"Nasira ko ba?" Mahina kong tanong kay Martin habang naka subosob parin yung muka ko sa dibdib niya.
"Mukang maganda naman yung quality buo parin siya eh." Pabirong sagot niya sa akin.
Dahil sa naring ko agad akong nag angat ng muka at tiningnan yung direksyon kung saan ko nailaglag yung sapatos pero wala na ito doon sa halip ay hawak-hawak na ito parehas ng sales lady na nag-aasist sa akin kanina.
"Di ba na damage?" Tanong ko sa kanya.
"Di po Ma'am!" Magalang niyang sagot sabay lapit sa amin at inilapag sa sahig yung sapatos na wala man lang gasgas or any physical deffect.
Feeling ko kasi talaga kanina nabali yung takong.
"Para talaga siyang taga-bundok!" Rinig kong sabi ng mga babae.
Even do di nila ako tinuro or diract na nakatingin sa amin alam ko ako yung pinariringgan nila.
Kay muli akong nalungkot aksi ang hirap talagang ilagay yung sarili mo sa lugar na di mo kinasanayan.
"Paki balot nalang yan Miss, then please include that also, saka yung isa pa!" Sabi ni Martin.
Nasa sampung sapatos na yung tinuturo niya nung pigilan ko siya.
"Bakit ang dami?" Takang tanong ko.
Hawak-hawak ko yung daliri niya para mapigilan sa pagtuturo habang nanlalaki yung mga mata ko.
"Kasama po ba ito Sir?" Tanong nung Sales Lady habang pinapakita yung isang black leather booths na may 2 inches na takong.
"Yup!" Sagot naman ni Martin.
Nung marinig ko yung sagot niya agad ko ring tinakpan yung bibig niya.
"Wag na yan Miss!" Paki-usap ko.
Pero tanging ngiti lang isinagot sa akin nung Sales Lady paano ba naman naramdaman kong umiling si Martin na parang sinenyasan siyang umalis na kaya muli kong binalingan ng tingin si Martin at tiningnan ng masama.
"Wait lang Ma'am and Sir ha ibabalot ko!" Sabay talikod sa amin.
Akma ko pa sana siyang hahabulin pero hinigpitan ni Martin yung pagkakayakap sa baywang ko para di ako maka alis sa pagkakandong sa kanya.
"Ang dami nun!" Reklamo ko.
"Hmmm....! Tanging sagot niya sa akin.
Doon ko lang naalala na tinatakpan ko parin pala yung bibig niya kaya mabilis kong inalis ang palad ko na nakatakip dun. Umalis na rin ako sa pagkakandong sa kanya at umupo na nga maayos sa gilid niya.
"Okey lang yun!" Tanging sagot niya sa akin.
"Ewan ko sayo!" Sabay yuko para kunin yung rubber shoes ko.
Balak ko na kasi muli iyong suotin pero di mas mabilis yumuko si martin at inabot yung medyas ko.
Ipinatong niya sa binti niya ang dalawa kong paa habang sinuutan ako ng medyas at sumumod yung rubber shoes ko. Nung matapos niya iyong gawin dahan-dahan niyang ibinababa yung paa ko sa sahig na parang wala siyang paki sa mga bulungan nung mga taong naka kita sa amin samantalang ako naka tingin lang sa kanya di ko alam kung paano magrereact.
"Tara bayaran natin yung mga practice shoes mo! Wag kang manghihnayang na masira or kung gusto mo sirain mo pa kayang kaya kang bilhan ng future husband mo ng lahat ng gusto mo! Pwedi mo ring pamigay sa mga ingetera sa paligid." Sabi ni Martin sa akin habang inaalalayan akong tumayo.
"Ang gastos mo!" Tanging nasabi ko.
Akbay-akbay niya ko ng lumakad kami papuntang cashier kung saan kami magbabayad. Nilagpasan lang namin yung mga itsuserang babae. Para sakin deadma nalang ako kung yung kasama ko nga walang paki bakit ako magpapa-apekto as long di ako kinakahiya ni Martin walang problema sa akin.
"Di ka ba talaga nasaktan?" Muling tanong niya sa akin.
Habang hinihintay naming ma proseso yung mga pinamili namin.
"Hindi, Paano naman ako masasaktan eh nasalo mo naman ako."
"Sunod, ingat ka ha!" Sabi niya sa akin ng puno ng pagmamahal.
"Opo!"
Natigil lang yung pagbubulungan namin nun iabot na nung Cashier yung card at resibo kay Martin.
Dahil nga sa dami ng pinili niyang sapatos ang ending siya ang nagbayad uli. Paano ba naman kakasya yung saving ko sa mga iyon. Yung isang pares ay nasa six digit na. Tanging buntong hininga nalang yung nagawa ko.
"Ikaw nalang magbayad para dun sa make-up artist mo!" Pag-aalo niya sa akin habang palabas na kami ng store.
Nasa isang dosena yung kabuuang sapatos na nabili niya para sa akin. Kaya puno yung dalawang kamay niya sa pagbubuhat ng mga iyon.
"Paano pa tayo makakabili ng iba niyang kung madami ka ng dala. Mahihirapan ka na!"
Ayaw niya kasing tulungan ko siya.
"Dalhin ko muna ito sa kotse, Hintayin mo nalang ako dito." Sabi niya sa akin.
"Sige! Hintayin kita dun!" Sabay turo sa Men's wear na tindahan."
"Okey!" Pag-sang ayon niya.
Kaya naghiwalay kaming dalawa. Pumasok ako sa tindahan para tumingin tingin muna ng pweding mabili para kay Martin puro nalang kasi ako yung inuuna niya sabagay kasi parang di naman kulang si Martin sa anong bagay parang kung anong latest meron siya mapa damit man yan, gadget o alahas. Kaya habang hinihintay siya naisip ko munang tumingin baka sakaling may makita akong maganda para sa kanya.
Puro formal yung nasa shop halos puti, black at blue yung andun mga usual na sinusuot ng mga lalaki sa formal occasion ng may mapansin akong kulay pink na necktie na nasa gilid. Makatawag pansin siya kasi siya lng yung bukod tanging makulay sa loob ng store. Bigla kong naisip na parang di ko pa nakikitang magsuot si Martin ng ganung kulay.
"Miss, Pwedi kong makita?" Sabi ko sa Attendant.
"Wait Ma'am!" Magalang naman nitong sagot sabay abot sa akin.
Meron siyang design ng zigzag na mas natingkad na pink. Napa simple pero elegante ang dating.
"Di ako nagsusuot ng ganyang kulay!" Narinig kong sabi ni Martin.
Naka balik na pala siya at halatang hinihingal pa.
"Tumakbo ka?"
Nginitian niya lang ako at kinuha yung necktie na nasa kamay ko.
"Masyadong matingkad para sakin ito Hon, Yung blue nalang bilhin mo sakin."
"Bakit sino ba nagsabi para sayo yan? Para yan sa monito ko!" Reklamo ko sa kanya sabay hablot sa necktie.
"Miss kunin ko ito!" Sabi ko sa Attendant.
Nanatiling naka tingin lang sa akin si Martin kasi nga di ko pinansin yung gusto niya.