webnovel

Chapter Thirty

             I really hate this day. Wala ng magandang nangyari after I left Tyler's condo. Ngayon, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Ang bwesit na Tyler na yun. Ang sabi niya, hintayin ko raw siya dahil susunduin niya ako, rh halos dalawang oras na ako dito sa University wala pa rin siya. Ano na? Sana naman sabihin niya sa akin kung hindi na siya mtutuloy sa pagsundo sa akin, hindi yung maghihintay ako sa wala.

             I tried to text and call him pero ang gago, hindi ata sinasagot ang tawag ko. Nakakainis. Bahala na siya. Aalis na ako. Ayoko na maghintay. Ano ako? Tanga? Gusto ko mang bumalik na lang sa dorm, parang ang tanga naman, ang sakit sa bangs isipin na doon na lang ako matutulog dahil hindi ako sinipot ng jowa kong gago.

             Sa condo na lang ni April, which is now mine, ako tutuloy. Mga bwesit. Pinagtutulungan ata nilang inisin ako.

             "Ken?"

             Napatingin ako sa tumawag. Mula sa itim na kotse ay kita ko ang nakalitaw na ulo ni Tristan. Oh, yan ang kotseng napanalunan niya from Zen. A pretty car, indeed. Hindi ako mahilig sa kotse but I know a good car when I see one.

             "Pasaan ka? Hatid na kita." aniya.

             I rolled my eyes. "No thanks, Tristan. Kaya ko na ang sarili ko."

             "Come on, Ken. Maggagabi na. Ang rinig ko, strike pa naman ngayon. Mahihirapan kang sumakay ng jeep."

             Napaisip ako. Kaya pala wala akong makitang dumadaang jeep. Puta. Malas nga naman ng araw na toh. Pati nga driver mg jeep nakikisama. Mukhang wala na akong choice. Malayo dito ang condo, alangan namang maglakad ako.

             Binuksan ni Tristan ang front seat. Agad naman akong pumasok. Wala naman sigurong masama. Kapatid naman siya ng boyfriend ko na bestfriend ko rin. It was already clear to Tyler... About what happened that night in the bar.

             "Saan kita ibababa?" tanong niya.

             "Sa condo ni April."

             "Okey." he answered. "Hindi ka sinundo ni Tyler? I heard what happened to mom. Kay Tyler ka daw nag-stay last night. I'm glad, okey na kayong dalawa."

             Hindi ako sumagot. Ano naman kasing sasabihin ko diba? Na dapat susunduin ako ng kapatid niya but in the end, hindi niya ako sinipot? Sakit sa pride. Ano yun? Pagkatapos niya akong romansahin sa buong condo niya, ganun na lang? Dahil gamit na gamit na niya ako, tine-take for granted na lang? Ganun? Sabihin niya lang kung nagsasawa na siya dahil hindi ako magdadalawang isip na umalis. I'm not the type to beg.

             "Do you want to eat first? I'm sure walang pagkain sa condo kung doon ka magste-stay ngayong gabi or if you want, mag-drive thru na lang tayo."

             Umiling ako. "Wag na. Okey lang ako."

             "Tsk. Hindi kita pwedeng pabayaan, malalagot ako kay Tyler."

             Sinamaan ko siya ng tingin. "Can we not talk about that jerk? Gusto ko lang ng tahimik na environment. Somewhere I can be at peace."

             "Woohh... Nag-away kayo? Kakabati lang, away agad?"

             "Shut up, Tristan."

             He laughed. "Kaya naman pala wala sa mood. Ano namang ginawa ni kuya para bumusangot ka ng ganyan?"

             "Stop the car. Bababa na ako. Ang ingay mo." wika ko at bubuksan na sana ang pinto ng kotse niya pero agad rin naman niyang ni-lock iyun. "Buksan mo nga!!"

             "Okey! Okey! Hindi na ako magsasalita. Pasensya na. I was just curious."

             I sighed. Bakit ba ang layo layo ata ng condo ngayon? Tagal naming dumating eh. Bwesit.

             "I'll escort you to your unit." offer ni Tristan.

             I rolled my eyes. "Wag na. Hayaan mo na akong mag-isa."

             "Kailangan kong makasigurado na makakarating ka sa unit mo. Mahirap na at baka maisipan mong gumawa ng hindi maganda."

             Kinunutan ko ito ng noo. "Wala akong planong sirain ang buhay ko para lang diyan sa kapatid mong walang kwenta. I have my life kahit wala siya. Umalis ka na. Wag ka ng makulit."

             He smiled. "Tyler is so lucky to have you. You know that, right?"

             Hindi ako nagsalita. Seryoso lang akong nakatingin sa kanya. Ano naman ang gusto niyang sabihin ngayon? Bwesit toh.

             "I realized it now that it's too late... Bye, Ken." aniya saka pumasok na sa kotse niya.

             Ano daw? Daming alam. Kung magsasalita dapat nage-explain ng hindi naguguluhan ang kausap. Gago. Bahala silang magkapatid. Parehas silang malabo. Kailangan ko na magpahinga.

             I ordered food dahil walang pagkain sa condo. Mamimili na lang siguro ako sa weekend. Wala nang pagkain sa dorm ko. Mukhang inubos lahat ni Tyler. Well, siya naman ang nagbayad nun so bahala siya.

             Naghihintay ako sa inorder ko when my phone buzzed. I looked at it. Agad akong napasimangot ng makita ang pangalan ni Tyler at ang mukha niya sa screen. Nakakainis tingnan. Ang sakit sa mata.

             Wala sana akong balak na sagutin pero mukhang hindi ako tatantanan ng gago kung di ako sasagot.

             "Oh ano??" mataray kong bungad dito.

             "Where are you? Andito ako sa harap ng University and you're not here."

             "So inexpect mo na maghihintay ako sayo ng dalawang oras? Gago ka ata eh. Umalis ka na diyan. Nakauwi na ako."

             Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga nito. "Are you at the condo? Nasa labas ka ba ngayon? I forgot to give you a spare key."

             "May sarili akong condo, tanga." narinig kong may nag-doorbell. "Bye na. May gagawin pa ako."

             "Wait... You're mad at me. I can sense it."

             Ay gago, alangan namang matuwa ako sa pangi-indian niya sa akin? Ano bang inexpect niya? Magtatalon ako? Umiyak sa sobrang tuwa? Liit ng utak. Tagal maka-gets.

             Naglakad ako papunta ng pinto at binuksan iyun. Nagulat ako ng makita si Tristan na dala ang inorder ko. What the hell is he doing here? Akala ko umalis na siya?

             "Here's your delivery ma'am." aniyang ngiting ngiti.

             "Di ko alam na nagtatrabaho ka na palang delivery boy ngayon."

             He laughed. "I just happened to see the delivery guy bago siya makakatok." aniya. "Tsk. I offered you food, di mo tinanggap. Ganyan ba kataas ang pride mo?"

             Muntik ko ng mahulog ang cellphone na hawak ng magsalita si Tyler. Di ko pa nga pala nai-end ang tawag.

             "Who are you talking to?" seryosong tanong nito.

             "Kapatid mo. Di ka kasi dumating kaya nagmagandang loob yung taong ihatid ako."

             "And why is he still there?"

             "Aba malay ko diba? Pinaalis ko na siya kanina."

             "Saan ba yang condo mo? Pupuntahan kita."

             I rolled my eyes. "Wag na, Tyler. Bukas na tayo magkita. Nakakasawa rin naman kung lagi tayong magkasama." at baka iwan mo na ako oras na maumay ka na. Of course, I can't say that. My natitira pa naman akong pride sa sarili ko.

             "Babe, give me the address... Please."

             "Bakit ba ang kulit mo? Ba't di mo na lang ipagpatuloy ang ginagawa mo?"

             Tumingin ako kay Tristan na nakaupo na ng komportable sa sala habang nanunuod ng tv. May kakapalan talaga ang mukha ng magkapatid.

             "I am really sorry... May ginagawa lang sa opisina. Hindi ko maiwan-iwan. Hindi ko napansin ang mga tawag mo. I was at the conference room the time you called."

             I sighed. "Whatever. Hindi naman ako nagtatanong."

             "Babe..." may panunuyo sa boses nito.

             "Okey... Okey. I will text you the address. Ang kulit kulit."

             "I love you. I'll be there."

             I ended the call para matext sa kanya ang address. After that, nagtungo na ako sa kusina para ihanda ang pinadeliver ko. Marami naman ito. Sasakto lang naman siguro toh sa aming tatlo noh? Kung hindi, eh di bumili silang dalawa. Ako pa ba ang maga-adjust?

Bab berikutnya