webnovel

Assisstant of Great Master

Gian's Pov...

Mas nauna akong naisanay sa organisasyon kaya mas maaga akong nabigyan ng mas mataas na posisyon pero hindi ko alam pero parang may kulang pa rin, napaka dali ng lahat kaya ng mawalan ng alaala si Lady Miku ay nagpresenta kaagad akong ibigay ang posisyon ko sa kanya hindi muna pumayag sa una si Great Master dahil malaking kawalan kung mawawala ang assisstant master niya.

Walang nakakaalam ng pagkatao ko kundi si Great Master, Master, ang aking mga assassin, ang apat na head ng pamilya ng organisasyon at ang mga unang miyembro sa main branch na natira at siyempre si Adam.

Panahon na para iligtas si Lady Miki, kailangan ko nang papuntahin dito ang mga brat.

"Gi... Gian bakit mo suot ang damit ni Miss Ai? " Tanong sa akin ni Dugo pero hindi ko na lang siya pinansin.

Nasuot ko na nga pala kanina pa ang buong damit na para talaga sa white assassin.

Hindi totoong mas malakas ang black assassin sipain ko yung si Adam eh.

"Sumunod kayo sa akin" Hindi ko na ulit sila pinagsalita at lumabas na at sinundan naman nila ako napahinto ako ng biglang may humawak sa kamay ko.

Nang makita ko ang humamak ay winagayway ko kaagad ito para maihiwalay ng kamay niya.

"Sabi ko na nga ba eh ikaw yon hehe hindi siya" Napataas ang isa kong kilay dahil sa sinasabi ng isang ito. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng isang ito.

Nang nasa kwarto na kami ni Lady Miku ay kumatok muna ako pero nagtaka ako ng medyo matagal itong nagbukas pero maya maya ay bumukas rin naman at hindi ko na naman inaakala ang taong inuluwa ng pintuan.

"Young Master" Pagbibigay galang ng mga lalaki na kasama namin. Ok? Anong ginagawa ng leader ng Yuru Clan sa kwarto ni Lady Miku?

"What do you want? " May pagkamataas na tono niyang tanong sa akin pero hindi ko ito pinansin at sinagot ang tanong niya.

"Gusto ko pong makausap si Lady Miku" Hindi ko alam kung guni guni ko lang pero parang narinig ko siyang nag tch sa akin bago niya binuksan ang pinto.

Problema nito?

Pagkapasok ko ay nakita ko si Lady Miku na nakayuko at lumapit kaagad ako sa kanya pero nakita ko ang pamumula ng mukha niya ng iniangat niya ito.

"Ayos lang po ba kayo Lady Miku?" Dahil sa tanong ko ay mas lalong namula si Lady Miku pero ang mas ikinataka ko ay amg hindi niya pagtanggi sa pagtawag ko sa kanyang Miku. Kakausapin ko sana siya ulit ng biglang may nagtakip sa akin sa kanyang likod.

Niyakap si Lady Miku ng leader ng Yuru para maitago sa akin, anong nangyayari? Naguguluhan na ako.

"Mr. Yuru you're an obstruction to my job please step aside" Medyo naiinis ko nang tono dahil nagmamadali ako. Hindi niya ako pinansin at mas lalong niyakap si Lady Miku.

"Lady Miku nasa panganib po si Lady Miki" Dahil sa sinabi ko ay napatingin din sa akin si Yuru at nang makita ko si Lady Miku ay nagseryoso ang mukha niya.

"Anong ibig mong sabihin? Akala ko ba nailigtas niyo siya? " Dahil sa sinabi niya ay doon ko lang nakumpirma na naaalala niya na ang lahat.

Kinwento ko sa kanya lahat ng nalalaman ko at sumang ayon kaagad siya sa plano ko lalo na't buhay at kasiyahan ng kapatid niya ang nakasalalay sa misyong ito.

Pagkatapos nito ay dumiretso naman kami kaagad kay Great Master at habang nasa daan ay nagtataka pa rin ang mga kasama ko pero mamaya ko na sa kanila sasabihin kapag nasa private plane na kami dahil nagmamadali na talaga ako at alam kong marami pa silang mga itatanong na hindi kailangan at... Kanina pa ako naghahanap ng mga batang makukulit.

Nang nasa harap na ako ng pintuan ni Great Master ay kumatok kaagad ako at ang nagbukas ay ang ang getaway driver ng organisasyon at personal assassin ni Great Master na si Karin.

Nang pinapasok niya ako ay sinabihan ko ang mga kasama ko na mag hintay muna sa labas.

"Great Master" Tawag ko sa kanya at nang makita niya ang suot ko ay napangiti siya.

"Looks like you're back is it related to Kuro's decision?" Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at umuoo ako sa tanong niya.

"He's doing something so stupid and I must do something about it" Nginitian lang ako ni Master at tinanong kung ano ang pinunta ko sa kanya at sinabi ko sa kanya plano ko at nang sinabi ko sa kanya ang tungkol kay lady Miku na kasama ni Yuru ay nakita kong parang nainis siya pero ng matapos kong sabihin sa kanya lahat ng nasa plano ko ay agad uling bumalik ang ngiti niya at pumayag siya dito.

Nagpaalam na ako sa kanya at pinagbuksan ako ni Karin ng pintuan.

Nang makita ko ulit ang mga mukha nila ay mukhang nagkakasiyahan ulit.

Tch, napaka kulit, nagtsismisan lang ang mga iyan kung alam ko lang.

Maya maya habang naglalakad kami ay may narinig akong mga boses ng batang lalaki at napangiti ako hehe...

Mukhang nagkakasiyahan sila ah.

Ang mga baby na tinrain ko para maging assassin kamusta na kaya sila.

Maya maya ay nakita ko na ang may ari ng mga masasayng boses at bumalik na naman ang kakaiba kong ngiti ng makita ko sila.

Lumapit ako sa isa sa kanila at nang makita ng dalawa kung sino ang papalapit ay parang hindi sila makapaniwala at unti unting nawawala ang kulay sa mukha nilang dalawa samantalang yung isang hindi nakatingin sa akin ay takang taka.

Nang makalapit kami ay hinawakan ko sa balikat yung isang nakatalikod.

Hehe, namiss ko kayo.

Naramdaman ko ang panginginig ng balikat ng batang hinawakan ko at naiisip ko palang ang itsura niya ay napapangiti na ako.

"Shota, mukhang mas naging makulit ka ah" Nang marinig niya ang sinabi ko ay mas lalo siyang nguminig at unti unting tumingin sa akin.

....

Masaya ko ngayon habang nakaupo at kasama ang mga assassin/pupil ko mukhang kailangan ko na naman silang turuan mula sa umpisa, nakalimutan nila ang right conduct.

Habang nasa private plane kami ay kinuwento ko na sa kanila ang plano ko at agad naman silang pumayag at siyempre sinagot ko na rin ang mga tanong nila.

A suivre...

Bab berikutnya