isang sikat ng loveteam sa pelikula.

Dahan-dahang lumapit si Miguel kay Lexine na may magandang ngiti at inabot ang bulaklak sa kanya. Nahihiya na tinangap naman ito ni Lexine.

"Face in front!" sigaw ni Miguel.

Humarap ang mga sundalo sa kanilang dalawa.

"Squad are you ready?" tanong ni Miguel

"SIR! YES SIR!" sigaw ng mga ito.

Pumitik si Miguel at biglang nilabas ng mga sundalo sa likuran nila ang cardboard na may mga letters.

Natulala si Lexine nang mabasa kung ano ang nakasulat doon.

"Lexine, please be my girlfriend."

Nagtilian ng ubod ng lakas ang mga babae sa paligid na halos magiba na ang buong headquarters. Samantalang si Lexine ay napako sa kinatatayuan at kasing pula na ng kamatis ang buong mukha.

"M-miguel…"

Lumapit si Miguel at hinawakan ang dalawa niyang kamay, "Lexine, just give me a chance and I'll promise that I'll cherish you with all my heart."

Sa kabilang sulok ay humahagulgol na si Makimoto na nakaubos na ng isang rolyo ng tissue, katabi nito si Camille na kilig na kilig habang nag-vivideo ng facebook live. Sa taas ng office sa second floor nakatanaw si Devorah, Eros at Miyu mula sa glass walls at maging ang mga ito ay nagulat din sa mga napanood.

Naipit ang dila ni Lexine dahil sa mga sandaling ito ay parang na-blangko ang isip niya. Pero 'di niya itatangi na lubusang nag-init ang kanyang puso sa effort na binigay ni Miguel.

"Lexine? What is your answer?" buong pag-aasam na tanong ni Miguel. Kumikinang ang mga mata nito.

Nagsigawan ang mga empleyado ng "Yes! Yes! Yes!"

Nang biglang may nabasag.

Lahat ng ulo ay pumihit sa likuran at nandoon si Elijah na nakanganga sa mga nakita, sa paanan nito ang isang vase na nabasag na dating nakapwesto sa gilid ng elevator. At sa tabi ni Elijah nakatayo at nagdidilim ang paningin ni Night na nakatitig sa kanilang dalawa.

Namayani ang matagal na katahimikan at nabuo ang mabigat na tensyon. Tila napako sa kinatatayuan si Night habang nakatitig kay Lexine at nasa mata nito ang matinding pagseselos. Nagkukuyom ng husto ang dalawa niyang kamao at nang mga sandaling iyon ay nangangati siyang manapak ng isang buong Army.

Mabilis na nagdilim ang mukha ni Miguel at inakbayan si Lexine. Nagulat si Lexine sa ginawa nito pero hinayaan na lang niya si Miguel dahil sa mga sandaling iyon ay nanghihina ang mga tuhod niya at kailangan niya ng suporta para di tuluyang matumba.

Si Elijah ang bumasag ng nakakabinging katahimikan, "Well well well… Tapos na ang palabas! Back to work everyone!" sigaw nito.

Napaungol ang mga empleyado dahil nabitin sila pero wala na silang nagawa kung 'di bumalik sa kani-kanilang cubicles at magtrabaho ulit. Naglakad palapit si Elijah na kasunod si Night at lumapit sa dalawa. Mabilis naman na bumaba mula sa second floor sila Miyu, Eros at Devorah nang makita ang pagdating ng prinsipe ng dilim.

Tila may invisible na kuryente ang lumalabas mula sa mata ni Miguel at Night nang mga sandaling iyon. Bumigat ng husto ang tensyon sa dalawang binata at isang pitik na lang ay susungaban na ang bawat isa.

Bumaba ang tingin ni Night sa kamay ni Miguel na mahigpit na nakakapit sa balikat ni Lexine, nagtigas ang bagang niya at nag-aapoy ang mata na muling tumitig kay Miguel. Hindi lang pala pananapak ang gusto niyang gawin, gusto niyang sunugin ng buhay ang lahat ng miyembro ng Armed Forces of the Philippines.

Si Miguel naman na tumaas ang sulok ng bibig at di rin nagpapatalo sa pakikipag-angasan sa lalaki.

Napalunok nang madiin si Lexine sa labis na tensyon sa paligid pero sa wakas at nagawa niyang makapagsalita, "Ano ang ginagawa niya dito?" malamig niyang tanong kay Elijah.

Doon lang naputol ang kuryente sa mga mata ng dalawang binata at lumipat ang tingin ni Night kay Lexine pero nanatili si Lexine na nakatingin kay Elijah.

Napakamot ng ulo si Elijah, "Mabuti pa, sa office tayo mag-usap-usap lahat."

TEAM CAP! MAG-INGAY!!!

BWAHAHAHA!

AnjGeecreators' thoughts
Bab berikutnya