"Pa, hiramin ko yung phone ni Mama tatawagan ko lang si Mike," sabi ko pagpasok ko sa loob.
"Walang load yung phone ni Mama mo, yung akin yung gamitin mo," sagot ni Papa sakin bago niya inabot sakin yung phone niya na agad ko naman kinuha. Dahil nga di naman confidential yung sasabihin ko kay Mike di na ko lumabas ng kwarto at umupo nalang ako sa gilid ng kama nila Mama at Papa.
"Mike," mabilis kong sagutin ng sagutin ni Mike yung tawag ko.
"Bakit 'te?"
"Kunin mo naman kay Xandra yung number ni Yago," utos ko kay Mike.
"Bakit?" takang tanong ni Mike.
"Basta kunin mo, tapos text mo nalang sa number ni Papa." sagot ko kay Mike at di ko na hinitay na sumagot pa siya bago ko binaba yung tawag. SInadya ko talagang di sagutin yung tanong ni Mike kasi ayaw ko naman sabihin sa kanya na walang ibang kabisadong number si Martin kundi yung number ko lang kahit pa ilang taon na niyang naging personal assistant si Yago.
"Hintayin ko lang text ni Mike, Pa ha!" sabi ko kay Papa kasi nga di ko pa binalik yung phone niya.
"Sige lang!" sabi ni Papa bago siya umalis sa office table niya at lumapit sakin.
Sanay na sanay na si Papa sa pagmamaniobra ni wheelchair niya kaya wala siyang kahirap hirap na lumapit sakin.
"Bakit Pa?" tanong ko kasi alam ko may gusto siyang sabihin.
"Nak, totoo bang kasal na kayo ni Martin?"
"Opo," mahina kong sagot kasi kahit papano nahihiya parin ako sa magulang ko dahil nga sa pagmamadali namin ni Martin.
"Pero bakit wala kang suot na sing-sing?" sabi ni Papa habang naka tingin sa kaliwa kong kamay kung saan walang sing-sing na naka suot.
Bigla tuloy akong napakamot ng ulo, paano kasi hinubad ko yung ng umalis ako sa bahay namin ni Martin, "Hinubad ko 'Pa," mahina kong sabi.
"So binilhan ka niya?"
"Opo binilhan ako ni Martin at napakaganda nun,'Pa!" proud kong sabi habang hinawakan ko yung dalawang kamay ni Papa.
"Talaga?" tuwang-tuwang sabi ni Papa sa akin.
"Oo naman di ako papayag na pangit yung bibigay niyang sing-sing ano siya hilo?"
"Pakita mo nga sakin pag uwi mo dito!"
"Wag na 'Pa!"
"Bakit?"
"Baka isanla mo, Haha...haha...!"
"Baliw kang bata ka! Haha... haha...!" sabi ni Papa na natawa rin sa sinabi ko.
"So anong plano niyong dalawa?" tanong ni Papa sakin nung huminto na siya sa katatawa.
"Gusto po ni Martin sumama na po ako sa kanya sa bahay namin."
"May bahay na kayo?"
"Meron na po, bumili siya ng bahay sa Antipolo. Maganda dun 'Pa, Dalhin ko kayo dun ni Mama sa susunod para makita niyo!"
"Mabuti naman pala kung ganun, natatakot pa naman ako na makitira ka sa mga biyanan mo."
"Bakit natatakot ka ba 'Pa na bulihin niya ako?"
"Hindi, natatakot ako na bulihin mo sila, Haha...haha...!"
"Si Papa naman, mabait kaya ako!" sagot ko na may dalang pagtatampo kaya mabilis kong binitawan yung kamay niya.
"Anak," sabi ni Papa at sa pagkakataong iyon siya yung umabot sa dalawang kamay ko.
"Alam ko naman na mabuti kang bata at balang araw magagawa mo rin na magustuhan ka ng pamilya ni Martin."
"Pa, di naman po ako pababayaan ni Martin at alam ko balang araw matatanggap din nila ako."
"Alam ko yun," sabi ni Papa at saka pinisil yung kamay ko.
"Mag-uupisa ka ng bumuo ng pamilya kaya sana mag-mature ka na," sabi ni Mama na pumasok din sa kwarto.
"Mature naman ako!" depensa ko sa sarili ko.
"Mature kaya pala umalis ka at umuwi dito sa bahay na luhaan yun pala mayroon lang kayong di pagkakaintindihan ng asawa mo.. Hay naku Michelle ang pag-aasawa di yan kagaya ng kanin na mainit na kapag napaso ka ay pwedi mong iluwa."
"Alam ko naman yun 'Ma!" sagot ko kay Mama na umupo narin sa tabi ko.
"Alam mo pero di mo pinagkakatiwalaan yung asawa mo!"
"Ma naman, di yun sa ganun!"
"Di sa ganun, eh ano yun?" dahil sa sinabing iyon ni Mama di ako naka sagot kasi nga guilty ako sa ganung bagay.
"Tandaan mo Michelle bilang mag-asawa kasama ang tiwala para tumibay yung pagsasama niyo. Tingnan mo kami ng Papa mo kahit tsinismis yaan noon ng mga kasama niya na may babae di ako naniniwala kasi hanggat sinasabi ng Papa mo sakin na di yun totoo at ako lang ang mahal niya naniniwala ako pero syempre dapat marunong ka ring bakuran yung asawa mo. Naiintindihan mo ba yung sinasabi ko?"
"Opo Ma naiintindihan ko po!"
"Tandaan mo wag kang uuwing iiyak-iyak sinasabi ko sayo kakalbuhin kita!" pagbabanta ni Mama sakin.
"Pa oh, si Mama!" sabi ko na sinadya ko pang lumayo kay Mama para ipakita yung takot ko.
"Ano ka ba naman Eden dapat di yan ang sinasabi mo sa anak mo?" sabi bi Papa kay Mama bago bumaling sakin. "Ito lang ang tatandaan mo anak di man tayo mayaman kapag feeling mo agrabyado ka na dun, bukas ang pinto ng bahay natin umuwi ka at buong puso ka naming tatanggapin."
"Hayaan niyo po 'Pa di ko po hahayaang maagrabyado si Michelle!" sabi ni Martin na bumaba na pala at nasa pintuan nakatayo.
"Siguraduhin mo lang Martin kasi kapag pinaiyak mo yung anak ko at binully siya ng Lola mo at ng magulang mo sinasabi ko sayo, babawiin namin siya sayo." pagbabanta ni Mama.
"Ma naman!" saway ko kay Mama.
"Anong Ma naman, alam ko kung anong ugali meron ang Lola niya kaya pinapaalalahanan ko lang si Martin." sabi ni Mama na mukang di pa nakalimot sa nangyari dati.
"Bakit may nangyari ba na di ko alam?" tanong ni Papa.
"Wala yun 'Pa, alam mo naman si Mama!" nasabi ko nalang bago ako tumayo at lumapit kay Martin.
Di nalang din kumibo si Mama kasi nga baka magkaroon pa ng problema kaya iniba na niya yung usapan. "Kumain na kayong dalawa."
"Tara, Hon!" yaya ko kay Martin habang hinila ko na siya palabas para pumunta na sa kusina at ng makapag-almusal na kami.
Pagdating namin dun ay agad akong naghain, samantalang siya ay nagtimpla ng kape naming dalawa. Feel at home na si Martin samin, sabagay wala naman siyang dapat alalahanin kasi tangap naman siya ng magulang ko.