@International_Pen
((( SENA )))
Tipong binabantayan ko wala naman talagang sakit. Inaantok tuloy ako at ang kabang baka sa pintong yan pumasok na lamang ang taong ayoko makita. Tsk. Wag naman sana talaga. Di nga nagtagal may kumatok…
Nagkatitigan kami ni Elaine. Yung dibdib ko… para nang drum na punupokpok sa kaba. Dahil sa totoo lang kung si Sean yan… dipa akong hanada na harapin siya. Siguro Baby, kunyari may LBM na lang tayo sa banyo… kung si Sean nga.
Ngumisi si Elaine.
"Heto ang una kong pagkakataon na may bumisita sa akin Ate Sena. Ahahaha… Bakit natatakot ka?" Pilyong tanong niya dahal nakahanda na talaga akong pumasok ng banyo kapag si Sean nga. Napapunta na siya sa pinto… At ako pahawak ng door knob… Nang…
"Inatake ka na naman ba?!" yun ang bumugad na boses na waring nag-aalala.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com