"Ah aray! Ang sakit-" tumambad kay Don Joaquin si Miguel na nakamulat.
Nanlaki ang mata ng matanda. Imposibleng makabangon ito sa ganitong sitwasyon. Himala nga lang ang magpapagaling at hindi siya naniniwala rito.
"Hindi ba ako namamalik-mata?" tanong nito sa sarili niya. Pinikit niya ulit ang kanyang mata at dumilat. Hindi nga siya nagkakamali.
"Hoy matanda! eto oh gumagalaw nga ako." sambit ni Raphael na nakasanib sa katawan ni Miguel.
"Aba! Kelan ka pa nawalan ng manners? Tsaka paanong nngyari? Demonyo ka ba?"
"Ah pagpasensyahan niyo na po. Ganito yata talaga pag kagagaling sa aksidente. Ahhhh ang sakit ng katawan ko. Itigil niyo na yang gawain niyo" habang kunwaring nakasalat sa likod na para bang sakit na sakit.
Scratch...
Sa hindi kalayuan ay narinig naman ni Don Joaquin ang kaluskos. Pinindot niya ang kanyang cellphone para tawagin ang security at saka humarap ulit kay Miguel na wala na namang malay.
"Punyeta?! May multo ba rito?" sambit nito sa sarili.
"Eh kanina lang nagsasalita ito ah." napaisip si Don Joaquin nang malalim. Kailangan na niyang patayin si Miguel bago pa nito mabulgar ang illegal na gawain nila kung sakaling magising ito. Delikado pa kung gagamutin niya ang batang ito.
"Guard 1, pacheck ng garden, may narinig akong kaluskos dali!" utos ng Don habang pindot pindot ang kanyang cellphone.
"Halang talaga ang kaluluwa ng matandang to" bigkas ni Raphael na kalalabas lang sa katawan ni Miguel.
"Guard 2, pumunta kayo dito may ipatatapon ako sainyo." utos nito
"Yes sir!"
"Itapon niyo na ang batang yan. Wala kayong iiwanang ebidensya malinaw ba yon?"
"Yes Sir! Guards dalhin na to sa sasakyan. Itatapon natin to sa tabing ilog, bilis!" utos ng leader ng guard 2 na nagdadalawang-isip pa dahil para na niyang anak itong si Miguel.
Bang! Bang! Bang!
Nabulabog ang lahat ng putok ng baril. Hinahabol nila ang babaeng kalalabas lang ng gate.
Kinuha naman ni Faye ang bike sa hardin at sinakyan ito. Mabilis niyang pinatakbo ito. Naghahabol siya ng hininga sa bawat pidal. Masyadong mabilis ang sasakyan at siguradong maaabutan siya nito.
Sa hindi kalayuan ay may motor na humaharurot. Nabigla ang dalaga dahil akala niya ay katapusan na niya. Minulat niya ang kanyang mata at bumulaga ang naka medical gown na si Miguel sakay-sakay ang motor.
"Tsk. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ng babae na to!" sa isip-isip ni Raphael na biglang sumanib na naman sa katawan ni Miguel. Hindi bale, wala naman sakanya nakakita dahil pinatulog niya ang guard 2. Sigurado rin siya na papatayin din ang dalaga, mabuti na lang din at hindi namukhaan ng mga guard.
Nanlaki ang mata ni Faye. Sinalat ang pisngi ni Miguel kung totoo ang nakikita niya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ng anghel.
"Ikaw ba talaga yan?" duda niyang tanong dahil na kahit bumangon pa itong si Miguel ay hindi ganito ang awra niya. Pero minsan ganito nga, sa tuwing sumasanib si Raphael ay nagiging makulit ito at matigas ang ulo.
"Bakit gusto mo ba multo na lang ako?" pabirong tanong niya. "Dalian mo na bago tayo mamatay sa mga gunggong na yan."
Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at isinakay sa likod nito. Hindi pa rin makapaniwala si Faye na gising na si Miguel. Akala kasi niya ay katapusan na niya. Kaya naman, kumapit siya ng maigi kay Miguel.
Broooommmmm!!! mabilis na humarurot ang motorsiklo habang may nakabuntot sa likod nila. Hindi makapag-isip si Raphael ng gagawin, dahil isa lang siyang mang-gagamot at walang ibang kapangyarihan tulad ng ibang anghel, maya-maya rin ay bababa na rin si Azrael na sumusundo ng mga kaluluwa at iba pang anghel para magsundo ng kaluluwa.
Limitado lang din naman ang kapangyarihan niya at hindi rin ito pwedeng makita ng dalaga.
Tumatagaktak na ang kanyang pawis. Nararamdaman na niya ang takot na katulad ng mga tao. Hindi maaari... sa isip-isip niya. Hindi siya makalabas sa katawan ni Miguel ngayon, siya na sana ang bahala magkontrol kaya lang, hindi siya makawala sa katawan ng binata.
"Kumapit kang mabuti." ito lang ang nasabi niya sa kasama na agad namang kumapit ng pagkahigpit. Papalapit na ang mga humahabol sakanila.
"Lala!"
Tinawag na niya si Lala, ang batang anghel na nagbabago ng hitsura at kayang baguhin ang itsura ng mga tao pwera ang kapwa niya anghel.
"Ano kaibigan? Kailangan mo ba ng aking tulong?" tanong ni Lala na nakangiti.
"Nakuha mo pang ngumiti ha." nag uusap sila sa isip lang.
"Kunin mo muna tong si Faye, ililigaw ko lang yung mga gunggong na to."
"Ayoko, anong kapalit nito?" tanong ng bata na humihingi lagi ng kapalit kapag may ginagawang mission.
"Tsk. Maraming pagkain sige!" at agad na nag-anyong tao si Lala sa katauhan ng isang makisig na lalaki.
"Pangako yan ha? Hindi ako pwedeng makialam sa mundo ng tao, bahala ka na diyan."
Huminto si Raphael sa isang makisig na lalaki,ibinaba niya rito si Faye.
"Diyan ka lang sakanya, wag kang aalis ha? mapagkakatiwalaan yang ungas na yan." sabay batok sa makulit na bata.
"T-teka pano ka?" pag-aalala ni Faye.
"Mahal nga kita diba? Gagawin ko lahat okay." pabirong sabi ni Raphael dahil alam niyang gusto ni Miguel si Faye.
"Baliw! Bilisan mo na. Mag -iingat ka ha? Babalik ka pa." habang sinasampal ang braso ng binata. Parang panaginip lang ang lahat, sa isip-isip ni Faye.
"Ouch!"
"Sorry masakit ba!?"
"Hindi hindi, aalis na ko!" humarurot ulit ang motor na sinasakyan ni Raphael. Hindi niya alam kung bakit pero nasaktan siya sa sampal sa braso. Madalas naman siyang sumasanib pero ngayon lang to nangyari.
Sa kabilang banda naman ay maayos na naitago ni Lala si Faye.
"Sumunod ka lang sa akin magandang binibini hindi ka mapapahamak." wika nito
"Tunay nga ang iyong kagandahan, walang duda malaki ang tsansa na mapamahal sa iyo si Raphael." nagulat si Lala sa na sabi niya. Bata pa rin talaga kahit ganito ang anyo niya.
"Sino si Raphael? anong sinasabi mo? Baka si Miguel?" pagtataka ng dalaga habang binabaybay nila ang madamong gubat na kanilang pagtataguan.
"S- Si Miguel pala ahehe!" sagot nito habang nakakamot sa buhok.
Bang! Bang! Bang!
Narinig nila ang malakas na putok ng baril.
Tinamaan si Miguel ng baril sa may likod. Mga dalawang tama ang tinamo niya.
"Bakit?" sa isip-isip ni Raphael na hindi makalabas sa katawan ng binata. Hindi na rin niya mapagaling ang kanyang sarili.
"Hanggang diyan ka na lang bata!" sigaw ng mga guard dahil na sa dulo na sila ng ilog.
Wala ng tatakbuhan si Raphael.
Nagpaputok ulit ng isa pa ang mga tauhan ni Don Joaquin na ikinabagsak niya sa may ilog.
"Tangina! bakit mo binaril?" tanong ng isang guard.
"Hindi ba utos ng Don na patayin na yan?!"
Sumilip sila sa ilalim ng ilog pero wala silang makitang tao o bakas ng dugo.
"Sigurado kayong patay na yon?"
"Ikaw barilin ko ng tatlong ulit, ibagsak pa kita sa ilog, mabubuhay ka ba?"