webnovel

The Manipulation

Isang linggo na ang lumipas mula ng mawala si Vladimar, si Cornelia ay hindi lumalabas ng silid nito, kahit ang pagkaing inihahatid sa kwarto nito ay hindi naman niya kinakain. Hindi rin ito nagpapapasok sa silid nito kahit pa sa mga kakambal nitong sina Ciara at Cyrus. Labis na silang nag-aalala sa disposisyong pinapakita ni Cornelia, lagi na lamang itong umiiyak at hindi nakaka-usap. Ang aninong nakamasid sa kalagayan ni Cornelia ay natutuwa sa nakikitang depresyon nito.

"Everything seems to go according to plan. All I need to do is to wait for the confrontation that will about to happen. It's all up to them now." at bigla na itong nawala.

Sina Carlie at Nigel ay kasalukuyang nasa garden, kaharap ito ng bintana ni Cornelia. Hindi binubuksan ni Cornelia ang mga bintana niya kahit noon pa. Pero sa pagkakataong iyon ay dahil sa lungkot na nadarama niya, sa utak niya ay parang narinig niya si Vladimar na tumatawag sa kanya mula sa labas ng bintana niya. Nagmadali siyang bumangon at napatingin sa gawi ng bintana. Patuloy pa rin ang pagtawag sa kanya at hinawi niya ang kurtinang nakaharang sa bintana, binuksan iyon at tinignan niya ang paligid. Sa unang pagdungaw niya mula sa bintana ay nanibago siya sa nakakasilaw na liwanag ng araw. Akmang isasara ang bintana ng marinig niya ang hagakhakan nina Nigel at Carlie. Napatingin siya sa baba. Nakasandal si Carlie sa balikat ni Nigel at nag-kekwentuhan ng mga masasayang kwento. Nagkatitigan sila at mariing hinalikan ni Nigel si Carlie. Yun ang eksaktong scenario na nakita ni Cornelia. Biglang sumikip ang dibdib nito at pumatak ang mga luhang kani-kanila lang ay tumahan. Nakita ni Nigel ang kinalalagyan ni Cornelia at napatingin din si Carlie. Napaawang ang bibig nito sa pangambang nakita ni Cornelia ang ginawa nila. Agad namang isinara ni Cornelia ang bintana at ang kurtina. Napa-upo na lamang siya at niyakap ang tuhod sabay subsob ng mukha.

"Carlie nakita niya tayo." nakayukong saad ni Nigel.

"Oo nakita ko. Hindi natin alam ang takbo ng utak ni Cornelia."

"Siguro mas kailangan na nating mag-ingat sa kilos natin. Kahit na ako na ang nakikita nila ang tingin pa rin ng lahat ay si Vladimar ang may-ari ng katawang ito."

"Buti alam mo!" boses ni Ciara na nakikinig lang pala sa usapan nila at nakita rin ang reaskyon ng nasasaktang kakambal.

"Ciara." agad tumayo si Carlie. "Kanina ka pa ba jan?"

"Saktong-sakto lang naman ng makita ko si Cornelia na natunghayan ang halikan niyong dalawa. Can't you guys be more considerate and sensitive? Kung hindi dahil sa'yo hindi masasaktan ng ganyan ang kapatid ko!" nagpupuyos ang galit ni Ciara dahil naaapektuhan siya sa nararamdaman ng kakambal.

"Ciara how dare you say that!" sagot naman ni Carlie na tila tinatamaan sa mga sinasabi ni Ciara.

"How dare me? How dare me Carlie?" unti-unti siyang naglakad papunta kay Carlie.

"Walang sino man ang ginustong mangyari ang nangyari so leave Nigel out of the equation!"

"Carlie! Ciara tama na!" awat ni Nigel.

"Shut up Nigel! How am I supposed to leave Nigel out of this equation when he's the main reason why Cornelia's hurting. Kahit na kaanyuan ni Nigel ang nakikita natin si Vladimar pa rin ang may-ari niyan!"

"Ciara you're crossing the line. Kung hindi pa naman nag-salita si Cornelia tungkol sa travelers hindi mangyayari to di sana natanggap ko ng wala na si Nigel!" nawalan na ng kontrol si Carlie sa galit nito.

"So you're blaming my twin for saving him? Kung hindi niya yun sinabi may Nigel ka bang katabi ngayon? Damn Carlie I didn't know you are that selfish. Sinabi ni Cornelia yun out of pure kindness to help. Ikaw pa tong tinulungan ikaw tong may ganang mang-blame!"

"I'm not blaming her, I'm just stating facts. Dahil kahit hindi pa natin hingan ng tulong yang kakambal mo siya na mismo nag-vovolunteer na tumulong."

"Stop it Carlie, ako ang dahilan ng gulong ito dahil nagpumilit akong sumama sayo. Siguro dapat ko ng ibalik ang katawang to." sabat ni Nigel.

"May maitutulong ba yung sinabi mo Nigel? All I'm asking is for the two of you to consider the current situation. Sa lahat ng lugar dito pa talaga kayo sa harap ng bintana ni Cornelia naglampungan. You should be the one to most understand the situation Carlie dahil lover mo ang involve! Siguro kaya ka kampanteng makipaghalikan kay Nigel dahil inuuna mo ang sarili mong nararamdaman kesa sa mga taong nakapaligid sayo!"

"SLAP!" isang malakas na sampal ang iginawad ni Carlie kay Ciara na nabigla naman sa mabilis na pagdapo ng kamay nito sa pisngi niya. Hinawakan ni Ciara ang pisngi at nangilid ang luha nito.

"S-sorry Ciara I didn't mean to. Hindi ko napigilan ang sarili ko." hindi rin nakapagsalita si Nigel sa naging bunga ng confrontation ng dalawa.

"Sorry? Tumama na yung sampal mo sa pisngi ni Ciara Carlie. And sorry is all that there is?" lumapit si Cyrus kay Ciara at isinubsob naman ni Ciara ang mukha sa dibdib ng kakambal.

"Cyrus maniwala ka hindi ko ginusto."

"Shut it! Tama na Carlie. Hindi na nga ako nangialam sa inyong dalawa ni Nigel. Hinayaan ko kayo sa gusto niyong gawin dahil si Nigel na ang nabubuhay sa dimensyong ito. Naiintindihan ko yun, pero ang umabot ka sa puntong saktan ang kapatid ko, ibang usapan na yun." kahit pa nagpipigil ay nakuha pa ring magsalita ni Cyrus ng mahinahon.

"Cyrus pasensya na ako puno't dulo nito kaya ako ang sisihin mo huwag lang si Carlie." hinarang niya ang sarili sa harap ni Carlie.

"All you have to do is prove Cornelia that you are worthy enough to replace Vladimar. I know Cornelia, nasasaktan lang siya ngayon dahil isang linggo pa lang naman ang nakakalipas mula ng mawala si Vladimar at alam niya ang mangyayari. I don't really mind if the two of you act as couple cause you two really are. Ang gusto lang ni Ciara ay huwag na lang muna sa harapan ni Cornelia. Aabot din ang panahong magsasawa siyang umiyak dahil kahit kailan hindi na babalik si Vladimar." direktang saad ni Cyrus. Napayuko lang sina Carlie at Nigel dahil tama naman ang sinabi ni Cyrus. Sinamahan ni Cyrus si Ciara papunta sa kwarto ng kakambal nilang si Cornelia para subukang kausapin. Pero tulad ng dati ay hindi sila pinagbuksan ng pinto. Sina Carlie at Nigel naman ay nagkanya-kanya sa pagpasok sa loob ng mansion at nakisalamuha sa iba pang nasa loob habang si Nigel ay nagpunta sa mga batang nag-aayos ng buhok.

Sa isang banda ay hindi natuwa ang anino sa ipinakitang asal ni Cyrus. Nagawa nitong pigilan ang sariling magalit sa ginawa sa kakambal nito. Lalo pa't kina-usap na ni Cyrus si Ciara tungkol sa nangyari at nahimasmasan na ito.

"Tss that Cyrus is too composed to manipulate the attitude and Ciara's listening to whatever Cyrus is saying. I don't have much time left before the revelation. I must dispose of that witch no matter what happens. At her state, right now is the perfect chance to manipulate the people around her." bigla na naman itong nawala.

"Cyrus, Ciara!" tawag sa kanila ni Cydee.

"Yes Cydee what's up?" sagot naman ni Cyrus na tila walang nangyaring komprotasyon kani-kanila lang.

"There's something I have to discuss to both of you. It's about Cornelia."

"What about Cornelia?"

"In my room please?" nagpatiuna na si Cydee papunta sa kwarto nito at tumayo naman sina Ciara at Cyrus na sumunod naman agad kay Cydee.

Mas pinili ni Cydee ang kwarto niya dahil sa sound proof ito na sinadya para sa divination niya. Naupo siya sa harapan ng dalawa at seryoso ng mukha nito.

"Ano ang gusto mong i-discuss Cydee?"

"Ahmm, kasi hindi ko nasabi sa iba ang tungkol sa nakita kong premonition about what happened kay Nigel. Nakita ko na mawawala siya pero hindi ko nasabi buhat na rin ng pagkabigla ko. Yung aninong laging nakasunod sa atin, may kutob akong siya ang humahadlang sa bawat divination na nakikita ko."

"Ano naman ang kinalaman ni Cornelia sa usaping ito?" tanong naman ni Ciara na mahinahon na.

"Yun na nga Cyrus, Ciara kaya ko kayo tinawag. May nakikita akong maaring mangyari sa hinaharap at si Cornelia ang involve sa isang rampage sa pagitan nating mga Gilbert Winchester."

"What do you mean?" sabay na saad ng dalawa.

"Hindi ko alam yung buong details pero it's a different scene. When I'm about to get a hand of it bigla itong napapalitan ng itim na images."

"More likely sa tingin mo ano ang ibig sabihin nun?"

"Cornelia's decision will affect everything. Dapat natin siyang maka-usap and I am very eager to see her para maging mas malinaw sa akin ang mga nakikita ko. Cyrus you have to lure her to me papunta dito. Yung hindi kayang sundan ng aninong yun." sa tono ng pananalita ni Cydee ay tila isang malaking trahedya nga ang malapit ng mangyari.

Sa paglabas ni Cyrus sa silid ni Cydee ay agad itong nagtungo sa kwarto ni Cornelia.

"Cyrus iwanan mo muna si Ciara dito hanggang sa maging mas mahinahon pa siya. Parang may nagmamanipula sa bawat isa sa atin kung sino at bakit ay hindi ko alam." yang ang sinabi ni Cydee sa kanya bago siya umalis.

Sa tapat ng pinto sa silid ni Cornelia ay mas naging alerto na si Cyrus sa mga nakapaligid sa kanya. Simula ng nasabihan siya sa posibilidad na may magmanipula sa kanila ay mas sensitibo na siya sa mga aura sa paligid niya. Tila may nagmamasid sa bawat kilos niya. Kaya mas minabuti niyang huwag munang kumatok sa pinto ni Cornelia. Ang anino naman ay nakahalata na nararamdaman ni Cyrus ang presensya niya kaya umalis ito. Ng masiguro ni Cyrus na wala na ang kakaibang aura na nararamdaman niya ay doon pa niya kinatok si Cornelia.

"Cornelia open the door I need to discuss something with you." mahinang saad ni Cyrus. Alam niyang maririnig pa rin yun ni Cornelia.

"Hmmm."

"It's about Vladimar. There's something you need to know." sa pagkarinig pa lang sa pangalan nito ay nagmadali na itong pinagbuksan ang kakambal. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay pumasok agad si Cyrus at isinara ang pinto.

"What about Vlad?" nanlumo si Cyrus sa itsura ng kapatid, namamaga ang mga mata nito na halatang iyak pa rin ng iyak. Hindi na ito nagsusuklay at nag-aayos ng sarili.

"Cornelia we have to tackle this at Cydee's room. It's too sensitive." halos pabulong na saad ni Cyrus.

"Is that why your mumbling?"

"Absolutely."

"As long as it's about Vladimar I'll hear this one out." napatingin si Cornelia sa salamin at nakita niya doon si Vladimar na nakangiti, parang nagsabi pa ito ng go on pero ng namalik-mata siya ay nawala ito. Bago lumabas ng kwarto ni Cornelia ay tinawagan ni Cyrus si Cydee na sasama ito sa kanya.

"I know I can rely on you Cyrus be careful when you go down." binaba na ni Cydee ang cellphone at kinuha ang isa pang silya para kay Cornelia. Binuksan ni Cyrus ang pinto at nakasunod sa kanya si Cornelia pero hindi nila inasahan ang bubungad sa kanila. Isang itim na usok ang sumalubong papunta kay Cornelia. Tila pumasok ito sa katawan nito. Napahawak si Cornelia sa pader at naubo alam ni Cyrus na hindi yun simpleng usok lamang.

"Cornelia are you alright?" nag-aalalang tanong nito.

"I'm perfectly fine brother." nakangiti pa ito ng tumingin sa kanya, paglingon niya sa salamin ay hindi si Cornelia ang nasa harapan niya kundi isang itim na usok. Paglingon niya ulit sa kakambal ay hinipan siya nito at nalanghap niya ang powderized sleeping potion na ginawa ni Cornelia. Bumagsak si Cyrus sa sahig at nawalan ng malay. Hinila ni Cornelia si Cyrus papasok sa ilalim ng higaan niya para hindi makita at nag-ayos tsaka lumabas ng kwarto.

"Feels good to be in a body like this one. So much power running through her veins. Time for the best part of the show."

Naghihintay pa rin sina Cydee at Ciara sa kwarto nito. Halos isang oras na ang nakalipas mula sa pagtawag nito.

"Puntahan ko nalang kaya sina Cyrus baka may nangyari na." aniya ni Ciara.

"Sige mag-ingat ka."

"Para saan naman yung mag-ingat ka andito lang naman tayo sa mansion." tumawa pa si Ciara. Lumabas na ito ng kwarto niya ng makita si Cornelia na nakaupo sa hagdan. Nang makita siya ay agad itong tumakbo sabay yakap sa kanya.

"Cornelia, asan na si Cyrus? Hindi ba dapat magkasama kayo?"

"Ciara hindi naman nagpunta sa kwarto si Cyrus. Bumaba ako kasi nagutom ako. Samahan mo akong kumain." hila ni Cornelia kay Ciara. Napadaan sila sa living room at nandoon si Nigel kasama ng mga bata.

"Vladimar—- hindi pala. N-nigel asan si Carlie?" tanong ni Cornelia.

"May pinuntahang appointment sa isang sponsor nila. Uuwi din daw agad."

"Ganun ba? Ahmm Nigel pwede mo ba akong ipagluto? Lage kasi yung ginagawa ni Vladimar sakin." nakayukong saad nito.

"Buti naman bumaba ka na ng kwarto, ipagluluto kita. Mga bata ipagluto ko muna si Cornelia babalik ako mamaya." paalam ni Nigel sa mga bata.

"Ate Cornelia okay ka na po?"

"Ate COrnelia laro po tayo sa garden pagkatapos mong kumain gaya ng lagi nating ginagawa noon nina Kuya Nigel at ikaw." pangungulit nga mga bata.

"Oo naman. Kakain na muna ako." humawak si Cornelia sa braso ni Nigel papunta sa kitchen. Ang naiwang si Ciara ay bumalik na lamang sa kwarto ni Cydee para ipaalam na wala si Cyrus sa mansion. Mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak ni Cornelia sa braso ni Nigel, hindi naman ito sinaway ni Nigel dahil naisip niyang baka ganoon talaga si Vlad sa kanya.

Habang nagluluto si Nigel ay may pumaradang sasakyan sa harap ng mansion. Hindi ito narinig ni Nigel dahil mas malakas ang pakiramdam ng kasalukuyang Cornelia.

"Nice timing Carlie, I hope you're ready for a show." nakangiti si Cornelia sa iniisip nitong plano. Pumasok na si Carlie sa mansion dala-dala ang mga susuotin niya sa isang runway.

"Nigel! asan ka? mga bata nakita niyo ba si Nigel?"

"Ate Carlie andun po sa kusina pinagluluto si Ate Cornelia. Buti nga po balik na sila sa dati." nakangiting saad ng bata habang binibihisan ang laruang doll nito.

Nagpunta naman si Carlie sa kusina at hindi na nakapagpasalamat sa batang napagtanungan. Sa oras din yun ay ipinaghanda na ni Nigel ng makakain si Cornelia.

"In three, two , one ," sa isip ni Cornelia agad niyang pinulupot ang mga kamay sa batok ni Nigel at hinalikan ito. Saktong pagdating ni Carlie sa ganung posisyon niya nakita sina Nigel at Cornelia. Bumagsak ang dala nitong gamit sa natunghayan at umalis agad. Bumitaw si Nigel at sinundan si Carlie na dere-deretsong lumabas ng mansion.

"CARLIE! hayaan mo akong magpaliwanag." hawak ni Nigel sa braso nito.

"Wala ka ng dapat na ipaliwanag pa. Nakita ko, hindi ka naman pumalag ibig sabihin ginusto mo yun!"

"Carlie biglaan ang nangyari hindi ko alam na gagawin ni Cornelia yun."

"Hindi alam di ba pinagluto mo nga?"

"Naisip ko kasi na gawin ang nakasanayan niyang ginagawa sa kanya ni Vlad, kahit sa ganoong paraan matulungan ko siyang makita na hindi ako si Vlad."

"Pero sa ginawa mo mas pinahihirapan mo lang siyang matanggap ang lahat." niyakap ni Nigel si Carlie at inamo. Mula sa loob ay nakita ni Cornelia ang dalawa at narinig ang mga pinag-usapan nila. Tinawag ni Cornelia ang mga bata at inutusang tawagin si Nigel para maglaro.

"Kuya Nigel!" chorus ng mga bata. Ang isa ay tumakbo pa papunta sa kinaroroonan nina Carlie.

"Kuya Nigel hindi na raw nagutom si Ate Cornelia kaya pwede na daw tayong maglaro." hila sa damit nito. Bumitaw si Nigel sa pagkakayakap niya kay Carlie.

"Oo sige maglalaro na tayo. Carlie mag-usap tayo mamaya."

"Nigel tara na sa garden daw." nakangiting saad ni Cornelia habang hinihila ng dalawang bata. Sinundan lang ng tingin ni Carlie si Nigel at Cornelia na papunta sa garden. Nakita niyang nag-iwan si Cornelia ng isang nakakatakot na ngiti. Nagulat si Carlie sa ginawa nito ngunit hindi na lang niya pinansin. Papasok na sana siya sa mansion ng marinig niya ang isang batang nagsalita.

"Kuya Nigel bakit mo po niyayakap si Ate Carlie? Kayo po ba? Akala ko po kasi si Ate Cornelia lang mahal mo, yun kasi lagi mong sinasabi samin at inuutusan mo pa kaming abutan siya ng bulaklak." natigilan si Nigel sa tinuran ng bata at napalingon kay Carlie na halatang nakikinig. Hindi ito nakasagot.

"Mga bata huwag niyo na lang kulitin si Kuya Nigel niyo, ganyan talaga, may mga bagay kasi na kayo lang nakakakita sa isang katotohanang hindi kayang tanggapin ng iba." tumingin din si Cornelia kay Carlie at ngumiti. Pumasok si Carlie sa loob ng mansion at dumeretso sa kwarto niya.

Gabi na ng lumabas si Cydee para kumain at nagtataka na rin kung bakit wala si Cyrus sa mansion na tumawag pa itong bababa na kasama si Cornelia. Ang mas lalong ipinagtaka niya ay hindi pa niya nakikita si Cornelia na ang sabi nila ay lumalabas na at nakikipaglaro sa mga bata. Kumuha siya ng tubig at nabangga si Chayanne na kakadating lang din galing sa isang event.

"Cydee sorry hindi ko sinasadya."

"Chayanne ok lang ako dapat magpasensya dahil hindi kita napansin. Nakita mo ba si Cyrus? or si Cornelia man lang?"

"Naririnig ko yung boses ni Cornelia dun sa garden kasama ang mga bata pati na rin si Nigel, nagkakatuwaan ata."

"Hindi ka ba nagtataka?"

"Sa alin?"

"Wala, siguro tanggap na ni Cornelia ang nangyari."

"Siguro nga, lagi nga akong nagkiki-kilos para maiwasang isipin ang nangyari. Cydee si Carlie nauwi na ba?"

"Hindi ko napansin Chay check mo sa kwarto niya."

"Sige, iinom na muna ako ng tubig." bumalik na si Cydee sa kwarto nito at nag-concentrate ulit para mas makakuha ng mas klarong view ng premonitions niya. Pero ngayon mas nakakatakot na dahil sa bawat premonition niya ay halos lamunin siya ng itim na aurang gumugulo sa divination niya.

Pinuntahan ni Chayanne si Carlie sa kwarto nito at pumasok na agad. Nakagawian na ng dalawa na hindi kumatok sa mga pinto nito. Nakita niya si Carlie na nakahiga sa kama nito.

"Carlie alam kong gising ka pa, may sakit ka ba?"

"Wala naman Chay. Medyo nasasaktan lang ako sa nakikita ko."

"Anong ibig mong sabihin?" umupo si Chayanne sa gilid ng kama nito at umayos naman ng upo si Carlie.

"Nakita ko si Cornelia at Nigel na naghalikan."

"What? As in?"

"Oo Chay, tapos ang mas masakit pa doon ay ang tingin ng mga bata kay Nigel ay ang tumatak sa isipan nila na ginagawa ni Vladimar. Si Nigel nga kaharap natin pero yung mga nagawa ni Vladimar ang mas nangingibabaw."

"Carlie I'm sorry to hear that pero hindi ko akalaing gagawin ni Cornelia yun."

"Yan din naisip ko pero hindi talaga natin alam ang takbo ng utak ng babaeng yun." niyakap ni Chayanne si Carlie at inayang kumain. Bumaba na ang dalawa at naghapunan. Sina Nigel at Cornelia ay sabay na pinakain ang mga bata na tila hindi na nito naalala si Carlie. Pag nahuhuhuli ni Cornelia si Carlie na nakatingin sa kanila sinasadya nitong yakapin o di naman kaya makipagharutan kay Nigel para lang pagselosin ito. Lahat ng mga taga-roon ay nanibago sa kilos ni Carlie, sa pagseselos nito pero ang mga taong nakatira sa mansion ay normal lang ang nakikitang kasweetan ni Cornelia kay Nigel at mas nabigla pa sa pagiging sweet nito kay Carlie.

Isang bagong pagsubok na naman ang nag-aabang ng tamang panahon para sumabog. Sa ginawang pagmamanipula ng anino sa siwtasyon nila gamit ang katawan ni Cornelia ay unti-unti na niyang nilagyan ng lamat ang koneksyon ni Carlie sa tinuturing niyang hindrance sa mga plano niya, ang mismong katawang pinasukan niya na si Cornelia. Ang hindi batid ng lahat ay ang Cornelia na kilala nila ay nakakulong sa sariling katawan nito. Ang kaluluwang taglay ni Cornelia ay napapaloob sa isang munting kulungan na kung saan napapalibutan ng isang malakas na barrier. Nakikita niya ang lahat ng mga ginagawa ng kumukontrol sa katawan niya pero wala siyang magawa.

Sa isang banda ang galit na unti-unting namumuo sa puso ni Carlie dala ng selos ay siyang simula ng kaguluhang maaaring ikasira nilang lahat.

  Sa impyernong kinaroroonan naman ni Caien ay may epekto ang pagkakakulong ng kaluluwa ni Cornelia sa sarili nitong katawan. Sa bawat segundong lumipas habang ang anino ang may kontrol sa katawan ni Cornelia ay siya rin ang pagkakaluwag ng Chains of Hell sa pagkakakapit nito sa katawan ni Caien. Kung magtatagal pa ang anino sa loob ni Cornelia ay maaari niyang mapakawalan ang himbing na himbing na si Caien.

"Cydee help me, hindi ako yang nakikita niyo, paki-usap hanapin mo si Cyrus alam niyang hindi ako yun para maibigay-alam sa iba. Cydee! Cydee!" nagising si Cydee sa isang kakaibang panaginip. Kung magawa niyang hanapin si Cyrus ang tanging pag-asang panghahawakan niya. Pero ang paniwalaan ang panaginip niya ay gumugulo pa sa isipan niya.

Bab berikutnya