"Besssyyy!!" Nilingon ko ang tumawag sakin at napangiti kung sino yun. Pero bago pa niya ako mayakap ay may humila na sakin palayo sa kanya dahilan para lumagpas sakin.
"Hindi mo siya best friend Cyril." Sabay kami napairap ni Cyril nang marinig yun na parang pinipigil kaming magyakapan.
"Ikaw Eric ah. Ang aga aga, huwag mo akong sungitan!" Pinanlakihan pa siya ni Cyril ng mata.
" Tss. I'm just reminding you." I sighed at bago pa sila mag away ay pumagitna na ako.
"Ang aga aga nag a away na naman kayo. Hala ka, baka kayo ang magkatuluyan." Sabad sabay tukso ko habang nakatingin sa kanila. Cyril's reaction was priceless. Pero si Eric ay nakatingin lang sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
" Pagsabihan mo yan, Nycil. At eww naman kung siya yung makatuluyan ko. Pogi nga pero masungit, leche. Naku, tara na nga. Pumasok na tayo. First day na first day sinisira nyang gago mong bff ang araw ko." Irap na sabi ni Cyril at nauna ng maglakad.
Hinarap ko naman si Eric at tiningala. Bakit ba ang taas niya? Hanggang baba nga niya lang ako kahit isa ako sa mataas na babae sa classroom namin.
" Bakit ba ang sungit sungit mo ngayon huh?" Tanong ko habang inaayos ang polo niya na magulo.
Tiningnan niya naman ako gamit ang malamig niyang mata but I can see the softness of his eyes while staring at me.
"She's noisy." Tipid na sagot niya. I laugh softly at his answer. Many people ask me kung bakit ko napapatyagaan ang taong toh. Ewan ko ba kung bakit napagtyagaan ko siya.
" Eh bakit ako. Mas maingay pa nga ako sa kanya diba?" Takang tanong ko sa kanya.
"Because you're different."
At bago pa ako makareact ay hinila niya na ako para sa room namin.