@ International_Pen
Bigla akong natahimik sa sasakyan... nakakaramdam ako ng hilo... at panghihina... Yung Mangga ba ito?...
Hala...
Pero... wag naman sana...
" Miss Sena?"
Napaharap ako kay Cecile... halata ata ang pananahimik ko sa loob ng sasakyan.
" Uuwi na ba tayo?"
Uuwi? Napailing ako... kailangan ko magpatingin muna...
" Daan muna tayo sa Simbahan Cecile... Saka... last stop natin, sa hospital."
Inutusan naman ni Cecile yung driver na ihatid kami sa malapit na simbahan.
Oo, iba na talaga tong nararamdaman ko... Nanginginig ako... dahil ba sa aircon ng Sasakyan? Di naman sa nilalamig ako... nanginginig. Saka maalab yung tiyan ko.
Napahawak ako sa tiyan ko...
Baby Sean... Anong ginawa natin?...
Tumigil nga kami sa may Parking Area ng Simbahan... Kung ano man tong nararamdaman ko... sana di madamay ang Baby Sean ko... na di pa alam ni Sean na andito na siya... kundi... patay talaga ako...
Hawak lang Baby... Wag mong susukuan si Mama.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com