webnovel

The Obsessions (Tagalog)

Penulis: ImPossible8
Seram
Sedang berlangsung · 29.3K Dilihat
  • 5 Bab
    Konten
  • peringkat
  • N/A
    DUKUNG
Ringkasan

different kind of obsessions made up by the author's twisted imagination

Chapter 1The Cook

Dana and Charles Cuizon, masayang mag asawa sa loob ng 7 years.. Maayos naman ang buhay nila, di mo masasabing mayaman sila pero di rin sila mahirap.. Dahil di nabiyayaan na magkaanak, kaya nakakapagipon naman sila. Mahilig magluto si Charles dahil bata pa lang sya ay lagi itong kasama ng mama nyang nasa kusina at nagluluto kaya naging napakahusay ng batang Charles, na kahit anong ihaing rekado sakanya ay kaya nyang gawan ng paraan upang maging isang masarap na putahe ito, alam nya kaagad kung sariwa ang mga karne, prutas at gulay sa pagaamoy at pagtikim nya dito, kahit na hilaw, kakaibang katangian pero dahil sa nakakadiring kakayahan nya ay kaya naman nyang gumawa ng masarap na putahe. Naging pangarap din ng mama ni Charles na umunlad ang anak dahil sa angking galing nito sa pagluluto. Kaya naman nang makaipon ng sapat ang mag asawa ay nagtayo sila ng isang maliit na restaurant..

Naging maayos ang takbo ng negosyo ng kanilang restaurant kaya naman nakabili sila ng mga resthouse sa ibat ibang parte ng kamaynilaan hanggang sa holdupin ang restaurant nila at mabaril si Charles. Dahil walang alam ang babae sa pagluluto at pagnenegosyo ay nalugi sila kaya kinailangang ibenta ang ibang ariarian nilang naipundar dahil sa may natamaang maselang parte ng internal organs ang lalaki kaya kinailangan itong maoperahan at bigyan ng masusing pagpapagamot. Halos nasaid ang kanilang ipon at ang tanging natira ay ang bahay nila at ang naluging negosyo. Dahil wala ng natira pa sa kanilang naipon at naipundar ay kinailangan ng lalaking gumawa ng paraan upang lumago muli ang kanilang negosyo. Kaya naman tuwing gabi ay magkasama ang dalawa sa panghuhuli ng mga pusang ligaw at mga nakawalang mga manok sa paligid. Dahil nasanay si Dana sa marangyang buhay na ipinaranas ni Charles sakanya ay madalas na nagagalit at inaaway ni Dana ang asawa dahil sa sinasapit ng kanilang buhay pero wala din namang magawa ang dalawa kundi ang magpatuloy sa pagkuha ng mga ligaw na pusa at ligaw na manok. Konting putahe lang ang naluluto nila dahil sa konti lang naman ang nakukuha nilang pusa, kadalasan ay 5 lang lang at paisa-isang manok lang sila ng kuha upang di makahalata ang mga may ari nito. Kaya naman di din gaanong kalakas ang kita nila, nababalik lang ang kanilang puhunan at kokonti lang ang tubo. Kaya naman halos araw araw na nagmamaktol at galit si Dana sa asawa. Nang isang gabi matapos makakuha lang ng 2 pusa lang at isang manok ay umuwi na din sila...

"Pesteng buhay naman to oh! Bakit pa kasi nakipagbuno ka pa sa holduper, ayan nabaril ka tuloy! Di sana ganito kahirap ang pesteng buhay meron tayo!" Paulit ulit na reklamo ni Dana sa asawa. Madalas na lalambingin nalang ni Charles ang asawa o kaya ay kakausapin ng mahinahon ito kapag nagagalit si Dana upang di na lalo pang magulo. Pero dahil lalong konti ang huli nila ay mainit din ang ulo ni Charles na sinasabayan pa g bunganga ni Dana kaya naman..

"Hoy pesteng babae ka, wag kang nagiinarte na kala mo ang laki ng naitutulong mo saken hah!" Dahil di sanay si Dana na sinisigawan ng asawa ay lalo syang nagalit "At bakit? Kasalanan ko ba ang lahat ng ito? Diba dahil sa kapestehan mo kaya nagkadaletse leste ang buhay naten. Masyado ka kasing nagmamagaling hayop ka!" Galit na galit na sabi ni Dana habang pinagbabayo ang dibdib ng asawa. Kaya kesa masaktan ni Charles ang asawa ay tinulak nya ang babae at umalis. Di nya napansin na sa kanyang ginawa ay nawalan ng balanse ang babae at nabagok ang ulo nito sa marmol na counter.

Nang malamig na ang ulo ni Charles ay muli syang bumalik sa kusina, nakita nyang maraming dugo sa sahig, naisip nya na ang asawa ay nagsisimula ng maglinis ng iluluto nila kaya napangiti sya at dahan dahan pumasok sa kusina. Nagimbal sya ng makita ang asawa na basag ang ulo nito at doon ay lumalabas ang dugo at kapirasong laman, nakalawit at dilat na dilat ang mga mata ng asawa. Natulala si Charles at di malaman ang gagawin, nakatayo lang sya at umiiyak. Bumalik sya sa living room at pumasok sa banyo. Naghilamos at paulit ulit na sinampal sampal ang sarili upang masiguro kung namamalikmata lamang sya. Makalipas ng 30 minutos ay muli dahan dahan syamg lumabas ng banyo, patungo muli sa kusina, nang makita nya ang mas marami ng dugo sa sahig, bungad pa lamang ay agad na syang tumakbo patungo sa malamig na bangkay nang asawa. Niyugyog nya ang malamig na katawan ng asawa habang patuloy na umiiyak. Niyakap at hinahalikhalikan nya ang malamig na labi ng kanyang asawa na may dugo sa labi na para bang buhay pa rin ito at kinakausap nya. Dahil sa kakahalik nya ay nalasahan nya abg dugo na nasa labi ng asawa. Dinilaan nya ang gilid ng labi ng asawa upang makatiyak na tama ba ang nalasahan nya. Napangiti sya matapos masimot ang dugo sa labi ng asawa.

KINABUKASAN

"Wow, mukhang madame tayong lutong karne ngayon Charles ah" sabi ng isa sa kanilang mga suki

"Opo Aling Idad, dito po ba kato kakain?" Nakangiting tanong ni Charles sa matanda

"Oo, bigyan mo ko nyang dinuguan mo at mukhang masarap ah, saka pahingi na din ako ng sabaw iho" agad na tumalima ang lalaki, nang maihain ang pagkain sa harap ng matanda ay agad nitong tinikman ang sabaw..

"Masarap ka talagang magluto Charles! Ano tong sabaw mo? Kakaiba ang lasa at sarap eh" curious na tanong ng matanda

"Salamat po, buto-buto po yan" at kuain na ang matanda, ng maubos ang kanin at ulam "Pahingi pa nga akong sabaw iho, napakasarap talaga, saka parang hindi baboy yung karne ng dinuguan mo ah. Ano bang klase yun?"

"Ah, kay Dana po yun galing, kaya po ganun"

"Aba'y bakit nagabroad na ba asawa mo? Kelan umalis? Ano yun, imported na karne?"

"Parang ganon na nga po"

At muling lumakas ang restaurant ni Charles na nagpapasalamat sa asawa, at sa tulong din ng iba pang mga kapitbahay at mga naliligaw na turista..

°•FIN•°

Anda Mungkin Juga Menyukai