webnovel

#TMND 4

#TMND

__________

"Masakit ba? Tanga mo kase eh, nanakit ka ng babae."

"Tangina nakita mo naman ang ginawa niya kay boss diba?"

"Gago hindi mo ata naalala ang sinabi niya noon na wala tayong gagalawin!"

"Ikaw kasi Tommaso! Kung hindi lang pinigilan ng babaeng 'to si Lider malamang hinukay na libingan natin."

"Ang ingay niyo! Kapag 'yan nagising at magsumbong nanaman kay master. Aalis na talaga ako dito."

Magsumbong? Kelan ako nagsumbong? Gago ba sila? Ang sakit kaya ginawa nila.

Bumangon ako at agad sila nagulat na parang nakakita ng multo.

"Shit!"

"Tangina! Bakit bigla ka nalang bumabangon?!"

Tinignan ko sila ng masama. Akala niyo mabait ako ha.

"Bakit kayo nandito?" Mataray na tanong ko sa kanila.

Napakunot noo sila at natigilan.

"Gawin niyo na."

Napatingin ako sa nagsalita. Nakita ko si Samuel na nakasandal sa dingding habang pinapanood ang apat na gagong 'to.

Nagtaka naman ako. Anong gagawin nila?

"Laila! Patawarin mo kami!"

Nagulat ako nang sabay sabay sila lumuhod sa harap ko.

"Oo nga! Hindi namin alam na magkaibigan kayo ni Boss!"

Magkaibigan? Halos matawa ako dun ha? Kailan kami magkaibigan ng saltik na 'yun?

"Akala niyo madali lang ginawa—"

Naputol ang sasabihin ko nang sumabat ang malaking katawan na lalake.

"Hinila ko lang naman ang buhok mo ha? Bakit masyado ka atang OA kanina." Aniya na parang naiinis siya.

Aba't!!! Ako pa ang OA dito?!

"Leche ka?! Akala mo ba napakagaan ng kamay mo sa ulo ko ha?! Halos matanggal anit ko sa pagkahila mong hayop ka"

Napanganga naman ang lalakeng kinaiinisan ko. Agad na nataranta ang mga kasama nito.

"Bobo ka Tommaso! Mas pinalala mo ang sitwasyon!"

"Pota aalis na ako dito!"

"Aish!"

Tumayo ako at natigilan sila.

"Bahala kayo sa buhay niyo!" Sigaw ko sakanila. Nakakairita sila. Lalo na pagmumukha nila!

"T-Teka! Hindi mo naman ata sasabihin 'to kay boss ha?" Pinigilan ako ng kasama nila.

Ngumisi naman ako sa tanong niya sabay lingon ko.

"Anong dahilan ko para hindi ko sabihin sakanya?"

Tinalikuran ko sila ngunit agad sila sabay sabay sumigaw.

"TEKA LANG!!!"

Pinigilan ko ang ngiti ko. Humanda kayo sa akin hah. Akala niyo papalampasin ko 'to?

Tumigil ako sa paglalakad ngunit hindi ako lumingon sa kanila. Naghihintay ako kung ano sasabihin nila.

"G-Gagawin namin lahat! G-Gagawin namin l-lahat kung ano gusto niyo!"

Nanlaki mata ko. Lahat? Agad naman napalitan ng ngiti ang ngisi ko. Ganito ba sila katakot kay Husher para gawin nila ang lahat?

Hinarap ko sila at naningkit ang mata ko.

"Gagawin niyo lahat?" Tanong ko sa kanila. Hindi ko napigilan ang ngiti ko dahil may ideyang pumasok sa isipan ko.

Sabay sabay silang tumango sa akin. Oh well... nag isip kunwari ako. Hawak ko ang aking baba habang nakatingin sa taas. This is going to be fun!

"Hmm... ano kaya pakiramdam kapag may mga alila ka?" Ngumiti ako ng malawak sa kanila. Ano ha? Pipigilan niyo ako?

Tila parang napalunok ang isa sakanila ngunit iyon talaga ang magandang ideya na naisip ko. Hehe humanda kayo sa akin. Pasalamat kayo hindi kayo naging bangkay ngayon.

"L-Lai—"

"Pinipigilan niyo ako?" Tanong ko sa kanila. Agad silang umiling. Very good.

"Gusto ko marinig sainyo na susundin niyo lahat ng utos ko." Sabi ko rito sa mga nakaluhod na mga alila ko. Mwahaha magtiis kayo.

"Susundin namin ang utos niyo." Sabay sabay na sabi nila sa akin.

Lumapit ako sa kanila at inisa isa ko silang pinatted ang ulo nila.

"Very good! Ganyan dapat okay?"

Bumalik ako sa kama at tumingin sa kanila.

"Tumayo na kayo d'yan at sabihin niyo sa professor ko na nasa clinic ako. Baka hindi ako makapasok sa subject niya." Sabay ngiti ko sa kanya at humiga na ako.

"Bweset."

Agad ko narinig mga reklamo nila at pinipigilan ko lang tumawa.

"Nagrereklamo kayo?" Seryoso kuno ako sa tanong ko pero ang totoo gusto ko na matawa.

"H-Hindi ha..."

Niyakap ko ang unan at narinig ko ang mga tapak nila palabas sa clinic na 'to. Nang marinig ko ang pagkasara ng pintuan ay humagalpak ako sa tawa.

"Sumunod talaga sila ha? Hahahaha parang mga tanga lang." Natatawang sabi ko habang kinakausap si Samuel. Hindi naman siya kasali sa kanila dahil sa katunayan wala siyang ginawa sa akin. Mabait talaga siya.

"Silly. Susunod talaga mga 'yun dahil kinausap sila ni Husher."

Napasandal ako. "Ganun ba?"

Tumango siya. Kung ganun nga bakit parang takot na takot sila sa kanya? Naalala ko kung paano niya itutok ang baril sakanila.

Natigilan ako at napatitig kay Samuel. "Bakit may dalang baril si Husher? T-Teka.."

Doon ko lang napagtanto lahat. Hindi lang si Husher ang may mga dala ng mga ganun klaseng bagay. Kundi ang mga slave boys ko din. Naalala ko ang mga gabing iyon sa eskinita kung saan sila 'yung lumigtas sa amin.

Kung ganun...

"Hindi kayo ordinaryong tao?" Nanlaki mata ko sa tanong ko. Walang estyudante magdadala ng mga armas dito sa eskwelahan na 'to.

Kumibit balikat lang si Samuel at tumayo ng maayos.

"I don't have the rights to answer that.."

Lumabas siya na hindi hinihintay ang mga magiging reaksyon ko. Mga sundalo ba sila? Pulis? Pero kahit ganun pakiramdam ko inilagay ko ang sarili ko sa mga delikadong bagay.

________

Manuel's POV

Nakasimangot ako habang patungo kami sa record room. Lechugas. Kami? Mga alila niya? Kung hindi lang naman kay Bossing, sinaktan ko na rin ang babaeng 'yun.

"Ano kailangan niyo?" Tanong ng teacher sa amin.

"Gimme the records and schedules of Laila Zeredo.." Alessio.

Tumaas ang kilay ng matanda.

"For what? Nagpaalam na ba kayo sa Dean—"

"Give me that damn papers!" Sigaw na ni Tommaso. Mukhang badtrip ang gagong 'to ha.

"Are you shouting me—"

"Hindi ba halata?! Ano ha? Hindi mo ibibigay?!" Agad na lumapit si Tommaso sa kanya tila handa na makiaway.

Nanlaki ang mata ng matanda at parang natakot ito sa binigay na awra ni Tommaso.

"S-Sino kayo?! Isusumbong ko kayo—"

"Ang dami mong satsat! Ibibigay mo o hindi?!" Sigaw muli ni Tommaso. Kahit kailan ang hilig sumabat agad kahit hindi pa natatapos ang sasabihin.

"H-Hindi—"

Agad na tinulak ni Tommaso ang matanda at nagsenyales sa amin na hanapin ang mga papeles ni Laila.

"Wala kang kwenta." Sambit ni Pietro sa matanda.

Agad namin hinagulgol ang mga kabinete. Kami na mismo naghanap sa mga records ni Laila. Hindi kasi namin alam kung anong section niya sa ganitong oras kung kaya't dito agad kami tumungo para magtanong sana...

Pero si gagong Tommaso hindi agad napigilan ang pagiging batas sa ugali niya kaya ayun sapol ang matanda ngayon.

"Nahanap ko na!"

Natigilan kami at nakita kong hawak ni Alessio ang isang puting folder. Agad niya ito binuksan at binasa kung anong number ang room niya.

"Her subject right now is Marketing strategy in FRJ 408 room.. main building." Basa ni Alessio.

Agad namin binitawan ang mga papel at lumabas sa room na 'yun. Bago pa kami makalabas ay narinig namin ang matanda na magsalita.

"Isusumbong ko kayo!"

Napasimangot ako. Ba't kami matatakot? Amoy lupa na nga. Nagsusumbong pa. Tsk.

Tumungo kami sa kabilang building at sympre inakyat namin ang fourth floor punyeta.

"Dahil sainyo nadamay ako dito eh" Rinig kong reklamo ni Pietro.

"Si Tommaso kase! Ba't mo kasi sinaktan—"

"Wag niyo nga mas painitin ang ulo ko ngayon! Baka kayo pa sapakin ko eh."

Natawa naman ako. Ang mukha niya parang sasabog na sa irita.

Papalapit na kami sa room ni Laila at patuloy namin inaasar si Tommaso.

"Bobo mo talaga Tommaso! Bumalik ka na nga sa pagkagrade 1 mo!" Pietro

Natawa ako. Tangina ni Pietro kala mo ang talino niya eh. Siya naman pinakabobo sa amin eh HAHAHA.

"Bobo ka daw Tommaso oh! Kung ako sa'yo hindi ako magpapatalo!" Sulsol ko sa kanila. Punyeta parang mga bata lang.

"Ulol gago! Ikaw bumalik sa pagkatae mo sa shorts mo ugok!" Tommaso habang napipikon na.

Tangina umabot sa pagkatae.

Tawa kami ng tawa ni Alessio habang pinapanood namin ang dalawa mag away. Walang araw talaga ang dalawang 'to na hindi nag aaway.

"Pietro?"

Natigilan kami at sabay na napalingon sa harapan. Agad ko natanaw ang kapatid ni Pietro.

"Oh?"

Nawala ang asaran at napalitan agad ang seryosong mukha ni Pietro. Napatingin ako kay Tommaso. At halos humagalpak ako ng tawa nang makita kong nakatulala na siya sa babaeng nasa harapan namin. Namumula ito at agad na nawala ang pagkabadtrip sa kanyang mukha.

Daig pa nito ang bakla kung kiligin nyeta. Parang asong ulol lang. HAHAHA.

________

Alessio's POV

"Anong gagawin niyo dito sa department na 'to?" Nakakunot noong tanong ng kapatid ni Pietro.

"Bakit ang dami mong tanong?" Naiiritang tanong ni gago. "Tara na nga!" Inis na naunang maglakad si Pietro. Sumabay naman ako at nilampasan namin ang kapatid niya.

Napapailing ako. Buti nalang ako wala akong kapatid na babae. Kung meron man hindi ako tutulad sa ugok na 'to.

Walang katok katok na binuksan ni Pietro ang pintuan at dere-deretsong pumasok kahit natigilan ang professor nila sa amin mula sa pagtuturo niya.

"Do you know how to knock first?! You lost your respe—"

"Are you Laila Zeredo's Professor?" Putol ko sa kanya.

Agad na inayos ang tanda ang salamin nito.

"Y-Yes. And do you have some respec—"

Hindi ko siya pinatapos at hinagis ko sa lamesa niya ang mga papel.

"Miss Laila Zeredo cannot able to attend your class Sir. She's in the clinic right now because of her soaring nose and sickness. She's not feeling well." Blankong sabi ko dito.

Napakurap ang matanda habang nakatitig sa amin. Napasinghap ang mga estyudante sa harap namin. Doon ko napansin na may mga tao pala sa harapan namin.

"O-Okay you m-may leave now.."

Tumango ako at ngumiti ng matipid. Nauna akong umalis at sumunod naman sa akin ang mga gago.

"Hoy bakit mo hinagis ang schedule ni Laila?" Tanong agad sa akin ni Pietro pagkalabas namin sa room na 'yun.

Huminga ako ng malalim. "Pinicturan ko. Alangan naman palagi ko 'yun dala?" Sarkastikong tanong ko rito.

Tumawa naman siya. "Pwede naman."

Napapikit ako sa pagkawalang commonsense ng ogag na 'to. Buti naman hindi ako bobo tulad nito. Mga ulol.

_________

Laila's POV

Nagising lang ako nang makarinig ako ng bell na hudyat na tapos ang klase sa hapon. Napasimangot ako. Oo nga pala iba ang schedule ko ngayon. May dalawa pa akong subject na papasukan. Kaya sureball na hindi pa kami uwian.

Inayos ko muna sarili ko bago lumabas ngunit halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko ang nurse na nakaupo sa sahig.

"A-Ano po ginagawa niyo d'yan?"

Napatingin sa akin ang nurse. Nag aalinlangan na ngumiti sa akin.

"P-Pinalabas kasi ako kanina ng mga kasama mo nung idinala ka nila dito eh." Napayuko siya at hindi makatingin sa akin.

Napasimangot ako. Mga kasama? Panigurado ang mga slave boys ko siguro nagpalabas dito sa nurse na 'to.

"Pasensya kana miss nurse ha? Kase may mga saltik lang po kase mga 'yun." Napapakamot na sabi ko rito pero hindi niya ako matignan at tumango lang siya.

"P-Papasok na ako.."

Pumasok agad siya at naiwan ako mag isa dito sa hallway. Ilang oras kaya siya naghintay dito sa labas? Kanina pa kase ako tulog eh. Mga tatlong oras ata.

Naglakad ako palabas ng main building. Maya maya nakita ko ang mga college students na nagsilabasan galing sa iba't ibang department.

Napatingin ako sa relo ko. 5:30 pm may dalawang subject ako ngayon. Haist!!! Hindi naman major 'yun kaya siguro okay lang umabsent muna ngayon. Medyo natatamad ako na ayaw ko pumasok.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan sana slave boys ko para sana iutos sakanila na puntahan ang dalawang subject ko na hindi ako makakapasok ngunit narealized ko pala na wala akong number sakanila.

Ang tangaaaaaaaaa!

Papaano ko sila makokontak? Aish! At pano ko sila mahahanap nito? Ang laki laki ng school na 'to eh.

"Laila.."

Oo! Si Husher! Lumingon ako at tama nga ako si Husher nga.

"Husher! May number ka ba ng mga kasama mong lalake?" Tanong ko agad nang makita ko siya. Agad akong lumapit sa kanya.

"Lalake?"

Tumango ako at inilabas ang cellphone ko.

"Oo. Yung mga kasama mong mga lalake. Yung apat? Isama mo na rin si Samuel." Sabi ko rito habang tinitignan siya.

"So you are telling me to give you their numbers?"

Tumango ako. "Oo bakit?"

Napaigting siya at umiwas ng tingin.

"Those fucktards..."

Napakunot noo ako. May sinasabi ba siya?

"Let's go. Sabay na tayo umuwi."

Hinila agad niya ako bago pa ako makapagsalita.

"T-Teka kailangan ko muna—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang tumigil kami sa nakaparada na limousine sa harap namin. Parang pamilyar ang sasakyan na 'to ha?

Agad niya ako ipinasok sa loob bago siya pumasok. Saan naman kami pupunta nito? At ano kaya pumasok sa utak ng lalakeng 'to at nakalimousine...

"Stay put" Madiin na aniya at agad na pinaharurot ng driver ang sasakyan.

"Husher! Teka! Ikaw ba nagmamay ari ng sasakyan na 'to?" Tanong ko rito. Hindi niya ako pinansin. Seryoso itong nakatutok ang mata sa harapan.

Natigilan ako. Ito ba 'yun ang sasakyan ng mga nakakatakot na nilalang na pumupunta sa apartment ko?

"Teka.. diba ito ang sasakyan ng mga naglalakihan na mga lalake na pumupunta sa apartment diba?" Gulat na tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsasalita. Plain lang ang mukha niya.

Tama nga ako! Itong sasakyan na 'to ang palagi kong nakikita sa labas ng apartment ko noon! Ang mga naglalakihan na mga lalake sa loob ng elevator at nakakasabay ko paakyat!

"K-Kasali ka sa kanila?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita sa halip ay may tumawag sa cellphone nito at sinagot.

"Get rid of them. Right now."

________

Updated.

Bab berikutnya