webnovel

A Cup of Latte

"Sorry for the wait. Here's your order." Ibinaba ko sa table isa-isa ang mga coffee.

Medyo nailang nga lang ako since masyadong quiet sila. Nakatingin sila sakin habang ibinababa ko. Napepressure tuloy ako. Baka matumba ko ang isa. Last kong naibaba ang Latte. And I smiled before putting it down. I have my hopes on this. Umaasa ako na magugustuhan niya. And sana irecommend niya rin to sa iba.

Aalis na sana ako nang biglang magsalita si Arvin.

"So, Roschelle, uulitin ko. Kelan mo ba ibebenta tong shop."

Bigla akong napatigil at napatingin sa kanila. Even Josh na naglilinis ng lababo napatingin din.

~

"Ibebenta ba talaga ni Maam yung shop?" Sabi ko habang nakaupo sa park sa South Bon High Street.

Nagbuntong-hininga si Josh.

I know how he feels. Napalapit na samin ang shop. Para na rin naming bahay yun. Even though hindi pa ko nag-iisang taon, feeling ko ang tagal ko nang nagtatrabaho dun.

I think I really love flowers and coffee.

"Sana na nga hindi." Sabi ni Josh habang hawak hawak ang binili naming shake.

"Pero alam mo..." Ibinaling ko ang tingin ko kay Josh habang nakakunot ang noo ko.

"...hindi naman sa pagtsitsismis, pero ang rude nung bf niya noh." Pinilit kong magalit pero mas naaawa ako kay Maam.

To think that nakuha niyang sabihan si Maam Rose ng ganun. Alam ko kahit single ako, hindi porket na may kayo ibig sabihin pwede niyo nang pagsabihan ang partner mo ng ganun. Para bang ang useless ng shop ni Maam. Napayuko na lang ako sa lungkot.

I don't know what to think anymore. Ang sakit kasi eh. I had found my place already. Nahanap ko na kung saan ako masaya. Kontento na ako run.

"May right naman yung bf niya eh."

Napatingin ako kay Josh. Even though he was saying those words, feel ko yung pain niya.

For both of us, mas masasaktan siya kasi ang tagal niya na shop na yun. Mag totwo years na siya run. Lalaki pa raw nun ang katrabaho niya. And they had so much fun.

"Hmm?" Imik ko.

Napatingin sakin si Josh habang nakasandal ang likod niya sa sunod na hagdan.

"Si Arvin ang may-ari ng shop eh." Sabi niya sabay buntong hininga.

"Ano?"

Napastraightened bigla sa pag upo si Josh.

"Hindi mo ba alam?"

Napanganga ako sa sinabi niya. All this time, kala ko si Maam Roschelle ang owner ng shop. I never dared naman na magtanong. Obvious naman eh. And I thought since sabi ni Maam siya ang manager ng shop, doesn't that mean na siya ang may-ari?

Napailing ako as I took a sip of the shake. Kaya pala.

"Sa palagay ko, gusto ni Arvin ibenta ang shop kaso baka ayaw ni Maam. Baka kaya sila nag-away." Sabi ko in a persuasive look.

"Oo. Di ko ba natsismis kanina?" Ani niya.

Napanganga ako at napailing.

"Kaya sila nag-away kahapon, dahil dun. Yun yung tsismis. Tapos ngayon ko lang na verify na totoo pala talaga." Dagdag.

"Kaya pala." Uminom ulit ako at bigla ko siyang tiningnan.

"Wait. Bakit feeling ko huling huli na ko sa mga balita?" Sabay tapik sa balikat niya.

Napangiti si Josh.

"Eh kasi ayaw mo ng tsismis."

"K fine."

Mas lumaki ang ngiti ni Josh.

"Tara na nga."

"Aray. Masakit yun ah."

Bigla niyang pinalo ulo para tumayo na rin ako.

"Hala. Mahina lang yun ah. Parang haplos na lang nga."

"Haplos ka dyan. Haplos tapos napayuko na ako?"

"Sadyang mabigat lang ang ulo mo." Sabi niyang sakin sabay nguso.

That indeed hit me. Nainis talaga ako. But he is my friend. And that was a joke. Kaya't although naiinis ako, natatawa pa rin ako.

Coffee Rule #6: Bawal magalit sa gwapong single.

"Anong sabi mo? Hoy! Alam ko malaki mata ko pero hindi yun rason para bumigat ulo ko!"

Hinabol ko siya pataas ng hagdan sa park since pababa kasi yung part at yung kalsada papuntang shop, nasa taas.

"Hahahaha! Oy, wala akong nasambit tungkol sa mata mo ah." Tumakbo si Joshua papunta sa shop habang tumatawa.

"Yun din naman ang ibig mong sabihin eh! Lagot ka sakin pag nahuli kita!" Banta ko sa kanya habang hinahabol ko siya.

"Ba't ba kasi mata mo lagi ang naiisip mo?"

"Gusto mo ba talagang ako ang magbully sa sarili ko ah."

"AHAHAHA, nagtatanong lang. Bakit nga?"

Nakarating na si Josh in front of the shop, nag slow down na rin ako sa pagtakbo.

"I don't like my eyes okay." Tumigil na ako sa pagtakbo. I was few paces away from Josh.

Napayuko nalang ako since may hiya pa rin ako.

"Sabi nila ampangit ko raw." Binabaan ko ang boses. Nakakahiya kasi baka may makarinig na ibang tao.

Napatahimik si Josh.

May dumaang anghel. Tunog lang ng mga kotse ang umalingawngaw.

"Di nga." Nabigla ako sa sinabi ni Josh. Sabay tingin sa kanya.

"Maganda ka kaya." Sabi niya sabay ngiti ng kanyang mga labi tyaka mga mata.

DUGDUG. DUGDUG. His eyes and his smile.

Umihip ang hangin tyaka nagsihulog yung mga dry leaves. AHAHA!

Parang koreanovela lang.

Whats wrong with me? DUGDUG. DUGDUG.

Mabilisan lang ang pangyayari but I feel like ang tagal nun.

Kelangan kong makareply.

"Ahaha Aha."

Halatang napilit ko ang tawa ko.

"S-syempre ang g-ganda ko. Ahahaha."

Patay. Amplastic.

"AHAHAHAHA!" Napatawa ng malakas si Josh.

"Ganyan ka pala matease. AHAHAHA"

Biglang uminit ang pisngi ko. Nakakahiya! I think namula pisngi ko sa embarassment. Buysit na Josh na yan! Ang galing manukso ah!

Kaya tumakbo ako papalapit kay sa kanya sabay sigwa ng kamay ko.

"Buysit! Hali ka rito. Hoy!!!"

Nakatakbo siya papasok ng shop habang tumatawa.

Pero...

BOOM!

"AHAHAHAHAHA!!!" I bursted with laugh.

Nakabundol siya sa pintuan nang shop since papalabas na pala sina Maam Rose and the rest. Mas nauna nga lang sina Maam bumukas.

"Yan kasi! Kinarma ka kaagad. AHAHAHA" Tukso ko.

"Wow. Imbis na maawa ka sakin pinagtawanan mo pa ako ah." Habol sa kin ni Josh.

"Wag kang lalapit, gusto mo matikman ang kamao ko." Banta ko habang tumatawa.

"COULD YOU JUST SHUT UP FOR MINUTE!" Malakas na sabi ni Maam Rose.

Bigla kaming napatigil ni Josh sabay yuko.

"Sorry Maam". Sabay naming sabi ni Josh.

I don't really want na makita si Maam na nagagalit. Although lagi niya akong napapagalitan since I'm always late, but iba ang galit niya ngayon. Nakakatakot.

Naglakas loob akong tingnan ang face ni Maam. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na nakatingin siya kay Arvin. Hindi pala kami ang napagsabihan but Arvin.

"And could you let go of my hand. PLEASE."

Sabay bitaw ni Arvin kay Maam Rose.

"Rose. Calm down. Okay. Mahina - "

"Its not your business Ken, kaya stay out of this." Sabi ni Maam sa isang kasama ni Arvin.

"I don't really know kung bakit atat na atat kang ibenta tong shop. And I don't really get the point of appointing me as your secretary since I don't even have any idea kung ano ang ginagawa dyan sa loob ng kompanya." Bulalas niya.

"Ros-"

"Tatanungin kita. Are you doubting me?"

"What?" Sabi ni Arvin.

Tumaas bigla kilay ni Maam.

"Heck no! Ba't naman kita pagdududahan. Bakit may ginawa ka ba na dapat kong pagdudahan?"

"Thats the point. Wala nga eh. Why do you even wanted me to be right next to you so hard? Hindi pa ba sapat na lagi tayong magkasama?"

"Because I want you to have a good life!" Medyo tumaas ang boses ni Arvin.

"Arvin. I have that already. I have already what you wanted. Nandito na oh. Mag-"

"No. Roschelle. You don't get it. I wanted you to be part of the company. Ilang beses ko nang inexplain sayo the possibilities n-"

"Oo, alam ko. I get it. Kapag nakapasok ako, ipopromote mo ako. Do you even know kung ano impact ng kahihiyan nyan sakin ha? Maraming mga employee sa company na mas deserving. And this shop is all I have. And I'm contented with this."

Napatingin ako kay Maam. I know that feeling though.

"Roschelle!" Napasigaw na si Arvin. Nashock kami ni Josh sa boses niya. Napalingon ako all around. Eskandalo to ah.

"Wag mong ubusin ang pasensya ko. I will sell this shop even if you dont want it."

"Now I know kung bakit ayaw ng daddy mong ibenta ang shop nato."

Biglang nagbago ang aura ni Arvin nang mabanggit ni Maam ang pangalan ng daddy niya.

"Nagkausap kayo?" Naghihingalong sabi ni Arvin. Mukhang nagtitimpi na siya masyado. He is like a cake inside an oven waiting for it to pop.

Hindi agad nakapagsalita si Maam Rose. Is it that really a big deal kung nagkausap sila ng daddy ni Arvin?

"Kelan pa?" Lumapit si Arvin sa kanya.

Slightly, napaatras si Maam.

"Ha!? Kelan PA?!!! "

Aalis na sana si Maam when Arvin suddenly grabbed her arm.

"Aray! Arvin, nasaksaktan ako!" Sabi ni Maam.

"Sabihin mo. Ginagamit niyo lang ba ako ni Daddy, ha?!" Mas humigpit ang pagkahawak ni Arvin kay Maam.

"Arvin, tama na!"

My own body moved on its own. Hindi naman ako kalakasan but I managed na magpabitaw si Arvin kay Maam kaso natulak ko pa siya. Kaya yun, nadapa si Arvin.

Oh my gosh. What did I do?! I thought habang habang napanganga ako.

"How dare you do that to me?!" Uminit lalo ang ulo ni Arvin at biglang tayo.

"AHH!" Napasigaw ako habang napasubsub sa pavement. Ang lakas ng pagkakatulak sa kin ng mokong. Talagang nag-aalburuto na sa galit. Tinulungan ako ni Josh na makatayo.

"ARVIN!!" Sinampal ni Maam si Arvin.

That made him even angrier than before. Namumula na siya sa galit. Isang saglit pa'y papalapit na siya sana kay Maam nang bigla akong humarang kay Arvin.

Gosh! Agaw eksena ako dito ah.

Lumapit si Arvin habang nakatikom ang kanyang mga kamao. Nasa kamao niya talaga ang tigtig ko since he might punched me out of my face.

Bigla niyang itinaas ang kamay. Lagot! Mukhang manununtok na talaga.

"Arvin, stop it!" Sigaw ni Maam.

"Know your place!" Sumbat niya habang nakatingin sakin.

"Bea!" Sigaw ni Josh na tatakbo na papunta samin.

Matatamaan na sana ako ng kamao ni Arvin ng...

"What're you doing..."

Tumingin sa likod sa Arvin habang kunot na kunot ang mukha sabay dagdag...

" Chris..."

Gulat na gulat naman ang lahat ng kanyang mga kasama nang makitang pinigilan ni Chris ang kamay ni Arvin. Looks like he's someone who doesn't care about someones business. But salamat at nakimeddle siya this time.

"Calm down. Vinvin." Napakaseryosong sabi ni Chris.

I know it's wrong but I can't stop laughing in my mind.

Vinvin? Tinawag niya si Arvin ng Vinvin? Bwahahahaha!

Alam ko nakakatawa but none of the other guys ang tumawa.

Tiningnan ko si Chris na nakahawak pa sa braso ni Arvin. His eyes are so indifferent. Maamo ang kanyang mukha but it's more, no, it's far more nakakatakot kumpara kay Arvin. He reminds me of someone I know. May resemblance sila and pati ang mukha. Magkapatid ba sila?

Biglang huminga ng malalim si Arvin sabay shove off ng kamay ni Chris.

"Mag-uusap pa tayo, Roschelle." Sabi niya habang papunta sa parking area.

"I'm so sorry for that ill-mannered guy." Sabay bow samin ni Chris.

"Well, if you excuse us."

Sabay-sabay silang umalis. But nagulat ako ng biglang tumingin sa likod si Ken at tinitigan ako bago umalis.

Ano ba problema nun?

"BEA!!!" Nagulat nalang ako sa sigaw ni Josh.

"Are you okay?" Sabay hawak sa balikat ko.

"Yeah, I'm fine but ..." tiningnan ko si Maam.

"Are you okay Maam?"

Tumango lang si Maam at pumasok na sa loob ng shop. Sumunod na rin kami since madami ng tao ang nakatingin samin. And I know, mayroon nang nagsumbong sa pulis.

Pagpasok ko palang nakatingin na sakin si Maam habang hawak ang isang tisyu.

"I'm really glad that you helped me, but its not your business. Mas maganda manood ka na lang instead na madawit ka pa sa gulo namin."

Well, that is true. Nakakatakot nga madawit sa gulo ng mga mayayaman. But -

"I'm sorry Maam, hindi ko lang talaga matiis na itulak yung walang-hiyang yun." Sabi ko.

"Hoy!" Sabay tapik sakin ni Josh.

I had just realized na bf pa rin naman ni Maam si Arvin.

"Sorry po."

"That's okay." Sabay ngiti ni Maam Rose.

Napalingon ako dun sa mga coffe cups na nasa table. Ahh yung mga inorder ng mga yun. Naalala ko bigla yung latte na ginawa ko. Dali kong tiningnan yung mga cup.

As usual hindi naubos ang mga order na Americano but...

Oh my gosh! Inubos niya! Oh my gosh! Inubos niya! Inubos ni Chris yung latte!!!

This is the best feeling ever. Yung inuubos ng customer mo ang gawa mo. Gusto sana lumundag sa tuwa but lumapit bigla si Maam.

"Well, punasan muna natin yang mga sugat mo. Bago mo yan asikasuhin. Napalakas yata ang pagtulak sayo ni Arvin." Tiningnan ako ni Maam habang nakasmile ako.

"Oh! May sugat ka nga." Biglang sabi ni Josh.

"Sus, wala to. Sugat lang to. Malayo sa bituka." Sabay kong tawa.

"Nu ka ba. Kahit maliit yan, masakit pa rin yan. Wag mo tiisin. Sandalit bibili ako ng band aid."

Kumuha si Josh ng pera niya dun sa office.

Papalabas nalang sana siya ng biglang bumukas ang pinto.

"First aid kit?"

Napatingin kami bigla sa pinto kung sino ang dumating.

C-Chris?! Napabulalas nalang si Josh ng bumalik si Chris na may dalang isang lunch box.

Hindi, first aid kit yun.

He is handsome alright. Mas bagay siya na wala ang coat niya. He is wearing white long sleeves na hindi naka close neck. At parang nagulo rin ang buhok niya kumpara kanina. Mas bagay sa kanya hairstyle niya ngayon. Ang kinis ng mukha. Siguro 5 times pang mas makinis ang mukha niya kesa sakin. And ang lips niya, pinkish and parang ang lambot lambot. Okay. Stop it na!

Ilang sigundo kaming natulala.

Why on earth siya bumalik pa? I know, nasugatan ako but its not big deal naman.

Well, ayoko namang maging assuming. Ayoko namang sabihing may gusto siya sakin. AHAHAHAHA.

Parang nahalata ni Chris na nabigla kami sa pagdating niya and our faces say why.

"I'm just kind of guilty sa nangyari. We let it happen na may masugatan." Sabi ni Chris na nahihiya yata.

"Ahh. E-hh. It's not your fault. Wala namang may kasalanan. Ai meron pala. Ai wala wala. Wag mo nang isipin ako. I mean. Yun. Itong sugat. Ehe. Ehehehe. "

"Pft!" Nagpigil nang tawa si Josh.

"It's probably not your fault, Chris." Lumapit si Maam kay Chris at tinapik ang balikat. Pinaupo muna namin si Chris habang ginagamot ni Maam ang sugat ko.

"Ahh. Siya nga pala. Chris, eto nga pala si Josh. Matagal na siya rito. Baka maging magkatropa kayo nito. Mahilig tong sumayaw, kpop nga lang. At ito naman si Bea. Beatrice Hyacinth. She's from bicol. Dito raw kasi nagtatrabaho kuya niya malapit sa BGC kaya dito na rin siya nagtatrabaho."

"Ahh. Kaya pala." Tumango tango nalang si Chris.

"Nice to meet you two."

Sabay smile.

"Ho! Parang namumukhaan talaga kita." Nabigla ako nang makita ko ang smile niya at hindi no napigilang mapabulalas. He's really the same with him.

"Anong sinasabi mo Bea." Sabay tawa ni Maam and she continued. Ito nga pala si Christian Cody Aldens."

WHAAAATTTT!!!! CODY!!!! AS IN MY HS Bestfriend!! Kulang nalang bumulwat ang mata ko saka matanggal ang baba ko sa pagkabigla

"C-Cody!!!"

Napabulalas nalang ako bigla nang masabi yun ni Maam.

Bab berikutnya