webnovel

Chapter 315

Naka tingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Pauwi na kami ni Mike sa bahay at ini-expect ko na papagalitan ako niya ko kasi malamang narinig na niya yung nangyari pero tahimik lang siya at di nagsasalita kaya di narin ako nagkwento or nagsalita hanggang maka rating kami sa bahay.

"Siya nga pala tumawag si Mama sakin kanina, nagpapasundo na dun sa Bataan kaya kailangan natin silang sunduin dun sa Sabado. Doon nalang tayo matulog at sa Sunday na tayo umuwi." sabi ni Mike habang kumakain kaming dalawa.

"OKay!" sagot ko sa kanya.

Pagkatapos nun ay muli kaming tumahimik hanggang sa umakyat na si Mike sa taas at ako naiwan sa baba para magligpit ng pinagkainan namin.

"Hays!" butong hininga ko.

Pagkatapos naming mag-usap kanina ni Martin at di na siya naka tawag sakin malamang busy na sa trabaho. Naisip kong muling block yung phone number niya kaya lang magkikita kami uli bukas kaya naisip kong patayin nalang yung phone ko para di ko siya maka usap.

Habang naka higa sa kama ay nag-iisip ako ng dapat kong gawin kung anong dapat at tama pero mag-aalas dose na wala parin akong maisip na magandang paraan. Di naman kasi pweding abandonahin ko yung trabaho ko lalo pa nga umaasa sakin si Boss Hele, kasama pa si Alvin at Dina dun.

Di ko rin naman pweding iwasan si Martin kasi nga may utang pa ko sa kanyang dapat settle. Utang na di ko alam kung paano babayaran kung di ako gagamit ng physical contact.

Halos wala akong tulog kaya kinabukasan ang laki ng eyebag sa mata ko kaya napilitan akong magsuot ng reading glass para kahit papano di masyadong pansinin.

Maaga kaming umalis ni Mike kasi nga may meeting siya uli ng eight kaya seven thirty palang nasa office na kami. Akala ko ako palang tao sa office pero laking gulat ko ng madatnan ko dun si Martin, naka upo sa executive chair niya.

"Mukang di lang ako ang di naka tulog ah!" sabi ko sa isip ng mapansin ko yung eyebag ni Martin na mas malaki pa sakin.

"Morning!" casual kong bati bago ako dumiretso sa lamesa ko.

"Bakit ang aga mo?" tanong ni Martin sakin.

"May meeting si Mike ng eight sa Taguig kaya maaga kami umalis," paliwanag ko.

"Nag-almusal ka na?"

"Tapos na!" sagot ko habang binibuksan ko yung computer ko.

"Late na natapos yung meeting ko kahapon kaya di kita natawagan ng maaga. Tina-try kong tawagan ka ng gabi di kita ma-contact put of coverage yung phone mo." sabi ni Martin habang lumalakad palapit sakin.

"Na-lowbat ako!" simpleng paliwanag ko habang naka focus lang yung mata ko sa computer kahit alam ko na nasa likod ko na si Martin at nakahawak sa balikat ko.

"Kadarating ko lang galing airport kaya wala pa ko halos tulog tapos di pa ko kumakain, pwedi bang samahan mo ko!" bulong niya sakin habang nakapulupot yung kanang braso niya sa balikat ko samantalang yung kanan naman ay nasa baywang ko.

"Umuwi ka nalang muna para makapagpahinga ka!" sagot ko sa kanya habang inaalis ko yung kamay niya sa baywang ko.

"Galit ka ba?"

"Martin!"

"Galit ka ba, dahil di ako tumawag sayo kahapon o dahil kay Ellena?"

"Hindi ako galit!" sagot ko sa kanya pero iniwas ko yung mukha ko nung tangka niyang halikan yung pisngi ko.

"Di ka galit pero sa ipinapakita mo, mukang galit ka."

"Martin please oras na ng trabaho kaya let us just work." paki-usap ko. Di na sumagot si Martin pero nanatili siyang nakatayo sa likod ko.

Maya-maya ay may kumatok sa pinto si Yago iyon.

"Pasok!" sabi ni Martin. Kaya pumasok si Yago may dalang pagkain, malamang breakfast iyon ni Martin.

Dumiretso na si Yago sa lamesa at inihain yung pagkain.

"Kain na po Sir and Ma'am!" offer ni Yago.

"Okay na Yago, iwan mo na kami!" sabi ni Martin.

"Sige po Sir!" sabi naman ng isa bago tuluyang lumabas.

"Samahan mo ko magbreakfast!" sabi ni Martin bago hinawakan yung kamay ko. Senyales na di ako pweding tumanggi kaya tumayo ako. Opportunity ko rin ito para makapag-usap kaming dalawa tungkol sa mga bagay-bagay.

"Kunti lang!" sabi ko kay Martin kasi siya yung nagsasandok ng pagkain ko. Kumain na ko ng breakfast kanina kaya busog pa ko.

"Sa total ko nasa seven million pa yung utang ko sayo!" pag-uumpisa ko ng usapan.

"Hmmm!" ungol lang ni Martin kasi nga may laman yung bibig niya pero naka tingin siya sakin na para bang sinasabi na magpatuloy ako sa gusto kong sabihin.

"Gusto ko sana malaman yung mabilis na paraan para ma-settle yung utang ko sayo ng di ko kailangang magbayad ng cash!"

"Gusto mo ng makabayad sakin?"

"Oo, kaya kung may alam kang paraan para mabayaran kita ng mabilis sabhin mo na!"

"Paano kung sabihin ko be my women, payag ka?" seryosong sabi ni Martin.

"Gusto mong bigay ko sayo yung virginity ko?" paglilinaw ko.

"Haha...haha.. kung yun ang pagkakaintindi mo sa be my woman eh di yun!" sabi ni Martin pero sa kabila ng pagtawa niya ay nakikita ko yung galit na di ko alam kung bakit. Siguro kung di metal yung gamit niyang kutsara at tinidor malamang naputol na iyon dahil sahigpit ng pagkakahawa niya.

"Sige payag ako!"

"Pumapayag ka?"

"Oo payag ako, bibigay ko sayo yung gusto mo tapos nun balik mo sakin yung titulo ng bahay namin at lahat ng utang ko sayo ay bayad na. Plus, gusto ko tanggapin mo lahat ng bagay na isasauli ko sayo." Lalong nagdilim yung mukha ni Martin. Binitawan niya yung kutsara at tinidor na hawak niya at sumandal sa upuan.

"So ilang araw mo ibibigay sakin yung sarili mo?" taas kilay na sabi ni Martin.

"Paanong ulang araw?" takang tanong ko.

"Seven Million ang pinag-uusapan natin Michelle, unfair naman yata yun kung isang beses lang kita matitikman." sani ni Martin habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa na para bang sinasabi niya na napakamahal mo naman.

Di ko maiwasang mapakagat labi dahil sa way na pagkakatingin ni Martin para akong napapaso di dahil sa galit na lumalabas sa kanya.

"Ilang araw ba dapat para masabi mong sulit ako sa seven Million na balance ko?" bold kong sabi para matapos na.

Bab berikutnya