webnovel

LUCKY FORTY TWO

CHAPTER 42

LUCKY'S POV

Lintek na multo sa Carlisle na kinatatakutan ko ng matagal truck lang pala ng ICE! Pero infairness dahil dalawa naman kaming naka experience ni Wesley hindi narin masama atleast hindi ako nag iisa. Hahaha!

Matapos kaming mamasiyal sa Teacher's Camp dumaan narin kami sa supermarket para mamili ng sitsirya para sa movie marathon namin mamayang gabi after dinner. Nag taxi lang kami pabalik ng The Manor at nakaka aliw ang taxi nila dito walang aircon. Well, bakit kailangan pa ng aircon 'e saksakan na nga ng lamig ang buong Baguio. Medyo bitin lang ang pamamasiyal namin kaya marami kaming napagplanuhan na pasiyalan bukas after ng mga activities.

Bandang hapon tinext kami ng mga classmates namin na malapit ng mag start ang dinner. Amazing na late kami ng 15 minutes. Nakakahiya kasi nandun na lahat ng mga seniors at kami na lang yung inaantay. Nagkanya kanya na kami ng kuha ng food sa buffet table. Nag karoon din ng maiksing program at si Sir Adam ulit yung host.

"Oh ito hindi to bawal sayo beef yan." Dahan dahang nilalagyan ni Wesley ang plato ko.

"Ako na Wesley, kaya ko naman." Ngumiti lang siya bilang tugon saka itinuloy ang pagkuha ng food sa table pero paglingat niya binalik ko yung ibang nilagay niya sa tray ang dami kasi. Kumuha lang ako ng fried chicken at vegetable salad.

"Oh diet tayo seshie? Nasaan ang rice, magtatampo sayo ang mga magsasaka sa Banaue Rice Terraces kung hindi ka kakain." kuda ni Andres ng makita ang laman ng plato ko.

"Hindi kasi ako masiyadong nag ra-rice sa gabi." nahihiyang sagot ko.

"Yan ang dapat mong tularan Andi, malulugi ang catering service ng The Manor sa lakas mong lumamon." pang ookray ni Marlon.

"Tseh, tantananan niyo pag ako magutom kayong dalawa kakainin ko." pinandilatan niya kami at sabay kaming natawa ni Marlon.

"Nasaan nga pala si Ytchee?" Nagtatakang tanong ko. Inikot ko ang mata ko sa paligid.

"Nandun sa dyowa nagpapa cute. Magpapa picture lang daw." sagot ni Andi. Nakabalik na kaming lima sa upuan pero wala pa din si Ytchee sa table.

"May naisip ka na bang kanta for the competition?" bulong ni Wesley sa tabi ko habang kumakain.

"May naisip na ako pero kailangan ko pang hingiin ang opinyon nila Andi." Nakangiting tugon ko.

"Kering keri mo yan seshie ngayon pa narinig kana nilang kumanta, kabahan na sila." mayabang na sagot ni Andres.

"Alam niyo bang isa si MJ sa makaka laban mo sa singing competition?" pabulong na kwento ni Marlon. Lahat kami napako ang tingin sa kanya at nakinig.

"Weh, kumakanta yung negrang yun?" Lahat kami nagulat ng biglang sumungaw ang ulo ng Ytchee galing sa ilalim ng mesa, sa gitna mismo ni Andi at Marlon. Muntik ng sumigaw yung dalawang bakla sa gulat buti't mabilis nilang natakpan ang mga bibig nila.

"Papatayin mo ba kami sa takot?!" singhal ni Andi kay Ytchee at hinampas ito sa balikat. At natawa naman yung dalawang abnoy na magpinsan.

"Paglapit ko kasi parang ang seryoso ng pinag uusapan niyo kaya na curious ako." natatawang sagot niya. "Ituloy mo na yung sinasabi mo dali!" senyas niya kay Marlon.

"Yun nga.. ang dinig ko siya nga ang representative ng section nila." Dugtong niya sa sinabi niya kanina.

"AHHHHHH--" Sabay sabay naming tango at nagkatinginan kami ni Kenneth at nginiwian ko siya agad ng makita ko kung gaano siya kahinhin ngumuya.

"And guys, huwag niyong mamaliitin ang kakayahan ni MJ dahil ang balita ko magaling daw talaga siyang kumanta." umiiling na wika ni Marlon. Basta talaga tsismisan hindi talaga siya nagpapahuli.

"Sige sabihin nating magaling siyang kumanta.. pero pagdating sa ganda...TAOB SIYA DITO KAY GONZAGA!!! BWAHAHAHAHAHA!" Malakas na tawa ni Ytchee at nahawa narin sila.

"Baliw, hindi pagandahan ng mukha ang contest pagandahan yun ng boses!" At kinaltukan ko siya ng mahina.

"Aray! Makapanakit ah! Konyatan kaya kita sa puyo para mawala yang kagandahan mo!!" Banta niya na ikinangiti ni Kenneth ng todo.

"Basta kailangan nating mag practice mamaya pagkatapos mong kumain ses, may hinanda na kaming mga minus one ni Andi kanina." sabat ni Marlon.

"Weh? Saan kayo kumuha?" nagtatakang tanong ko at tumuwid ako ng upo.

"Nag download ako kanina habang nasa suite tayo pang back up kapag wala kang mapiling kanta." sagot ni Marlon. Kaya pala abalang abala siya sa harap ng laptop niya.

"Malamang kasing tataas naman ng mga spaceship sa outer space ang mga ipapakanta niyo!" sagot ko kay Marlon.

"TRULALU!" sabay nilang sagot.

"Kayo kaya kumanta tas ako ang tutugtog bet niyo?" Inirapan ko sila pareho.

"Bakit, may problema ba sa mga song choice nila?" si Wesley na mukhang kanina pa nagtakaka sa pinag uusapan namin.

"O-Oo lahat kasi ang mga gusto nilang kanta yung wawarakin yung vocal chords ko."

"Kaya mo naman yun for sure kaya wala tayong problema." Ngiting sagot ni Ytchee. Nalungkot ako bigla sa sinabi niya.

"May choice paba eh nakapag download na sila. Check natin mamaya kung kakayanin ng powers ko." Nakayukong sagot ko at itinuloy ulet ang naudlot na pagkaen.

"You can do it, i trust you." Biglang sabat ni Kenneth at tinapik ako sa balikat. Nag angat ako ng tingin sa kanya hindi siya nakangiti pero nakikita ko sa mata niyang naniniwala siya sa kakayahan ko.

"Well, i guess i don't have a choice." pilit ang ngiting iginanti ko.

"Bukas ng gabi punta tayo sa isang bar sa Session Road, may Live Band sila dun. Kanta ka kahit isa para maka practice ka before ng competition." pang e-engganyo ni Ytchee.

"Paano mo naman nalamang may Live Band dun aber?" Si Andi.

"Niyaya kasi ako ni Bonnie sa Session Road bukas ng gabi may nakita silang bar dun kanina sama tayo, sige na please." Pinagtakip pa yung dalawang palad at nilagay sa gitna ng noo na parang nag mamakaawa na sumama kami.

"Yan may date pala sila ng dyowa isasabit pa tayo!" talak ni Andres.

"Inggetera ka kala mo ang payat payat mo!" ayaw magpatalong sagot ni Ytchee.

"Ang tanong papayagan ba tayong makapasok dun sa bar na sinasabi mo?" sabat ko. Walang nakasagot sa kanila at nakangiti namang bumaling sa akin si Ytchee.

"Oo pwede ang sabi kasi niya Resto Bar daw yun at dinarayo raw yun ng mga turistang mahilig sa night life." Masayang kwento niya at napapasayaw pa.

"Well, if that's the case let's go tomorrow night. Magpaalam nalang tayo sa advisor niyo na hindi na tayo sasabay sa dinner tomorrow night dahil mag pa-practice tayo ng song number mo. What do you think?" Nagulat kaming lahat sa suggestion ni Kenneth. Nag thumbs up lang ako bilang pag sang ayon sa sinabi niya at sumang ayon na rin sila.

"Magandang suggestion yan. Ako ng bahalang magsabi kay Sir Adambukas, papayag yun basta may kinalaman sa competition. Kaya dapat walang madudulas sa inyo kung saan tayo pupunta kundi malilintikan tayo pare pareho." Lahat kami sumang ayon sa sinabi ni Marlon. Itinuloy namin ang pagkaen at ng matapos sabay sabay na kaming naglakad pabalik sa mga suites namin.

"Wesley, pupunta ba kayo later sa suite namin mamaya? Nuod tayo ng movie sa room namin maaga pa naman eh." Aya ni Marlon sa magpinsan.

"Okay lang ba? Kenneth, tambay muna tayo sa room nila Lucky maaga pa naman eh." aya niya sa pinsan na nananahimik sa likod niya.

"Okay lang anong movie ba ang panunuorin niyo?" Interesadong tanong niya kay Marlon.

"The Conjuring.." nakakakilabot at pabulong na sagot ni Ytchee kay Kenneth. Napakapit naman ako bigla sa braso ni Wesley.

"Mga abnormal kayo, kapag ako hindi nakatulog mamaya gigising kayong tatlo na magkakatabi sa CR." Banta ko sa kanilang tatlo.

"Tara na sayang ang oras mag pa-practice pa 'to." Aya ni Marlon habang nakaturo sa akin. Nauna na kaming apat sa suite namin para makapaglinis muna ng katawan galing sa maghapong galaan. Si Kenneth at Wersley maliligo din daw muna bago magpunta sa room namin.

"Guys mauna na ako sa CR kanina pa kasi ako tinatawag ni Uncle DORO at Untie DOROthy baka magtampo 'e." Napapangiwing paalam ni Andres sa aming tatlo at mabilis naman kaming pumayag. Mahirap na baka dito pa siya sa loobng kwarto magkalat.

"Sinong Uncle DORO at Untie DOROthy?" nagtatakang tanong ni Ytchee.

"Ay taray, merong hindi alam si Ms Google. Palakpakan natin Lucky!" at sinabayan ko ng palakpak si Marlon.

"Ano nga mga baklang 'to, anong malay ko sa lenggwahe niyo!" sigaw niya sa aming dalawa.

"Si Uncle DORO at Untie DOROthy ay ang kawawang INIDORO na uupuan ni Andi ngayon." Turo ko sa direksiyon ng CR sa kwarto. "Gets mo na?"

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa ni Marlon.

"Daming alam ng pota dipa pumanaw!" singit ni Ytchee. Umirap lang ako sa kanya.

Habang nasa CR si Andi namili muna kami nila Ytchee ng pwede kung kantahin sa laptop ni Marlon.

"Ito Lucky maganda 'to." Turo niya Ytchee sa screen ng laptop.

"Keri mo yan ses?"

"Flashlight keri lang paborito ko din si Jessie J 'e." nakangiting sagot ko.

"Or ito Against All Odds tutal ka boses mo naman si Mariah Carey. He he he!" natatawang sagot ni Marlon at saka sila tumawang dalawa. Palibahasa hindi sila ang kakanta.

"Or ito Next In Line mukhang astig 'to!" paulit ulet na turo ni Ytchee sa screen.

"OH WHOSE NEXT?" malakas na sigaw ni Andi paglabas ng CR. Nagkatinginan muna kaming tatlo at mabilis naming tinulak si Marlon habang papalapit si Andi.

"Si Marlon muna maninigarilyo muna kami ni Lucky." Mabilis na dinampot ni Ytchee yung kamay ko at hinila ako papuntang terrace.

"Pinagpawisan ako ng malamig dun ah." Natatawang sambit ko habang nagsisindi ng sigarilyo.

"Sana makalabas pa ng buhay si Marlon. Kahit kuminis man lang yung mukha niya kapag nababad sa amoy ng CR." Sabay kaming tumawa ng malakas habang binubuga ang usok ng sigarilyo.

Pagpasok namin sa loob ng suite sakto naman ang paglabas ni Marlon ng banyo. Dinuro niya kaming dalawa ni Ytchee at inaambaan kami ng suntok sa ere. Abala naman si Andres sa pag aayos ng mga pagkaen sa mini bar kaya hindi niya nakikita yung kulitan naming tatlo.

"Mauna kana Lucky, matagal akong maligo kesa sayo." Inabot niya sa akin ang bagong towel. Hindi na ako kumuha ng pamalit na damit dahil sa twing lalapit ako sa kama para kunin yung gamit ko hinahampas ako ng towel ni Marlon. Tanging undies at sabon, toothbrush at facial wash lang ang nadala ko sa loob ng banyo. Nagpatugtug ako ng malakas sa loob habang naliligo, sumayaw at kumanta sa ilalim ng mainit na shower at pagkatapos kong maligo mabilis akong nagsipilyo at nag mouthwash ng paulit ulit.

"Shit na malagket.. Wala pala akong dalang pamalit na damit." Mahinang bulong ko. Tinanggal ko yung towel na nakabalot sa buhok ko. Pinunasan ko ng maayos ang buhok ko gamit ang towel para matuyo kahit kaunti, mabilis akong nagsuot ng underwear at mahigpit na itinapis ang maliit na towel sa katawan ko. "Keri lang seksi namang tingnan 'e." Saka ko dahan dahan binuksan ang pinto palabas ng banyo.

"I'M DONE! YTCHEE YOUR NEXT!!" Malakas na sigaw ko.

"OH MAAAAAYYYYYYYGGGAAAAAAADDDDDDDDDDDD!" Malakas na sigaw ni Ytchee, Marlon at Andi paglabas ko.

"Ano ba ang iingay niyo para kayong mga timang!!" sigaw ko sa kanila at hinarangan ang dinadaanan ko.

"W-Wala wala naman masIyado, minor lang." kinakabahang sagot ni Marlon. Pauli tulet naman akong pinandidilatan ni Andres at may sinesenyas sa likod. Pagsilip ko sa likuran nilang tatlo dun ko lang napansing hindi lang pala kaming tatlo ang nasa loob ng kwarto.

'Kamote Fries!'

Magkatabing nakaupo sina Wesley at Kenneth sa kama at titig na titig sa kabuuan ko. Hiyang hiya ako sa sarili ko at hindi ko alam kung saan ako tatakbo o kung tatalon ba ako sa terrace, tatakbo palabas ng kwarto o babalik ng banyo. Nagtitigan kaming apat for a couple of seconds pero walang kumikilos sa mga kaibigan ko.

Napyuko ako at napapikit ng mariin. Pinagpapawisan ako ng malamig. Tatanggapin ko nalang wala naman akong ibang choice at wala din akong special powers para maglaho sa kwartong 'to. Pag angat ko ng tingin inisip ko na lang na kaming apat lang ang nasa loob ng kwarto. Humugot ako ng isang malalim na hininga, kalahating lakas loob at wamport na kapal ng mukha at saka ako naglakad sa harap nila.

At para ma distract ako kumanta ako ng mahina. At ang kantang ito ang pumasok sa isip ko.

Carmen Miranda - Mama Yo Quiero - Chupeta (I Want My Mama)

"Mamãe eu quero, mamãe eu quero

Mamãe eu quero mamar!

Dá a chupeta, dá a chupeta, ai, dá a chupeta

Dá a chupeta pro bebê não chorar!"

Habang kumakanta naglakad ako sa harap ni Wesley at Kenneth na parehong dilat na dilat ang mga mata habang nakatitig sa kabuuan ko. Binuksan ko ng dahan dahan ang cabinet sa tabi nila at kumuha ng damit na pamalit. Pagsara ko ng pinto ng cabinet nakita ko sa salamin ang kabuuan ko. Umikot pa ako ng bahagya para silipin kung kita ang kulay light blue na Doraemon printed na panty ko.

'Kung magpapakita ngayon yung puting liwanag sasama na talaga ako i promise!'

Pumito pito lang ako pabalik ng banyo at mabilis akong pumasok at ni lock yung pinto.

WESLEY'S POV

"What the hell just happened?" narinig kong usal ni Kenneth sa tabi ko pagkasara ng pinto ng banyo.

"I dunno know either." Natulalang sagot ko pagpasok ni Lucky sa banyo. Pinagpawisan ako.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko a couple of minutes ago. Si Lucky habang nakatapis ng maiksing towel na hapit na hapit sa katawan niya. Parang nag init bigla ang pakiramdam ko sa nakita. He's too damn hot! Malakas na sigaw ko sa isip ko. Para siyang tunay na babae sa itsura niya kanina, nakalugay ang magulo at mamasa masang buhok at ang sexy niya sa pagkakatapis ng towel sa katawan niya. It was a stunning view at nakita ko rin ang reaction dun ni Kenneth kanina. Alam kong nabigla din siya kagaya ko.

"Oh tapos na yung show, move on na tayo!" basag ni Andi sa pagkatulala namin ng pinsan ko.

"Sorry, huwag niyo nalang banggitin sa kanya yung nakita niyo. He he!" singit ni Marlon. Biglang tumunog yung door knob ng banyo kaya lahat kami napatingin ulit sa pinto.

Pinagpawisan ako ng malagkit at malamig kahit nakita ko ng nakabihis na si Lucky at nakasuot ng maiksing blue shorts at maluwag na white long sleeves na lagpas sa mga kamay niya.

"Hey, what's up?" pormal na bati niya sa amin ni Kenneth habang nagpupunas ng buhok na parang walang nangyari kani-kanina.

"Hi Lucky." Pilit na ngiting sagot ko.

"Oh magpractice na kayo habang naliligo ako tapos paglabas ko ako naman ang rarampa ng naka towel!" malakas na sambit ni Ytchee at inikot ikot sa ibabaw ng ulo yung towel.

"Mamãe eu quero, mamãe eu quero

Mamãe eu quero mamar!

Dá a chupeta, dá a chupeta, ai, dá a chupeta

Dá a chupeta pro bebê não chorar!"

"Siraulo!" Malakas na sigaw ni Lucky at bigla siyang dumapa sa kama tila nahiya. Malakas kaming nagtawanan pagpasok ni Ytchee ng banyo.

"Hey, are you okay?" natatawang tanong ko at umupo siya sa kama sa tapat namin ni Kenneth.

"Siraulong yun pinaalala pa." Nakangusong sagot niya. So dine-deadma lang pala niya yung nangyari kanina.

"Yaan muna, malala kasi yung naging aksidente niya kaya pagpasensiyahan muna." Depensa ni Andi sa kaibigan.

"Bakit ses wala ka namang dapat ikahiya dun kanina ah. Speechless nga ang audience mo kanina eh. Ha ha ha!" Si Marlon habang binubuksan yung laptop niya at saka nag peace sign kay Lucky. Yeah, I'm speechless.

"Truth seshie, kung ganyan ka seksi ang katawan ko baka pumasok ako ng Carlisle kahit naka towel lang." At malakas silang tumawa ni Marlon at nahawa din ako sa tawa nila.

"GALIT NA GALIT AKO MAMAH!" nangigigil na sagot ni Lucky kaya lalo kaming tumawa.

"Sige na huwag kana magalit kantahin mo muna 'to." At hinarap ko sa kanya yung laptop niya na may lyrics ng kanta.

"Ikaw muna mag gitara Kenneth ihahanda ko lang yung pagkaing dala niyo." Biglang inabot ni Andi kay Kenneth ang gitarang dala namin.

"M-May pagkaen?" biglang suminghot singhot si Lucky sa hangin at natawa ako sa ka-kyutan niya.

"Tss, basta pagkaen mabilis ka talaga." At idinikit ni Kenneth yung pwetan ng gitara sa ilong ni Lucky.

"Epal mo!" masungit na sagot niya kay Kenneth.

Parang may tumusok tusok na maliliit na karayum sa dibdib ko. Nahirapan akong tingnan silang dalawa sa harap ko na komportable sa isa't isa. Nakaramdam ako ng kaunting pagkailang sa nakikita ko. Hindi ko mapangalanan ang nararamdaman ko ngayon dahil sa nakikita kong pagiging malapit nila. May tiwala ako sa pinsan ko at hindi ako mag seselos sa kanya. Kilala ko si Lucky at sa pagkakaalam ko kaibigan lang ang turing niya kay Kenneth.

"Kanino niyo nahiram yang gitara?" tanong ni Lucky habang tinutupi ang manggas ng suot niya.

"Sa classmate namin may dala kasi siya kaya hiniram ko muna." maagap na sagot ko sa kanya at nginitian niya ako ng matamis. Para akong kiniliti sa ngiti niyang yun, sobrang tamis kasi ng dating sa akin. Yan bumawi ka diyan ako sumasaya kapag nakikita kitang nakangiti.

"Ses ito muna kantahin mo lets see kung anong masarap pakinggan sa mga yan." Si Marlon habang iniipit yung lumaylay na buhok sa gilid ng tenga ni Lucky.

'Sana kaya ko ring gawin yung ginagawa ni Marlon kay Lucky sa harap ng mga kaibigan niya. Gusto ko siyang hawakan parati.'

"Wesley, help naman padala naman ng mga hot chocolate sa center table." Sigaw ni Andi kaya tumayo ako at lumapit sa kanya sa mini bar. Narinig kong nag simula ng mag strum si Kenneth ng gitara paglapit ko kay Andi.

When tomorrow comes

I'll be on my own

Feeling frightened of

The things that I don't know

When tomorrow comes

Tomorrow comes, Tomorrow comes

And though the road is long

I look up to the sky

And in the dark I found,

I lost hope that I won't fly

And I sing along, I sing along

And I sing along..

"Ibahin natin yung areglo ng kanta ses, itaas natin yung range niya ng kaunti, kaya mo?" suggestion ni Marlon.

"Eh kong sakalin kita pataas sa pader gamit ang isang kamay ko kaya mo?" pabalang sagot ni Lucky at natawa ako sa kinatatayuan ko habang inaantay pa yung ibang hot chocolate na ginawa ni Andi.

"Sige na iiksian natin yung kanta, isang stanza lang at chorus tapos tatalon tayo ng refrain at chorus ulit." Pamimilit ni Marlon at bumuntong hininga lang si Lucky.

"Oo na sige na." Umirap lang siya at nakita kong natawa si Kenneth pero bigla siyang hinampas ni Lucky sa kamay.

'GRRRRRR!'

"Hoy Ungas tumugtog ka huwag kang tumawa!" sigaw niya kay Kenneth at natatawang sumunod naman ito sa kanya.

I got all I need when I got you and I

I look around me, and see a sweet life

I'm stuck in the dark but you're my flashlight

You're getting me, getting me through the night

Kick start my heart when you shine it in my eyes

Can't lie, it's a sweet life

I'm stuck in the dark but you're my flashlight

You're getting me, getting me through the night

'Cause you're my flashlight (flashlight)

You're my flashlight (flashlight)

You're my flashlight..

Kahit nakaupo at nakasalampak lang siya sa sahig hindi parin nagbabago yung husay niya. He sounds so great. He's really really good at this one. Lalo niya lang akong pinapahanga sa ipinapakita niyang galing sa pagkanta.

"Maygad kinakilabutan ako sayo ses!" na e-excite na wika ni Marlon paglapit ko sa kanila at umupo ako sa tabi ni Lucky. Nakaupo kami sa floor bale nagigitnaan namin ni Kenneth si Lucky pero bahagya siyang nakaharap kay Kenneth na may hawak na gitara.

Natapos ding maligo si Ytchee at paglabas niya bigla siyang sumayaw sayaw habang iniikot ikot ang towel sa ere. Nilapitan siya ni Lucky at pinaghahampas ng towel na gamit niya kanina.

"Sorry na, sorry na..tara mag yosi na lang tayo para kumalma kana." inakap siya nito habang tumatawa.

"Mamaya tatapusin ko lang tong kanta." Masungit na sagot niya at bumalik ulit ng upo sa sahig at sumandal sa tuhod ni Kenneth na nakaupo sa kama. Umayos siya ng pagkakaupo ng sandalan siya ni Lucky. Ginawa namang microphone ni Lucky yung suklay na hawak niya.

I see the shadows long beneath the mountain top

I'm not afraid when the rain won't stop

'Cause you light the way

You light the way, you light the way

I got all I need when I got you and I

I look around me, and see a sweet life

I'm stuck in the dark but you're my flashlight

You're getting me, getting me through the night

Can't stop my heart when you shinin' in my eyes

I can't lie, it's a sweet life

I'm stuck in the dark but you're my flashlight

(You're my flashlight)

You're getting me, getting me through the night

'Cause you're my flashlight

'Cause you're my flashlight

You're my flashlight

You're my flashlight

Light light

You're my flashlight

Light light ye-yeah

You're my flashlight

Natulala kaming lahat sa rendition ni Lucky sa kantang Flashlight. Mataas na pero itinaas niya pa ng todo yung kanta, partida nakaupo lang siya sa sahig. Kakaiba yung atake niya sa kanta parang akala mo mauubusan siya ng hininga pero sobrang swabe ng birit niya abot na abot yung matataas na nota. Ang sarap niyang pakinggan everytime na kumakanta siya, mararamdaman mo talaga yung mensahe ng kanta dahil sa emosiyong nangagaling sa boses niya. Nagpalakpakan kaming lima na parang mga tanga at si Ytchee sa gigil niyakap yakap si Lucky at halos mapahiga na silang dalawa sa kakatawa.

"Tara na sirain na natin yang boses mo!" hinila siya patayo ni Ytchee sa kama.

"Saan kayo pupunta?" biglang singit ko.

"Magyoyosi lang kami. Tulungan mo muna si Andi sa paghahanda ng pagkaen kapag na gutom yun ikaw ang unang isusubo nun sa laki ng bibig niya!" at biglang nanlaki ang mata ko sa pananakot niya. Sinenyasan ako ni Lucky na sumunod na lang at naglakad silang dalawa papuntang terrace.

LUCKY'S POV

"Yun na ba yung kakantahin mo sa contest?" si Ytchee habang nagsisindi ng sigarilyo.

"Hindi pa sure. Teka, teka nga. Ilang taon ka na ba Ytchee?" pigil ko sa pagsindi niya sa sigarilyo. Mahirap na baka sabihin nila bad influence na naman ako.

"Shes's 18, same age with us mas matanda pa nga siya atin ng isang buwan eh." biglang sumulpot si Kenneth sa tabi ko at napalingon kami ni Ytchee sa kanya.

"Maka "natin" naman 'tong payatot na 'to, bakit magka birthday ba kayo?!" singhal ni Ytchee.

"O-Oo—" sabay na sagot namin sa kanya at natulala siya.

"H-Hindi nga?" nanlaki bigla yung butas ng ilong at mata niya.

"Oo sabay na sabay." Napapailing na sagot ko habang bumubuga ng usok.

"Wait nga itatanong ko sa loob, pinaglo-loloko niyo ko eh." at mabilis siyang pumasok sa loob dala yung sigarilyo.

"Yosi?" kunwaring alok ko at napangiwi agad siya. "He he he biro lang." At natawa naman siya. "Okay na ba yung kanta?"

"Maganda.." matipid na sagot niya habang nakasandal sa terrace at nakaharap sa loob ng suite namin.

"Alin ako o yung kanta?" at biglang nadulas yung isang braso niya na ipinang sasandal niya sa terrace at gulat na lumingon sa akin.

"Have you met "ASA?" pang aasar niya.

"Nope, pero crush ko yun si Asa." Nakangiting sagot ko.

"Huh?" nalilitong tanong niya bigla.

"Kako crush ko yun si Asa. Asa Butterfield. Hina mo pumick up." At humithit ako ng sigarilyo sa malamig na hangin ng Baguio.

"Akala ko ba si Harry Styles crush mo?" bigla akong napatingin sa kanya. Paano niya nalamang crush ko yun?

"Saan mo naman nalaman yan?" Nakangiwing tanong ko.

"Narinig kong pinag uusapan niyo Andi at Marlon nung nasa Bulacan tayo nag stop over." Napangising sagot niya.

"Tsismoso ka!"

"Narinig ko lang tsismoso na?"

"Matic yun!"

"Oh bakit ngayon si Asa Butterfield na crush mo?" taas kilay na tanong niya.

"Pagsabayin ko na lalakero naman ako eh!" Sinabayan ko ng tawa habang nakaturo naman sa mukha ko.

"Baliw." Singhal niya. Seryoso nitong kumag na 'to.

"Matagal na ako nababaliw." Napangiting buga ko ng usok sa kanya. Nagsalubong na naman yung kilay niya at sumama na naman yung tingin niya sa akin.

"Huwag mo kong bugahan ng usok nakakadiri ka!" Inis na sambit niya habang nagpa-pagpag ng damit.

"Arte mo, kapag naging tayo sa future huwag mo kong pagbabawalan manigarilyo ah?" Biro ko sa kanya at bigla siyang napanganga. Literal siyang ngumanga at natawa ako ng malakas sa hitsura niya. "Charot lang! Patola ka talaga!" Sigaw ko sa kanya dahil para siyang natuklaw ng ahas sa itsura niya.

"Siraulo ka marinig ka ng pinsan ko lagot ka!" nakangising sagot niya habang umiiling.

"Bakit inaano ko ba siya?" Mayabang na sagot ko.

"Basta. Ayokong nagbibiro ka ng ganyan kapag nandiyan siya." giit niya.

"Bakit hindi naman siya kasali sa biruan natin ah, anong kinalaman niya?"

"Sumunod ka nalang, ayokong may iba siyang isipin sa mga biruan natin okay" Seryosong sagot niya at di na muling umimik pa.

'Luh, ano naman problema nito?'

"Loveteam pumasok na kayo mag uumpisa na ang pelikula ng taon!" Sigaw ni Ytchee at sabay kaming napalingon sa pinto.

"Oh loveteam daw..tayo yun!" siniko ko siya sa tagiliran at inirapan niya lang ako at nagpatiunang pumasok sa loob at nagpaiwan ako sa terrace.

"Lucky, tara pasok na malamig diyan sa labas." Sumilip si Wesley sa pinto at lumapit sa akin. Inakbayan niya ako dahilan para mag angat ako ng tingin sa kanya at saka ko siya nginitian. Naalala ko na naman yung pinag usapan namin kanina ng pinsan niya. Weirdo.

"Geh geh.." Pinatay ko sa ashtray yung sigarilyo. Nagulat ako ng hawakan niya ako sa magkabilang balikat at dahan dahang tinulak papasok ng suite.

Magpinsan nga sila. Isang sweet at isang sour.

Magkatabi kaming naupo sa gilid ng kama. Kumuha siya ng kumot sa kama at nag share kaming dalawa. Nailang ako ng kaunti sa ginagawa niya sa harap ng mga kaibigan ko. Walang malisya sa akin yung mga akbay, pisil pisil sa pisngi at yakap niya. Pero itong extra sweetness? Ayokong mag assume pero assuming talaga ako eh. Sana mali ang hinala ko. Napalingon ako kay Kenneth na kasalukuyang salubong ang kilay at tutok na tutok ang paningin sa pinapanuod namin.

Dahil sa sobrang nakakagulat at natatakot ang pinapanuod namin halos magtago na ako sa likod ni Wesley. Panay naman ang kantiyawan ng mga kaibigan ko sa akin.

Dala ng pagod at lamig namalayan kong nakasandal na ako sa balikat ni Wesley. Hindi ko nadin namalayang nakaka idlip na pala ako habang nanunuod. Naalimpungatan lang ako ng malaglag ang ulo ko sa pagkakasandal sa balikat ni Wesley. Mabilis niyang nasalo ang ulo ko at isinandal muli sa balikat niya. Ang bigat bigat ng talukap ng mata ko sa antok. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nagtama ang mga mata namin ni Wesley.

"Take a nap Lucky, you look tired." Mahinang bulong niya. Amoy na amoy ko yung mabangong hininga niya na tumama sa mukha ko. Pinilit kong itutok sa palabas ang atensyon ko at huwag ng i-entertain yung mga bagay bagay na pilit pumapasok sa utak ko. Natapos din yung nakakatakot na pelikula kaya binuksan ulit ni Andi yung ilaw.

"Kashokot ng palabas!" natatawang sambit ni Marlon.

"Ang saya saya nga eh. Mga baklang 'to matatakutin." Pang aasar ni Ycthee kay Marlon.

"SAUCE! Panay naman kalikot mo diyan sa cellphone mo kakatext sa dyowa mo!" sagot ni Marlon.

"Inggetera ka, palibhasa wala kang dyowa kaya wala kang ka text!" dinilaan pa siya ni Ytchee. Mga Abnoy! Dito pa nag bangayan sa harap ng mga bisita namin.

"Bakit 'di niyo tanungin si Lucky na halos humalukipkip na sa likod ni Wesley." Ako na naman nakita nitong negrang to nananahimik na nga ako eh.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" tawanan nilang lahat sa akin. Napanguso ako.

"Masama bang ma bokot? Palibahasa mga halang mga kaluluwa niyo!" sigaw ko sa kanila.

"Hindi ka naman nanuod natulog ka lang sa balikat ko eh." Natatawang biro ni Wesley at hinampas ko siya sa braso.

"Nanuod ako kaso tinatakpan ko yung mata ko kapag nakakatakot na."

"Siyempre bet na bet mo naman Wesley na ginawa kang unan ni Lucky?" Si Marlon.

"Oo naman, malamig kaya masarap ang may katabi nakakadagdag ng init." Naniningkit ang mata at nakangiting sagot niya. Kinilig naman sila Andi at Marlon.

"Andi tabihan mo si Kenneth para madagdagan din yung init niya..." pang aasar ni Ytchee at binato siya ng unan ni Andi.

"OO YUNG INIT NG ULO NIYA!" Sabat ni Marlon tinawanan namin siya. Tumatawa lang si Kenneth sa biruan nila.

"Its getting late, next time dun naman tayo sa suite namin ni Wesley tumambay kung okay lang sa inyo." Tumayo si Kenneth at tinapik ang pinsan sa balikat.

"Ay bet ko yan dun naman tayo manuod ng nakakatakot!" excited na sagot ni Marlon.

"Thank you. We have to go maaga kasing natutulog 'tong si Kenneth ayaw ng napupuyat." Natatawang paliwanang ni Wesley at tinulak siya ng pinsan papuntang pinto.

"Siraulo mo." Mahinang sambit nito. Tumayo kaming apat at hinatid ko naman sila hanggang sa pinto. Binuksan ko ng malaki ang pinto.

"Good night.. Have a nightmare." Kaway ko sa dalawa paglabas nila ng pinto. Kumaway din sila Ytchee, Marlon at Andi. Linapitan ako ni Wesley bago ko pa maisara ang pinto.

"As long as you're in my nightmare. I-HELL-DON'T-CARE!" pinsil pisil niya yung pisngi ko. Naghiyawan naman yung tatlo sa likod ko.

"Bukas ka na mag pa cute inaantok na ako." Nginitian lang ako ni Kenneth at saka naglakad palayo at mabilis na humabol si Wesley sa pinsan.

"Hoy hintayin mo ko." Dinig kong sigaw ni Wesley sa hallway habang sinasara ko yung pinto. Mabilis akong hinila ni Andi at pwersahan inupo sa kama. Nagulat ako ng ilapag ni Marlon ang apat na baso ng umuusok na hot chocolate at may apat na slice ng cake sa center table.

"Mag kwento ka. Anong meron sa inyo ni Wesley?" mabilis na tanong ni Ytchee.

"Oo nga bakit ang sweet sweet niyo sa isa't isa?" si Marlon.

"Tama napapansin ko yun kahit noong nasa bus pa tayo papunta dito sa Baguio." Si Andi.

'Wow ah kaninang umaga si Kenneth ang kinukuda nila tapos ngayon si Wesley? Lalakero ako mga besh?'

"Sumagot ka!" inalog alog ako ni Andi sa balikat.

"Basta talaga sa tsismisan ang gagaling niyo eh." Hawi ko sa mga kamay ni Andi sa braso ko.

"E ano yung something'an niyo kanina?" parang mangangat ang itsura ni Marlon ng lapitan ako.

"Walang "SOMETHING'AN" between Wesley and I, okay?" dinampot ko yung mug sa table. Hinampas ako ni Ytchee.

"Akin yan, yun yung sayo!" turo niya sa blue na tasa sa gitna ng table. Inirapan ko siya.

"Wala? Kalokokohan yan, mas halata pa kayo sa obvious eh." Iling ni Ytchee na halatang hindi kumbinsido sa sinabi ko.

"Ano bang obvious ang sinasabi niyo? Ano bang nahahalata niyo?" pa inosenteng tanong ko. Alam ko ang tinutukoy nila ayoko lang mag assume pero dahil mukhang nahahalata nga nila mukha tama nga din ang hinala ko. Pero hindi yun matanggap ng utak ko.

"Maang maangan ang peg Lucky?" naghahamong tanong ni Andi. Napabuntonghininga ako. Di ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila, ayokong isipin nilang assyumera ako.

'Hello??? Si Wesley magkagusto sa akin?' Ugh, kahit ako hindi ko ma voice out yung nasa isip ko eh.'

"May dapat ba kaming malaman sa inyo ni Wesley?" seryosong tanong ni Ytchee at derechong nakatingin sa mga mata ko. Ganun din ang tingin na pinupukol nila Andi at Marlon.

"Hindi ko alam.." napayuko ako sa tasang hawak ko. Mainit yung tasa pero dahil sa lamig sa Baguio hindi ko halos maramdaman ang init ng mug sa palad ko.

"Paanong hindi mo alam?" nalilitong tanong ni Marlon.

"Kayo pero hindi mo alam? Impossible naman yun seshie.." nagdududang sambit ni Andres.

"Hind kami mga adik kayo. Try niyo kayang barkadahin si MJ pare pareho kayong advance ang kapraningan eh." Uminum ako ng hot cholate ay nilapag ko ng malakas sa mesa yung baso.

"So anong meron sa walang katapusang sweetness, yakapan, pisil pisilan ng pisngi sa tuwing magkikita kayo?" mala imbestgador na tanong ni Marlon. Ano nga ba? Walang ibang kahulugan lahat sa akin iyon pero sa kanilang malamang meron. Shunga shunga mo talaga malamang isang Wesley Ongpauco yung kinakalantaryo mo tapos wala lang sayo?

"Lucky, hindi namam kami kokontra kung anong meron sa inyo. Mga kaibigan mo kami nandito kami para suportahan ka." Mahinahong paliwanag ni Andres.

"Sasabihin ko naman kung meron huwag kayong mag alala. Sa ngayon wala talaga.." seryosong sagot ko sa harap nila. Mukhang kinagat naman nila dahil halos sabay sabay silang napabuntong hininga.

"Oh siya matulog na tayo maaga pa ang call time natin bukas kailangan nating maghanda." anunsiyo ni Marlon at naunang tumayo. Nagkanya kanya kami ng ligpit ng gamit na binitbit sa kitchen.

"Mauna na kayo matulog last yosi lang ako." Paalam ko hindi ko na sila inantay sumagot at tumalikod na ako.

"Hoy isama mo ko naninigas na ako sa lamig, palibahasa may kayakap ka kanina kaya nag init yang kepay mo!" habol ni Ytchee sa akin sa terrace.

'Bwesit na bibig ng babaing 'to kaya kung ano ano pumapasok sa utak ng mga baklang to eh.'

"Ikaw yang bibig mo papasuin ko na yan eh!" aktong ilalapit ko yung sigarilyo sa bibig niya pero tinawanan niya lang ako.

"Bakit totoo naman ah." bumuga siya ng pabilog na usok. Sa wakas na gawa na rin niya at napangiti ako.

"Hindi lahat ng bagay na nakikita ng mga mata natin ay totoo. Pwede silang magbalatkayo o magpanggap. Maraming paraan kung gugustuhin ng isang tao." makahulugang wika ko habang bumubuga ng usok. Kagaya ng nakikita ko kay Kenneth, hindi ko siya lubusang maintindihan minsan okay siya tapos sa isang iglap biglang magbabago. Nakakalito.

"Pero minsan sa mga bagay na sinasabi mong hindi totoo nagsisimula ang isang bagay na pwedeng gawing makatotohanan ng ibang tao." ayaw magpatalo sa pagiging matalinghaga ni Ytchee.

"Ewan ko sayo.." nakangising sagot ko. May point siya. Assumera naman ako.

"Naga-gwapuhan ka ba kay Wesley?" automatikong tumaas yung kilay ko sa naging tanong ni Ytchee. Bahagya akong humarap sa kanya at natatawa.

"Of course he's so damn hot and gorgeous. Siya yung tipo ng lalaking ipangangalandakan mo sa lahat kapag kasama mo." paliwanag ko. Totoo naman hindi yun pagkakaguluhan sa camnpus kung wala siya ng mga katangiang yun. "He actually reminds me of my ex boyfriend, si Jasper." Nangunot ang noo ni Ytchee sa sinabi ko.

"I see.."

"Parehong pareho. Very sweet, childish and often sometimes annoying."

"Do you like hiim." tumikhim siya pagkatapos magtanong at humithit ng sigarilyo.

"No.." walang alinlangang sagot ko.

"Why not?"

"I don't know.. " napailing nalang ako. "I don't wanna know.. Maybe because---" kinagat kagat ko yung lower lip ko at hindi ko alam kung ano ng idudugtong sa sinasabi ko.

"....because you like somebody else.." madiing sagot ni Ytchee at bigla akong naubo hindi ko alam kung dahil sa usok sa lalamunan ko o sa sinabi ni Ytchee. Sino ba ang gusto ko? Biglang nag flash ang iba't ibang facial expressions ni Kenneth sa isip ko. Yung mukhang kinagigiliwan at binabalik balikan ko sa tuwing nakikita ko siya.

'N-NOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!' malakas na sigaw ko sa isip ko.

*ERASE!

*ERASE!

*ERASE!

"Tara na matulog na tayo nasagot muna yung mga tanong ko." Nakangiting dugtong ni Ytchee. Weird ng babaing 'to sarap pektusan sa noo.

To be continued...

Bab berikutnya