webnovel

Bargain!

They were both stunned ng malaman nilang di lang pala sila ang taong naroroon.

"Mga tarantado pinagod niyo pa kami!"

Anang pinaka leader ng mga kidnapper. Hinihingal pa ang mga ito mula sa paghahabol.

Lumakad ito papalapit sa kanila, Zach shoved Sophia at his back.

"If you want something, then take me instead!"

Biglang napatawa ang lalaki, kinasa nito ang baril at itinutok sa kanya.

"Hindi ikaw ang kailangan namin kayat umalis ka riyan!"

Utos sa kanya ng lalaki sa pamamagitan ng dulo ng baril nito.

"Yang magandang babaeng kasama mo lang ang pakay namin—!"

"Sino ba nag utos sa inyong ipakidnap kami?"

"Kayo?" 

anang lalaki na napatawa. 

"Walang kayo, wag kang epal!"

"You!"

Susugurin na sana ni Zach ang lalaki pero natigil siya ng magbigay ito ng warning shot.

"Kaya kalang napasama dahil sa kabobohan nga mga yan!" 

anito na itinuro ang mga tauhan.

"Wag kang assuming!" 

panunuya nito sa kanya.

"Madalas kayo masaktan kasi napaka assuming ninyo eh, ano?"

Abnormal ba itong lalaking ito? Ani Sophia. Panay kasi ang hugot halatang bitter.

Sophia left in an open ng humakbang si Zach papunta sa lalaki kaya't nagkaroon ito ng pagkakataong maitutok sa dalaga ang baril.

She could actually handle the situation pero sa ganitong pagkakataon mas mabuting sumunod, she could not take risk lalo na't may baril ang lalaki.

Zach moved forward. 

"Subukan mong kumilos ng masama at babasagin ko ang bungo ng babaeng ito!"

Hindi nagbibiro ang itsura ng lalaki kayat ganoon nalang ang takot ni Zach para sa kaligtasan ni Sophia.

"Go with them, Zach!"

Ani Sophia besides hindi siya makakaisip ng tamang paraan hangga't nasa tabi niya ang lalaki.

"I won't leave you!" he hissed.

"I'll come with you!" 

Ani Sophia leader ng hindi kumilos si Zach.

"But you have to promised to keep him safe, dahil kung hindi malilintikan kayo sa akin!"

"Oh tsa. .tsa!" 

anang lalaki na pinaikot ang hinliliit sa kanyang taynga.

"kanina pa natuliglig ang aking taynga sa kakaenglish ninyong dalawa!"

Bigla itong natigil ng makaharap ang dalaga, nakalantad ang mapuputing hita nito sa kanyang mga mata. 

Bigla itong napatingin sa kanyang mga tauhan at tama nga ang kutob nito. 

Mga abnormal kaya pala natakasan, mga hayop! nagpupuyos na sabi nito sa sarili.

"Hoy mga gonggong kayo, ilagay ninyo sa tamang lugar yang mga mata ninyo kung ayaw niyong bulagin kong mga yan.!"

He throw his coat to Sophia na sinalo naman ng dalaga, dahil sa pagkagulat.

"Isuot mo yan!" 

bulyaw nito sa kanya.

"Kaya kayo nababastos kasi wala kayong pakialam sa mga pinag susuot ninyo?"

Biglang nanlaki ang butas ng ilong ni Sophia.

"Abnormal ka pala eh, kung hindi niyo kami dinala sa punyetang lugar na ito sa tingin mo magkakaganito ako?"

Tumawa lang ito sa kanya. 

"Ano pa hinihintay mo't sumama kana sa kanila!" 

anito kay Zach. 

"Naghihintay na sayo amo namin sa simbahan, congratulation ikakasal na pala kayo ngayon may balak kapang itanan itong isa an'tindi mo!"

"Watch your mouth!"

Inis na bulyaw ni Zach sa lalaki na akmang susugod pero natigil sya ng nireleased ng lalaki ang safety pin ng baril.

"Subukan mong humakbang kahit isa at talagang tutuluyan ko na ang babaeng ito—ano pa ginagawa ninyo,itali niyo yan!"

Nagsilapitan naman ang mga lalaking alipores nito, itinali nila ang kamay ni Zach. Hindi na pumalag ang lalaki sa takot na baka nga barilin nito si Sophia.

"Be a good boy at sumunod kalang sa gusto ng amo namin at titiyakin kong ligtas ang babaeng ito!"

Sophia sense something was off, kung talagang masamang loob ang lalaki hindi na sana nito binigyan sila ng maraming pagkakataon.

Cold blooded goons were heartless, pag ang utos patayin talagang papatayin nila ang biktima.

"Dalhin niyo na sa simbahan ang lalaking yan!"

"Boss pano yang babae?"

"Tanga! Sundin ninyo ang utos ko at wag na kayong maraming tanong!" 

Dinala na ng mga lalaki si Zach habang naiwan si Sophia, inutusan siya nitong umahon sa tubig.

"Ano ba talaga ang plano mong gawin?"

Inis na tanong ni Sophia sa lalaki ng sila nalang dalawa naiwan.

"Ang utos sa akin ay patayin ka!" 

anito.

"Pero diko gagawin yon, sisiguraduhin ko nalang na maikasal yong dalawa saka kita pakakawalan!"

"Kasal?" 

Biglang napahalakhak si Sophia sa sinabi ng lalaki.

"An tanga pala ng amo mo, kahit ilang beses pa silang ikasal ng asawa ko walang magagawa ang amo mo!"

"Asawa mo yong lalaking yon?"

Napamulagat na tanong ng lalaki sa kanya.

"Ano ho sa tingin ninyo't sinundan pa ako ng lalaking yon hanggang dito kung hindi niya ako ka ano anu?"

"Pero sabi ni Ma'am Moira—"

"Moira?!"  

Sophia was rather shocked. Ang retokadang babae pala ang may pakana ng lahat.

"Do you know me?"

Baling ni Sophia sa nakatulalang lalaki.

"Malamang hindi, I'm Sophia Madrigal apo ni Mr. Ybañez!"

"Mm. .Mr. Ybañez?"

Anitong tila namutla.

Sino ba ang hindi makakakilala rito? 

Isa ito sa may pinakamalawak na impluwensya sa underground business. 

Ito rin ang pinaka notorious na Mafia leader sa buong bansa, pero kahit isa wala pang nakakita sa talagang mukha ng lalaki.

Good! ani Sophia sa sarili, if he knew my grandfather then, there's a chance of bargain.

"Paano ako makakasigurong hindi ka nagsisinungaling?"

She smirked.

"I'll pay you ten times, and hire you. Im going to release those stupid goons na mga alalay mo. I won't take charges, just give me Moira alive."

Napasinghap ang lalaki at tila ba nagiisip sa offer niya, Sophia knew that the man lower his guard against her.

She grabs the oppurtunity and attacked him, lumipad sa ere ang baril when she kick his hands, she then catch the gun with her left hand with out even looking it.

Napasinghap ang lalaki sa pagkamangha.

"Now!"

anya habang nakatotok ang baril sa lalaki.

"It's your life againts Moira, you choose!"

"Deal!"

Anito pagkatapos mag isip. 

Bab berikutnya