webnovel

Ms. Garcia

"I'M SO SORRY MS. GARCIA!"

Sa hindi na mabilang na beses ay muling humingi ng paumanhin si Lexine. Mabigat ang kanyang buntong-hininga habang namumula ang pisngi na humarap sa mga ka-grupo na pare-parehong nagtataka kung anung nangyayari sa kanya. Pang-pitong beses na kasi siyang nagkakamali. Hindi niya maperfect ang ginagawang fourette na kung tutuusin ay isa sa mga strenght skills niya. Dahil nag-trending sa internet ang video clip ng kanyang performance, tumaas ang demand ng public for another show. Kung kaya in less than six weeks ay magkakaroon sila ng second run ng "Romeo and Juliet."

Nababasa ni Lexine sa maamong mukha ng kanilang ballet mistress na kahit nagpapasensya ito'y naiinis na rin sa paulit-ulit niyang kapalpakan. "I think you need to rest, Lexi. Magpahinga ka muna," malumanay na sabi nito.

Nahihiya na binalingan niya ang mga ka-grupo. May iilan ang hindi na rin maitago ang pagkadismaya para sa kanya. Paano ba naman kase, dahil sa kapalpakan kaya kanina pa sila paulit-ulit. Napayuko siya at sumunod sa utos ni Ms. Garcia. Nanlulumo na umupo siya sa gilid ng studio at nagpunas ng pawis.

Nilapitan siya ni Charlene at marahang pinisil ang balikat niya. "Is everything alright, Lexi?"

Tipid siyang ngumiti. "Yeah, pagod lang ako lately."

"Baka naman you're overdoing yourself. `Wag ka masyadong ma-pressure. I know you're going to do well."

"Thank you, Char."

Pumalakpak si Ms. Garcia at tinawag ang lahat. "Okay girls, position!" Iniwanan na siya ni Charlene at sumama sa ibang kagrupo at ipagpatuloy ang practice.

Tahimik na lang na nanood si Lexine sa lahat. Pinanghilamos niya ang dalawang palad sa mukha. Hindi naman siya ganito. Kaya nga siya ang naging pinakamagaling na estudyante ni Ms. Garcia dahil sa talento niya. Subalit dahil sa sunud-sunud na mga kababalaghan at problemang kinakaharap ay nahihirapan tuloy siyang makapagfocus lalo na sa tuwing naalala niya ang mga pagbabanta ni Night sa kanyang buhay.

Nang matapos na ang practice ay umuwi na'ng lahat. Samantala, pinaiwan naman siya ni Ms. Garcia. Binalot ng nakabibinging katahimikan ang buong studio nang silang dalawa na lang ang naiwan roon.

Dahan-dahan niya itong nilapitan habang abala ito sa pag-aayos ng mga gamit. "Ms. Garcia."

Lumingon ito at tipid na ngumiti. Sa gulat niya'y mahigpit siya nitong hinagkan. "What is happening to you, Lexi? Alam ko na kahit `di ka nagsasabi, may mabigat kang dinadala riyan sa dibdib mo."

Naisip ni Lexine, malapit na malapit siya kay Ms. Garcia. Halos nasubaybayan na siya nitong magdalaga. Parang nakatatandang kapatid na nga ang turing niya rito. Hindi niya napigilan ang pamamasa ng mga mata. Ngayon niya lang na-realize kung gaano na nga kabigat lahat nang dinadala. Wala siyang kahit sinong mapagsabihan. Binabalot ng buong takot ang dibdib niya at heto siya na sino-solo ang lahat ng sakit.

Naalerto si Ms. Garcia sa naging reaksyon niya. "Hey, are you alright? Dear, I'm here to listen. Kung ano man ang gusto mong sabihin nandito ako at pwede kang mag-share sa `kin."

Hindi na napigilan ni Lexine ang dibdib sa tuluyang pagsabog. Natagpuan na lang niya ang sariling humahagulgol sa balikat nito.

***

SA WAKAS at nagawa ni Lexine na maglabas ng kanyang mga problema. Hindi niya alam kung bakit sa lahat ng mga kaibigan niya ay kay Ms. Garcia niya natagpuan ang sariling nagsasabi ng mga bagay na tinatago niya sa iba.

"Naniniwala po ba kayo sa mga bagay sa mundo na hindi kayang i-explain ng science o ng kahit na sino?" tanong niya sa kaharap.

Natigilan ito sa pag-inom ng cafe latte. Nagpunta sila sa malapit na coffee-shop upang makapag-usap. Kahit nawi-weirduhan sa tanong niya ay sumagot pa rin ito pagkatapos humigop ng kape. "I believe in science and I also believe in bible. But if you were to ask me about unexplainable things na posibleng meron sa mundong ito? Well... ang sagot ko ay oo, naniniwala ako."

Nagliwanag ang mukha niya. "Talaga po? Kahit tungkol sa mga bagay na imposible sa mata ng lahat, maniniwala kayo?"

Pinagmasdan ni Lexine ang kaharap. Maamo at napakaganda ng mukha ni Ms. Garcia. Para itong si Jennelyn Mercado. Makinis ang maputi nitong balat, mabilog ang mga mata nito na parang sa manika, matulis ang ilong, mataas ang cheekbones at manipis ang mga labi na madalas mapula dahil sa suot nitong bright-red lipstick. Napaka-perfect nito. Kaya nga nagtataka siya kung bakit single pa rin ito at hindi pa nag-aasawa.

"Lexine, there are a lot of possibilities in our life. Minsan mabuti rin na palawakin natin ang ating pang-unawa at pag-iisip sa mga ibang bagay sa mundo. As long na makita mismo ng mga mata ko, why not? Paniniwalaan ko," makahugang paliwanag nito.

Humigpit ang kamay ni Lexine sa hawak na coffee mug. Huminga siya nang malalim at hinanda ang sarili sa posibleng magiging reaksyon nito sa mga sasabihin niya.

Noong una iniisip niya na kakayanin niya ang lahat nang mag-isa. Ngunit masyado ng marami ang dinadala niya sa dibdib at pakiramdam ng dalaga ano man sandali ay sasabog na ito kung hindi niya pa ilalabas. Baka isang araw ay sa mental na siya pupulutin.

"What if..." Saglit pa siyang nakipagtitigan kay Ms. Garcia. Nag-aantay lang ang mga mata nito. "What if sabihin ko po na muntik na `kong mamatay noon? That this life I have now is only a second chance?"

Tila hindi naman nagulat si dalaga. "Are you talking `bout the accident that happened to you when you're sixteen? After your birthday party?"

Natural na'ng tungkol dun ang iniisip ni Ms. Garcia. Nabalita sa lahat ang pagka-comatose niya noon. Iyon din ang iniisip ng karamihan na nangyari sa kanya. Isang ordinaryong aksidente. Ayon sa lolo niya ay tinamaan siya ng ligaw na bala sa gabi ng sixteenth birthday niya habang naglalakad siya sa labas ng hotel. Itinago ni Alejandro sa lahat ang katotohanang na-kidnap siya. Nung tinanong niya kung nahuli ba ang taong pinanggalingan ng ligaw na bala ay sinabi nitong ang mga awtoridad na ang bahala roon at kalimutan na lang niya ang nangyari dahil ang mahalaga ay buhay siya.

"Hindi po basta simpleng aksidente lang ang nangyari sa `kin five years ago." Binaba niya ng husto ang neckline ng suot niyang sleeveless top. Pinakita niya ang maliit na peklat na marka ng tama ng baril. Nanlaki ang mga mata ni Ms. Garcia.

"May mga kumidnap sa `kin ng gabing `yun at nang sinubukan kong tumakas binaril ako ng isa sa mga kidnapper. I was bleeding to death that night. I was dying. But... but someone saved me. The guy. Hindi siya tao, hindi siya ordinaryong nilalang. He's powerful, he's fast, he's wearing these weird tattoos that glows. He always hide his face in a black hood and... he... k-kills people. He is evil.

"He saved me and made me live again. But there was a price. He told me that he'd come back when the time is right and now... " Nanginginig na ang mga kamay ni Lexine.

Pinatong ni Ms. Garcia ang dalawang palad nito sa ibabaw ng kamay niya upang pigilan ang panginginig niyon. Nasa mukha nito ang labis na pag-aalala. "And now what, Lexi? Don't be afraid, tell me, I'm listening."

Humugot siya ng malalim na hangin at nagpatuloy. "Now he's back to get that price... and that price... is me." Tuluyan nang bumagsak ang mabibigat niyang luha.

Napatakip ng bibig si Ms. Garcia. Nababahala ang itsura nito habang panay ang pag-iling. Hindi niya sigurado kung naniniwala ba ang babae o baka natatakot dahil kung ano-ano ng kabaliwan ang nangyayari sa kanya. Humagulgol na lang si Lexine hanggang sa maubos lahat ng luha na mayroon siya.

HEY YAH FOLKS! It’s me again AnjGee!!!

First of all happy 50k reads for MBIAGR!!! Yeaaah you are all awesome. I didn’t expect na magiging mainit ang pagtangap ng mga webnovel readers (thats you guys!) sa istoryang ito. Kinikilig ako! Let’s go for 100k reads!!!

ANNOUNCEMENT : Dahil love ko kayo! Updates schedule would be twice a week every wed and sat!

JOIN OUR FAMILY!

FB GROUP: Cupcake Family PH

PS: please don’t forget to vote, power stones , comments and reviews! SALAMAT!!!!

AnjGeecreators' thoughts
Bab berikutnya