"Come over here. Let's take a photo on the Eifel Tower!"
She is typing her reply for Von when Thaysky called her for a selfie. They are on a dhow cruise in the Seine River, this is her designer friend's request since it was her last day here.
Tumayo siya. Nagmadali sa paglapit at niyakap ito habang nakangiti paharap sa screen ng phone nito.
"Look. That's the Museum Building." Kinuhaan iyon ni Thaysky ng picture, kalakip ng selfie rin.
Hinayaan niya itong mag-enjoy. Hinila pa ang asawa nito para kuhaan siya ng maayos ng picture. Ganito rin siya kay Lawrence at Jyra noong unang bisita sa kanya. Take note, Zedrick rent the whole boat just for the three of them, just like how Malik did.
Humagalpak siya nang tawa ng lumakas ang hangin. Ang tribal na dilaw na buhok ni Thaysky ay sumabog sa mukha ni Zedrick.
"Oh, sorry."
"Geez. It taste like boiled corn," komento ni Zedrick.
Sumakit ang panga niya sa kakatawa ng samaan ni Thaysky ng tingin ang asawa nito. Kung noon ay alam niyang seryosong tao si Zedrick, habang tumatagal ay nakikita niyang mas goofy ito kumpara kay Malik.
"Baby, I'm just kidding."
Sa pagpapatuloy ng sinasakyan nila. Namangha sila sa gabing tanawin ng Eifel Tower sa kaliwang bahagi. Naisip niya tuloy na sana ganito rin ang nakita nila Jyra. Boat riding sa umaga ang kinuha nilang book dahil mas gusto ni Lawrence makita ng malinaw ang struktura ng mga museum at monuments.
Zedrick added a spice on their venture. He rented a sweet violin while he is dancing with his wife.
Nangingiti siya sa dalawa habang kinukuhaan ng video. Sa isang iglap naalala niya si Lite. Ganito rin kaya ito sa napangasawa nitong si Quillian? Tatlong taon na ang nagdaan, marahil ay may anak na sila.
Tumingala siya nang makarinig ng paputok. She smiled and transmitted her video on the beautiful fireworks.
"Thank you, Zed. I love you."
Hindi niya nilingon ang mag-asawa. Masaya niya lang tinanaw ang ibat ibang kulay ng firework sa itaas. Sa kaliwa nilang panig ang matayog na Eifel Tower na siyang nagsilbing mata at liwanag nila ng gabing iyon. Dahan-dahan niyang ibinaba ang video at itinapat kila Thaysky na kapwa nakatingin sa kanya.
And a romantic place for a lovely couple who intimately love each other.
Busog siya ng umuwi. Hindi na nagpahatid ang mag-asawa sa Airport. Ayaw ni Zedrick na maabala pa siya. Kailangan niyang hindi mapuyat bukas para sa morning guesting schedule niya. Isang araw lang naman at magkikita ulit sila sa Pilipinas sa Purungaya Island.
Huminga siya nang malalim. Natanaw niya sa gilid ang nakahanda niya ng suitcase para sa three days trip niya sa Pilipinas. Gusto niyang isama si Von, kaso hindi puwede. He is in Iceland for almost two months now for the shooting of Game of Thrones. The last time he was in Northern Ireland, but unlike in Iceland, they stay there for almost two weeks only. And now reading his reply, they are going to Spain.
Jessica: Don't forget your vitamins and take care of yourself. ❤️
Hindi pa niya naiibaba ang phone niya ay napalitan ng tawag ang screen niya. She swiped it and answered.
"Von," she sweetly said.
"Hi, there beautiful lady."
Napangiti siya sa nakitang kasalukuyang umuulan na nyebe sa background ni Von. Ngumuso siya. "Gusto kong makarating din diyan."
"What did you say?" Namumungay na tumitig sa kanya si Von. "Jess, do you really have to go to the Philippines, alone? I mean... I and my sister can't come with you. But I do really want to go, it's just that... you know my career. I can't decide on my own choice. It's on-going so, Nah. Don't mind me. I just miss you."
Mariin niyang tinitigan si Von. Sa tatlong taon nilang pagsasama, malinaw niyang nauunawaan ang nararamdaman nito patungo sa kanya. He is genuine and thoughtful. Sobrang devoted ito pagdating sa kanya. Sadyang, hindi niya lang maintindihan ang kanyang sarili. Masaya siyang kasama ito. Kung minsan ay may nagagawa siyang bagay na hindi dapat ginagawa ng babaeng wala namang relasyon o pagtingin sa isang lalaki. O baka naman kaya niya nagagawa iyon dahil hindi nagrereklamo si Von. Gusto nito ang ginagawa niya. Pero alam niyang walang nakapaloob doon na pagmamahal.
"It's just three days, Von. And I think there's no difference. Once I get back in here, you were still there. And good news, I received Lapeetah and Pricilla's confirmation. They will come with me to the Philippines."
"You are right. I will not take all your time, coz I know you have a morning guesting tomorrow. Good night there, Jess."
"Good night, Von."
Pinatong niya ang kanyang cellphone sa mesa bago dumiretso sa veranda. Ilang araw din siyang naging busy. Ngayon lang siya napahinga ulit. Sumandal siya sa railing at minasdan ang Eifel Tower. Sinukat niya iyon ng kanyang daliri.
It looks tiny from here.
Lumingon siya sa may katapat niyang veranda. May kalayuan iyon at medyo madilim. May nakaharang din na halaman kaya maliit na galaw ay alam niyang may tao roon. Sa unang pagkakataon, ngayon niya lang nalaman na may kapitbahay siya. Kahit pa alam niyang puno ang buong building na iyon ng tao.
Sino kaya 'yon?
Pumasok siya sa loob at nagtimpla ng tsaa. Hawak ang tasang nalamanan niyon ay bumalik siya sa veranda. Habang sumisimsim ay muli siyang lumingon doon. Isang lalaking nakatalikod sa kanya. The man's presence is weirdly familiar. He's tall, had a broad shoulder, and muscular subtle movements. He is wearing a white polo shirt, that's all. She can't clearly see his lower part because of the plant.
But why she felt an unusual feeling of nervousness just the mere view of this unknown creature? She had a wild guest who could be that person, but it was hell impossible. He doesn't have any business here. He is surely on his California King bed, cuddling his wife and doing what a couple usually do.
Nanginig ang kanyang kamay ng ipatong niya ang tasa sa mesa. Hindi niya maalis ang titig sa lalaki. Nananalangin na isang sulyap lang.
Hanggang sa maisip niya na limang minuto lang sana ang kanyang tea therapy. Dinampot niya ang tasa. Agad humigop kaya napaso ang kanyang dila. Sa gulat ay hindi naging balanse ang hawak niya sa tasa. Tumapon ang ilan sa tsaa sa kanyang daliri at nabitawan iyon. Sa gulat ay tumili siya. Napatingin sa kabilang veranda.
He is gone. Where is he?
Umiling siya. Pumasok sa loob upang dakutin ang nabasag na tasa. Habang ginagawa niya iyon ay kinakausap niya ang kanyang sarili. "Ano ba kasing iniisip mo? Nangangarap ng gising." Mabigat ang kanyang mga hakbang pabalik, kahit ng mag-ritwal siya.
When she was done pampering, she laid on her bed with some bugging concerns.
"Heart, don't expect. Okay? Sleep na."