@International_Pen
((( Sean )))
"Master Sean."
"Leave me Alone!"
Saka umalingawngaw sa loob ng silid ang sigaw kong yun. Muli kong ipinikit ang mga mata ko. I just don't know what to do… I'm trash now.
((( SENA )))
Di ko namalayan nakatulog na lang ako ng dahil sa kisame ng silid kong to. Komportable dahil nasa paligid lang si Cecile, kung may masama man na mangyari tiyak na gigisingin niya ako.
Sa pag-gising ko… wala ka talagang maririnig kundi ang tinig ng kalikasan…
Kaya masaya akong bumangon.
"Miss Sena, hinihintay ka na nila sa hapag kainan."
Nila?
Ah yung nanay ni Sean. Na abot sa Mars ang pagiging kontra bida sa katayuan ko. Kala naman niya pumupulupot lang ako sa anak niya dahil sa kapangyarihan nito. Nakakainis na rin. Dapat nga ngayon nag-aalala na ako sa anak niya… anong klaseng ina ba siya… pinipigilan yung imbitasyon ng ama ni Sean.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com