((( SENA )))
Heto na yung hinihintay ko… Peace Be with you na… sinadya ko talaga na tignan yung dalawa. At parang ako talaga yung maiiyak ng magyakapan sila ni Luis at Sean. Tapik tapik din sa balikat ni Sean si Luis… at sa akin na walang boses na sinabi ni Luis yung salitang … Thank you.
Napatango na lamang ako nga…
"Merry Christmas Brother." Si Luis.
"Merry Christmas."
Haist. Sarap magkaroon ng kapatid. Kahit mga bully din sila minsan. Di ko nga ata na-experience yung binubully ako ng kapatid ko pagdating sa kasintahan ko. Kasi nga po shinortcut ni Sean ang tungkol sa aming dalawa. Walang hatid sundo para macritics ni Kuya Josh. Sasabihin na…
"Yan ang kasintahan mo? Hahaha… mas gwapo pa ako Sena."
Hahaha… matatawa talaga ako kapag sinabi ni Kuya yan. Ang layo kaya nila ni Sean. Nga pala Kuya, see yah mamaya… Merry Christmas.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com