webnovel

A Happy Family

"Mukang type ka nung lalaki Ma'am ah at nagawa pang kumaway sayo!" Pagbibiro sa akin ni Mang Kanor.

"Di naman Kuya nakikipag kwentuhan lang siya sa akin!" Paglilinaw ko naman.

"Haha... haha!" tawa ni Mang Kanor.

"Ganyan naman ang diskarte ng mga lalaki kunyari makikipag kwentuhan tapos mamaya hihingin na yung number mo oh baka naman nakuha na? Pang aasar sa akin.

"Naku di naman yun ganun, kaw talaga Kuya di naman siya nang hingi ng number!" Nahihiya kong sagot.

"Parang nagsisi ka pa na dumating kami kaya di mo naibigay ang number mo! Gusto mo ibalik kita?" Pagalit na tanong ni Martin na labis naming ikinagulat ni Mang Kanor.

"Di naman yun sa ganun!" Mahina kong sagot sa kanya. Pero lalong nagdilim yung muka ni Martin kaya pinili ko nalang na

ibaling yung tingin ko sa labas ng bintana at di na muling nagsalita

Naging mabilis ang biyahe namin at di na kami pa muling huminto sa mga bus stop. Nasa Balintawak area na kami ng mapilitan akong magsalita.

"Sa may SM North na lang po niyo ako ibaba Sir!" Paki-usap ko kay Martin na bahagya lang akong tiningnan.

"Malapit na po ba bahay niyo dun Ma'am?" Sagot naman sa akin ni Mang Kanor.

"Sa Bulacan pa po ako umuuwi, pero okey na po ako diyan sa SM North may sasakyan na po ako diyan pauwi sa amin."

"Baka naman mahirapan kayo sumakay diyan Ma'am!"

"Okey na po ako diyan!" Mariin kong tangi masyado na kasi sila mapapalayo pag hinatid pa nila ako sa Bulacan isa pa wala pa silang tulog at alam ko pagot narin sila kaya ayaw ko na silang abalahin pa.

"Sir diyan nalang po ako sa may gilid ng SM Hypermarkey bago dumating ng overpass." Muli kong paalala ng makita kong malapit na ko. Agad kong inayos yung sling bag ko para handa na kong bumaba.

"Sigurado po kayo Ma'am na dito nalang po kayo?" Muling lingon sa akin ni Mang Kanor.

"Opo!" Magalang ko naman sagot. Pag hinto ng sasakyan agad akong bumaba.

Bumaba rin si Mang Kanor at tinulungan akong ibaba yung maleta at back pack ko.

Agad akong nagpasalamat kay Mang Kanor. Narinig kong bumusina si Martin kaya agad na bumalik si Mang Kanor sa sasakyan.

Si ko na nagawang magpasalat, ay shet yung pera pala niya di ko na naibalik. Pabigay ko nalang kay Boss if ever may meeting sila uli. Agad akong kumuha ng taxi pauwi sa bahay namin.

Saktong twelve ng hapon ng dumating ako ng bahay.

"Ma... dito na po ako!" Sigaw ko.

"Uy Michelle... tamang tama ang dating mo kain na!" Masayang bati ng Mama ko sa akin. Agad siyang tumayo sa lamesa para kumuha ng pinggan para sa akin.

Fifty six years old na siya plain house wife lang siya. Siya yung nag aasikaso sa loob ng bahay hanggang sa pagluluto, paghuhugas ng pinggan hanggang paglalaba at di aiya nagrereklamo kahit minsa. Sabi niya masaya daw siyang pagsilbihan kami.

Pag-upo ko sa lamesa. Nasa punong upuan si Papa fifty seven years old na siya pero matikas parin. Accountant si Papa sa isang law firm.

"Kamusta naman biyahe mo anak?" Mahinahong tanong ni Papa sa akin.

"Okey naman Pa, medyo nakakapagod pero maganda dun. Pag may pera dadalhin ko kay dun. Panalo yung Pagudpod at tiyak na marerelax kayo ni Mama.

"Thank you Ma!" Pasasalamat ko kay Mama nung iabot niya sa akin yung pinggan. Agad akong naglagay ng kanin at ulam. Sinigang na baboy yung ulam namin my favorite. Laya agad akong kumain.

"Anong pasalubong mo Ate?" Masiglang tanong ni Mike sa akin. Habang punong-puno ang bibig.

"Puro ka pasalubong! Di pa nga ubos yang nginunguya mo!" Sagot ko naman habang napapa iling sa itsura ng kapatin ko.

Dalawa lang kaming magkapatid at medyo malaki din yung age gap namin seventeen palang si Mike samantalang ako twenty six na. Di nga akalin ni Mama at Papa masusundan pa ko kasi fourty one na si Mama ng mabuntis kay Mike. Menoposal baby buti na nga lang di nahirapan si Mama maglabor at naging healty naman silang dalawa.

Tahimik ang buhay namin habang ako at si Papa nagtatrabaho at si Mama yung bahala sa bahay at si Mika naman ay nag-aaral. Kahit di kami nakakaangat sa buhay kahit papano di naman kami salat.

"Ate anong pasalubong mo?" Muling pangungulit ni Mike.

"Binilhan kita ng chitchacorn!" Sagot ko naman para matapos na yung pangungulit niya.

"Ano yung chitchacorn?" Maang namang tanong ng kapatid ko.

"Mamaya malalaman mo! Tapusin mo yung pagkain mo!"

"Ikaw talaga Mike puro ka pagkain!" Saway naman ni Mama.

"Kanino ba yan magmamana na puro pagkain ang alam. Haha... haha!" Sagot ni Papa.

"Oo, saakin na nagmana si Mike at sayo na nagmana si Michelle!" Nakasimangot na sagot ni Mama.

"Parang lugi ka sa akin Ma ah!" Sagot naman ni Mike.

"Halata ba?" Pang-aasar ni Mama.

"Haha...haha...haha!" Tawa naming apat.

Ganun lang kami maligaya na sa simpleng kwentuhan at asaran. Para sa akin we have a simple life.

" A HAPPY FAMILY!"

Maaga akong gumayak para maka pasok kasi tiyak traffic nanaman.

"Bye Ma!" Halik ko sa pisngi ni Mama habang sinusukbit ko yung back pack ko sa likod. Nakatyo siya sa gilid ng kalsada para ihatid kami.

"Ingat nak!" Pagpaalam din ni Mama. Agad akong sumakay sa front seat ng sasakyan ni Papa meron siyang company owned car na ginagamit sa pagpasok at pag-uwi. Nang mapansin kong wala pa si Mike agad akong sumigaw.

"Hoy Mike bilisan mo! Iiwan ka nanamin! Kaasar ka talaga!" Muk-mok ko pano ba naman kami ni Papa alis na alis na kasi pag Monday grabe ang traffic. Tapos ako sa Makati pa ko.

"Ito na! Ang aga-aga ang init ng ulo!" Sagot naman ng magaling kong kapatid. habang bit-bit din yung back pack niya.

"Ang bagal-bagal mo kasi para kang babae kumilos!" Pagmamaktol ko uli.

"Palibhasa kasi ikaw di man lang magpulbo at mag lipstick para di ka napagkakamalan kang lalaki!" Sumbat niya sa akin.

"Pa oh... si Mike muka daw akong lalaki!" Agad kong sumbong kay Papa na tahimik lang na nakikinig ng bangayan naming dalawa.

Bab berikutnya