webnovel

The truth

HINDI lubos maisip ni Lexine kung paano nagawa ni Night at Devorah na pagtaksilan sila ni Eros. A big part of her still wanted to believe everything is a lie, but what she heard and saw pulled her back again to the endless pain, drowning her mind in the realm of questions. What had she done wrong?

"Cael… hindi pa ba ako sapat? May mali ba sa akin? Nagkulang ba ako?" kasabay nang sunod-sunod niyang tanong ang nag-uunahang mga luha na tumatakas sa kanyang mata.

Kanina pa siya umiiyak at magang-maga na ang ilong at mata niya pero hindi nagpapaawat ang sakit na tila isang lamok na paulit-ulit na kumakagat sa kanya at nag-iiwan ng makakating marka.

Pinunasan ni Cael ang magkabila niyang pisngi gamit ang dalawang hintuturo at pinakatitigan siyang mabuti, "Alexine, kahit kailan ay hindi ka nagkulang. Huwag mong isipin na may mali sa'yo. Alam kong wala akong karapatan na magsalita tungkol sa relasyon niyo ng Tagasundo, ngunit, naniniwala ako na may dahilan ang lahat. Magpakatatag ka lang. Alam kong malakas ka at walang pagsubok sa mundo na hindi mo kakayanin."

"Salamat Cael at nandito ka."

"Pero may nais kumausap sa'yo at sa palagay ko kailangan mo rin siya."

Nagtatakang tumingin si Lexine sa katabi. Tipid na ngumiti si Cael at hinalikan siya sa noo, "Paalam Alexine, palagi mong tatandaan na nandito ako para sa'yo, tawagin mo lang ang pangalan ko at darating agad ako," ito ang huling sinabi ni Cael bago biglang natumba ang ulo nito sa balikat niya.

"C-cael?" niyugyog ni Lexine ang lalaki.

Ilang sandali pa at umungol ito bago dahan-dahang nag-angat ng ulo.

"Lexi?" tila bumangon sa malalim na pagtulog si Ansell. Nilubayan na ni Cael ang katawan nito.

Lalong naiyak si Lexine nang makita ang kanyang bestfriend. Tuluyan siyang humagulgol sa mga bisig nito.

"Hush… I'm here… just let it out…" marahang hinaplos ni Ansell ang buhok ni Lexine na tila batang pinapatahan sa pag-iyak. Sa iilang beses na ginamit ni Cael ang katawan niya, natutunan na niyang kontrolin ang kanyang isip. Nagagawa na niyang marinig ang mga nangyayari habang nasa katawan niya si Cael. Kung kaya naman alam niya kung bakit umiiyak ngayon si Lexine.

"Ansell… ang sakit-sakit… mahal na mahal ko si Night, kahit niloko niya ako," mas humigpit ang yakap ni Lexine sa lalaki habang patuloy sa paninikip ang kanyang dibdib.

"Hush… you don't deserve him Lexine, you deserve someone better, someone that will never make you cry," may pait sa boses ni Ansell. Higit siyang nahihirapan na makitang nasasaktan si Lexine.

Siniksik ni Lexine ang mukha sa leeg nito, "But I still love him Ansell…"

Hinawakan ni Ansell sa magkabilang balikat si Lexine at tinitigan itong mabuti, "Lexine…"

Gusto niyang sabihin na kalimutan na nito si Night, na nandito siya para sa kanya. Na hinding hindi niya ito lolokohin dahil mamahalin niya si Lexine habangbuhay katulad nang pagmamahal niya mula noon hanggang ngayon.

"Alam ko tanga ako, martyr, stupid, sabihin mo ng baliw ako pero mahal na mahal ko siya, Ansell…"

Hindi napigilan ni Ansell na mainis sa mga narinig, "Lexine do you hear yourself? This is not you! You're a strong woman. You never depended your life in any man, how can you say those words?"

"But I love him so much…"

"Even though he cheated on you?"

Natigilan si Lexine. Hindi na niya alam kung ano ang dapat isipin, papatawarin niya ba si Night? Paano kung pagsubok lang ito sa kanila? Lahat naman ng lalaki natutukso minsan hindi ba?

Pero hindi, she doesn't deserve someone who is not trustworthy. Paano kung hindi lang ito ang unang beses at lokohin siya ulit ni Night? Can she bear everything? Para sa pagmamahal magpapakatanga ba siya?

O mas pipiliin niya ang sarili niya because she knows her value and she knows what's right for her.

"Baka… baka… test lang sa relationship namin ito."

Ansell can't believe what he heard. Sa inis niya ay yinugyog niya ang balikat ni Lexine.

"Are you out of your mind? Bakit ka magpapaka-gaga sa manloloko?!" sumigaw na siya dahil hindi na niya kayang manahimik, "Lexine, tangina naman ginago ka na mahal mo pa rin?"

Sinaksak ang puso ni Lexine sa mga salita nito, tumagos hanggang buto niya.

Magsasalita sana siya nang biglang may tumawag sa pangalan niya. Sabay silang napalingon ni Ansell at natagpuan nila si Miyu na tumatakbo palapit sa kanila.

Tinext niya ito kanina.

"Oh my God, what happened to you?" nag-aalalang tanong ni Miyu nang makalapit sa kanila.

Kinuwento ni Lexine ang mga nangyari. Namumula na sa galit si Miyu na tila bubuga ng apoy anumang sandali.

"Sinasabi ko na nga ba eh! May babae ang hayop na manlolokong 'yon!" nangagalaiti siya sa galit, "Naku! Pagbubuhulin ko ang bituka nila ni Devorah!"

Patuloy na umiyak buong gabi si Lexine at walang magawa ang dalawa para patahanin siya.

***

NAHINTO sa pagwawala ng mga gamit si Night nang bigla siyang nakaramdam nang matinding paninikip ng dibdib. Ang mga sigaw niya ay tuluyang naging hiyaw sa labis na sakit.

"Arrrghhhh!" natumba siya sa sahig.

Nabahala agad si Devorah nang makita ang nangyari at mabilis na dinaluhan si Night, kanina bago sila nakita ni Lexine ay inatake na si Night kaya kinailangan nilang gumawa ng ritual upang ibsan ang nararamdaman nitong sakit pero habang tumatagal tila wala nang epekto ang mga proteksyon na binigay niya kay Night.

"Arghhhhh!" humiga si Night at namilipit sa labis na kirot. Mabilis na lumabas ang mga itim na ugat sa balat nito at gumapang sa buong katawan. Mas madami at mas malalaki ang mga ito kumpara sa dati.

"Night!" iyak ni Devorah.

Patuloy sa pag-sigaw sa sakit si Night. Natatarantang kinuha ni Devorah ang cellphone sa kwarto at tinawagan si Eros.

"Eros! Si Night, mas lumalala na ang nangyayari sa kanya, please go home now!"

"Okay! I'm coming!"

"Arrrrrrrrrrrrrrghhhhhhhhhhh!!!!" namimilipit na si Night sa hapdi. Puro itim na ang kanyang mata habang tila nababali ang mga buto niya sa katawan kasabay nang matinding paghihirap na nararamdaman.

"What the fuck? Ano'ng nangyayari?" nagulat si Elijah pagpasok niya sa loob ng presidential suite. Bukod sa napakagulo ng buong sala mas nagimbal siya sa nakitang nangyayari kay Night.

Umiiyak si Devorah, "Elijah…"

Natatarantang lumapit si Elijah na hindi rin alam kung ano ang gagawin. Patuloy na namimilipit si Night habang umiikot sa buong silid ang mga hiyaw nito.

Hindi nagtagal at dumating na si Eros. Mabilis na gumawa ng orasyon si Eros upang labanan kung anuman ang nangyayari kay Night ngunit, sa kasamaang palad ay tila hindi ito umeepekto.

Patuloy sa pag-iyak si Devorah habang hinawakan ni Elijah si Night dahil nagwawala na ito sa labis na sakit. Patuloy pa rin sa pagbigkas ng orasyon si Eros na umaasang may magagawa siya upang matulungan ang kaibigan nila.

"Arrrrrrrrghhhhhhhhhhhhhh!"

Panay ang iling ni Devorah at dahan-dahang humakbang palayo, "I'm sorry Night… I'm sorry…" walang pagdadalawang isip na hinakbang niya ang mga paa palabas ng silid.

Tinawag siya ni Elijah pero hindi na siya muling lumingon. Alam niyang nangako siya kay Night pero hindi na kaya nang kunsensya niya na itago pa ang lahat lalo na at mas lumalala na ang kalagayan nito. Kailangan niyang sabihin kay Lexine ang totoo.

Hey yah! We are sooooo near sa ending of book 2. Yay! Handa na ba kayo? :) Thank you to all who wrote their wonderful reviews, sa mga hindi pa nkakapag review, I hope i-regalo niyo na kay Author hehehe BTW, I already posted the english version of MBIAGR, with the same title. Maybe you could check it out also and leave your reviews... please???

JOIN OUR FAMILY!

FB GROUP: Cupcake Family PH

IG/Twitter: anjgeee_

DISCORD: https://discord.gg/sz7rHfN

AnjGeecreators' thoughts
Bab berikutnya