webnovel

CHAPTER 6: STILL... JEALOUS?

HINDI MAPAGKIT ang tingin ni Misha sa gawi ng dating asawa. Halos hindi na nga niya namalayang todo na pala ang pagkakakunot ng kanyang noo.

Matalim din ang mga tinging ipinupukol niya sa babaeng kasama nito—puno ng pagkilatis. Hindi niya maitatanggi na napakaganda ng babaeng iyon. Halatang lumaki sa karangyaan. Ang blonde nitong nakalugay na buhok ay lalong bumagay sa suot nitong Shimmering Sheer, strapless, beaded evening gown na hapit na hapit sa katawan nito.

Oo. Maganda nga ito, classy, elegant, at sexy. Pero hindi naman siya nai-insecure dahil may laban din naman ang kanyang katawan at ganda. Class lang siguro ang wala sa kanya pero kayang-kaya niya itong tapatan.

Hindi na namalayan ni Misha na nakaka-ilang baso na pala siya ng wine. Hindi niya mapigilan ang magngitngit sa kinauupuan habang nakikitang sweet na sweet ang dati niyang asawa sa babaeng kasama nito. At lalo pang naningkit ang kanyang mga mata nang tunguhin ng mga ito ang dance floor nang marinig ang love song na inihanda ng DJ.

Mapait siyang napangiti nang bigla itong kabigin ni Loven sa baywang pagkatapos ay namalagi na ang isang palad nito sa puwet ng babae.

"Really?" palatak niya't naitirik pa ang mga mata. Pagkuwa'y mabilis na sinimsim ang laman ng hawak na baso. Ganyan na ganyan din ang ginawa sa kanya ni Loven noong first dance nila sa isang reunion—kung saan sila unang nagkakilala.

Sa mabilisang paraan siya nito nakuha. Umpisa na sa pagkabig nito sa kanya sa dance floor na halos magkayakap na sila habang sumasayaw. He even rested his hand on her butt all throughout the song number—making her feel uncomfortable dahil nararamdaman niya ang pagtigas ng sandata nito sa tuwing sila'y iindak.

Call it a little bit obscene and flirty. But, this guy was so unpredictable. Buong akala niya'y iti-take home na siya nito pagkatapos ng party dahil sa ipinakita nitong affection sa kanya sa buong party. Pero gano'n na lamang ang kanyang pagkagulat nang hindi na nito pinaunlakan ang kanyang paanyaya na tumuloy muna sa bahay niya matapos siyang ihatid pauwi. Ayaw daw kasi nitong matukso pa dahil iginagalang siya nito. Hindi niya maintindihan pero nakaramdam siya ng kaunting disappointment ng mga sandaling iyon. Tingin tuloy niya'y para siyang pinakulong tubig na inihalo kaagad sa malamig na tubig pampaligo.

But, at the same time, kinilig siya sa pagiging maginoo nito. Doon pa lang ay nahulog na agad ang loob niya rito. Napagisip-isip din niyang kung ibang lalaki lang ito, malamang ay naisuko na niya ang bataan bago pa man siya nito maihatid sa bahay.

NAPABUNTONG-HININGA na lamang siya sa mga alaalang iyon. Masarap balik-balikan pero masakit kapag natauhan na. Well, back to reality, hindi niya akalain na ganito pa rin pala ang diskarte nito sa mga babae.

'Single pa rin kaya siya?' Sa isip-isip niya.

"Hi beautiful!" basag ng isang baritonong boses sa kanyang pagmumuni-muni.

Kaagad na nilingon ni Misha ang nagmamay-ari ng boses na iyon. At nang mapagtantong hindi niya ito kilala'y walang pakundangan niya itong inirapan.

"Anong kailangan mo?" mapakla niyang tanong. At muling hinarap ang kanyang wine.

"Kanina pa kita tinitingnan mula sa table ko," saad ng lalaki matapos umupo sa tabi niya. Hindi na nito hinintay pa ang pahintulot niya. "You've been alone for a long time. So, I guess, kailangan mo ng kausap."

"No. I'm okay. Kinakausap ko naman ang sarili ko, e!" Pinandilatan niya rin ito ng mga mata matapos ang pekeng ngiti.

Pero bahagya lang natawa ang lalaki't nilaro-laro ang basong may lamang whiskey. "You have a unique personality," anito't nangalumbaba pa paharap sa kaniya. "I like that!"

"Well, FYI… bagong labas lang ako sa mental hospital. At kung tama pa ang pagkakatanda ko, hmmm… Mga one month and 69 seconds ago pa lang. Kaya kung napansin mong kakaiba ako, 'yon ay dahil sa may sira ako sa ulo," prangka niyang sagot.

Wala siyang dapat na itago. At lalong hindi niya kailangang magpanggap sa harap ng lalaking ito because his not worth it. Matangkad din naman ito, matikas ang pangangatawan, guwapo, at mukhang mayaman sa tindig pa lang. Pero, hindi siya interesado.

Ngunit, sa halip na ma-turned off sa kanya ang lalaki'y lalo pa niyang nakita ang maluwag nitong pagkakangiti.

"What's with that smile? Parang minamanyak mo na ako sa isip mo ah!" Hindi siya komportable sa kinikilos ng lalaki. Para itong may motibong hindi maganda.

"Of all numbers, you managed to monitor that '69' seconds of your precious time! Sounds…"

"Sounds erotic?" pagtutuloy niya sa sinasabi nito. "I knew it! You wanna have sex with me now? Or maybe after the party?"

"Wow! Just… wow! You're being blunt!" Sunod-sunod na napailing ang lalaki. Halatang nabigla ito sa pagiging prangka niya. Pasimple rin nitong pinaypayan ang sarili gamit ang mga kamay nang makaramdam ng pag-iinit.

"You decide..." Mapanukso pa siyang lumapit sa lalaki. Sobrang lapit na halos isang dangkal na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha. At sa pagkakataong ito, siya naman ang nangalumbaba paharap dito.

Sa ginawang ito'y lalo niyang napansin ang pagiging balisa nito. Palatandaan na nasindihan na niya ang kandila ng lalaki.

"Ahm… A-are you s-sure?" Tila nag-aalangan pa ito.

Mayamaya pa'y napahagalpak na ng tawa si Misha. Hindi na niya kayang pigilan ang tawang kanina pa niya kinikimkim sa loob niya.

"I told you. Baliw ako!" saad niya sa pagitan ng malakas na pagtawa. Halos mapapalakpak pa siya nang makita ang pagkapahiya sa mukha ng lalaki.

Ngunit, ang mga ngiti niya sa labi at ang tunog ng halakhak ay biglang naglaho sa isang iglap lang nang makita ang dating asawa na nakikipaghalikan sa babaeng kasayaw nito sa gitna ng dance floor.

"Pansin ko lang… kanina ka pa nakatitig kay Mr. Lewis at sa partner niya—"

"Staring is not a crime! So, what's the matter?" mabilis niyang putol sa sinasabi ng lalaki. At agad na ibinaling sa iba ang tingin.

Sakto namang may dumaang waiter sa gawi nila na may dalang wine. Kaya, kaagad siyang kumuha ng dalawang baso. At magkasunod niyang tinungga ang mga iyon.

Hindi niya maintindihan kung bakit naaapektuhan siya sa ginagawa ni Loven. Matagal na silang tapos. Hindi na dapat siya nakakaramdam ng kahit na ano para sa dating asawa. Isa pa, inihanda na niya ang sarili sa muli nilang pagkikita. Hindi siya dapat na magpakita ng kahinaan. Dapat niyang ipamukha ritong kaya niyang maging masaya ng wala ito sa buhay niya. At kaya niyang magpatuloy kahit pa sinira nito ang buo niyang pagkatao. Hinding-hindi niya hahayaang makita itong nakangiti habang siya ay miserable.   

"Tsaka, hindi lang naman sila ang couple na nasa dance floor. Can't you see? Ang dami nila! Kaya paano mo naman nasabi na sila lang ang tinitingnan ko? Tsk!" dagdag pa niya.

"Glaring is far away different from just staring," pangungutya pa nito. "Sa nakikita ko, parang minu-murder mo na silang dalawa sa isip mo, e!"

"You know what? Masyado ka nang pakialamero! Why don't you remove your smelly whiskey out of my table… and mind your own business inside your crib?" mapakla niyang pagtataboy sa lalaki. Isa pa, lagot na naman siya kay Harris kapag nalaman nitong nakikipag-usap siya sa hindi niya kilala. Alam naman niyang parang araw-araw may regla ang partner niyang iyon.

"Ouch! I think, I ruined your mood."

"Isn't it obvious? You did! The very second you approached me!" tahasan at halos pasigaw niyang turan. Wala siyang pakialam kung nababastos na niya ito. Kahit hindi naman ito ang dahilan ng galit niya, pasensyahan na lang at wala siyang ibang mapagbalingan.

"Okay. I'm sorry…"

NANG SANDALING tumayo na ang lalaki para umalis ay siya namang pag-iiba ng tugtugin. Napalitan iyon ng disco music.

'Siguro naman tapos na ang lambingan dahil hindi na bagay sa music.' Naisip niya. Pagkuwa'y dahan-dahan siyang lumingon sa gawi ng mga ito.

And to her surprise, ang maharot na babae ay nagwa-walling na sa katawan ni Loven habang sumasayaw. Wild na wild ang babae at ninanamnam pa ang mga haplos nito sa dibdib ng ex niya. Naririnig pa niya ang mga halakhak ng babae na parang kinikiliti sa tuwing hahawakan ni Loven ang baywang nito.

Sa mga nakikitang iyon ay biglang nag-init ang kanyang ulo't agad na napatayo.

Mabilis din niyang hinatak ang braso ng lalaking kausap niya kanina upang pigilan ito sa pag-alis. "Wait!"

Nagtatanong ang mga matang muling humarap sa kanya ang lalaki. Medyo nakakaramdam siya ng pagkakunsensya sa nagawa niya rito pero kailangan niya ito ngayon.

"A-ah, n-ngayon ko lang na-realized na cute ka rin pala… G-gusto mo bang sumayaw?" Alangan pa siya. Pero hindi na niya binitawan pa ang braso nito para hindi na makatanggi pa.

"Are you sure?" Nagtataka man ay nagpahila rin naman ito kay Misha papunta sa dance floor.

Pinili ni Misha na pumuwesto sa tabi ng dati niyang asawa. At dahil abalang-abala pa ito sa pakikisayaw sa babae nito'y hindi siya kaagad na napansin. Kinailangan pa niya itong pasimpleng banggain bago makitang naroon siya.

"Oops! Sorry…" patay-malisya niyang turan at nagpatuloy lang sa pagsasayaw na parang hindi niya ito kilala.

Pero tagumpay naman ang pagpapapansin niyang iyon dahil nakilala nga siya nito.

"W-wait, Misha?" Kinabig nito ang kanyang balikat paharap dito.

"Excuse me?" Kunwari pa siyang hindi ito kilala at pormal na humarap. "Oh! Right! Loven Lewis, isn't it?" Bahagya pa niyang natampal ang noo. Palusot na naaalala na niya ito ngayon.

"No way! Anong ginagawa mo dito?" Tila gulat na gulat ang lalaki na makita siya sa lugar na ito. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang dagli nitong pagkabalisa. Oo. Nagawa kaagad nitong ayusin ang ekspresyon sa mukha pero huli na iyon dahil basang-basa niya ang mga kilos nito.

"Hmmm bakit? Kailangan bang may dahilan ang isang kagaya ko kung a-attend ng mga ganitong party?" sarkastiko niyang tanong.

"Para sabihin ko sa 'yo, she's my date tonight, Mr. Lewis," kampante namang pahayag ng lalaking kasayaw ni Misha.

"Date?" Nagpabaling-baling ang tingin ni Loven sa kanilang dalawa na parang hindi naniniwala.

"Hey, Babe! Who is she?" Pero bago pa man makasagot ang dalawa ay siya namang pagsabat ng babae. Todo ang pagkakakunot ng noo nito't pinaniningkitan pa siya ng mga mata. Halatang naiinis dahil naabala ang paggiling nito. Mabilis din nitong ikinawit ang mga kamay sa braso ni Loven para ipamukha sa kanyang pag-aari na nito ang lalaki.

"A-ah… S-siya ang—"

"Actually, kapit-bahay ko siya dati. Oo. Tama! Bago ako noon ma-admit sa mental hospital, nagawa ko pa ngang isauli sa kanya 'yong singsing na ibinigay niya sa'kin," pagtatahi niya ng kuwento. Hindi na niya hinayaan pang makapagsalita pa ito dahil bigla siyang nakaramdam ng takot na baka itanggi rin siya nito. Kaya inunahan na niya.  

Mapait siyang napangiti nang makitang tila nabunutan ito bigla ng tinik sa lalamunan nang marinig ang kanyang paliwanag.

'Sabi ko na nga ba, e! May balak talaga siyang itanggi ako!' Muli na naman siyang nakaramdam ng sakit ng mga sandaling iyon. Pero kailangan niyang tiisin. Kailangan niyang masanay hanggang sa puro galit na lang ang maramdaman niya para rito. Hindi naman niya itinatanggi sa sarili na wala na siyang nararamdamang pagmamahal sa dating asawa dahil nasasaktan pa rin siya magpahanggang ngayon.

"Binigyan mo siya ng singsing, Loven? For what?" Medyo mataas na ang boses ng babae. Hindi na maitago ang pagseselos.

"Haay, bakla!" Tinapik niya ang balikat ng babae at nginitian ito. "Ano ka ba! Nakaraan na 'yon. 'Wag ka ng mag-isip pa ng kung anu-ano. E, kaya lang naman niya ako binigyan ng singsing dahil ako raw ang pangarap niyang pakasalan. Pero noon pa 'yon. Hindi na ngayon. Simula nang ma-rehab ako, ni minsan ay hindi man lang niya ako dinalaw do'n. Kaya alam kong hindi talaga niya ako gusto."

Matapos ang sinabi niya'y pinakatitigan niya si Loven sa mga mata. Nakita niya roon ang pagrehistro ng galit—bagay na gusto talaga niyang makita. Marahil ay kumukulo na ito sa loob dahil sa mga pasimple niyang pang-iinsulto rito. Sa kanilang apat, silang dalawa lang ni Loven ang nakakaalam na may halong panunumbat ang kanyang mga sinabi. Pero nagsisimula pa lang siya. Kung baga sa pagpiprito, sinisindihan pa lang niya ang kalan. At nasisiguro niyang mag-iinit talaga muna ng husto ang kawali sa mga susunod pa niyang gagawin.

...to be continued

Bab berikutnya