@International_Pen
((( SEAN )))
Di makatitig sa akin ang matandang matagal ko nang hinihintay na magsasalita tungkol sa nawawala kong ama.
Nanginginig magsalita tungkol sa duwag kong ama… lalo na sa aking harapan.
"Di-di ka nga nagkakalayo sa kanya." Amin nito sa akin.
"Asaan siya…"
"Matagal na akong lumayo sa pamilyang Madrid.. at lahat nga ng kayamanan na nakuha ko, hinubad ko lahat, para lang manirahan ng tahimik. Pero sadyang hinahabol ako ng poot ng pamilya niyo."
Kung ganoon hindi katamaran ang dahilan ng nakikita kong paghihirap sa buhay nila… kundi tungkol nga sa pamilya namin.
"Wag kayong mag-alaala, ligtas ang mga anak niyo kay Master Sean." Sabat ng isa sa abogado ko.
Napaluha ito.
"Kung ganoon wala nga akong magagawa kundi sabihin ang lahat ng nalalaman ko."
"That's the only option you have."
Napatitig sa mata ko na alam niya may mangyayaring masama sa kanyang mga anak kung hindi ito magsasalita.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com