Hindi pa rin makalimutan ni Faye ang nangyari kahapon. Hindi siya mapakali kaya naman lumabas siya ng bahay para mag-bike.
Padyak lang siya nang padyak habang tinitingnan ang mga bahay at tao. Dumaan din siya kay Lala para kamustahin ito.
"Hello Lala!" bati ng dalaga.
"Hello po!" masiglang sagot naman ng bata habang nakangiti.
Nagpatuloy lang siya sa pagpidal hanggang sa may narinig siyang banggaan ng truck at ng motorsiklo.
BOOGSHHHHH!!!
Nakita mismo ng mata niya ang pagtalsik ng lalaki sa sinasakyan nitong motorsiklo. Samantalang ang truck ay dire-diretso lang na umalis at iniwan ang nabanggang lalaki. Sa sobrang lakas ng banggaan ay malala ang tama ng biktima, naglulupasay ito sa sakit na nadarama. " My God!" sa isip-isip niya.
Pinanood lang ito ng mga tao at ni isa ay walang balak tumulong, kumukuha lang sila ng larawan, alam na rin naman nilang maaaring patay na ang lalaki. Ilang sandali pa ay may isang binatang lakas loob na pumunta sa lalaki.
"Hoy bata bawal ka diyan!" sigaw ng isang matandang lalaki.
"Iho nasisiraan ka na ba ng ulo patay na yan!" sunod na sabi ng isang babaeng naka uniporme pa ng doctor.
"Pambihira talaga mga tao oo." ito ang na sa isip ngayon ni Miguel habang sinasalat ang pulso ng lalaki. Tumitibok pa ito kaya naman nilapat niya ang kanyang kamay sa dibdib ng biktima at piniga ito.
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
At himalang nagising ang lalaki sa pagkakatulog. Nagulat ang mga taong saksi sa nakita nila.
"Tay! nakita niyo ba yun. Ang galing ni kuya oh!" sambit ng limang taong gulang na bata habang buhat-buhat ng kanyang tatay.
Mabilis ding umalis si Miguel sa pangyayari pagkatapos niyang tumawag ng ambulansya. May mga taong hanga sa kanyang abilidad at may mangilan-ngilan din naman na hindi natuwa sa inasta ng bata.
Tahimik lang na nanonood si Faye sa gilid hanggang sa nakita niya si Miguel na ginagawa ang CPR sa lalaki at umalis pagkatapos nito. Sumunod siya sa patutunguhan ng binata at nakarating siya sa isang mansyon.
"Woahh!" hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Talaga ngang mayaman si Miguel. Sa sobrang laki ng bahay ay kasing-laki na ito ng uinbersidad nila. Maraming nagbabantay at sa hindi kalayuan natatanaw niya ang mga katulong na walang humpay sa paglilinis, pagluluto at kung ano-ano pa.
Maya-maya pa ay lumabas ulit si Miguel na may dalang pantabas ng mga damo. Sinubukan ni Faye na magtago pero huli na ang lahat.
"H-Hello!" bati ng dalaga.
"Tsk. Pano kang nakapunta dito?" tanong ni Miguel habang tinatabas ang mga damo.
"Ang suplado mo naman!"
"At kasalanan ko pa." bulong ni Miguel na nakatalikod pa rin sa kausap.
"Okay. Okay papaliwanag nako." bumaba siya sa bike at inilahad ang mga nangyari kanina.
"Hindi ka pa tapos ng medicine pero hindi ka ba natatakot na may mangyari sa mga nililigtas mo?" pagtataka ni Faye dahil mukhang sanay na sanay ito.
"Sanay nako. Pero madalas di ko maalala kung anong nangyari." at sa hindi inaasahan ito lang ang nasagot ng binata.
"Sanay? Hindi maalala? Ibig sabihin matagal mo nang ginagawa?" isa pang tanong ulit ni Faye.
"Oo. Bakit ba ang dami mong tanong?" ani ni Miguel na kanina pa nakukulitan sa dalaga.
"Hindi na po magtatanong sige." sagot ni Faye na panandaliang tumahimik.
"Namiss mo lang ako." biro ng binata.
"Ha ano yon Miguel ? Over my dead body!"
"Alam mo pa pangalan ko. How sweet." biro niya.
"Narinig ko lang kasi sa mga classmate ko-"
"Sandali. Kailangan mong magtago!" hinawakan niya ang kamay ng dalaga.
"Ha bakit?" wala ng maisip na paraan si Miguel kung hindi ang umakyat sa kabilang bakod.
"Basta ipapaliwanag ko na lang sayo mamaya!" Inabot niya ang kamay ng dalaga at iniangat ito sa may bakod. Sa kanyang pag-angat ay nahiwa siya ng bakal na nakausli sa may gilid. Hindi niya ito pinansin kahit tumatagas na ang dugo nang pagkalakas.
Maya-maya pa ay may kotseng pumasok sa loob ng mansyon. Sakay nito ang isang matandang lalaki at babae at isang binatang lalaki na matanda lang ng kaunti kay Miguel.
"Ayan. Nakadaan na yung sasakyan. Ano na?" tanong ng dalaga.
"Una sa lahat, hindi ako mayaman! trabahador lang ako diyan. Pangalawa, pwede bang umuwi ka na kasi may ginagawa ako." ani ni Miguel pagkatalon sa ibaba ng bakod. "Sige na baba na."
"Hindi ko kaya!"
"Tumalon ka lang gaya ng ginawa ko."
"Natatakot ako eh!" sigaw ng dalaga.
"Sasaluhin kita." pagkasabi nito ay lumayo siya ng tingin sa dalaga.
"Himala ang bait mo ah!" biro ng dalaga na biglang tumalon sa hindi nakatingin na si Miguel, buti na lang ay nakita agad ni Miguel na patalon ang dalaga kung hindi ay bagsak na ito sa lupa.
"Wahhhh!" sa lakas ng sigaw ni Faye ay bumagsak silang dalawa sa lupa.
"Bakit ka ba sumisigaw?" tanong ni Miguel habang pinapagpag ang mga dumi sa kanilang damit.
"Eh nakakatakot nga alam mo ba yon!" reklamo ni Faye.
"Okay okay sige nakakatakot na..."
Sa mga sandaling ito ay tumahimik na lamang si Miguel at malalim na nakatitig sa pabulong-bulong na dalaga na kanina pa nagrereklamo. Maya-maya pa ay biglang kumalam ang sikmura ni Faye.
Krukkkkk...
"Ay, sorry nagugutom na talaga ko-"
Mabilis lang na inakyat ni Miguel ang puno ng mansanas. Gamit ang teknolohiya at kung ano-ano pang kemikal kaya sila nakapagpalaki ng puno ng mansanas.
"Wow! May mansanas dito?" sambit ng dalaga habang namamangha sa puno na kakikita pa lang niya sa buong buhay niya.
"Hmm. May mga ginagamit kasi kaming kemikal kaya napatubo namin yan. Tumutubo lang ang mga ganyang prutas sa malamig. Pero dahil sa kemikal na tinitinda ng Don, kaya nakapagpatubo kami ng ganyan."
"Ang galing! Matalino siguro yung Don niyo!"
Sa taas ng puno ay inihagis ni Miguel ang mansanas sa dalaga. "Saluhin mo oh!"
Sinalo naman ng dalaga ang mansanas kaya lang may biglang pumasok sa isip niya. "Teka lang... wait, diba sa Ancient Greece ba yon? Kapag naghagis ka ng apple sa isang tao it means gusto mo siya?" bigla niyang tinakpan ang kanyang bibig, bakit ba niya yun nasabi kapag nga naman walang preno ang bibig ganito ang mangyayari.
"Oo bakit?" tanong ni Miguel.
"Ah hehe wala natanong ko lang...wag mo na lang pansinin."
"Iba yata iniisip mo."
"Hala wala talaga!" bumaba na sa puno si Miguel at tiningnan ang relo.
"Malapit ng mag-gabi, kailangan mo ng umuwi."
"Oo nga pala patay ako kay mama nito!" agad niyang kinuha ang bike ngunit naunahan na siya ni Miguel.
"Anong ginagawa mo diyan?" pagtataka ng dalaga.
"Sakay na, dito ka sa harapan bilis."
"Teka. Marunong ako mag-bike." bago pa man siya lumaban ng salitaan ay hinatak na siya ng binata dahil nakita niya ang guard na papalabas na sa gate.
Mabilis ang patakbo ng bike ni Miguel habang naka-angkas ang dalaga.
"Yung buhok mo naman." ani ni Miguel.
"Sorry ha! Sabi ko ako na mag-drive eh!" pagtataray ni Faye na kanina pa nahihiya dahil ngayon lang may nag-angkas sakanya na lalaki. Tinatakpan niya ang mukha niya para hindi siya makita ng mga kakilala niya.
"Bat nakatakip ka sa mukha?" sambit ni Miguel habang nakangisi ng bahagya.
"Wala lang, bilisan mo lagot nako kay mama!"
Nakarating na sila sa bahay ni Faye. Simple lang ang kanilang bahay. Maraming bulaklak sa bakod at malinis ang paligid. Pumasok na si Faye sa gate pero paglingon niya ay nakita pa rin niya si Miguel.
"Ano pang ginagawa mo umuwi ka na." pabulong na sabi ng dalaga habang tinuturo ng bibig ang daan pauwi. Hindi agad ito naintindihan ni Miguel dahil akala niya ay "kiss" ang ibig sabihin.
Nilapat niya ang daliri niya sa labi habang nagtataka sa kung ano ang sinasabi ni Faye. Tinuro ang labi "Ano yon?"
"Sabi ko umuwi ka na-" nang biglang..
"Ate Faye kanina pa kita hinahanap!"
"Lagot ka kay Mama!"
"Sino yang kasama mo? Boyfriend mo?"
"Kuya! Kawawa ka lang sa ate ko hindi to marunong magluto, maglaba, kahit pant* niya di niyan nilalabhan--" agad na tinakpan ni Faye ang bibig ng kapatid.
"Jennie pumasok ka muna sa loob dali!" tinulak niya ito pabalik sa pinto kasabay nito ay ang paglabas ni Mama Lisa.
"Kanina pa kita hinihintay Faye aalis ako bukas ikaw muna bahala sa bahay-" napatigil siya sa pagsasalita ng nakita niya si Miguel. "May bisita ka pala bakit hindi mo papasukin?"
"Ah eh, pasok ka ano-"
"Mama may boyfriend na si ate!" sigaw ni Jennie.
"Tigilan mo ko Jennie! Para kang bata!" paliwanag ni Faye.
"Boyfriend ka ba ng anak ko? Manliligaw? Pumoporma? "
Umiling lang si Miguel dahil nagulat siya sa sinambit ng Mama ni Faye. Masyadong mabilis ang pangyayari hindi pa nag sisink -in sa utak niya ang mga bagay na ito. Pero si Faye bilang isang babae? Hindi niya maitatanggi na madaling mahalin si Faye dahil sa ugali nito.