webnovel

The Gentleman's Wife

Penulis: RaraStories
Umum
Sedang berlangsung · 172.8K Dilihat
  • 23 Bab
    Konten
  • 4.8
    14 peringkat
  • NO.200+
    DUKUNG
Ringkasan

Trust me, this is NOT YOUR ORDINARY Gentleman's Story. ***TEASER*** "Para sabihin ko sa 'yo, mali ang lahat nang iniisip mo! 'Wag ka ngang assuming! I have my own reasons kung bakit ka nakatali sa'kin. Infatuation? Affection? Feelings? Love? None of these are my reasons!" mariing turan ni Ashton. "Ashton, pinapangako kong gagawin ko ang lahat ng gusto mo... huwag mo lang putulin ang financial support ng mommy ko sa ospital. Parang awa mo na... Nagmamakaawa ako sa 'yo... Please, Ashton?" 'Di na rin niya napigilan ang mga luha. Hanggat maaari ay pinipigil niya ang mga iyon upang hindi isipin ng asawang lalo siyang nagpapaawa. Ngunit, hindi na niya kaya pang kimkimin ang lahat ng sama ng loob na tanging sa pag-iyak na lamang niya nagagawang ilabas. "Hubad." "A-ano?" Hindi niya mabatid kung tama ba ang kanyang narinig dahil ni hindi man lang nag-abala si Ashton na sulyapan siya nang magsalita ito. "Ang sabi ko... hubad! Maghubad ka!" singhal nito. "Sabi mo, willing kang gawin ang lahat nang sasabihin ko, hindi ba?" "P-pero, A-ashton..." "Naghihintay ako... and so your mom!" He faced her blankly after finishing his whiskey. Ilang ulit na napakurap si Celina. Tila hindi pa rin niya lubos na maunawaan ang nais nitong ipagawa sa kanya. Ngunit, wala siyang karapatang mag-inarte sa mga oras na ito dahil dito nakasalalay ang buhay ng kanyang ina.

Chapter 1CHAPTER 1: CRUEL MARRIAGE

"I WILL MARRY HIM!" mariing turan ni Celina. Kasabay niyon ang pag-uunahan sa pagpatak ng kanyang mga luha. Ang mga luhang iyon ay nababalot ng matinding pait at sakit.

Isa lamang kasi siya sa mga babaeng manunumpa sa harapan ng altar para sa isang kasal na buong puso niyang tinututulan. At para sa kanya'y ito na ang katapusan ng kanyang buhay.

Ang ihayag pa lamang na payag siya sa kasal ay pagpapatiwakal na ng kanyang puso.

"Celina, you don't have to do this!" Sunod-sunod ang pag-iling ng kanyang ama. Si Ronald Zealcita. Isang business man, na ngayon ay nababaon sa malaking pagkakautang sa pamilya ng mga Gamara.

Marahas itong napatayo mula sa sofa, at mabilis na hinatak ang braso ng anak patayo.

Agad namang iwinaksi ni Celina ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ng ama, at matapang itong hinarap. "We have no choice, Dad! Alam natin ang kayang gawin ng mga Gamara. Marami silang koneksyon sa taas. At kayang-kaya nila tayong patirahin sa bangketa sa isang kumpas lang ng kamay, kung gugustuhin nila!"

"Pero, kalayaan mo ang nakataya rito! Buhay at puso mo, Anak! At hindi ko maaatim na mabuhay nang marangya habang ika'y nagdurusa sa piling ng Ashton Gamara na 'yon! Isa siyang demonyo!" Halos dumagundong ang boses ni Ronald sa buong kabahayan.

"Oo, Dad! Alam ko po! At lahat ng demonyo sa ilalim ng lupa ay alam ang bagay na 'yon! Pero... p-pero, Dad... nasa hospital si Mommy! Isipin niyo na lang po kung papaano na siya kapag nawalan tayo ng pera. Ikamamatay ko kung wala akong gagawin para masustentuhan ang pagpapagamot niya!"

Sandali niyang pinunasan ang mga luha sa mata't pisngi, bago muling nagsalita. "She needs to undergo series of Chemotherapy. Saan po tayo kukuha ng pera kung hindi ako magpapakasal kay Ashton? At ikaw, Dad, makukulong ka! Iyon ba ang gusto mo? Ang mawala kayong pareho sa'kin para lang maging malaya ako? Sa tingin niyo po ba, magiging masaya ako pagkatapos no'n?"

"Anak, I'm so sorry for everything! You don't deserved a life like this... It's all my fault!" Maging si Ronald ay hindi na rin napigilan ang sariling mapaiyak. Labis-labis ang paninisi nito sa sarili, dahil sa kawalan nang magawa. At sa pagiging mahina.

"It's okay, Dad... It's okay..." Kinabig niya ang ama at niyakap ito nang mahigpit. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito bilang isang padre de pamilya, at sobrang sakit no'n para sa isang anak na katulad niya. Ngayon lamang niya nakitang umiyak ng ganito ang kanyang ama. At tagos ang sakit sa puso niya.

"Basta... kapag hindi mo na kaya, puwede kang umayaw, Celina."

HINDI nagawang ipagpatuloy ni Celina ang ginagawang pag-atras ng kanyang mga paa, nang muling manariwa ang pait nang luha mula sa mga mata ng kanyang ama.

Nakagawa na siya ng tatlong hakbang paatras mula sa harapan ng pinto ng simbahan. Kusa iyong ginawa ng kanyang mga paa nang sandaling masilayan ang imahe ni Ashton Gamara na kampanteng nakatayo't naghihintay sa gilid ng altar.

Ang sarkastiko nitong mga ngiti ay parang isang multo sa kanyang mga mata. Na labis niyang kinatatakutan.

Muli siyang huminga nang malalim, bago nagpatuloy sa paghakbang paunahan. Buo na ang kanyang loob. Kailangan niyang ituloy ito. Kailangan niyang makasal kay Ashton.

Bawat hakbang patungong altar ay parang napakabigat ng kanyang mga paa. Mabuti na lamang at naroon sa kanyang tabi ang ama, upang maghatid sa kanya. Napakapit siya nang mahigpit sa mga braso nito. Doon na lamang siya kumukuha ng lakas upang patuloy na makapaglakad.

Nakikita niya ang nakangising mukha ni Ashton. Ngiting tagumpay at may pagmamayabang. You are truly a crazy bastard frog! Nasabi niya sa sarili.

"She is so beautiful!"

"No wonder kung bakit siya pakakasalan ng bunsong Gamara."

Naririnig niyang bulong-bulungan ng ilang mga kaanak ni Ashton. Ang binata ang pinakabunso sa ikalawang henerasyon ng mga Gamara. Sa mura nitong edad na dalawampu't walo, ay isa na itong matagumpay na CEO ng isang sister company ng kanilang negosyo.

Matalino ang binata. Tall, dark, and handsome rin. Bagay na ilan lamang sa mga dahilan kung bakit kayang-kaya nitong magpaiyak ng sampung babae sa loob lamang ng isang linggo. Idagdag pa ang namamayagpag na yaman nito.

Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit sa dinami-rami ng anak na babae ng ilan nilang kasosyo sa negosyo'y siya pa ang napili nitong angkinin. Samantalang alam niyang may mas maganda pa sa kanya.

"You are totally, legally, officially, and only mine now, Baby!" mariing bulong ni Ashton sa tainga ni Celina nang tuluyan na siyang ipaubaya rito ng ama.

"Masaya ka na ba?" mapait niyang tanong. Kahit sa eksprisyon ng kanyang mukha'y hindi niya itinago ang galit para sa binata.

"Hindi! Dahil kulang pa!" Binigyan siya nito ng isang matamis na ngiti. Ngiting nakaka-insulto, bago sila tuluyang humarap sa altar.

MATAPOS ang kasal at wedding reception, dumiretso na sila sa isang resort na pag-aari rin ng mga Gamara. Ginabi na sila dahil sa Tagaytay pa ang lokasyon nito.

Naunang bumaba ng sasakyan si Ashton para pagbuksan siya ng pinto. Maagap nitong inilahad sa kanya ang kamay upang alalayan siya sa pagbaba.

"Seriously?" Tinaasan niya ito ng kilay at marahas na tinapik ang kamay ng asawa. "Stop pretending already! Wala na tayo sa simbahan, at wala na dito ang mga kamag-anak mo. So, why bother?"

"Huwag kang masyadong magmatigas, Celina! Ako na nga itong pilit na nagpapakabait sa unang araw ng kasal natin para naman kahit papa'ano ay hindi mo isumpa ang araw na 'to," sarkastiko nitong sabi. At muli na naman niyang nakita ang nakakainis na ngiti sa mga labi nito.

"Mabait ka na sa lagay na 'yan? At ako pa talaga ang inalala mo? Dapat ba akong magpasalamat sa 'yo? Wow ha!" inis na bulalas niya. Talaga namang sagad sa buto ang kayabangan ng lalaking ito!

"Haist! Napakaarte mo! D'yan ka na nga! Bwisit!" singhal nito. Halatang hindi na nito kaya pang magtimpi, at tuluyan na siyang iniwan.

"Ahhhrg!" Inis na bahagya niyang ini-angat ang laylayan ng kanyang peach long and fitted gown, na siyang ginamit niya sa reception ng kasal. At nagdadabog siyang bumaba ng kotse.

Masyadong mabilis maglakad si Ashton kaya hindi na niya nasundan kung saan ito nagpunta. Nagpasya na lang siyang tunguhin ang reception area ng resort para magtanong. Pero bago pa man siya tuluyang makapasok sa main door ay muli siyang napaatras.

"Kung s-susundan ko siya... maaangkin na niya ang k-katawan ko. Wifely duty? No! No!" anas niya. Pagkatapos ay mabilis siyang tumakbo palayo. Kahit na masakit na sa paa dahil sa taas ng takong ng suot na sapatos ay nagpatuloy pa rin siya.

Tinungo niya ang kinaroroonan ng infinity pool sa may tabi ng isang malaking puno. Wala siyang ibang matanaw mula roon kundi ang kakaibang dilim na hatid nang makakapal na fog sa paligid. Naupo siya sa isang bench na naroon, kung saan nakaharap ito sa mga kabundukan ng Tagaytay.

Bahagya na siyang nanginginig. Idagdag pa ang manaka-nakang pag-ihip nang may kalakasang hangin sa paligid. Backless pa ang suot niyang gown kaya nanunuot hanggang buto ang lamig. Nayakap na lang niya ang sarili, upang kahit papaano'y maibsan ang panlalamig.

"This is an act of suicide!" umiiyak na bulong-bulong niya. Pero mas gugustuhin pa niyang mamatay na lang sa lamig kaysa ang makasama sa iisang kuwarto ang demonyong Ashton Gamara na iyon.

Iisipin pa lang niyang hahawakan siya nito'y nagtatayuan na ang kanyang mga balahibo.

Nagtagal pa siyang ilang oras sa puwestong iyon. Hanggang sa maramdaman niyang bumibigat na ang talukap ng kanyang mga mata dahil sa antok. Medyo mahapdi na rin ang kanyang mga mata dahil sa walang tigil na pag-iyak.

"Baka tulog na siya. Kasi, kung gusto talaga niyang angkinin ang katawan ko ngayong gabi, dapat kanina pa siya bumalik dito para sunduin ako."

Nagpasya na nga siyang tumayo't magtungo sa reception area, para alamin ang silid nila. Haay! Bahala na si Lord sa'kin!

"Ma'am, heto po ang cottage ninyo." Magiliw na itinuro ng staff ang isang may kalakihang two story cottage, kung saan sila huminto.

"S-salamat." Tipid niyang nginitian ang babae. Pansin niya sa mukha nito ang pagtataka dahil tila alam nitong bagong kasal lamang sila, pero mag-isa siyang nasa labas at ang masaklap pa'y naghahanap siya sa asawa. "You can leave now," medyo mataray na sabi niya. Inirapan niya rin ito para umalis na. Naaalibadbaran na siya sa mga titig ng babae sa kanya at isa pa, ayaw niyang kaawaan siya ng kahit na sino.

NAKABUKAS pa ang lahat ng ilaw sa loob niyon, kaya bahagya siyang kinabahan na baka gising pa ang asawa niya. Ngunit wala na siyang pagpipilian. Sinubukan niyang mag-check in sa ibang cottage pero fully booked na daw lahat. Hindi naman siya puweding matulog sa labas dahil mamamatay siya sa matinding lamig.

Huminga muna siya nang malalim bago binuksan ang pinto. Bahagya pa siyang sumilip at nang walang nakitang tao sa sala ay dahan-dahan na siyang pumasok.

May kalakihan ang cottage na ito kumpara sa iba. Halatang pang-VIP ito, dahil na rin sa mga mamahaling kagamitang makikita sa loob. Naroon sa gawing kaliwa ang isang maliit na dining room na karugtong na ng kusina. Gawa man sa kahoy ang halos fifty percent na kabuuan nito'y napaka-elegante pa ring tingnan. Sakto namang may malambot na sofa sa sala, kaya napangiti siya. Dito na lang ako matutulog.

Ngunit kahit sa loob ng cottage ay malamig pa rin. Hindi rin niya kayang matulog na ganoon ang hitsura dahil masyadong manipis ang suot niya. Nagpalinga-linga rin siya sa paligid pero wala doon ang mga bagahe nila. Marahil ay nai-akyat na ang mga iyon sa kanilang silid. Wala talaga siyang pagpipilian kundi ang umakyat sa taas para makapagpalit ng suot, at kumuha na rin ng kumot.

Maingat siyang umakyat sa hagdanang gawa sa Narra. Halos sampung baitang lamang ang taas niyon. At sa railings na nakikita niya'y tiyak siyang open room ang nasa taas niyon. Inihanda na niya ang sarili sa maaaring mangyari. Kung gising pa ito'y makikipag-away siyang muli. At kung tulog naman ay magiging maingat na lang siyang huwag itong magigising.

Ngunit bago pa man siya tuluyang makaakyat sa dulo ng hagdanan ay natanaw na niya ang isang malaking kama sa gitna ng silid na iyon.

Naroon si Ashton.

Gising pa.

At may kasamang ibang babae.

Natutop niya ng kamay ang bibig sa labis na pagkabigla. Mahigpit din niyang naikapit ang isang kamay sa railings ng hagdanan, dahil pakiramdam niya'y bigla siyang nanghina. Parehong hubo't hubad ang dalawa at abalang-abala sa pagtatalik. Nakaupo si Ashton habang nakakandong naman dito ang sumasayaw-sayaw na babae. Wala ring kamalay-malay ang mga ito na naroon siya.

Paano nga ba naman niya ako susundan sa labas, e, busy-ng busy siya sa pagkayod! Tsk!

Oo, ayaw niya sa asawa niya. Ngunit, kahit papaano'y nakaramdam pa rin siya nang sakit dahil sa nakita. Kakakasal pa lamang nila. At unang araw pa lang ng kanilang kasal tapos nangangaliwa na kaagad ito. Wala itong respeto sa kanya. At dito pa talaga sa cottage na tinutuluyan nila. Marahil ay nananadya ito. Napaisip tuloy si Celina kung ano ba talaga ang totoong dahilan nito't pinakasalan siya?

"O-oh, the bride is here!" Akma na sana siyang babalik sa baba nang marinig ang boses ng babae.

Napahinto siya't matalim itong tinitigan. Hindi maitatangging isa itong bayarang babae.

"Come! Join us!" nakangisi namang paanyaya ni Ashton. Pupungay-pungay pa ang mga mata nito na parang magagawa niyong mapapayag siya.

Hindi na niya napigilan pa ang mga luha nang makitang hindi pa rin humihinto ang mga ito sa ginagawa. Maging ang babae'y hindi man lang kakikitaan nang takot, sa halip ay isang ngiti pa ang ipinagkaloob nito sa kanya. Ngiting may pang-uuyam at pagkaawa, bago ito bumukaka sa harapan ng kanyang asawa.

Napangiwi siya sa labis na pandidiri. Hindi na niya kaya pang sikmuraing makita ang mga ito, kaya nanakbo na siya paalis. Diretso niyang tinungo ang main door ng cottage at nagpasyang sa labas na lang magpalipas ng gabi.

...to be continued

Anda Mungkin Juga Menyukai

You are invited (The Matchmaker's Series #1) COMPLETED

WARNING: MATURE CONTENT INSIDE | RATED SPG | 18+ Isang sikat na Matchmaker ang inutusang hanapan ng babaeng mapapangasawa si Leonardo Villaruiz-- a well-known lawyer and ruthless especially when it comes on handling special cases and lawsuits of his clients. Business is Business. Kaya isa sya sa mga kilalang lawyer ng kanyang henerasyon. Kung gaano siya ka-successful sa kanyang career ay ang ikina-malas niya naman sa pag-ibig. He's very shy whent it comes to women but definitely a monster when it comes to bed. He had flings to satisfy his sexual needs. Kaya kailanman ay hindi pumasok sa isip nya na maghangad pa ng iba maliban sa sex mula sa isang babae. Until one day, Nica literally barged into his life. She barged into his room unannounced, drunk, and look stunningly sultry in her sexy black gown. He was burned by desire and unexpectedly, they had a one night of enchantment. Nagising na lang sya kinabukasan at wala na sa tabi ang dalaga. After a few weeks ay nagkita ulit sila. She pretends that nothing happened between them. Umaakto ito na para bang ni minsan ay hindi sila naging maligaya sa kama. That made him feel irritated. Handa syang gawin ang lahat para lang maalala ng dalaga ang ginawa nila nang gabing dinala nya ito sa paraiso na hindi nito malilimutan. Author's Note: Contains mature scenes and graphic terms. Please read at your own risk. You've been warned. You may see a lot of typo and grammatical errors because this story is raw and unedited. Thisnis the first series of the author's career so expect flaws along the way.

missbellavanilla · Umum
Peringkat tidak cukup
15 Chs