> CHELSA'S POV <
NANG MARINIG KO ang binasa ni Sir, napatingin ako sa unahan at nakita ko ang hawak na card niya. Yun ang nakasabit sa loli-cake na bigay ko kay Nate, siya lang ang binigyan ko na may card. Sulat kamay ko pa yung For my Star. Ang sakit, parang gusto ko ulit maiyak.
Gusto kong makihiyaw at makitawa para di ako madala ng damdamin ko – pero di ko magawa. Bigay ko yun, eh. Di ko madaya ang sarili ko, ni ngumiti di ko kaya.
Pagpasok ni Nate, nakita ko na napatingin siya sa 'kin. Umiwas ako. May na-realized ako na nagpangiti sa 'kin, ngiting sampal dahil sa kagagahan ko. Sa one sided love pala, nagiging masyado kang assuming? Yung tingin niya siguro wala lang yun. Pero binigyan ko ng kahulugan. Siguro nagi-guilty siya? Pero siguro hindi? Yan ang mga pumasok sa isip ko.
Nakatingin ako sa labas. Nagulat ako nang umusog ang upuan sa tabi ko – alam kong siya yun. Ramdam kong si Nate yun, tugudog-tugudog sabi ng puso ko. Yun ang tibok ng puso ko kapag nandyan siya. Oo nga pala? Pinaupo siya ni sir sa hulihan, at sa tabi ko lang may bakante.
Ayaw kong tumingin sa kanya. Ayaw kong kiligin.
Pero ilang saglit lang, heto ako, nakatingin sa kanya – nakatingin din siya sa akin – nakatitig kami sa isa't isa – napaka-magical ng moment. Piling ko kami lang ang tao sa classroom. Assuming mode on na naman ako. Ewan ko kung may ibang nakatingin din sa 'min? Parang ibang dimensyon? Parang ibang mundo? Hindi ko alam kung ano 'to?
Bakit ka nakatingin? Tanong ko sa kanya sa isip ko. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. Lumingon-lingon siya sa paligid nang may pagtataka.
Muli siyang humarap sa 'kin. "May sinabi ka?" tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot? May sinabi ba ako? Nagsalita ba ako?
~~~
> NATE'S POV <
OH, SHIT! KAINIS naman si sir! Ba't kailangan pa akong paupuin sa hulihan? Ugh!
Wala bang ibang upuan? Bakit sa tabi niya? Ewan, pero parang ang awkward? Ang alam ko wala naman akong dapat ihingi ng sorry sa kanya. Nagpasama lang naman ako, hah? Marami kayang girls rito na nagkakandarapa makasama lang ako kahit saglit. Siya nahawakan ko pa nga sa kamay. Dapat nga mag-thank you pa nga siya sa 'kin, eh.
Pagkaupo ko sa tabi niya iba yung pakiramdam. Ewan, mahirap i-explain? Basta kakaiba. Sabi ko sa sarili ko sa unahan lang ako titingin at di ko siya papansinin. Babalewalain ko na lang yung nangyari kanina. Parang wala lang, ganun. Para di na rin maging isyu sa kanya at baka kasi humaba pa. At isa pa, 'pag nakita pa kami ni Cristy na nag-uusap pagselosan pa.
Pero, ano 'to? Unti-unti kong nililingon ang direksyon kung saan siya nakaupo.
Nakatingin na ako sa kanya – nakatingin din siya sa 'kin – sabay kaming napatingin sa isa't isa.
BAKIT KA NAKATINGIN?
Nagulat ako nang may marinig akong boses. Parang boses niya yun? Pero di naman siya nagsalita? Di naman bumuka yung bibig niya. Lumingon ako sa iba naming kaklase pero sa harap sila lahat nakatingin. Muli kung tiningnan si Excuse me girl. At sa kanya lang naman ako nakatingin kanina, hah?
"May sinabi ka?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako. Parang nagulat siya sa tanong ko. Pero wala naman talaga siyang sinabi, eh? Nababaliw na ata ako? Pero siguro kung may malikmata? May maliktainga? May ganun ba? Haist! Guni-guni? Tama, baka guni-guni lang?
~~~
"EPIC FAIL!" SI Edward.
"Nice bro!" si Zab.
"Lupet! Hayop! Kulang na lang buntot!" si Kyle.
"Master ka talaga! Master Nate!" si Karl.
Haist! Pag-uuntugin kong apat na 'to, eh! Di ko alam kong pinupuri ako o pinagtatawanan dahil sa nangyari kanina – sa pagbigay ko ng lolli-cake kay Cristy. Kanina pa 'tong mga 'to, eh! Tapos ang tawang-tawa pa si Edward. Eh, siya kaya may idea nun!
Magkakasama kami ngayon nina Edward, Kyle, Karl at Zab na nagla-lunch dito sa canteen. Wala si Cristy, may meeting sila ng mga student school officials. Sina Lhyn at Jasper wala rin, mula ng maghabulan sila di na sila bumalik ng classroom. Nag-text si Lhyn, nasa clinic daw sila. Nadapa kasi si Jasper sa kakahabol niya, ayun nagkasugat-sugat. Buti naman daw at walang pilay. Grabeng habulan yun, inabot nang ilang oras. Akala namin kung saan na napunta yung dalawang yun kanina.
Pero buti wala yung dalawang yun. Lakas mang-asar ng dawalang yun, eh. Lalakas pa ng boses. Pero nahawaan lang ng apat na 'to ang dalawang yun? Ugh! Ang mga 'to ang master sa asaran, eh! Kapag ako di nakapagpigil talaga!
"Hoy! Edward! Kung makatawa ka, ikaw kaya may idea nun!" sita ko at tiningnan ko siya ng masama. Tumahimik naman. Pero nagtawanan pa rin yung tatlo.
"Makumusta nga mga gf n'yo." Suggest ko kina Kyle, Karl at Zab, at kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa. Agad inagaw ni Kyle ang cellphone ko.
"Pero 'lam mo bro, astig yung ginawa mo kanina. Yung pinaabot mo kay sir yung card. Ikaw lang makakagawa nun." Si Kyle, puri niya sa 'kin.
"Oo, galing nun. Bawing-bawi ka dun." Si Karl.
"Oo, nga. Nakita ko nga yung ngiti ni Cristy. Abot tainga. Parang lalong na-in love sa 'yo, eh?" si Zab.
Yun, buwawi rin sila at tumahimik din. Kundi sumbong ko sila sa mga gf nila.
"Sarap nitong loli-cake." Biglang singit ni Edward. Kain-kain yung loli-cake na para sa kanya. Tahimik na sana, eh! Tapos yun, ending nagtawanan pa rin sila.
Mga loko talaga! Buti, kailangan ko ang tulong nila para mag-set up kay Nicole para sa date namin ni Cristy mamaya. Kaya hayun hinayaan ko na lang. Nakitawa na rin ako, natawa na rin kasi ako sa kapalpakan ko.
~~~
"HEY, CR LANG ako." Paalam ko sa kanila nang pabalik na kami sa classroom.
"Mauna na kami?" si Edward. Tumango ako at umalis na sila. Ako naman, tinungo ang restroom.
Pagkatapos ko mag-CR agad naman ako lumabas na at naglakad papunta sa classroom. Nakasalubong ko sa hallway si Excuse me girl. Muli kaming nagkatitigan. At muli kong naramdaman yung kakaibang pakiramdam na yun. Yung di ko maipaliwanag na pakiramdam.
NATE!
Muli kong narinig ang boses na yun. Na sa pagkakaalam ko, boses niya yun. Boses ni Excuse me girl na kaharap ko ngayon. Pero di siya nagsalita? Di bumuka ang bibig niya, ang weird? Napatalikod ako at naglakad palayo. Guni-guni ko na naman ba yun?
Nang makalayo na ako nang konti, muli ko siyang nilingon. Nakaharap pa rin siya sa 'kin. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.
Binawi ko agad ang tingin ko. Haist! Shit naman, oh! Baka nagiging weird na rin ako tulad niya? Nagpasama lang ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay, nagkaganito na ako? Nakakahawa ba ang kawerdohan? Ugh! Kainis! nasabi ko sa sarili ko habang inaayos-ayos buhok ko.
Hanggang matapos ang klase, ang dami kong tanong. Parang napatulala tuloy ako. Pero pinilit kong maging good mood dahil may date kami mamaya ni Cristy.
Napaaga ang out namin dahil wala kaming last subject. Sina Edward at yung tatlo na kay Nicole na sa taas. Nandito ako ngayon sa convenience store sa baba, sa table sa labas kasama sina Cristy, Lhyn at Jasper. Dami ko nang palusot para di sila umakyat sa taas. Sabi ko umuwi na sila, kaso maaga pa raw kaya tambay muna. Nag-foodtrip kami, kumain kami ng cup noodles at siopao, madalas na bonding na namin 'to.
Sinabi ko na rin kay babe na dapat paghandaan niya yung date namin mamaya, kaya dapat umuwi na. Pero sabi niya nung isang linggo pa siya handa. Kaya nga laki nang galit niya kanina dahil parang wala akong plano this day.
"Lhyn, subuan mo ako ng noodles!" pangungulit ni Jasper kay Lhyn.
Tiningnan lang ng masama ni Lhyn si Jasper pero sinubuan din. Slave daw kasi ngayon ni Jasper si Lhyn. Di lang pala ngayon, kasi hangga't di gumagaling ang mga sugat sa tuhod at siko ni Jasper, dapat sumunod si Lhyn sa utos niya. Kasi si Lhyn ang dahilan ba't siya nadapa. Duga talaga nito ni Jasper. Eh, siya naman may kasalanan ba't siya hinabol ni Lhyn. Dahil siguro sa nakukonsensya kaya sumunod na lang si Lhyn. Pero minsan napapansin ko pasimpleng sinasagi niya ang naka-bandage na sugat ni Jasper, tapos magso-sorry. Pero ngingiti kapag napaaray si Jasper?
"Ang dami naman!" angal ni Jasper. Grabe naman kasi yung subo ni Lhyn. Halos maubos na yung laman ng cup.
"Ito?!" galit na tanong ni Lhyn at pinakita kung gaano karami yung noodles na isusubo.
"Ang kunti naman!"
"Kung ibuhos ko na lang kaya sa 'yo?! Para tapos na! Kanina ka pa! Di na nga ako makakain, ang lamig na ng akin!" sigaw ni Lhyn.
"Sige, okay na yan." Yun, talo rin si Jasper. Natawa na lang kami ni Cristy.
Naputol ang tawa ko nang makita ko si Excuse me girl na patawid ng kalsada patungo sa direksyon namin. At kasama niya si Kristan? Magkasama ba sila o nagkasabay lang? Magkakilala ba sila? Napatingin din sina Cristy, Jasper at Lhyn sa dalawa. Dumiretso ang mga ito sa loob ng convenience store. Pinagbukas pa ng pinto ni Kristan si Excuse me girl.
"Magkakilala pala ang ex mo at si Chelsa?" tanong ni Jasper kay babe.
"Siguro? Magkasama sila, eh?" kaswal na sagot ni babe sabay higop ng sabaw ng cup noodles.
"Chelsa?" mahinang sambit ko habang nakatingin ako sa dalawa sa loob ng store. Sapat lang para ako lang ang makarinig. Ewan, pero napangiti ako ng bigkasin ko ang pangalan niya. Yun pala ang pangalan niya? nasambit ko sa utak ko. Pero di pa rin mawala yung mga guni-guni ko kanina. Nawiwerdohan pa rin ako.
"Kaya, pala ang init ng dugo ko sa babaeng yan? Tropa pala siya ng mga gangster na yan!" si Lhyn. Naputol pa yung hawak na plastic na tinidor sa gigil.
"Ano na ang 'pangsusubo mo sa 'kin niyan?" sita ni Jasper kay Lhyn.
"Nganga! Buhos ko sa bunganga mo ang laman nito!" sigaw ni Lhyn hawak ang cup noodles ni Jasper.
"Napaka ano ng babaeng 'to!"
"Napaka?!"
"Napakaganda." May lambing na sagot ni Jasper. Napa-pouted na lang si Lhyn. Halata naman na kinilig.
Pasimple akong napapatingin kina Excuse me girl. Hindi, Chelsa pala. Yun nga pala name niya. Nakita kung maglalagay sana siya ng mainit na tubig sa cup ng instant coffee pero nagprisenta si Kristan. May hawak na cup ng kape din si Kristan. Pero, matagal na ba silang magkakilala? Mukhang close na sila, eh? At ba't ba kailangan kong malaman? Haist!
"Di man lang nahiya ang Kristan na yan na pumasok dyan?" si Lhyn na naman, halatang irita pa rin. Nakatingin din sila ngayon sa dalawa.
"Business yan nila Edward. At walang personalan." Ako.
Nagkatinginan kami ni Cristy nang makita namin kung saan puwesto yung dalawa. Parang nananadya si Kristan, hah? Nakaupo na sa ibang direksyon si Chelsa pero hinila niya pa. At ngayon, magkakaharap kami, salamin lang ang pagitan. Nakatingin kami ngayon sa kanila – nakatingin din sila sa'min. Nantitrip ba ang mga 'to?
Pero, shit! Ba't ba ako apektado?! Ugh! Ba't ganito yung pakiramdam?