webnovel

Chapter 16

16

Kung sino man ang may-akda ng librong ito ay gusto yata akong patayin sa sobrang nerbyos at pananabik. At talagang nananabik pa ako sa pagkakataong ganito ha? Ewan ko ba at may parte sa loob-loob ko na kuryoso sa gagawin namin ngayon ni Sir Rod.

"Nahalikan ka na ba, Krisel?" biglang tanong niya.

"Hmm... opo. Si 'Nay Lordes po hinahalikan ako."

"E 'yung 'di mo kamag-anak?"

Di ko kamag-anak? Hmmm... "Meron po, Sir!" palatak ko nang may maalala. Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Sir Rod bigla.

"Who?" tunog banas na untag niya.

"Si Aling Petring po, 'yung may tindahan sa kanto namin. Nung maliit po ako, pinanggigigilan niya ako lagi. Hinahalikan niya po ako sa pisngi."

Umaliwalas ang mukha ni Sir nang marinig iyon. Umayos siya ng kanyang upo at talagang magkaharap na magkaharap kami sa isa't isa.

"Alright, now I will teach you how to kiss properly."

"Ay Sir, di na po kailangan. Marunong po ako." Hahalik lang naman. Pinag-aaralan pa ba 'yun?

"Talaga? Sample nga," nakangising saad niya. Napakamot ako ng batok at nahihiyang tumungo.

"E Sir... nakakahiya po."

"'Wag kang mahiya. Dapat ngayon pa lang ay maging komportable ka na sa akin. Sige na Krisel, show me how you kiss."

Naman e! Gusto mo rin naman, nag-iinarte ka pa? Asik ng konsensiya ko. Nakakahiya kaya! Si Sir Roderick Tuangco 'yan oh!

"Come on, Krisel."

"S-sir... pikit po kayo."

"Okay." Pumikit din naman kaagad siya. Ang pogi! Ang swerte ko naman at hinahayaan niya lang akong halikan siya.

Pinasadahan ko muna ng tingin ang poging mukha ni Sir Rod bago ko inilapit ang aking mukha sa kanya. Taragis! Naiihi ako! Mariin ang pagkakalamukot ko sa sayang suot ko ngayon habang unti-unting lumalapit ang mukha ko sa mukha ni Sir.

"Sir, 'wag kayong didilat ha," paniniguro ko dahil pihadong sisilab ang hiya sa katawan ko kapag ginawa niya iyon.

"Yeah, yeah..." aniyang nakapikit pa rin.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ko idinampi ang aking labi sa pisngi ni Sir Rod. "Ayan na po. Hehe."

Gulat na napamulagat si Sir at nananantiya ako nitong tinitigan. "Seriously, Krisel? What did you do?"

"Ha? Ah... kiss po."

"Ayun na yung kiss?"

"Opo. Ano po ba 'yun?" Napabuntong-hininga si Sir Rod saka binuklat muli nito ang librong hawak.

"Read this," aniya bago hinarap sa akin ang libro.

"How to kiss romantically?" basa ko sa itinuro niyang linya.

"Exactly. At yung ginawa mo Krisel, hindi iyon romantic." Parang banas na naman siya.

"Ahh eh romantic naman po 'yun ah."

"Sayo. Sa akin hindi."

"E paano po ba ang romantic kiss para sayo?"

"Gusto mong malaman?"

"Hmm... okay lang po ba?"

"Kung okay sayo."

"E'di sige po. Show me how you kiss romantically Sir," paggaya ko sa sinabi niya kanina. Umangat ang gilid ng labi ni Sir Rod dahil doon.

"Ikaw may sabi niyan ah." Inusog niya lalo ang upuan palapit sa akin kaya kaonting-kaonti na lang ang distansiyang namamagitan sa amin. Inayos ko ang buhok ko. Palihim ko ring pinunasan ang aking pisngi. Nakakahiya naman kasi kay Sir Rod, baka madumi.

"May apat na klase ng halik akong alam."

"Talaga Sir? Galing mo naman po!" Ngumiti lang siya saka lalo pang inilapit ang mukha sa akin.

"S-sir... time first! Pikit lang ako." Mahina siyang tumawa nang mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Hahalikan ako ni Sir Roderick! Hindi ko alam kung totoo ba ito o panaginip lang.

"Ito na, Krisel..." Ay wengya rin itong si Sir Rod! Kailangan talagang ipaalam? Pumikit na nga ako para hindi ko malaman kung malapit na ba siya o hindi tapos--- Tapos susmaryusep!!! Nahinto ang pagmo-monologue ko sa aking utak nang maramdaman ko ang labi niya... sa aking labi. Jusko! Mabilis lamang iyon pero kasi... akala ko sa pisngi siya hahalik. Pagmulat ko ay ang gwapo at nakangiting mukha ni Sir Rod ang bumungad sa akin.

"That's the first type. Smack," aniya.

F-first type pa lang iyon? T-tapos may tatlo pa? Jusko mahabaging Ama, nawa'y gabayan Niyo po ang aking labi sa sasapitin nito sa mapang-akit na labi ni Sir Rod.

Bab berikutnya