@International_Pen
((( SENA )))
Nang hilain niya ang kamay ko pabalik.
"gutom na ako Sean… dahil sa mga binangit ko kanina. May tira pa ba?" Usapang nilalayo ko talaga sa nangyari kanina… na sa totoo lang… nakakahiya ako.
Kumagat ka Sean.
Oo na.. alam kong ganyan ang mata mo! Ayaw na paawat! Kapag ako nagalit na naman! Sasabunutan ko yang mga pilikmata mo!
Pinandilatan ko na din ng mata, ako magpapatalo ngayong pasko sa kanya. Duh! Sa mahal niya ako… wala naman siyang magagawa laban sa akin.
Nang bigla na lang siya ngumiti sa akin. Ako yung parang nahulog sa malalim na balon. Dahil wala na akong ihaharap na mukha kapag ganito siya kagwapo. Ako ata ang matutunaw ng dis-oras… Asawa ko ba talaga siya? Siya ba talaga ang ama ng dinadala ko? Anong ginawa namin para mabuntis ako? Napalunok laway ako.
"You don't know how crazy you are, don't you?" saka niya pinisil ilong ko… at mabilisan akong binuhat na parang bagong kasal.
"Sean…"
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com