@ International_Pen
((( Josh )))
Ngumisi lamang si Master Luis, sa kinalala niyang Ina sa loob ng ilang taon. Halata naman na hindi na si Master Luis ang kaharap namin ngayon. Sana man lang kahit ako binago nila para naman di ako outcast dito. Tsk. Talagang gusto ko nang sungaban ang kayabangan na nangyaring pagbabago sa boss ko. Sakalin siya… sampalin ng ilang beses at upakan para magising na hinding hindi siya ganito. Galing naman ng mga demonyong nasa likuran ng Madrid.
Kala ko talaga, magpapari na lamang si Master Luis, pagkatapos buwagin ang Madrid Empire. Halata sa pagkatao niya na mas gugustuhan niya na manahimik at magkaroon ng oras na pagmasdan ang mga taong namumuhay sa mundong ito. Yun ang dating Master Luis. Pero ngayon, kaharap ko… ang nakikita ko sa kanya… siya itong mangunguna na lalong paglaruan ang buhay ng mga tao. Sila yung gugulo, makikipaglaro at higit sa lahat maninira ng pagkatao.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com