Sa kusina ay masayang nagluluto si Faye. Kumakanta pa ito ng paborito niyang awitin nang bigla siyang gulatin ni Jennie.
"Hoy!"
"Anak ng tipaklong!"
"Ang saya natin ngayon ah." ani ni Jennie na kagigising palang. Nagtungo ito sa ref at kumuha ng tinapay sabay nagtimpla ng kape nilang magkapatid.
"Bwiset ka papatayin mo ko sa gulat." paliwanag ni Faye habang hinahanda ang itlog at hotdog na kanilang almusal.
"Buwanan mo ba ngayon? Himala ah ikaw ang nagluluto ng almusal hindi si Mama." pabirong sabi ni Jennie.
"Tse. Wag ka nga, gaya mo naman ako sayo na puro kain lang ang alam."
"Excuse me lang ha, ang magaganda kasi dapat pinagsisilbihan. Teka nga... kahapon bigla ka na lang nawala saang lupalop ka nanggaling aber?" tanong ni Jennie dahil umabot din ng ilang oras ang pagkawala ni Faye.
"Kung makapagtanong ka nanay ba kita ha? Lumabas lang ako kumain ng ihaw may problema?" sambit ni Faye na tapos ng magluto at nilapag na ang mga pagkain sa mesa.
"Hmmm. Kagabi yung dalawang lalaki sa ampunan may hinahanap na lalaki. Tinanong ko nga kung nakita ka nila pero sabi nila hindi raw tsaka yun nga hinahanap din nila si Raffy ba yon? ewan... AHA!" at sa puntong iyon ay buko na si Faye kaya naman tumahimik lang muna ito at hindi sumagot sa pang-aasar ng nakababatang kapatid.
"Anong sasabihin ko!? Sandali nga lang wala naman akong tinatago eh." sa isip-isip ni Faye na kalmado lang para mas lalong makapag-isip ng maayos.
"Ah kasi ganito yan. Nakilala ko lang siya recently dahil sa estudyante ko. He saved my student's father. Sabi niya he's not a doctor after the operation, pero inoperahan niya yung tao at successful naman." paliwanag ni Faye.
"So?" ani ni Jennie habang nakangisi.
"Anong so? Ayon kaibigan lang yon."
"Asus. Kwento mo na kasi! Tsaka anong hitsura ng guy? paano siya hindi naging doctor? ano yan doctor quack?" tanong ni Jennie habang pinipigil ang tawa.
"Tse. Masyado siyang bata para maging doctor, same age mo lang siguro? and yung hitsura..." tumigil si Faye dahil naalala niyang matagal na siyang kinukulit ni Jennie kay Miguel. Jennie likes him so much, yung mukha, para raw itong artista, yung ugali medyo masungit pero mabait, lahat-lahat at feel niya HE'S THE ONE.
"Oh ano na?" tanong ni Jennie.
"Naalala mo si Miguel, yung kaibigan ko na pumunta dati sa bahay natin?" ayaw na sanang sabihin ito ni Faye pero malabo na yon dahil lagi sila sa bahay-ampunan at sponsor pa pala ng mga bata sila Raphael.
"Oh my God! yung crush ko dati kaso binasted mo lang. Kainggit ka gurl." malungkot na sabi nito. " Oh ano meron sakanya?"
"Kamukhang-kamukha niya kasi si Miguel." sambit ni Faye sabay higop ng kape.
"Edi pogi! Kahapon pala nagyayaya yung mga bata na magpunta ng Manila Zoo sa susunod na linggo. Kung hindi ako nagkakamali kasama yung isang matandang lalaki, yung batang nerd at yung sinasabi mo, tatlo sila diba?"
"Oo tatlo sila. Oh eh ano sabi mo sa mga bata?"
"Ano pa, edi tumanggi ako. Sa susunod na lang ako babawi sa mga bata ate." ani ni Jennie.
"Ano ka ba magtatampo yung mga yon! Lalo na si Thea nako magmamaktol yon pati si Macmac"
"Gusto mo lang talagang sumama eh, sige mauna ka na." sabi ni Jennie habang nakakindat pa ang kaliwang mata.
"Issue ka rin ah! Inaalala ko lang yung mga bata---" tumigil sila ng usapan nang biglang may pumindot ng kanilang door bell.
"May tao ate..." ani ni Jennie.
"Oo alam ko kaya nga nag-door bell. So ano gusto mo ako lalabas?" pagsusungit ni Faye.
"Sabi ko nga palabas na ako." mabilis na lumabas si Jennie at laking gulat niya nang sinalubong siya ng mga bata lalo na si Macmac na mabilis na nagbigay ng mahigpit na yakap sakanya.
"Hala. Oh my God I miss you all mga bebe." binigyan niya ng halik ang bawat isa pero si Thea ay nasa likod lang at hindi umiimik. Nagtatampo ito sakanyang ate dahil tumanggi ito sa pagsama sa manila zoo.
Pagtingin ni Jennie sa labas ng gate ay naghihintay ang tatlong lalaki sa sasakyan. Pumukaw ng kanyang atensyon ang matangkad na lalaking nakasuot ng black mula itaas hanggang baba, lumabas ito ng sasakyan. Yung mga napapanood niyang mga bidang lalaki sa palabas, ganito ang awra nito. Malakas ang dating. Pero isa lang ang napansin niya, kamukha nga talaga ito ni Miguel.
"Pst. Hoy miss?" tanong nito kay Jennie na nakatulala. Maya-maya pa ay sumunod na rin si Faye lumabas.
"Ah salamat sa paghatid sa mga bata. Sino nagturo ng daan?" sambit nito habang nanginginig.
"Si Macmac, ang kulit ni Thea kasi iyak nang iyak gusto niyang sumama kayo sa Manila Zoo." paliwanag ni Raphael.
"Maam magandang umaga po!" bati ni Kuya Maki kay Faye.
"Magandang umaga rin sainyo kuya." bati ni Faye na ngayon lang narealize na nakasuot lang siya ng sando at maikling shorts. Malaking-malaki tuloy ang mata ni Kuya Maki.
"Teacher, sasama po kayo sa Manila Zoo?" tanong ni Thea
"Oo naman baby! Sasama kami ni Ate Jennie niyo. Di namin kayo iiwan." habang sinisiko si Jennie na kanina ay ayaw sumama pero ngayon ay gusto na.
"Ate, gusto mo ngayon na eh. Di mo naman sinabi sobrang gwapo pala ng doctor quack-quack na yan" bulong nito sa kapatid.
"Hindi maiwan ka sa bahay!"
"Eh ate naman, diba gusto niyong kasama si ate Jennie sa zoo?" tanong nito sa mga bata.
"Ayaw!"
"Ayaw namin sayo. Hmp!" ani ni Thea habang nakasimangot ang mukha sakanyang ate Jennie.
"Thea, bad yon, sasama si ate okay." paliwanag ni Raphael na ikinaiyak ng bata.
"Ayan pinaiyak niyo na.." masama ang titig ni Faye kay Raphael, si Jennie naman, kinikilig dahil sa bibig pa mismo ng lalaki nanggaling na kasama siya.
"Baby tahan na ha, gusto mo bang makita natin yung a-ano yung giraffe na malaki?" tanong nito sa bata habang pinupunasan ang luha.
"O-o-opo..." sagot ng bata habang inuutal.
"Ang cute cute mo talaga baby!"
Pinaandar na ni Maki ang sasakyan dahil babalik na sila sa bahay ampunan.
"Paano mauuna na po kami maam maraming salamat at pumayag kayo " sabi ni kuya Maki habang inaayos ang mga bata sa likod ng kotse kasama si Ton.
Ilang segundo rin nagkatitigan si Faye at Raphael.
"Anong problema ng babae na to?" sa isip-isip ni Raphael.
"Hindi Faye, kalma lang, hindi talaga siya si Miguel. Arogante yung bwiset na to" sa isip-isip naman ni Faye.
"Konti na lang mangangagat ka na." pabulong na sabi ni Raphael.
"May sinasabi ka ?" tanong ni Faye matapos marinig ang tinuran ng binata
"Wala Maam, ang sabi ko ang ganda niyo po ngayon." tinitigan ni Faye ang katawan niya ulit, bakit ba kasi sa lahat ng pagkakataon ngayon pa siya naka maikiling shorts at sando!