webnovel

Chapter 10

Edward's POV

Maaga akong nagising kahit Sunday. I don't know, pero gusto kong samahan si Maymay sa practice nya today, I overheard them last Friday na today will be her final rehearsal.

Nagprepare ako, ready na ako. I was about to go to her house nakita kong may tumigil na sasakyan sa tapat ng bahay nila. I stopped, dito lang muna ako sa may pinto ng bahay ko.

I saw Donny, si Donny? Bakit ang aga nya? Don't tell me...

Nakita kong nakita nya ako.

'I want to talk to you Donny.'

Hindi ko alam yung nararamdaman ko.

'Bakit si Donny ang kailangan sumundo sayo May? Hindi ba dapat ako yung kasama mo sa mga ganitong ganap sa buhay mo? Mas magiging confident ka kasi ako ang kasama mo. Dahil ako yung... B-Best fr.. Friend mo.'

I cleared my thoughts, I saw Donny looking at me kaya lumapit na ako sa kanya.

"Morning bro." he greeted me ng makalapit ako sa kanya.

"Morning.. Ang aga mo yata today?" nag apir din naman sya saken

"Ah yes, Maymay has her final rehearsal kaya maaga ko sya sunduin" sagot ni Donny. So I was right, he's here for the rehearsal. Hindi man lang naisip ni Maymay na isama din ako?

"Ah**clears throat**, how serious are you kay Maymay?" seryoso ang tono ng boses ko. Hindi ko alam kung bakit ba ako nagkakaganito.

"I'm dead serious bro." nag-smile sya looking away from me. Parang nagiimagine. Ano bang tumatakbo sa utak nito.

"Ngayon lang yata ako tinamaan ng ganito pagdating sa babae." he added

"But you're too young to say that" young? We're 19 years old and hindi na yun young. What's happening to me!

"Hindi naman ako nagmamadali to be his man" he looked at me.

"Makita ko lang sya everyday na masaya satisfied na ako, maparamdam ko lang sa kanya how I feel for her, solve na." tumingin ulit sya sa malayo.

"Bonus na nga lang yata kapag sinagot nya ako ng maaga." he smiled looking at me.

Bakit parang may iba akong nararamdaman? Bakit parang nasasaktan ako?

Best friend lang ako, bakit ganito?

"Huwag mo lang syang sasaktan Donny. Ayokong makita syang masasaktan lang." I looked at him and left. Para akong batang inagawan ng kendi, sa nararamdaman ko. Bumalik ako sa may pintuan ng bahay namin.

I saw them leave, tumalikod ako, bakit ang init ng mga mukha ko?

What Am I feeling?

I need to do something. Hindi to pwede! This is wrong!

*******

"Ano bang problema mo Bai?", tinanong ako ni Yong.

Kinontak ko sila ni Christian at Marco dahil naguguluhan ako. Pero hindi ko naman masabi sa kanila yung totoo.

"Naguguluhan ako bros" yun lang ang nasabi ko. Nasa coffee shop kami malapit sa isang mall mga ala una ng hapon yun.

"Liligawan mo ba sya?" Christian asked me. Napaisip ako. 'Alam ba nila?'

"Hindi pa bro, hindi ko alam paano magsasabi and I dont know anong mangyayari." sagot ko.

"Alam mo bai, feeling ko gusto ka din naman nya eh", nagulat ako sa narinig kong sinabi ni Yong.

"Talaga?" hindi ko alam if matutuwa ako o ano.

"Napapansin ko din yun Edward, gusto ka din ni Heaven" sabi ni Marco.

"Si Heaven?" nagulat ako. Parang hindi yun ang inaasahan ko. Pero sino pa nga ba ang iisipin nila? Ano pa bang dapat kong maramdaman?

"Oo, kaya kung sakaling magsabi kang liligawan mo sya, may pag asa ka dun bro." sabi ni Christian.

"Kung gusto mo at para sigurado ka magpatulong ka kay Maymay", sabi ni Yong.

I felt something inside me when I heard her name.

"Wag na si May", sabi ni Christian. "Baka hindi ka nya matulungan kasi hindi ba medyo busy sya ngayon?"

Busy ba si Maymay?

"Oo busy nga sya, coz if not sya dapat ang kausap mo bro hindi kami", natatawang sabi ni Marco

Alam kasi nila na si Maymay ang hingahan ko when I'm not okay.

"Malaki ang pagasa mo kay Heaven bai. Ang pogi mong yan!" tumawa si Yong at sumunod ang dalawa pa.

Baka nga kaya ko lang to nararamdaman dahil nasanay akong ako lang ang laging kasama ni Maymay. At si Heaven ang gusto ko, alam ko yun.

"Bros, help me.", siguro nga yun lang yun.

"Tulungan nyo akong magsabi kay Heaven"

"Yun!" sabay silang tatlo. Natuwa sila, ganun din ako. Alam kong tutulungan nila ako dahil alam kong mahal nila ako.

"CR lang muna ako bago tayo pumunta sa mall" sabi ko

****************

Please follow and vote for my story

Bab berikutnya