webnovel

Chapter 820 How can I fight Sean

@International_Pen

((( RYMALENE )))

"masakit?! Pero mas lalo kang masasaktan dahil totoo ang sinasabi ko sayo  na may nangyari sa amin ni Sean!"

"Hindi!" napailing niyang sabi…" Hindi Rymalene…" saka tumulo ang kanyang luha ulit. Parang aatras na naman siya… kagaya noong bata pa lang kami… na labis siyang tinutukso… pero ako itong nagsabi sa kanya na lumaban siya.

Sena… wag kang ganito. Lumaban ka sa akin.

Kahit ganto nga ako na may gustong makuha sayo… alam ng sarili ko… na kaibigan parin kita. May mga bagay lang talaga na kailangan di tayo magkasundo…

Aalis na sana siya..

Nang bigla ko siyang hinarangan.

Baliw na ata ako…

Di ko alam ang pipiliin ko… ang pagkakaibigan ba namin ni Sena… O ang lalaking gusto kong makuha sa kanya.

Okey lang na maghati kami diba?

Since magkaibigan lang naman kami?

Bab Terkunci

Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com

Bab berikutnya