@International_Pen
((( SENA )))
Nang tumayo ako at itinulak na si Sean. Na medyo di inaasahan ni Sean. Kaya babagsak sana si Sean… pero nabalanse niya katawan niya. Lumapit ako kay Leo.
"Tumayo ka na dyan. Wag ka makinig sa demonyong kapatid ni Elaine… pero di mo ba alam na parang mas demonyo pa si Elaine… kaysa boss mo?" Lahad ko ng kamay ko… at napa-angat nga ang paningin ni Leo… ngunit muling napayuko dahi… paglingon ko sa likuran. Pinangdilatan ni Sean si Leo.
Di naman ganito kaprotektive si kuya sa akin ah. Porque ba naninibago si Sean sa nalaman niyang may kapatid siya? At nagbasa ata ng Article na paraan para maging cool na kapatid sa nakakabata.
" Ganto kasi Leo… bata pa si Elaine… saka ilang taon ka na ba?"
"Twenty-three po." Sagot ni Leo sa akin. Matanda pa ako ng apat na taon. Hehehe… at si Elaine… labing limang taon gulang pa lang… pero di na innosente ang pag-iisip. Alam ba yun ni Leo?
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com