"How you will classify a friend-enemy, Jessica? You don't have to answer that, get ready for tomorrow. Gusto kong makita ang fierce version na sinasabi mo... at tungkol sa katukayo ko... makakarating." Tumalikod ito at tuluyan nang umalis.
Paulite said something on the four before they left too. Bumaba siya sa hagdan at lumapit sa binata.
"Kinausap ka ba nila Lawrence at Jyra?"
"Ginulo nila ako sa opisina unang araw ko palang." Hinila siya nito sa kusina. Nakita niyang may nakahandang roast chicken, super crunch tofu tacos, feta cheese at red wine.
Bumitaw siya sa hawak nito at nauna na sa upuan. Dumampot ng tacos. "Um... this one is my favorite."
Hawak ang baso ng red wine ay ngumiti ito sa kanya. "Kasama sa close door meeting si Nicky at Ken. Sila ang kasama mo ng gabing iyon, hindi ba?"
"Oo. Iyon din ang gabing inakala kong ikaw ang nakita ko sa Calixto."
He cleared his throat. "J, do you have something on your mind who could be the real person behind the crime?"
Bumagal ang pagnguya niya. Tumitig sa kopitang sinasalinan nito ng wine.
"My mother and sister," bulong niya.
Pumungay ang mga titig ni Paulite sa kanya. Pinatong ang hawak na botelya ng wina at dinampot ang basong para sa kanya. "Do you want me to file a case against them? Actually, I really wanted to revert the blame with them. I don't understand, they are your family. What is it they want from you?"
Dahil anak ako sa labas. Isa akong dumi sa kanilang malinis at matayog na reputasyon. Huminga siya nang malalim.
"J, I won't do an action against your will. Just tell me whatever your heart's desire."
Dinampot niya ang kopita at inisang lagok ang laman noon. Ang init na dala noon sa kanyang lalamunan ay gaya ng init ng pagmamahal na hinahanap niya sa kanyang pamilya. Pero kailanman ay hindi niya iyon naramdaman sa kanila. Ang tagal niya nang nagbulagbulagan sa pananakit, pagsasawalang bahala at pag-alipusta sa kanya ng mag-ina. Panahon na ba para gumanti?
Tama bang gumanti siya? Tama bang gumanti ang inosenteng anak ng taong nagkasala? Siya ba ang dapat na sumalo ng lahat ng iyon?
Ang aking ina, siya ang dapat sumalo ng lahat ng pasakit na pinagdaanan ko. Siya dapat at hindi ako.
Tumitig siya sa mga mata ni Paulite. "May karapatan ba akong gumanti, kung sa simula palang ay sila naman talaga ang may karapatang magalit sa akin? Sampid lang ako. Produkto ng pagiging makasarili ni Dad. Ikaw ba papayag ka tanggapin ang anak ng ina o ama mo sa iba?"
Nagngingit ang mga bagang nito. Dumilim din ang titig sa kawalan. Hindi ito sumagot. May kung anong dahilan ang biglang nagpatahimik dito. Wala rin siyang masabi kaya saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nila.
"Lagi mong tatandaan na mahal kita. Kahit ano pa man ang mangyari, alam mong ikaw lang ang mahal ko."
Kumunot ang noo niya. Marami siyang katanungan pero hindi niya iyon isinatinig. Sa isang iglap, pakiwari niya maraming lihim ang hindi pa niya alam. Maraming sikreto ang pilit itinatago sa kanya upang huwag mabuksan.
Hindi sila nag-usap ni Paulite ng gabing iyon. Pagkatapos niyang mag-half bath ay naabutan niya itong nasa veranda at may kausap sa telepono. Saglit siyang naghintay pa para sabay na sila matulog, ngunit nakatulugan niya nalang ang paghihintay ay hindi pa rin ito pumapasok.
Nagising siya ng umaga na wala ito. Ang daming naglalarong palaisipan sa isipan niya. Pero mas inisip niya ang paghaharap nila ni Blaire mamaya. Kailangan niyang linisin ang pangalan niya. Kailanman hindi niya inisip na saktan ang kanyang ama.
A private jet plane arrived. She is ready. She just wore a long sleeve embellished sky blue dress. While Paulite soothes himself with a white button-down shirt and slick black jeans. He is holding her hands when they sat on their chair. Even when they landed on the helipad of the Twin Tower.
Jyra, Malik, Lawrence, Thaysky, Zedrick, Oswold, Nicky, and Ken are there waiting for them. Nag-unahan ang luha niya sa pisngi nang isa-isa niya silang niyakap at kinamusta. Sobrang namiss niya sila.
"Ako lang ba o mas naging sexy ka, Jessica. Tan soothes your curvy body," Oswold said, he had that malicious grin on his face when he turned with Paulite.
Paulite gave him a middle finger salute. Oswold and Zedrick laughed.
"Sis, naniniwala akong hindi mo magagawa 'yon. Tatayo akong magpapatotoo na hindi ka masamang tao," eksaheradang wika ni Lawrence. Nilalamog siya nang yakap. Sa likod nito si Jyra na naluluha rin at inaalo ng asawa nito.
Thaysky is on the side too. Naghihintay na bum aling siya rito.
Si Nicky at Ken naman ay kausap ni Paulite. Saglit silang nagkamustahan doon bago pumasok sa loob. Nagdalawang batch pa sa elevator dahil hindi na makakapasok sa meeting sila Jyra. Pili lang ang puwedeng pumasok sa kuwarto na hinanda.
"J, mauna na kayo. Susunod din ako."
Kabado siyang tumango. Napahawak sa kamay ni Nicky. Sa likod niya si Ken at Oswold na makakasama niya sa elevator.
"Jess, kaya mo 'yan. Kapag kailangan mo ng back-up, tawagan mo lang ako," tukso ni Lawrence.
Bahagyang kumalma ang nagwawalang daga sa dibdib niya dahil doon. Pero nang pumasok na sila sa elevator ay tumatambol na ang dibdib niya. Bumukas ang pinto ng elevator. Wala nang nagsasalita sa kanila habang binabagtas ang hallway. Sumusunod sa likod nila ang apat na bodyguard niya. Pero iniwan nila ito sa labas ng pinto at silang apat lamang ang pumasok.
Naabutan niya si Blaire na kausap ang ina ni Paulite. Ang kanyang ina naman ay kausap ang sa tingin niya ay Lawyer nito. Tumingin sa kanya ang ama ni Paulite pero hindi nagtagal. Kinabahan siya roon.
"Good afternoon, Tito and Tita. Blaire and mo-" Nagbigay galang siya sa mga ito at nagpahila na kay Nicky paupo sa tapat ni Blaire.
Inismiran siya nito. Ang ina naman niya ay nakataas ang kilay, tila nandidiri sa kanya. Lahat sila ay napalingon sa pinto noong pumasok doon ang nakatatandang kapatid ni Paulite na si Phillie. Kung noon ay may malambing na ngiti ito sa kanya, ngayon ay tila hindi siya nakilala.
Nakipagpalitan ito ng beso kay Blaire at mommy niya bago kay Mr. and Mrs. Cristobal.
Blaire cleared her throat. Napatingin tuloy siya rito.
"Saan ka nagtago criminal?"
"Hindi siya criminal," si Nicky na ang sumagot.
Mula sa kanya ay matalim na tinapunan ng tingin ni Blaire ang kanyang kaibigan. "Who are you?"
"I know her and Ken. They are actor and actress under the Swizz Agency," sabad ni Phillie.
Tipid siyang ngumiti rito nang magawi sa kanya ang titig nito. Phillie gave her a winked. That eases her spinning chest. Akala niya ay galit na ito sa kanya.
"What are they doing here? We are not playing drama here unless they will make a story," parinig ni Blaire.
"We are Jessica's witness," Oswold butted in. His presence made her mother shifted on her seat. She didn't know why or maybe because Oswold's name is the same on Cristobal's level.
"Witness? Come on, Jessica. Bakit hindi mo sabihin na inggit ang dahilan kung bakit mo ginawa iyon kay Daddy. Dahil ako ang legal na tagapagmana ng ari-arian ni Daddy. Sampid ka lang. Salot ka," Blaire fired.
Kinuyom niya ang kanyang mga kamay. Nilunok niya ang pasaring ni Blaire. Nakakahiya at masakit iyon pero wala naman siyang magagawa. Sampid naman talaga siya.
Napalingon siya sa ina at ama ni Paulite, maging sa kanyang mga kasama. Ang gulat at panghuhusga sa mga mata nito ay gaya ng batang naiwan sa lansangan at binabato ng mga mararangyang bata. Mag-isa siya. Nilalamig sa daan at pariwara. Umiiyak at gutom. Inaapakan at pinagkakaisahan.
Can she just die? Or disappeared?