webnovel

Pearls

"HOW ARE YOU Ansell?" masiglang bungad ni Lexine pagkasagot niya ng facetime. Gabi na sa Pilipinas pero mataas ang araw sa kabilang panig ng mundo kung nasaan si Ansell, "How's New york, concrete jungles where dreams are made of?"

Sabay silang nagtawanan ng kaibigan, "Apparently, my dreams are not here but there in the Philippines. It's quite fun in here though. There's a lot of things to do and a lot of good food to try. But damn, sobrang lamig, I missed the warm weather dyan sa Pinas."

Binuhat ni Lexine ang Macbook laptop at nagtungo sa kusina upang kumuha ng wine sa fridge, "Ang weather lang ba ang namimiss mo?" aniya nakanguso.

Lumaki ang ngiti ni Ansell at kinamot ang likod ng ulo, "Of course I missed you baby, I wish you were here with me. Ang dami natin pwedeng mapuntahan. I'm sure you would love the Times Square."

Nagsalin si Lexine ng wine sa baso at sumandal sa lababo at bumuntonghininga, "How I wish I could fly there and be with you. Everything here is so stressful," umikot ang mata niya sabay sumimsim ng wine.

"Lexi, you need to take a break. Bakit hindi mo na lang ibigay muna kela Elijah ang mga trabaho sa Moonhunters. I'm sure they can handle it."

Binitbit ni Lexine ang baso ng wine at lumipat sa labas ng balcony saka umupo sa couch,"You know I can't do that Ansell. Marami pa akong kailangan tapusin na mission."

Ngumuso si Ansell, "Puro ka na lang mission, wala ka ng social life. Baka maaga kang maging member ng tita's of Manila sa pagiging hardworking mo."

Ang lakas ng tawa ni Lexine," Gago! Anong tita ka dyan!" muli siyang sumimsim ng wine, "Speaking of tita, how's tita Aileen?"

"Mom is okay, busy din naman siya everyday next week na kasi ang launching ng new clothing line niya kaya abala sila sa pag-prepare ng fashion show," paliwanag nito.

More than a month ago na ang lumipas mula nang magtungo si Ansell sa New York upang magbakasyon at bisitahin ang kanyang mommy na isang fashion designer. Ilang taon na rin simula nang huling magkita ang mag-ina since may ibang pamilya na ang mommy niya at nakapag-asawa ng isang British businessman.

"By the way Lexi, pag-uwi ko, I have something I need to tell you," biglang sumeryoso ang mukha ni Ansell.

Napakunot ang noo ni Lexine, "Bakit hindi na lang dito?"

Nagkamot ng ulo si Ansell at umiwas ng tingin sa camera, "It has to be in person."

Di tuloy maiwasan ma-curious ni Lexine, "Okay, I'll wait for you. Miss na miss ko na ang kalokohan mo," aniya sabay tawa.

Malumanay na tumingin ang mga mata ni Ansell sa kanya, "I missed you so much too."

Tumingin si Lexine sa oras at nakitang pasado alas dose na ng madaling araw, "Sige na Ansell, I have to sleep. Marami pa akong gagawin bukas. Mag-ingat ka dyan and say my regards to tita Aileen and tito Tristan."

"Okay. Goodnight baby," ngumiti si Ansell.

"Goodnight…" gumanti ng huling ngiti si Lexine bago pinatay ang tawag.

Pag-closed ni Ansell ng application ay bumungad sa kanya wallpaper sa laptop na picture nila ni Lexine na kuha sa Famas Award. Mainam na pinagmasdan niya ang nakangiting mukha ng dalaga suot ang ballet uniform nito at nakaharap sa camera. Nakaakbay naman siya kay Lexine habang nakatingin sa babae.

Kung titignan siguro ng ordinaryong mata, kuha lang ito ng isang babae at lalaki na matalik na magkaibigan. Pero kung pagmamasdan mabuti, makikita sa mga mata ni Ansell ang labis na pagmamahal na nararamdaman habang nakatitig kay Lexine.

Sa tabi ng laptop nakapatong ang isang maliit na kahon na may tatak ng Tiffany and Co. Dinampot niya ito at binuksan. Isang pares ng Tiffany Victoria earrings ang laman nito. Makintab ang 7.5 mm platinum with freshwater cultured pearls at flower design na 36 carats marquise diamonds.

Binili niya ito sa halagang 4,500 dollars noong isang lingo nang madaan siya sa mall. Sa halos mahigit isang buwan niyang pamamalagi sa New York, finally at nabuo ang isang desisyon na ang tagal na dapat niyang ginawa. Pag-uwi niya ng Pilipinas ay magtatapat na siya kay Lexine. Now that Night is out of the picture, mas lumakas na ang loob niya na sabihin ang totoong feelings sa kaibigan.

Napangiti si Ansell habang pinagmamasdan ang mamahaling alahas. He can't wait to come back home.

Hey cupcakes! handa na ba kayo sa isa na namang exciting at nakakalokang chapters!

handa na ba ang mga puso niya besh! Hahaha! hold on your seats!

Ito na ang inaabangang muling paghaharap ni Night at Lexine...

Excited na si author! Enjooooooy

AnjGeecreators' thoughts
Bab berikutnya