webnovel

Chapter 203

"Ano nanamang gagawin mo rito?" Masungit kong tanong sa kanya.

"Hon galit ka ba?"

"Di ako galit, tinatanong ko lang anong gagawin mo rito!"

"Susunduin ka! Diba meet natin yung wedding planner." Malambing niyang sabi.

"Meet mo mag-isa mo, Sinab ko sayo kagabi umuwi ka na para maka tulog na tayo at ng maaga ako makapag laba pero ang tigas ng ulo mo bukod sa pinuyat mo ko pinakain mo pa ko sa lamok."

Mahabang sermon ko sa kanya.

"Naka limutan mo idagdag na pinapak din kita!" Nang-iinis niyang sagot sakin.

"Martin!" Muling bulyaw ko.

"Haha... haha.... kaya nga ako pupunta diyan tlungan kita maglaba tapos saka natin meet yung wedding planner."

"Ewan ko sayo!"

"Malapit na ko!"

"Okey, Ingat ka!" Bilin ko sa kanya. Wala narin naman akong magagawa kasi kapag na set na yun ni Martin di na siya papayag na di yun mangyayari kahit ano pang gawin ko.

"Love you!"

"Love you too!" Sagot ko bago ko tuluyang ibinaba yung phone.

Iniwan ko muna yung labahan ko saglit at bumaba ako para sabihin kay Mama na darating si Martin at need sakupin sa pagkain.

"Ma darating yung bunso mo!"

"Di naman ako umalis ah!" Sagot ni Mike na nagkakabit ng kurtina.

"Sorry ka si Martin na yung bunso ngayon!"

"Huh... Totoo ba yun Ma?" Pa-baby na sabi ni Mike.

"Umaarte ka pang bunso samantalang magaling ka ng manglingkis ng babae." Irap ni Mama sa kanya.

"Naku Ma, mali yang info na nakuha mo sila ang lumilingkis sa akin. Kasalanan ko ba na maganda yung genes niyo parehas ni Papa at may lumabas kayong napaka guapong anak na pinagkaka guluhan ng kababaihan."

Napataas ng kilas si Papa sa comment ni Mike habang nag-popokpok nung nasira naming upuan.

"Sinasabi ko sayo Mike kapag ikaw naka buntis ng di pa nakaka tapos humanda ka lang talaga sa akin." Pagbabanta ni Mama.

"Buntis kagad pwedi naman gumamit ng pills at condom ngayon! Di ba Ate?" Sabay kindat pa sakin.

"Wag mo yang sinasabi sa akin dahil di ko pa yan ginagawa!" Pagbabanta ko sa kanya.

"Kaya pala namamaga yung labi mo!" Sagot niya uli sa akin.

"Ikaw!" Di ko mapigilang mag marcha papunta sa direksyon ni Mike para bugbugin siya. Agad naman siyang kumaripas ng takbo dahil sa takot.

"Normal lang yun kay Ate mo na mamaga yung labi dahil hanggang diyan palang ang kayang gawin ni Kuya mo Martin hangga't di pa sila nakakasal, pero ikaw somosobra ka na!" Sagot ni Papa sabay pingot sa tenga ni Mike.

"Aray Pa! Di ko pa yun nagagawa! Promise Pa! Aray.... Aray...!" Sigaw ni Mike.

"Siguradun mo lang Mike ha!"

"Opo Ma, Sigurado ako! Wag kang maniwala sa mga tsismosang kapitbahay natin."

Paninigurado ni Mike habang hinahaplos yung tenga niya na piningot ni Papa.

Samantalang ako natatawa sa naging sitwasyon niya habang nilabas ko pa yung dila ko sa kanya para asarin siya lalo.

"Ikaw naman Michelle pagsabihan mo yang boyfriend mo na dahan dahan naman sa paghalik sayo ng di naman namamaga yang labi mo!" Sabi ni Papa.

Akala ko makaka ligtas ako di pala. Gaya ng ginawa ko kay Mike dinilaan niya rin ako pero mabilis niyang tinago yung dila niya nung pakitaan ko siya ng kamao ko.

"Michelle narinig mo bang sinabi ko?" Ulit na tanong ni Papa.

"Sabihin mo yan Pa sa parating!" Sagot ko habang nagmamaktol.

Kasalanan ko ba ito di ko naman ito ginusto kaya dapat si Martin yung sermunan niya at di ako.

"Michelle!" Muling tawag ni Papa.

"Opo...! Akyat na ko ng matapos labahan ko!" Rason ko nalang para makatakas sa mahabang sermunan kapag nagkataon.

Wish ko lang maka limutan nila mamaya during lunch.

---------

"Martin!" Saway ko.

Paano busying busy ako sa pagkukusot ng may biglang may magtakip ng mata ko from behind at alam ko naman si Martin lang yun. Isa pa narining ko rin na may tunog ng kotse pumarada kaya sure ako na siya na yung dumating.

"Asim!" Comment niya sa akin pagkatapos niya kong halikan sa pisngi.

"Malamang di pa ko naliligo eh!" Sagot ko sa kanya habang pinagmamasdan siya.

Naka casual dress lang siya naka t-shirt ng puti and short na maong. Napaka ganda ng ngiti niya sa akin at mukang energetic nanaman ang loko.

"Kala ko meet nating yung wedding planner ngayon eh bakit ganyan yung suot mo?" Takang tanong ko.

"Magbibihis nalang ako mamaya sa bahay. Diba nga tutulungan kitang maglaba kaya naka ganito lang ako."

"Mangugulo ka lang dito sa halip na mapabilis ako lalo tayo matatagalan, bumaba ka nalang sa baba makipag kwentuhan ka nalang kina Papa." Utos ko sa kanya.

Ano ba naman kasing maitutulong niya maliban sa panggugulo kaya mabuti pang palayasin ko na.

Sa halip na sumunod ay umupo din sa harap ng palanggana pero bago pa siya makahawak ng damit agad ko siyang pinigil sa pamamagitan ng paghawak ng dalawa niyang wrist.

"Wag ng matigas ang ulo! Baba na!" Pagbabanta ko sakanya at sinadya ko siyang pandilatan ng mata para alam nila na seryoso ako.

"Hon!" Sagot niya sa akin na nagtatampo na parang batang di pinagbigyan maglaro.

"Sige na!" Muli kong sabi medyo soft approached na ang ginamit ko paano nakakaawa yung muka eh.

"Gusto talagang tumulong sayo!" Pagmamakaawa niya.

"Ganito na lang dun ka nalang sa kwarto ko maglinis ka dun para malinis yun." Yun nalang naisip kong barging chips sa kanya kasi mukang di talaga siya papayag kapag wala siyang gagawin.

Habang sinasabi ko yun sa kanya pinunasan ko yung wrist niya ng damit ko ng suot nabasa kasi yun nung hinawakan ko kanina.

"Buti napigilan kita sa paghawak ng tubig naka limutan mo yung relo mong hubarin." Paalala ko sa kanya.

"Okey lang water resistant ito." Sagot niya sa akin habang dinampian ako ng halik sa labi.

"Sige na baba ka na dun!"

"Sige!" Pag-sang ayon niya malamang naisip niya di ko talaga siya papayagang maglaba kaya sumuko na. Dahil kahit anong pilit niya di ko naman talaga ako papayag kahit pag-awayan pa namin yun kasi kapag nalaman ng parents at ng grandparents niya na pinaglalaba ko yung unico iho nila baka isumpa nila ako. Malamang nga kahit paghawakin ng walis di nito nagawa sa bahay nila.

Bab berikutnya