webnovel

Chapter 327

"Ma'am sakay na po!" sabi ni Mang Kanor ng hintuan niya ko sa may gilid ng kalsada. Di ko siya napansin kasi nga nasa phone ako nakatingin. Hinihintay kong tawagan niya ko kaya nagulat ako ng bigla siyang huminto sa tapat ko.

"Sige po!" nasabi ko nalang. Iikot na sana ako sa kabila para umupo sa unahan katabi ni Mang Kanor ng bigla magsalita si Mang Kanor.

"Sa likod na po kayo umupo, andito po kasi sa harap yung mga gamit!"

"Okay!" sagot ko kaya muli akong lumapit sa likod at binuksan yun pero laking gulat ko ng makita ko si Martin dun naka upo. Sinulyapan niya lang ako bago ibinalik yung mata niya sa laptop na nasa kandungan niya.

"Sakay na po Ma'am!" pagmamadali ni Mang Kanor sakin kaya pumasok na ko.

Tinted kasi yung kotse kaya di ko nakita si Martin kung nakita ko lang i-insist ko sana talaga na sa harap na umupo. Naiinis parin kasi ako sa kanya kaya nung pagkasakay ko di ko talaga siya pinansin at nanatili akong naka siksik sa may pintuan para lumayo ang space sa pagitan naming dalawa. Buti nalang busy rin siya sa laptop niya kaya di niya ko kinausap.

Habang nasa biyahe naisip kong lagyan ng earphone yung tenga ko para kung magsalita si Martin may rason akong di siya sagutin sa kadahilanang di ko siya narinig. Ibinaba ko ng mabuti yung sobrero ko para matakpan yung mata ko kasi balak ko sanang umidlip kasi nga medyo mahaba-haba din yung biyahe.

"Blooooog!" narinig kong parang may bumungo sa salamin kaya nagmulat ako ng mata at napatingi ako sa direksyon ni Mang Kanor.

"Sorry po, ginagawa kasi yung kalsada kaya madaming bato!" paliwang ni Mang Kanor kaya napatingin ako sa labas. Binabakbak yung kalsada kaya medyo lubak-lubak kasi ng rough road.

"Bloooog!" muling tunog sa pagkakataong iyon napatingin ako kay Martin na natuulog habang naka sandal sa may bintana ng kotse. Tulog parin siya sa kabila ng pagkaka-untog.

"Sobrang antok?" natanong ko.

"Puyat kasi si Sir Martin, baka pweding palagay yung ulo niya sa may sandalan para di tumama sa bintana!" sabi ni Mang Kanor pero di ko siya sinunod hinayaan ko lang si Martin sa ganung posisyun.

"Bloooog!" muling tunog at gaya kanina tulog parin si Martin.

Sa tantiya ko mahaba pa yung lubak na kalsada kaya malamang bago kami makalagpas dun puro bukol na yung ulo ni Martin kaya di na ko naka tiis. Tinanggal ko yung bag ko yung bag ko na nakaharang sa pagitan namin at inilipat malapit sa pintuan ng kotse. Dahan-dahan akong umusog sa kanya. Nung muling gumalaw yung kotse mabilis kong inilagay yung kaliwang kamay ko sa pagitan ng ulo niya at bintana upang di siya mauntog.

Balak ko sana ay ilagay yung ulo niya sa may sandalan ng kotse ng bigla uling gumalaw yung kotse ay sa halip na sa sandalan ko mailagay yung ulo niya sa may kanang balikat ko siya napunta. Muli kong iniangat yung ulo niya para sana ilipat pero biglang pumulupot yung kamay ni Martin sa baywang ko at inisiksik yung muka niya sa pagitan ng ulo ko at balikat.

"Mukang naisahan nanaman ako ah!" nasabi ko nalang kasi nung pinilit kong tanggalin yung kamay niya na nakapulupot sa baywang ko ay lalo niya iyong hinigpitan para di ako makawala sa pagkakayakap niya.

"Nauto ka nanaman Michelle!" sabi ko uli sa isip ko, paano ba naman kahit gaano ka ka-antok or kapagod sa lakas nung pagkakauntog mo magigising ka talaga malipan nalang kung nagpass-out ka or nagtutulog-tulugan ka at sa tingin ko nasa nagtutulog-tulogang category si Martin.

Dahil nga wala na ko nagawa hinayaan ko na lang matulog siya sa balikat ko or mas magandang sabihin magtulog-tulugan. Pinili ko nalang din pumikit para kahit papano mabasan yung inis na nasa puso ko.

Maya-maya naramdaman ko na tinanggal ni Martin yung isang earphone ko kanang tenga ko pero di parin ako nagmulat ng mata at hinayaan ko lang siya. Accoustic music yung pinapakinggan ko pang pakalma di k onamalayan nakatulog ako. Nangalay na rin yung balikat ko kaya napilitan akong magmulat ng mata. Nasa express way na kami pero medyo mabagal ang takbo ni Mang Kanor na labis kong pinagtatakahan kaya lumingon ako sa paligid at ganun din yung ibang sasakyan kaya di ko na masyadong inisip.

Tiningnan ko yung ulong nakapatong sa balikat ko. Bahagya akong yumuko para makita yung itsura niya from what I see and observed mukang nakatulog talaga si Martin kaya dahan-dahan kong inalis yung ulo niya sa balikat ko para ilagay sa sandalan pero muli lang siyang bumalik sa position niya at kumapit sakin.

"Nangangalay na yung balikat ko," reklamo ko. Nung marinig yun ni Martin ay iniangat niya yung ulo niya akala ko sasandal na siya sa upuan pero yung kandungan ko naman yung ginawa niyang unan.

"Hays!" buntong hininga ko kasi wala akong magawa sa pagiging shameless niya.

Tinitingnan ko yung mukha ni Martin nagbabakasakali akong mahuli siyang nagtutulog-tulugan pero upon checking for a long time na-realize ko na talagang naka tulog siya uli. Bahagya akong umusog papunta sa may pintuan ng kotse para kahit papano ay maka diretso yung likod ni Martin.

"Hmmm!" narinig kong ungol niya na parang nagrereklamo kasi nga umusog ako.

"Inaayos ko lang para maka diretso ka!" paliwanag ko habang ipinatong yung ulo niya sa tuwalyang kinuha ko sa bag ko para magsilbing unan niya. Nakayakap parin sa baywang ko yung kaliwang kamay ni Martin samantalang yung kanan ay nakalaylay sa upuan kaya kina ko iyon at inilagay sa gilid niya.

Inayos ko muna yung earphone nabahagyang natanggal sa tenga niya bago ko ipunulupot yung kanang kamay ko sa baywang niya rin para kahit gumalaw yung kotse di siya malaglag.

Nakikita ko sa mukha ni Martin ang labis na pagod at puyat kaya di ko mapigilang haplusin yung noo niya na naka kunot at ng dumiretso yun yung buhok naman niya yung hinaplos ko. Dahan-dahan lang para kahit papano di ko maistorbo yung tulog niya.

Bigla kong naisip yung sinabi ni Anna sakin," Kung mahal mo parin siya di paglaban mo!"

Ang tanong ko nalang is worth it ba siyang ipaglaban?

Martin POV

"Ganun na ba talaga ang galit niya na kahit alam na niyang nauuntog ako di man lang ako lapitan!" sabi ni Martin habang tinitiis yung sakit ng ulo niya na bumangga sa may salamin ng bintana ng kotse.

Pagpasok palang ni Michelle gusto na niya itong kausapin kaya lang nakita niya na galit parin ito sa kanya kaya di muna siya nagsalita. Hinhintay niyang si Michelle ang magbukas ng usapan pero tahimik lang ito at di siya pinansin kahit nga batiin di nito ginawa buti pa si Mang Kanor binati.

Kagabi pa niya tinatawagan si Michelle pero di siya makapasok, malamang binolock nanaman siya nito. Di kasi niya mapigilang makaramdam ng selos ng makita niya yung post ni Mike na may nanghaharana kay Michelle sa Bataan kaya nasigawan niya ito.

Nung huli na-realize niya na mali yung ginawa niya kaya muli niya itong tinawagan pero di na siya maka-connect. Kaya tinawagan niya si Yago pata tawagan ito para malaman yung sitwasyon pero wala naman siyang napala kay Yago kaya si Mang Kanor yung pinatawag niya uli.

Mabuti nalang si Mang Kanor nakaka intindi at mabilis turuan kaya nakuha niya yung sagot na gusto niya kaya bibigyan niya talaga ito ng bonus.

Labis ang tuwa niya ng maramdaman niyang lumapit na si Michelle sa tabi niya at sinalo yung ulo niya. Dumating na yung opportuniting pinakahihinatay niya kaya kapal mukha niyang niyakap si Michelle, "Bahala ng sabihang shameless ang importante nasa bisig ko siya."

Ngiting tagumpay si Martin kasi napatunayan niya na di parin siua kayang tiisin ni Michelle.

pumirangcreators' thoughts
Bab berikutnya