((( SENA )))
Malayo pa ako sa School namin… Sobrang hingal…at isinuot ko na ang Blackshoes ko na bagong lapat ko pa lang ng Shoeglue…
Di ko inaasahan na napakaraming tao ang nasa labas ng gate. School namin kasi ang tanging entrance nun, di makakapasok ang sasakyan at sa labas ng campus yung mga parking Area,
karamihan kasi ng mga lalaki samin may kanya-kanyang motor… Yun ang pinagyayabang ng mga lalaki sa amin para makadami ng chicks.
Hehehe naalala ko tuloy yung Crush ko. May motor din siya, kulay Red… at yung plate nos… XH7675.
At kapag nasa school na ako niyan… hinahanap ko ang motor niya at kumpirmado na pumasok siya.
Blush na naman si ako… Sana One day maka angkas ako sa likuran niya at nakahawak sa bewang niya habang yung mukha ko nakadikit sa likuran niya at inaamoy ang kanyang pawis. Ahahahaha.
Di ako malandi, kaya nga hangang lihim na crush na lang ang peg ng Sena niyo. No relationship first. Mahirap I handle… Personality ko pa nga, nahihirapan na ako… dagdagan ko pa. Hangang pangarap ng gising na muna ako. Saka na lang… kapag nahulugan na talaga ni Crush motor niya. Ahahahha.
Wait. Bakit nga maraming tao sa labas? Di ako makaraan… Anong meron.
"Manang papasok po ako, pakiraan po."
Ay aba lalong di ako pinagbigyan. Nagsisumiksik.
Sarap itulak ng mga to! Yung domino… hahaha… nag-eenjoy ako sa Domino, yung scrabble board nga, yung mga letter pinapatayo ko yun lahat kapag recess dahil wala akong baon sa library lang ako… at yun ginagawa ko… Lahat ko naman napatayo, kaya lang ang mga umag kong kaklase sila yung nagpatumba nung una… Yung pakiramdam na nagpagod ka tapos iba yung nanginabang!
Haist kanina pang umaga ang wiwierd ng mga tao. Ay este kahapon pa. Laging may mga commotion na di mo maintindihan. Lalo na napaka weird nung mga humabol sakin, kala mo naman nawalan ng lamang loob yung bisita ng Pilipinas na yun. Haist… sino nga yun… Sean Herald. Right Google?
Buti nga nakuha ko na ID ko.
Napatitig bigla ako sa isang daang piso na Relo ko, pero ang brand Omega. Napasinghap ako… Super Late na ako… Ano ba! May exam kami ngayon!
Saka ko napansin. Hindi lang pala ako ang di makapasok, may mga studyante din na nasa gilid na lang ng likod.
Di ko sila kilala…
Pero lumapit na din ako, para itong mga chismosang ito, mapansin nila na di na kami nakakapasok ng dahil sa mga pinag gagawa nila.
" Meron kasing bisita sa loob. Mahalagang tao daw…"
Yan na naming mahalagang taong yan.
Pero natigilan ako. Hindi kaya, yung naghahabol sakin dahil sa ID ko… Oh no! Ay andito ngayin sa School… At napansin ko nga yung mga lalaking humabol sa akin nakapaligid sa school…
Tinakpan ko na yung mukha ko at tumalikod na ako sa school namin. Mag special exam na lang ako.
Anong gagawin natin Sena. Next semester OJT mo na. Oh tapos tatakas ka?
One day lang promise. Baka bukas wala nang oras yung taong yun. Kakabadtrip…
EDI SORRY NA NGA!
Saka nagmartsa na ako paalis.
Tumunog yung phone ko. Unregister number… hindi kaya…. Ayyy… no no no Sena. Pinatay ko yung phone ko at inalisan ng battery. Hmph! Baka matrace pa ako nila. Kailangan ko ba talaga mamatay ng dahil sa ID na ito? Hala ang OA ko naman.
(George)
Nasa President Office kami ng School. Ang akala nila pumunta kami dito para makipag negosyo.
"Salamat sa pagdalaw dito Mr.Herald?"
Halatang wala sa mukha ni Master Sean ang magsalita.
Ang titig niya sa akin ang nagsasabing bahala na ako makipag usap sa Presidente ng School, na isang babae na waring Ka edad lang naman ni Master Sean.
"Magbibigay kami ng donation sa School ninyo. Kapalit ng isang araw na pagiging special student saglit ni Master Sean rito. Since na di naman kilala ang mukha niya, di agad siya makikilala ng mga tao dito."
Nagulat ang Presidente. Ako kaka recover ko pa lang. Di ko alam kung ano ang pinaplano ni Master Sean. Akala ko pa naman diretso niyang papahanapin yung Babae kanina.
Di mo aakalain na 30 years old na si Master Sean. Parang 24 pa lamang ito. At kung isusuot niya ang uniforme ng school na ito siguradong bababa pa ang gulang niya. Napatango na lamang ang Presidente.
Dumating na ang bagong gawang Uniforme para sa kanya.
"Nga pala, Ms.President, gusto niya makihalubilo sa graduating Class, specially who are taking 3D Animation."
"Ya-yan ba ang gusto niya?" utal na sabi nito. "I mean, meron naman kaming ibang courses."
"Ms.President, may problema po ba?" diretsahan kong sabi.
Dearest Readers,
Thank you so much!
Here what makes me happy and inspired to finished the story!
Plase Rate the Chapters for 5 Stars!
Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.
Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!
For your kindness...
Arigato!