webnovel

I AM SINGLE

"Shit!" Di ko mapigilang mapa-mura sa isip.

"Paano nagdikit yung balat namin? Paano nalang kung maisip niya na di ako tumupad sa usapan naming dalawa saka ano yung electricity na naramdaman ko?"Yan yung mga tanong na pumasok sa utak ko habang hinihintay ko siyang mag-react pero nanatili lang siyang no reaction.

Dahil dun muli kong pinagpatuloy yung dapat kong gawin. Inilagay ko yung calling card niya sa scanner at ilang segundo lang ang lumipas lumabas lahat dun yung info niya.

Name: Matin S. Ocampo

Company: Casa Milan Group of Companies

Position: Development Management

Contact Number: 0975 7676XXX

"Kaya lang dahil limited yung infomation dun sa calling card meron paring pong mga blank gaya po ng age. So ilang taong na nga po kayo Sir Martin?" Magalang kong tanong.

I'm twenty-eight turning twenty-nine this coming December 20, and I'M SINGLE!" Talagang e-emphasized pa niya yung I am single.

Bahagya ko lang siyang tiningnan at muli kong pinagpatuloy yung ginagawa ko. Samatalang si Sir Ronald at Sir Albert ay di mapigilang mapangiti habang si Martin naman ay nanatiling seryoso ang muka.

Maaninag mo parin sa muka ko yung pagtataka kung bakit niya need sabihin yung single eh di naman yun kasama sa tinatanong ko pero laking gulat ko ng itanong ni Sir Albert yung nasa isip ko.

"Di naman tinatanong ni Ma'am Michelle Sir kung single ka o married?"

Akala ko ay magagalit siya dahil sa tinanong ni Sir Albert pero sinagot niya ito na parang okey lang at di yun big deal.

"Bakit wala bang status diyan like single, married or widow?" Inosenteng tanong ni Sir Martin.

"Wala po Sir eh, Kung ano po yung naka sulat diyan sa form mo yan din po yung andito sa may system." Dahil nga binigyan ko na sila ng copy malamang alam niya na dapat yung mag info na need ko para sa record. Di ko tuloy kung di niya lang napansin o gusto niya lang talaga ipaalam na single siya.

"Dapat meron yan para alam natin if in case may mangyari sa guess alam natin kung magulang or asawa ang dapat nating tawagan." Paliwanag niya.

"Meron nama dito sir na in case of emergency sino dapat tawagan nasa lower portion siya."

"Ah okey pero mas maganda kung lalagyan mo ng status."

"Kung yun po gusto mo Sir lalagyan ko nalang po!"

Agad kong kinuha yung notebook ko para ilista yung request niyang aditional tab para gawin ko mamaya.

"So sa finger print po tayo!" Sabay lapit sa kanya nung finger scanner.

"Kahit anong daliri? Tanong niya sakin habang naka tingin sa muka ko.

"Yes po!" Sagot ko sa kanya ayt muli akong yumuko feeling ko kasi talaga titig na titig siya sa muka ko.

Dahan-dahan niyang nilagay yung ring finger niya sa scanner.

"Scan failed!" Sabi ng system.

"Kunting diin Sir!" Sabi ko sakanya habang nanatili yung mata ko sa computer. Iniiwasan ko talagang tingnan siya sa mata paano para akong hinihigop nito.

"Scan failed!" Muling sabi ng system.

Wala akong nagawa kundi hawakan yung ring finger niya at bahagyang pinosition ko iyon sa harap ng scanner at diniinan.

"Scan successful!"

"Isa pang daliri Sir para if ever masugatan yung ring finger mo may extra ka pang daliring pweding gamitin sa pagpasok." Utos ko habang yung mata ko ay nasa computer.

Inilagay naman niya yung hinliliit niya at gaya nung una failed din yun kaya wala akong nagawa kundi hawakan iyo para ma scan ng system ng maayos parang nakalimutan ko na talaga yung usapan namin na bawal yung skin contact.

"Ehem!"

Doon ko lang napansin na hawak ko pala ang kamay niya kaya mabilis ko itong binitawan. Biglang kumabog yung puso ko ng ubod ng bilis di ko tuloy mapigilang kagatin yung labi ko.

Namula yung muka ko dahil feeling ko napa hiya ako sa nangyari dahil nga naka limot ako malamang di nanaman matutuloy yung project.

"Pagkatapos ano na ang susunod?" Tanong ni Sir Martin na parang walang nangyari.

Dahil sa sinabi niya bigla kong umayos para magpaka proffesional

"Mag-aasign na po ng room sa inyo." Full of confidence kong sagot para malaman niya na kaya ko lang iyon ginawa is for training purposes only at wala akong masamang intensyon.

"Sir Ronald ano pong malapit na room dito?"

"Room 101 ang pinaka malapit." Sabay turo ng pinto na nasa tapat lang halos ng reception area.

"Dahil sa room 101 ang pinaka malapit dun nalang po kita aasign. Makikita mo Sir meron dito oras ng pag check in mo at oras ng pag out mo. So lagay natin one o' clock ka nag check in and two o' clock ka lalabas. Tapos enter lang okey na tayo!" Paliawag ko habang tinuturo ang monitor.

"Tara Sir, try natin kung makakapasok ka!"

Agad akong tumayo sa pagkakaupo dahil dun medyo naalangan ako sa pagkakatayo at di ko naiwasang mapasandal kay Sir Martin na siyang nasa likod ko.

"Sorry!" Agad kong sabi. Kung mamalasin ka nga naman parang ilang beses na kami nagkadikit ngayon araw.

"Hmmm!" Tanging sagot niya sa akin at nauna ng lumakad sa kinaroroonan ng Room 101.

Sir Ronaldo saan po yung room 101?

Pag dating namin sa Room 101 agad kong pinasubukan yung finger ni Sir Martin na ni-register namin kanina at agad naman siyang naka pasok.

"Wait natin Sir mag two o'clock!"

Kaya ilang minuto muna kaming tumayo sa labas ng pintuan para hintayin ang oras.

Habang naghihintay pinag-uusapan nilang yung tungkol sa opening and hiring ng mga employees na nag train sa Maynila,

"Ayan Sir try mo uli kung makakapasok ka!" Sabi ko nung lumagpas na ng ilang minuto ng two ng hapon.

Muli niyang sinubukan pero di bumukas yung pinto. Ilang beses pa niya itong sinubukan hanggang tumunog na yung alarm for intruder alert.

"As you can see Sir di na kayo makakapasok pag lumagpas ng check-out time niyo and if continue niyo paring ilagay yung daliri niyo at piliting buksan ang pinto nagkakaroon ng alarm."

Patakbo akong bumlik sa reception area para patayin yung alarm. Patapos na ko sa ginagawa ko ng naka balik na rin silang tatlo.

"May question po?" Magalang kong tanong habang tinitingnan silang tatlo.

"Wala naman!" Matipid na sagot ni Sir Martin.

Bab berikutnya