webnovel

Chapter 27

Umalis na si Mrs. Abenajo while I remained on my seat. I didn't know where did she go but she told me she has some errands to do. Masasabi kong busy silang tao dahil kahit ang kanyang asawa ay wala rin rito, maging si Aubriene. I wondered where they are.

I sighed as I scanned the whole place. It was relaxing and refreshing. Lalo siguro kung doon sa kabila dahil may mga garden.

I sighed once again. Anong klaseng gusot kaya itong pinapasok ko? I suddenly asked myself why I was here gayong maayos naman ang buhay ko sa Maynila. Doon, sanay akong mag-isa dahil iyon ang nakasanayan ko. I didn't need anyone so I can survive, rather, I had to work hard to feed myself.

What if I didn't meet Ximi? Nasaan kaya ako ngayon? Would life still be the same as it was before? Or I will meet someone who will change my perceptions in life?

"Ate Luca?" A small voice interrupted my thoughts. Nilingon ko ang pinanggalingan noon saka ngumiti kay Ori.

"Baby Ori!" Maligaya kong sambit sa pangalan niya.

She was wearing a floral pink dress. Mukha rin siyang bagong ligo dahil presko ang balat at basa ang buhok.

"Come here, love." I tapped my hips. Ngumuso naman siya at naglakad papunta sa akin. Kinalong ko siya pagkatapos. "What's wrong, love?"

She was playing her fingers while pouting. Parang may gusto siyang sabihin na 'di niya magawa. It's either nahihiya siya o takot.

"Love, why?" I asked again, tinatantiya siya.

"I want to play dogs, Ate Luca." She said. Napalunok kaagad ako.

Dogs... what the?

"D-Dog, baby?" Pag-uulit ko. Naalala ko ang sinabi ni Ximi na mahilig sa aso si Ori.

"Yes, Ate Luca. Doon." Tinuro niya 'yong kabilang bahay at napaubo ako roon.

Mukhang mapapasabak ako sa World War III.

"Dada will get mad." Sabi ko. I tried my best not to piss her.

"No." Umiling siya. "Dada will play." She looked at me in the eyes. "Please?"

Damn. I was stuck. I can't say no to this little girl.

"O-Okay," tanging nasabi ko. Ano ba nama't 'di ko pagbigyan ang batang ito?

"Yehey!" Galak niyang bulalas. Bumaba siya at tumakbo sa kung saan. I was too late to realize she ran to the old house.

I gulped once. 'Di naman siguro ganoon kalaki ang mga aso nila? To think they were four? God, I was dying literally!

"Careful, Ori." Sabi ko. Excited siyang pumasok sa kabilang bahay. Ako naman ay halos mangisay na sa kaba. Mamamatay yata talaga ako rito.

She opened the door pero bago siya pumasok ay nilingon niya ako sa malawak na ngisi.

"Come!" She grinned at me. Pilit na ngisi naman ang itinugon ko. I swore to Ximi he'll pay for this. Nasaan na ba ang kumag na iyon?

Tuluyan na siyang pumasok sa loob while I was torn between moving forward and fall back. My feet was wobbling in fear. I swore I looked like a pathetic prey.

Sandali pa ay may narinig akong kadena. My eyes abruptly widened nang may yabag ng paa. My instinct told me to run and I just did it! I ran back to the white house, almost crying. Nakita ko ang apat na aso na iba't ibang kulay. Para akong nakakita ng killer.

I ran back and almost fall dahil sa bilis ng takbo ko. Nang malapit na ako sa pinto, bumukas ito at may lumabas na lalaki. Napayakap kaagad ako sa kanya nang mahigpit. I burried my face to his shoulder and cried.

"Help," I cried. Naramdaman ko ang paninigas ng kanyang katawan at 'di katagalan ay niyakap niya ako pabalik at umikot kami.

I didn't know how long that moment was but I just found myself hugging him tight na nagsasabing 'wag siyang kumalas. Na dito lang siya dahil kailangan ko siya.

"Luca," sambit niya. Saka lang ako natauhan sa nangyari. Dahan dahan akong kumalas mula sa kaniya pero nanatili ang kamay ko sa kanyang leeg.

"X-Ximi?" Sambit ko. Medyo malabo ang paningin ko dahil sa luha. Ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko and my heart was still racing.

He looked at me with concern in his eyes. I suddenly felt pity to myself. Nakakatawa ako, I swore! Mas matapang pa sa akin si Ori. To think she was just three while I was 25!

"You okay?" Malambing niyang tanong. His hand was on my back, supporting my body.

Napako ang tingin ko sa kanyang mata. It was in a shade of light. Ngayon ko lang din napansin na makinis ang mukha niya, maging ang mata niyang 'di naman talaga matalas. And his lips... napalunok ako. It was in shade of peach.

"Uhh," maingat akong kumalas mula sa kanya. Hinayaan naman niya ako. Nagsimula na naman akong kabahan. I didn't know if it was because of the dog or because of Ximi's presence.

"Dada!" Rinig naming tawag ni Ori. I glanced at her na ngayo'y kalaro ang mga aso. 'Di kalakihan but still, I fear dogs.

"Ori," sambit ni Ximi, may himig pagkadismaya. He glanced at me bago lumapit sa bunso nila. "I told you you're not allowed to play with them."

I watched the two, feeling dizzy. Mahihimatay ata ako.

"It's getting late." Ximi added.

"But, dada!" Reklamo ng bata. She was pouting. "I miss them!"

Napabuntong hininga si Ximi. I could say it was hard for him to deal with Ori.

"Baby," malumanay na ang boses ni Ximi. He crouched to level Ori. "Ate Luca is scared of dogs. It's not that I don't want you to play with them. Do you want to see her crying?"

Tumahimik ang paligid. Nagpunas naman ako ng mata. I told you I was crying!

"What are you going to do, Ori?" Ximi asked. Ngumuso na naman ang bunso, nagmumukmok. 'Di nagtagal ay tumayo siya at naglakad papunta sa akin.

Ximi stood up and looked at me in the eyes. Si Ori naman ay nasa lupa lang ang tingin.

"I'm sorry, Ate Luca." She said, pouting. Mukha siyang naiiyak kaya naman lumuhod ako sa harap niya.

I held her hand and she looked up. I smiled and pulled her closer to me.

"It's okay, love. I should be the one to say sorry."

She looked at me with confusion. "But why?"

I tucked her hair behind her ears. "Because you can't play with your dogs because of me."

I looked over her shoulder. Wala na si Ximi, nasa kabilang bahay na at ipinasok ang mga galawgaw na aso.

"Give me a hug, love." Sabi ko. Ngumiti naman siya saka magiliw akong niyakap.

I never had a sibling. And being with Ori felt having one. Kaya siguro 'di na ako magtataka pa kung mapapalapit ang loob ko sa kanya.

I kissed Ori's forehead and she hugged me tighter. Napangiti ako roon.

"Let's go inside?" I asked her. She looked up and nodded with a grin. "Alright."

Kinarga ko siya at hinanap si Ximi. He was already walking back to us.

"Dada!" Ori giggled and Ximi smiled. The little girl glanced at me. "Mama?"

Napatingin kami ni Ximi sa isa't isa. Una akong nag-iwas ng tingin. I felt the warm sensation in my cheeks.

"Ate Luca, baby." Pagtatama ni Ximi. "Let's go?"

Tumango ako. Sabay kaming pumasok sa loob, hindi alintana ang pusong lumilipad.

"Haven't you check your room yet?" Ximi suddenly asked. Si Ori ay nakaharap sa likod at nakabaon ang baba sa balikat ko while she was hugging my neck.

"Not yet." Sagot ko. "Saan ba? And saan 'yong room niyo?"

Iginiya niya ako papunta sa kwarto ko. It was a white door and looked like an ordinary room. 'Di pang guest.

"Maayos na 'to." Aniya. "Pero 'yong maleta mo, nasa loob lang. Ikaw na ang bahala sa pag-ayos mo since it's your stuffs. If you need something, you can ask some help from me o kay manang."

"Okay," I nodded. He opened the door and show me the whole room. "Who owns this ba?"

"No one."

I nodded mentally. It was awkward to be with him inside this little room. 'Di ako sanay.

Pero kung walang nagmamay-ari nito, para saan 'to?

"Just in case we have guest, dito sila natutulog." He added, walking towards the window. Parang alam na ganoon ang tanong ko.

"Love?" Sambit ko. I checked Ori na nakatulog pala sa bisig ko. I glanced at Ximi na nakatingin na pala sa akin. "Is she asleep?"

Lumapit siya sa amin at tinignan si Ori. He glanced at me once again and nodded.

"Saan ko siya ibababa?"

'Di kaya maistorbo ko ang tulog niya? 'Di kaya siya iiyak? Magwawala? O matutulog ulit?

"Let me," he presented. Maingat kong inilipat si Ori but to my surprise, pumiglas siya. So we had no choice but to remain still.

"Ako na." Sabi ko. Nag-alinlangan pang tumango si Ximi pero ngumiti ako para malaman niyang okay lang.

I supported Ori's back before I would lay her on my bed. Malambot naman ito kaya alam kong komportable siyang matulog dito.

Maingat kong nilapag si Ori sa higaan ko while Ximi was also helping me. He grabbed some pillows para doon humiga si bunso.

I was trying my best na 'di maistorbo si Ori. Baka kasi iiyak. 'Di ko pa naman kabisado ang batang 'to.

"Hays," I blurted out silently nang naayos na ang kalagayan ni Ori. Mahirap palang mag-alaga ng bata. Mabuti nalang at wala pa akong plano sa mga ganito.

"Sorry for that," he grinned. Umiling naman ako nang nakangiti.

"She's nice, actually. Saka, bata siya kaya kailangang pagpasensiyahan."

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin na parang nangingilatis o nagbabasa.

"Sanay ka ba sa bata?" He asked at umiling kaagad ako.

"Nag-iisa lang akong anak, so as my other cousins at kahit si Herana."

"It means you don't hang out with other people?"

"Kind of." I shrugged.

Hanging out with them felt wasting my time, my life. So I never had the chance to meet different people aside from my circle of friends. Pero si Herana lang naman ang kinokonsider kong kaibigan, labas ang mga pinsan.

He took a deep breath. "Let's go out?"

Sa una ay nagulat ako but actually nodded.

"Saan tayo?" I grinned.

"Kahit saan. Saan mo gusto?"

"Uhh," I looked away, contemplating. Wala akong alam na lugar dito. "Basta kahit saan mo mapagtripan."

"Alright." We both laughed.

We decided to hang out, just going to some places. Basta kasama ko siya, kahit saan magpunta roon ako.

Maingat naming sinara ang pinto para 'di magising si Ori. At nang dumating kami sa sala, may nakita akong pamilyar at 'di pamilyar na mukha.

"Ate Luca!" Bati ni Aubriene. Mukha siyang nabunutan ng tinik nang makita kami. "Kuya!" Ngumisi siya.

"Why?" Seryosong tanong ni Ximi. Napansin ko ang pagtayo ng isang babae na mukhang nag-aabang ng bati.

She's petite. Mukhang fragile. Maputla ang kanyang balat at kung 'di nakaliptint, maputla talaga siya.

Suot niya'y cotton shirt na mini mouse, kulay pink ito. Sa baba naman ay white jeans and wedge sandals.

"Hi!" Bati ng babae sa katabi ko. She was trying hard to feel comfortable.

"Natasha." Ximi greeted. Biglang lumiwanag ang kanyang awra. Nakipagbeso siya sa babae.

"It's been awhile, huh?" Now, she sounded comfortable.

Did they know each other?

"What made you here? Projects?"

Projects? 'Di pa tapos ang school ng babaeng ito?

"No, kuya!" Abi whined. "Siyempre namiss ka niya! Ang bilis mo namang makalimot."

"Uhh, okay." Ximi glanced at me. "Si Natasha, kababata ni Abi. She's very close to me."

Napakurap nalang ako. I didn't know if I was too obvious na gustong makilala ang babaeng ito o sadyang ganito siya sa lahat?

"O...kay?"

"Si Ate Luca pala, Ash." Pakilala sa akin ni Abi.

"Hello po!" She smiled but her eyes was on Ximi bago niya inilipat sa akin. Those eyes were up to something.

"Hi." Tipid akong ngumiti na may tango.

"Saan kayo pupunta?" Abi asked, grinning. Sumulyap siya sa kanyang katabi.

"Kahit saan." Si Ximi ang sumagot tutal 'di ko naman alam kung saan kami pupunta.

"Ay ganun? Pero teka, alam na ba ni Elliana na nandito ka?"

I stared at Ximi. Bakit ang daming babae ng kumag na ito?

"Does she have to know I'm here?"

"Uhh," Abi grinned. "Of course not?"

Ximi sighed. Bakit parang ayaw niyang marinig ang pangalang iyon?

"Si Isha pala?" I asked, trying to divert the topic.

"You know Isha?" Tanong pabalik ni Natasha. She sounded surprised.

"Uhh, yeah?"

I felt uneasy talking to a stranger. Yeah, she's nice but I felt uncomfortable.

"How?" She asked again. Kung ganito siya makatanong, probably kilala niya si Isha?

"She's my second cousin."

"Oh? Eh magkaano ano ba kayo ni Kuya Ximi?"

Nagkatinginan kami ni Ximi sa isa't isa. Magkaano ano nga ba kami? O ano kami? Friends, 'di ba?

"We're business partners, Natasha." Si Ximi ang sumagot with his baritone voice.

"Ah," tanging sagot ng babae. Tumahimik na siya. Mukhang nahiya o whatever ang kanyang naramdaman.

"Kailangan ba talaga 'yan, kuya?" Aubriene asked. "Puwede bang mag-stay muna kayo rito so we could hang out?"

'Di ako sumagot. Okay lang naman sa akin kung ganoon ang gusto nila. And I suddenly felt tired. Wala pa akong pahinga mula nang dumating kami rito.

"Ximi," sambit ko.

He looked at me na parang nag-aalinlangan. Of course he can't say "no" to them. Ngayon lang ulit nakauwi siya nakauwi rito at parang ang sama naman namin kung aalis nalang basta. Tutal lagi ko namang nakakasama ang lalaking ito.

"Dito nalang tayo." I announced. "Besides, kailangan ko ng magpahinga kasi puyat pa ako kagabi."

I hope he'll buy my excuses. Pero mukha namang nakumbinse niya ako.

"Okay." Tipid siyang ngumiti at biglang hinawakan ang kamay ko. "You rest now. Dito lang kami."

"You'll be fine here?" I asked. Tumango naman siya. So I had no choice. At kailangan ko na rin namang magpahinga.

Bumaling ako sa dalawa. Si Natasha ay nakatingin sa kamay namin ni Ximi while Abi was busy with her phone.

"Maiwan ko na kayo rito. I have to rest pa kasi halos kararating lang namin."

Pinasok ni Abi ang kanyang cellphone sa bulsa niya.

"Yeah, sure. No problem, Ate Luca. Sleep well." She smiled. Tumango naman ako saka saglit na tinignan si Natasha bago si Ximi.

Bab berikutnya