webnovel

Chapter 8 Library

Vacant subject namin ngayon, plano kong tumamabay na lang sa library boung period, magbabasa na lang ako ng mga novel at manga..

Papunta na akong library, ng makita ko ang bulletin board, napansin ko na may mga bagong paskil na papel, napatigil ako sa harap nito..

Name & Rankings Average

1. Zack Sanchez - Dean lister 1.25

2. Sebastian Jose 1.50

3. Rizza Pablo 1.75

Nakatitig ako sa papel na to...habang nakangiting iniisip si zack

Ang talino nya talaga.... itext ko kaya sya...

congrats? ay wag na nga... nakakahiya... baka isipin nya inistalk ko sya, updated ako lagi sa buhay nya..tss

Hi Hanah!!!

naputol ako sa pag iisip ko ng makarinig ako ng malambing na boses, napalingon ako sa pinanggalingan ng boses...

Si zack, palabas na sya ng pinto ng library at nakangiting nakatingin sya sa akin..

Hello din, tugon ko sa pagbati nya...

Anong tinitignan mo? tanong nya ulit sakin

Ahh,, wala naman, nahihiyang sabi ko

tinignan ko lang iyong bagong paskil na papel

Lumapit sya sa bulletin board at natatawang sinabi

Ahh, pinaskil na pala yan ng office

Oo.. Congrats nga pala

matiim nya akong tinititigan at ngumiti...

Thank you hanah, ang sarap sa pakiramdam na binati mo ako

matipid na ngumiti din ako sa kanya

sige, punta mo na ako ng library... paalam ko sa kanya

wala kabang pasok ngayon? tanong nya sakin vacant namin ngayon, kaya tatambay nalang muna ako dito sa library

Sige, Papunta din ako ng library, Samahan na kita..

mamaya padin naman ang pasok ko...

Huh? diba kakagaling mo lang ng library? pagtatakang tanong ko sa kanya..

Ah, Oo.. kumakamot sa ulong sagot nya

Nakita kasi kita, Magrereview na lang ako ulit

hehe

Hahaha... sige ikaw bahala

natatawang sagot ko

( kinikilig ako ng sobra sa mga sinabi nya at kinikilos nya, it makes me feel special)

Nga pala Hanah, tabi na tayo ng upuan...

wala kaming makitang bakanteng upuang magkatabi...

wala namang bakante, kahit saan na lang tayo umupo, sabi ko sa kanya

sige, doon nalang tayo sa may dulo... magkaharap na upuan ang bakante

Magkasabay kaming naglalakad sa library at halos lahat ng estudyanteng naroroon ay nakatingin samin

Eto iyong time na parang wala akong pakialam sa paligid namin, hindi ako ganon ka concious sa mga tingin samin, hindi tulad ng dati na kahit ako lang mag isa at may nakatitig sakin, sobrang naiilang na ako

Ang tanging focus lang ng mata at isip ko ay si zack.. parang nag slow mo ang paligid pag kaharap ko sya,, sari saring emosyon ang nararamdaman ko, kilig, kinakabahan at napaka komportable sa pakiramdam..

Nakatitig lang ako sa kanya,, nakangiti sya habang nagkukwento, nakatoun din ang boung atensyon nya sakin, hindi sya lumilingon sa mga katabi nyang babae, kahit na may nagpapapansin sa kanya

Mas lalo kung naramdaman na espeyal ako sa kanya, hindi ko maiwasang mag assume..

napaisip ako kung parehas ba kami ng nararamdaman at iniisip?

Gusto nya din kaya ako? Espesyal nga ba talaga ako sa kanya? o ilusyon ko lang lahat?

Bab berikutnya