webnovel

Chapter 14

Flower of Despise

NAGLALAKAD ako sa first floor. Students are on their lunches while some decided to skip the meal, kagaya ko. Lemuel's been absent for days pala after nung nangyari sa akin. The last time I saw him was when I was drove home from the school to our house, Friday in the afternoon. Kasama ko sila sa van na minamaneho ni Manong, I mean Jufiel and Lemuel. After that, hindi ko na ito nakita mula Lunes hanggang Wednesday. I asked Jufiel about it at ang sabi niya lang ay...

"He's love sick, " sabi nito habang nagkakalikot na naman sa isa sa mga computers na nasa comlab.

Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o yun yung paraan niya ng pagsasabing hindi nito alam. Either ways, hindi na ako nagtanong pa. Siguro galit iyon dahil hindi ko man lang sinasagot ang mga tawag nito noong last weekend.

A sigh escaped from me as I walked my way, hugging three books with my hands. Hanggang ngayon okupado parin ang isip ko sa mga nalaman ko mula kay Gio.

"He loved Sahara. He'd never do that to her, "

Huling sabi nito bago kami lumabas sa Music Room kahapon. It was the same thing Cheska said about her brother. If its true nga hindi nga sinaktan ni Havier si Sahara, then why'd she lie and pointed it to him? To think na may relasyon silang dalawa.

Sahara's case. Bakit parang may mali?

"Jade!"

Napabaling ang atensyon ko sa labas. Hinanap ng mata ko ang taong tumawag sa akin mula sa mga taong nasa labas. At nang makita ko ang taong iyon, napatigil ako sa paglalakad. There I saw waving is the ever joyful Rainier. He motioned me, using his hand to come.

Humakbang ako papunta sa direksyon niya. He's standing just near the building, kasama ng iba pang estudyante na nakaupo lang sa upuan sa gilid ng building. Lumabas ako ng building at pinuntahan siya.

"Hmm?" Ako, tinatanong kung anong kailangan nito.

Napakamot siya ng ulo at saka napatingin sa gilid. Agad rin namang bumalik ang tingin nito sa akin bago nagsalita.

"W-Wala naman akong kailangan, " parang nahihiya nitong sabi.

Natawa ako nang mahina at saka tumango. Nahihiya siguro siya dahil pinapunta niya ako e wala naman siyang maisip na dahilan kung bat niya ako tinawag.

"A-Ano pong gusto niyo? B-Bili po akong milkshake!" He announced in a very nervous manner. Ganito ba talaga siya? Natataranta?

"Wag na. Hindi naman ako—"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang sumigaw ito na ikinakaba ko.

"Hindi po! Bibilhan ko po kayo! Dito lang po muna kayo at babalik po ako! " sabi nito bago tumakbo papunta siguro sa cafeteria.

Hindi ko naman sinabing gusto ko ng milkshake. Pero okay narin lang siguro.

Luminga ako sa paligid. May mga tingin akong nahahagip pero agad rin namang nalilihis iyon mula sa akin. Sa dami ng estudyanteng naglalakad, nagkukwentuhan at naglalaro sa paligid ko, hindi ko alam kung sino ang may alam na ng pagkatao ko. I've been in Gio's gang at siguro kilala narin ako ng iba. Theyre impression on me may have changed pero hindi ko na naman yun problema. Or hindi ba?

From all these faces, hindi ko alam sino ang mga nagbabalewala sa katotohanan, kung sino ang nagagalit, kung sino ang may masamang pakay. All eyes will look innocent but not all hearts are. Alam kong may mga taong gusto akong kalabanin.

Na pupuntiryahin ako, ngayong alam na ng iba ang pagkatao ko at kakayahan ko.

"Jade!" Isang babae ang sumigaw. Lumingon ako sa gilid ko at nakita ang isang pamilyar na mukha. May kunot ang kanyang noo, ang kilay nito'y nakababa isang ekspresyon ng taong nag-aalala, ng taong may takot. Kung bakit ganun ang ekspresyon nito ay hindi ko alam.

"Baki—"

My confusion cuts off when she suddenly pushed me. Pati siya ay natumba at napahiga sa daan kasama ko. The next thing that happened horrified me. Mula sa taas bumagsak ang isang paso. Nanlalaki ang mga matang nakatingin ako sa paanan ko. Kitang-kita ko ang mga bitak ng paso.

"Buti naman, " rinig kong sabi ng babaeng sumagip sakin.

Tumayo kaming dalawa. Hindi ko na nagawang pagpagin pa ang duming kumapit sa palda ko. I was too shock at what happened. Hindi ko alam na aabot sa ganito.

Hindi.

Alam kong aabot sa ganito. Na kung saan buhay ko ang pag-iinteresan nila.

I heard gasps and indistinct voices around me. Hindi ko na namalayang may nga estudyante na pala ang nasa paligid namin. Mga estudyanteng kuryuso sa kung ano ang nangyari. At siguro, kung bat ako, sa lahat ng estudyante. Ofcourse no one would think that was just an accident.

Nothing is an accident. There will never be and there never was.

"Are you okay? " baling ko sa babaeng sumagip sa akin.

Tumango ito nang magtagpo ang paningin namin. "Im okay. Ikaw dapat ang tanungin ko niyan. "

"I'm okay. Thank you for that. " sabi ko.

"That's nothing for all the things youve done to me Jade, " sabi nito bago sumilay ang isang ngiti sa labi.

Now that she's close enough for me to study her face, nakita ko ang pagiging pamilyar ng mukha nito.

Maya-maya lang, habang dumadami ang mga tao sa paligid namin ay dumating si Rainier na may dala-dalang dalawang cup ng milkshake. Nagpabalik-balik ang tingin niya mula sa amin at sa mga estudyante kasama namin.

"Anong nangyari?" Tanong nitong naguguluhan.

"Someone tried to kill her, " ang babae kanina.

Namilog ang mga mata nito bago humakbang palapit sa akin. "A-Ano? B-Baki—"

Natigil siya sa paglalakad ng maapakan nito ang isang piraso ng paso na nabasag kanina. Natingin siya sa pasong iyon habang napakurap-kurap hindi makapaniwala sa nakita.

Kahit ako,hindi ako makapaniwala na may mga tao ng kumakalaban sa akin.

My principle was once to ignore what should be ignored.

At nang lumabag ako sa prinsipyong iyon ay siya ring pagsisimula ng pagbabago ng takbo ng buhay ko.

My eyes scanned the pot. And together with the scattered soil is a white flower. A white rose to be exact. Wala itong ugat, siguro ay tinusok lang iyon sa paso. Its a beautiful flower para ihulog lang.

Tumingala ako sa taas. Nasinagan ng pangtanghaliang ilaw mula sa araw ang mukha ko. Hindi ko alam kung sino ang may gawa nun. Ang alam ko lang, gusto ako nitong patayin.

Who are you?

Why are you doing this?

Cheska's POV

"YOU did that, " sabi nito. Nanginginig ang kamag ko. At mas nanginig pa lalo ito sa sinabi niya.

"No! I didn't do it!" Sigaw ko, namumuo ang mga luha sa mga mata.

She smirked as she leans on the railings. "Wag ka nga magsinungaling. Gusto mong patayin ang kaibigan mo diba? And with that, binagsak mo yung paso. So evil. "

No. Mali ka. Ikaw ang gumawa nun. No. Ako ba? Ako ba ang gumawa niyon?

"Ako ba...ang gumawa non?" Umiiyak na tanong ko habang nakatingin sa nanginginig kong palad. Im on my knees habang patuloy na tumutulo ang mga butil ng luha sa mga mata ko.

Sa mga mata ko, ang mga palad ko ay nababahiran ng dugo.

Dugo ni Jade.

"Good girl, " sabi nito bago tinapik ang ulo ko. "Ive never thought you will be very helpful. "

Hindi ako nagsalita. Nanatili lang akong umiiyak at nanginginig sa sariling takot. Kung bakit takot ako, hindi ko alam.

Hindi ko naman gustong patayin si Jade!

"Tumayo ka na dyan at bumaba na. In less than ten minutes, naririto na sila, to find you." Sabi nito bago binuksan ang pinto ng rooftop.

Akala ko wala na itong sasabihin pa pero nanatili lang itong nakangisi sa akin habang kinukulot ang buhok nito gamit ang daliri.

'Umalis ka na.' Sigaw ng isip ko.

Mukhang narinig niya naman ito. Pero bago niya sundin ang hiling ko, binitawan pa niya ang mga katagang lubos kong ikinabaliw.

"Youre the one who wants to kill your bestfriend. Not me. Not anyone. "

No.

Jade.

Jade, sorry.

"Sorry Jade!" Sigaw ko nang maramdaman ko ang sakit ng puso ko sa narinig.

Sorry.

Bab berikutnya