webnovel

Chapter 506 Simple Wish

@International_Pen

((( SENA )))

Dahil wala namang mata na nakamasid sa aming dalawa ni Elaine, at parang ordinaryong tao lang kaming lumabas ng elevator na di man lang napansin… Yun nakalabas kami sa kulungan at malayang-malaya na gawin ang mga ordinaryong ginagawa ng ordinaryong tao. Nakakamiss din.

Walang Sean… walang magsusungit. At higit sa lahat, ako itong matanda kay Elaine, kaya dapat lang na maging responsible ako sa kanya. Wala kang kaibigan Elaine? Pakita ko sayo kung ano nga ang merong may mapagkakatiwalaang kaibigan.

Sumalubong sa tenga ko ang busina ng nagmamadaling ambulansya. Gaya ng dati napaka-abala ng mga tao sa kalsada. May kanya-kanyang pupuntahan na di man lang akong nakikitang kinakausap yung mga kasabay. Hahaha, ano ka baliw para kausapin ang di mo naman kilala. Ano ba itong pinag-iisip ko.

"Ate Sena, gusto kong sumakay dyan." Turo ni Elaine sa jeep na naghihintay ng mga pasahero. Nanlaki mata ko? Eh… di ako makapaniwala eh.

Bab Terkunci

Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com

Bab berikutnya