@ International_Pen
((( SENA )))
Siya na itong nagrerelaks! Ako na itong tensionable. Gusto lang ata niya magbabad, isinama pa ako. Ano ako dito isa sa mga petals na palutang lutang… tsk. Kaasar. Magbabad siya kung gusto niya… Shower na lang ako… pwede naman yun diba?
Nang tatayo na sana ako… yung paa ko di ko maiahon dahil inipit pala ito ni Sean…. Ng kanyang binti. Hehehe… kaya naman napamulat siya na parang bampira ang effect o gagamba na narinig na may nasilo siyang pagkain. Tipong lalabas yung pangil… charot… kakapanuod ko to ng twilight. Haist… Pilit kong pinakawalan ngiti ko… hehehe… pangiti-ngiti lang… saka nga naupo ulit. Peace Sean, balik ka na sa pagmo-moment mo. Yun nga, ulit na pumikit siya… lintik na binti yan. Tsk! Sarap manipa eh, lalo na yung gitna niya ng magising naman sa katotohanan na di ko trip itong ginagawa niya.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com