webnovel

Chapter Forty One

             Hindi ako matigil sa pag-iyak matapos akong ikulong ni mommy sa kwarto ko. I can't get out. I tried the veranda but it's close. Sinubukan kong basagin only to realize na it's shocked proof. Hindi ako makalabas. Hindi ko alam ang gagawin. Ayaw kong umalis. Hindi pwede. Nandito ang buhay ko at oras na umalis ako...

             I tried to ask for dad's help but mom said she's talk to him. Siguradong kakausapin niya ito na ibigay na sa kanya ang custody. Hindi ako makakapayag. How about Tyler? Hindi ko siya pwede iwan.

             Kinuha ko ang cellphone mula sa bag ko. Nanginginig kong dinial si Tyler. Ilang ring lang ay sumagot na ito.

             "Hi babe... Tapos na ba ang--"

             "Tyler, get me out of here please.... Kailangan ko makaalis dito." patuloy ako sa paghagulhol.

             "What happened and why are you crying??"

             "It's a long story. I will tell you everything later... Kunin mo muna ako dito. Please lang."

             "Okey, sweetheart. Papunta na ako diyan."

             "T-thank you. Please hur--"

             Hindi ko natapos ang sasabihin ng may humablot ng cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko ng ihambalos iyun ni mommy. I didn't hear the door open. Napaiyak na lang ako ng makita ang sira sira kong telepono.

             "Mom... Please... I can't leave Tyler. I love him."

             "Wake up, Casandra... He's older than you. Una pa lang, hindi na dapat kayo nagkaroon ng relasyon pa. Dahil diyan sa letche mong ama kaya ka napunta sa kamay ng lalaking yan."

             Umiling ako. "I love him, ma. Please... Iwanan mo na lang ako sa kanya. He'll take care of me."

             Tumingin siya sa mga mata ko saka hinawakan ang magkabilang balikat ko. "That's what your father told me when he asked for my hands... He'll take care of me... He'll love me but look what happened? Pinatawad ko siya noong nagbunga ang kahayupan nila ng babae niya. I even accepted his daughter but what did he do? Niloko na naman niya ako at pinagpalit sa ibang babae... Wake up... Pinaglalaruan ka lang ng Laurel na yan."

             Umiling ako. "He's different, ma. He loves me. Hindi niya gagawin sa akin ang ginawa ni daddy sayo."

             Isang malakas na sampal ang ginawad nito sa akin. Napahawak ako sa mukha ko.

             "Sana ay nakatulong yun para magising ka na diyan sa kahibangan mo."

             Naiwan ako sa kwartong namamaga ang mga mata't pisngi dahil sa pagkakasampal ni mommy. Hindi ko alam kung ilang oras akong umiiyak. I waited for Tyler. I imagined him running through my door, rescuing me pero nakatulog na lang ako'y wala akong nakitang kahit anino man lang niya. I become hopeless.

             Halos hindi ko maibuka ang mga mata ko sa sobrang pamamaga nito. Masakit ang ulo ko. I looked at the clock. It's already 1 in the morning. Naramdaman ko na namang uminit ang mga mata ko. Si Tyler... Bakit wala si Tyler? Bakit hindi niya ako pinuntahan dito? He said he's coming. What did mom do?

             My soul shattered into pieces ng marealize na ilang oras na lang mula ngayon ay aalis na kami papunta ng Canada. I can't go like this. I need to si Tyler. Gusto ko siyang makasama. Bakit ba hindi na lang nila ako hayaan? What did dad say to mom? Bakit hindi niya ako pinaglaban? How about Stephanie? How is she?

             Ang daming katanungan sa isip ko at ni isa, wala akong mahanap na sagot. I am so confused and sad. I feel so sad na gusto ko na labg kunin mula sa dibdib ko ang puso ko at itigil iyun sa pagkabasag.

             Four in the morning. Hindi ako nakatulog. Magdamag akong gising, iniisip kung paano ako makakatakas mula kay mommy. I thought about escaping mamaya sa airport. Kaya ko gawin iyun. Maraming tao at hindi niya ako makukulong. I will escape. Kailangan ko makita si Tyler.

             "Get out of bed. Mag-ayos ka na at aalis na tayo."

             Napamulat ako ng marinig ang boses ni mommy. Isang mainit na butil ang tumulo mula sa mata ko. I need to do my plan. Kailangan ko tumakas. Tyler will help me. Sa kanya ako titira kung kailangan. Wala ng magagawa sina mommy kung aalis ako.

             Tumayo ako mula sa kama ko. Masakit ang katawan na nagpunta ako sa banyo at naligo. Nilinis kong mabuti ang sarili. Ang sakit ng mga mata ko sa bawat pagdampi ng tubig. It seems like I cried my heart out.

             "Mabuti at tapos ka na." ani mommy ng makita akong pababa na.

             Natigil ako ng makita ang iilang guards sa labas. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kotse. They escorted us in habang yung iba ay pumasok sa likod ng sasakyan.

             Parang biglang nawalan ako ng pag-asa. Did mom find out na tatakas ako kaya nagdala siya ng maraming guards? I underestimated her. Afterall, she came from a very powerful clan. Bakit hindi ko man lang ito naisip?? Paano ako tatakas? Paano ako aalis??? I can't go to Canada. My life's here. Tyler's here.

             Nagsimula na naman akong maiyak. Ang sakit sakit sa mata pero hindi ko mapigilan.

             Nagsimula ng umandar ang sasakyan namin. I lost all hope. Pagod na pagod na ako at para bang kahit na ayaw kong umalis, tinanggap ko na lang na ito na ang katapusan ko.

             "Stop crying. Hindi ka na bata." ani mommy.

             Pinahid ko ang mga luha ko pero patuloy pa rin iyun sa paglabas. My eyes became a faucet of tears.

             "I am doing this for you. Ano bang magiging buhay mo dito sa pilipinas kung sasama ka dun sa tatay mo? He's a player... Malamang ay iba't ibang babae lang ang iuuwi niya gabi-gabi. Masisira ang buhay mo." ani mommy. "Forget everything about this country and start a new life in Canada."

             Paano ko gagawin yun? Parang sinabi na din niyang magpakamatay ako. My life's here. Bakit ba hindi niya maintindihan? Hindi ba kami pwedeng magsimula ulit dito? Ano bang pinagkaiba?

             "I already told your school about this. You'll transfer sa isa sa med school doon sa Canada. Mas maganda roon. Maganda ang mga facilities and makakapag-aral ka ng maayos. Walang distractions."

             Dumating kami ng airport na napapalibutan ng mga gwardiya. Nanhinginig ang mga paa ko habang naglalakad papunta sa loob. Gusto kong tumakbo ng tumakbo hanggang sa makalayo ako rito pero paano kong gagawin iyun kung konti na lang ay maggi-give up na yata ang mga tuhod ko... And these guards...

             "Do you want to eat first? May 30 minutes pa tayo." ani mommy.

             Umiling ako. Wala akong ganang kumain. Mabuti pa ngang mamatay na lang ako sa gutom.

             "Okey then let's go."

             Sumunod lang ako sa kanya. Patingin tingin naman ako sa paligid. Nagbabakasakali na magkaroon ako ng isa pang tsansa na makaalis mula rito.

             "Alam kong gutom ka na. You didn't eat dinner at hindi pa taho nagbe-breakfast so eat."

             Mom handed me a food. I didn't even bother to look at it.

             "Then eat this later kung gutom ka na." aniya saka nilagay sa bag niya yung binili.

            

Bab berikutnya