((( SENA )))
Ang ganda ng buhay Probinsya! Alas kwatro pa lang ng umaga bumangon na ako. Yap, bakit bawal ba? Eh sabi kasi sa Tip of Happiness dapat before magising si Sun, ikaw muna ang mauna sa kanya!
Healthy and happy lifestyle tayo ngayon.
Kuha ako ng preskong hangang knee length na short at maluwag na White T-Shirt. Tali ng hair, smile sa salamin, Good Morning my lovable Me! Fighting!
Paglabas ko sa kwarto ko, gising na si Manong Ardo saka Aling Tesa. Kita ko kasi sa labas, bukas na yung kusina, bahay kasing to, parang chinesse structure, yung kusina putol sa kabuhuan ng bahay.
Pagbukas ko ng Pinto. Aba hindi lang pala ako at ang mag-asawa yung gising pati yung tuta... Yun talon ng talon, kaya naman kinuha ko siya na parang baby... Habang palapit kina Manong, napansin ko na...
Walang tigil na timitilaok yung mga manok, at parang nagsasagutan yung iba pang mga tandang na nasa malayo. Dinig ko pa ang mga crickets at langhap ang napaka sariwang hangin... ang hamog na napapayakap sa akin... Malamig, pero di gaanong malamig... Yung lamig na parang ang saya?
Niyaya nila ako mag-agahan… Kape saka Kamote… Wow, sarap ng kamote dito... Habang kumakain ako, nakikita ko na yung dilim na nag-aagawan ng kulay asul… hangang sa lumiwanag na nga yung kalangitan.
Yung mga inahing manok na sa dami ng sisiw… ang cute… Yung pabo na parang tumatahol… at napakabonga ng Pamaypay niya… At lalong lumaki ang ngiti ko dahil sa pato… as in duck… na ang cute maglakad… hahaha… yung pwet kasi at mga paa nilang mababa… tapos yung mga baby nang pato… yellowish… Ang cute… Kaya di ko na napigilan sarili ko, nanghabol na ako sa mga babies na yun. Bakit ang cucute nila. Nang bigla akong habulin ng Pabo… Huhuhu… Naka-akyat ako doon sa may babuyan… Ayaw kasing paawat. Nang may humipo ng paa ko… Letcheng baboy na to… Kaya napatalon ako pababa… at muli akong hinabol ng Pabo. Ganda naman ng exercise ko dito sa probinsya.
Hangang sa malayo na naman ako sa tinutuluyan namin. Napangiti na lang ako… Hahaha.
Ma, Pa, masaya anak niyo ngayon…
At taimtim ako nagdasal. Thank you My Almighty Father… Take care Us po… I love you so much.
Dahil nga kagabi pinagalitan ako ni Sir Josh at Boss Luis, heto may kasama na ako maglakad lakad…
Ang Tuta. Di nman ako makapag paalam kasi nga tulog pa sila. Sa excited ako lumabas, opportunity na dapat di isinasawalang bahala. ..ang daming sariwang prutas… hmmm… yoko lang ng mga gulay… Seafoods ang habol ko… ahehehe. Mayamog pa ang mga damo at halos mabasa ang puti kong tennis.
Nang makita ko sa daan may bayabas… at may bunga… at may malaking hinog! Ang dami! Pumitas ako kas grabe ang dami talaga… hangang sa namalayan ko na lang umakyat na ako sa puno.
Tahol ng tahol naman yung Tuta… Don't worry kaya ko to… share ko lang yung iba kay Tolits. Aba't ang ingay ng Tuta… Di nga ako mahuhulog… Psshhh…
Pagdating ko sa itaas… wow, ganda ng dagat… Ang sarap ng Hangin! Sobra! Whhhhhooooooooooooooooooooo! Magandang Umaga Pilipinas!
Dearest Readers,
Thank you so much!
Here what makes me happy and inspired to finished the story!
Plase Rate the Chapters for 5 Stars!
Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.
Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!
For your kindness...
Arigato!