@ International_Pen
((( SEAN )))
Agad kong hinablot ang payong na hawak ng tauhan ko para lumusong sa ulan. Tumakbo ako… ngunit natigilan ako dahil…
Tama ba itong nakikita ko…
" Ano! Sige pa! Kunulog ka pa! Kala mo natatakot ako sayo! Wala kang kwenta sa buhay ko! Bakit kita kakatakutan!"
Si Sena… basing basa na sa ulan… at matapang na hinaharap ang phobia niyang to.
"Di mo na ako matatakot! Sawang-sawa na ako masaktan! Bakit paborito ninyo akong saktan! Anong ginawa ko sa inyo! Ano!"
Gusto ko siyang lapitan… Yakapin at siguraduhin na maayos lang ang lahat. Ngunit may pumipigil sa aking mga paa… para hakbangin ang distansya namin.
"Kala niyo kasi di ako nasasaktan! Kala niyo, di ko kayang magalit! Ano! Masaya kayong pinaglalaruan ako ng ganito! Masakit!..."
Napaluhod siya… at tuluyan na ngang umiyak…
Napalunok ako… saka tuluyang nilapitan siya.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com