webnovel

When Someone Leaves, Someone Will Come

Sa paglipas ng mga araw at buwan ay nakakasanayan na nila ang paggamit sa mga makabagong teknolohiya sa Planet Earth. Nakikisalamuha na rin sila sa mga taong nakatira malapit sa kinaroroonan nila at lahat sila ay nagka-isang itago muna ang mga kapangyarihang taglay nila para hindi sila kumuha ng atensyon sa mga tao roon. Bumalik sa dati nilang gawi ang Gang of Thieves na sina Cloyce, Casimir, Cassiel at Charice at muli ding nabuhay ang tawag sa kanila. Sina Cloudia at Christopher naman ay naging assistant ni Doctor Drake sa ospital para makatulong sa mga pasyenteng may mga malulubhang karamdaman na hanggang ngayon ay wala pang medisinang kayang lumunas sa kanila. Si Cloudia ang gumagamot ng palihim sa mga pasyenteng hindi matukoy ang source ng kanilang sakit. Si Christopher naman ang nagsisilbing tenga ni Doctor Drake sa isipan ng pasyente pati na rin sa heartbeat nito. Si Cyrus ay tumutulong kay Architect Tiffany na isa sa mga batang nailigtas nina Cloyce sa paggawa nito ng plano sa isang building. Si Ciara naman ay nag-audition sa isang singing competition at nagtagumpay, naging sikat siya na mang-aawit. Si Carlisle, Chayanne at Carlie naman ay pinasok ang pagiging modelo habang si Nigel ang kasa-kasama ni Carlie sa bawat lakad nito, tumatagal ay nagkakamabutihan na ang dalawa.

"Chayanne, Carlisle mauna na kami ni Nigel may dadaanan pa akong GO-See sa isang boutique." paalam ni Carlie sa dalawa.

"Sige Carlie magkita nalang tayo sa bahay." nakangiting saad ni Chayanne.

Umalis na sina Nigel at Carlie, napaka-gentleman ni Nigel, lage nitong inuuna ang nararamdaman ni Carlie at mga gusto nito bago siya. Pinagbuksan niya ito sa pinto ng kotse at pinagmamaneho niya ito sa bawat nais nitong puntahan. Nasasanay na si Carlie na anjan si Nigel lage sa tabi niya. Nakarating na sila sa boutique ng naturang sponsor nila ang Calvin Klein. Nagsimula na ang fitting ni Carlie sa mga bagong designs na handa ng e-mass produce at e-display. Si Nigel ay matamang na nakatitig sa dyosang nasa harapan niya bigla siyang may napansin sa kanyang mga kamay. Tila para itong lumalabo, itinago niya ang mga kamay sa likuran niya at nagpaalam na pupunta sa rest room. Tumatakbong naghanap ng banyo si Nigel at ng makahanap ay agad itong nagpunta sa pinakasulok na cubicle doon.

"Anong nangyayari sakin? Bakit parang unti-unti akong nawawala." nakatingin siya sa kanyang mga kamay at ganoon pa rin ito. Napansin naman ni Carlie na natatagalan ang pagbalik ni Nigel.

"Steph nakita mo ba si Nigel yung kasama kong lalaki ng magpunta kami rito?" tanong niya sa isang staff ng boutique.

"Sorry Miss Carlie pero hindi ko po nakita."

"Maraming salamat. Manager Smith are we done?"

"Carlie yes were done. You're gorgeous as ever. Chop chop!"

"Thanks. Hanapin ko lang muna si Nigel."

"Don't forget to wear your glasses, the hottest models should keep their identity hidden." saad ng manager nila na kumindat pa.

"Sure." isinuot ni Carlie ang kanyang sun glasses at nilibot na ang bawat banyong malapit sa kinaroroonan ng boutique. Papunta na siya sa pangtatlong rest room ng makita niya si Nigel na papalabas sa Men's restroom.

"Nigel anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya rito.

"Wala Carlie medyo sumama lang yung pakiramdam ko."

"Sige uuwi na tayo ng makapagpahinga ka na." hinipo ni Carlie ang noo ni Nigel at napakataas ng lagnat nito.

"Okay lang ako, di ba may kukunin ka pang mga damit sa agency?"

"Wag mo na munang intindihin yun dapat makauwi na tayo para makapagpahinga ka ang taas ng lagnat mo. Kung pwede papuntahin natin si Cloyce dito para mateleport kaagad tayo sa mansion gagawin ko." napangiti si Nigel sa narinig niya.

"Okay lang hindi rin naman maaari yun dahil pag nagkataong may makakita manganganib ka lang, kayong lahat."

"Tama na tong daldalan natin at dumeretso na tayo sa parking area."

"Yung mga gamit mo kukunin ko." hinawakan ni Carlie ang braso ni Nigel ng mahigpit at tinitigan ito.

"Ang kulit mo masyado ipapadala ko nalang yun kay Manager Smith sasabihin kong emergency." wala ng nagawa pa si Nigel kundi sundin si Carlie. Natutuwa itong pag masdan ang mukha ni Carlie na alalang-alala sa kanya. Sa loob-loob niya ay alam niyang mahal na siya nito tinatago lang ang nararamdaman niya.

Si Carlie na ang nagmaneho ng kotse at tumawag siya kay Cloudia.

"Hello, Cloudia?"

"Yes this is Cloudia who is this please?" sagot naman nito sa cellphone.

"Cloudia can you make it home in ten minutes?"

"Who's this?"

"Cloudia it's me Carlie." naiinis na sagot niya rito.

"Oh Carlie sorry but Doctor Drake and I are going to meet up with the other doctors from a research institute. Baka late na akong makauwi. Bakit ba may nangyari ba?"

"Si Nigel inaapoy ng lagnat, were heading home. I cancelled my other appointments."

"I see pipilitin kong makauwi kaagad. I just need to excuse myself properly."

"Okay. Thanks Cloudia."

"No problem." ibinaba na nito ang cellphone at mabilis na pinaarangkada ang sasakyan. Mabuti at silang lahat ay mabilis makapag-adapt sa bagong dimensyong kinaroroonan nila. Ilang minuto pa ay nakauwi na sina Carlie sa White mansion na tinitirhan nila. Tinawag yung white mansion dahil sa ibang klase ang tingkad ng white paint nito simula ng dumating sila. Nakakatawag pansin ang katingkaran nito at ang lahat ng napapadaan ay napapatingin sa gawi ng mansion. Pinagbuksan na ng gate sina Carlie habang papasok na ang kotseng minamaneho niya. Nasa likuran si Nigel na tila naliligo na sa sarili nitong pawis. Sumalubong naman si Charlemagne na papunta pa lamang sa isang convention na kung saan siya ang speaker nito. Tinatalakay nila doon ang possibilities ng mga scientist na makagawa ng isang dimensional portal.

"Carlie maaga ka yata ngayon." bati nito. Hinila siya ni Carlie at binuksan nito ang pinto ng kotse.

"Patulong naman Charlemagne iakyat natin si Nigel sa kwarto niya ang taas ng lagnat." inakay naman ni Charlemagne ang nanghihinang si Nigel at tila napaso pa siya sa init na taglay nito.

"Ano ba ang nangyari at bigla siyang nilagnat ng ganito."

"Hindi ko alam bigla nalang siyang nagkaganyan nung nagpaalam siyang magbanyo." agad naman inakyat nina Charlemagne si Nigel sa kwarto nito. Bumaba naman si Charlemagne para kumuha ng tubig at bimpo ng makabangga niya si Cydee.

"Cydee good timing. Pwedeng ikaw na ang kumuha ng bimpo at tubig malelate na ako sa convention." hindi na niya hinintay na makasagot pa ito at nagmadali na itong umalis.

"O s-sige." agad namang nagtungo si Cydee sa kusina at kinuha ang mga kailangan, nagdala narin siya ng gamot para kay Nigel. Inakyat niya ito papunta sa kwarto nito.

"Carlie heto na ang bimpo at tubig nagdala na rin ako ng gamot." inilapag ni Cydee ang mga dala-dala niya sa isang mesa na maliit tsaka tinulak palapit sa kinaroroonan ni Carlie. Tinignan niya si Nigel at napansin ang biglang paglabo ng tenga nito. Ipinikit niya ang mata niya ng biglang may nakita siyang mangyayari kay Nigel sa hinaharap.

"Sa garden nila nakatayo si Nigel ng nakatalikod kaharap ang isang puno, hindi may parang babae itong kaharap na tila kinaka-usap siya. Unti-unti siyang naging abo at hinangin ang bawat parte nitong nagiging abo hanggang sa tuluyan na siyang tinangay ng hangin at naglaho."

"Cydee! Cydee! Cydee!" pukaw sa kanya ni Carlie mula sa kanyang divination.

"C-Carlie may ipapagawa ka pa ba?"

"Anong nangyari sayo at para kang tinangay sa ibang mundo.Sandali may nakita ka bang mangyayari sa hinaharap?"

"W-wala naman Carlie. Kung wala na akong maitutulong sa iyo ay bababa na ako." pinilit niyang ngumiti kay Carlie pero hindi niya malaman kung bakit hindi niya magawang sabihin kay Carlie ang nakita niya. Bumaba na lamang siya at nagkulong sa kwarto niya baka mas magiging malinaw sa kanya ang nakita niya pag nagconcentrate siya.

Pinagpapawisan pa rin ng husto si Nigel at kailangan niyang palitan ito ng damit para hindi ito matuyuan ng pawis. Mahinang mahina si Nigel para maghubad pa ng damit kaya walang ibang pagpipilian si Carlie kundi siya na mismo ang naghubad ng suot na damit nito. Tinanggal niya muna ang suot nitong jacket at sinunod ang t-shirt nito. Hindi niya magawang matanggal agad ang damit dahil hindi magawang tumuwid ng upo ni Nigel. Pinahiga na lamang niya ito at dahan-dahang inaangat ang damit nito. Papataas pa lang ang damit nito ay napansin agad ni Carlie ang abs nito. Napalunok siya at pilit iniiwas ang mga mata nito sa katawan ni Nigel. Habang tinatanggal na niya ang damit ay bigla itong gumalaw napalapit ang mukha ni Carlie sa mukha nito. Kahit na pawisan si Nigel ay hindi naman ito amoy pawis, mabango ang hinga nito at halos magkalapit na ang mga labi nila. Napatitig si Carlie sa mukha nito at kumabog ang kanyang dibdib. Inilayo niya ang sarili at huminga siya ng malalim. Sinampal-sampal niya ng mahina ang kanyang pisngi para mawaksi ang kakaibang sensasyong nararamdaman niya. Humugot pa siya ng isa pang malalim na buntong-hininga bago niya tuluyang tinanggal ang damit nito. Pinunasan niya ng basang bimpo ang mga kamay nito papunta sa braso nito. Binasa uli at pinigaan. Inulit niya ang pagpunas pati sa katawan nito. Pinipilit niyang wag ilapat ang mga kamay nito sa kahit isang bahagi ng katawan nito dahil kumakabog ang kanyang dibdib sa tuwing nangyayari iyon. Binihisan niya ito ng bagong damit at pina-inom ng gamot.

Ilang oras na ang lumipas ngunit hindi pa rin bumaba ang lagnat nito. 8:30 na ng gabi ng makauwi si Cloudia. Agad naman itong nagpunta sa kwarto ni Nigel at ginamot ito. Sa tulong ni Cloudia ay humupa na ang lagnat nito at hinayaan na muna nilang magpahinga si Nigel. Pagod rin si Cloudia kaya hindi na ito nagtagal at nagpunta na sa kwarto nito. Bumaba naman si Carlie para kumain ng makita niyang nagkakatuwaan sina Cornelia, Vladimar at yung ibang mga bata.

"Gabi na ah dapat pinapatulog niyo na yung mga bata."

"Pasensya na Carlie patutulugin na nga namin kaso sila tong makulit at namimilit pang makipaglaro." aniya ni Vladimar.

"Don't tell me Cornelia pinapakitaan mo na naman ng mga magic tricks yung mga bata kaya hindi natutulog ng maaga eh."

"Sorry po ihahatid na namin sila sa mga silid nila." agad naman silang tumayo at nagsibalikan sa mga kwarto nila.

"Bad mood ka yata Carlie pati yung nakagawian ng mga bata gabi-gabi ay napuna mo pa." boses ni Ciara na kakauwi lang nga mga oras na yun.

"Oh Ciara akala ko ba next week ka pa makakauwi?"

"Ayaw mo ba akong nandito?"

"Hindi naman sa ganun nagpasabi ka sanang uuwi ka para maipaalam ko sa mga kakambal mo."

"Don't worry alam nilang uuwi ako ngayon, besides, yang init ng ulo mo wag mong ilabas sa mga taong walang kinalaman sa rason kung bakit ka nagkakaganyan. You should know that specially may mga bata sa paligid. You don't want them to see you as the evil witch in the story di ba?" sumenyas naman si Cornelia na isara na lamang ang bibig ni Ciara.

"Alam ko naman yun Ciara, may gumugulo lang kasi sa isipan ko."

"Oh where's Nigel? Di ba lagi yung nasa tabi mo?"

"Nagpapahinga na siya bigla kasi siyang inapoy ng lagnat."

"Is he okay now?"

"Yeah, ginamot siya ni Cloudia. Hindi naman umepekto yung gamot na pinainom ko sa kanya."

"Just like us, di ba hindi naman tumatalab yung iniinom na gamot sa atin? I can sing a song if you like?"

"I can really use a song. Para naman kahit papano marelax yung utak ko." inawitan naman ni Ciara si Carlie ng isang relaxing song para marelax ang utak ni Carlie at pati na rin ang katawan nito. Nang makita ni Ciara na okay na ito ay nagpaalam na rin itong aakyat sa kwarto para magpahinga.

Kinabukasan ay balik na sa dating sigla si Nigel ngunit hindi muna ito pinasama ni Carlie sa mga lakad niya. Sinabihan niya itong magpahinga pa at kahit na ayaw ni Nigel ay sumunod na lamang ito dahil ayaw niyang magalit sa kanya si Carlie. Naisipan ni Nigel na tumambay sa garden habang nakatingin sa mga batang naglalaro. Naalala niya ang kanyang nayong naiwan niya kung saan ang mga bata roon ay masayang naglalaro bawat araw. Bigla na naman niyang naramdaman ang matinding sakit sa katawan niya at ng tinignan niya ang mga kamay ay wala na ang mga ito tila bigla itong naglaho. Lumapit naman si Cornelia para alokin ito ng makakain ng makita niya ang paglaho ng mga kamay nito. Nabitawan ni Cornelia ang dala-dala nitong tray na may lamang mga pagkain at inumin na ipamimigay rin sana niya sa mga bata doon.

"Nigel yung kamay mo! Tatawagan ko si Carlie." pinakiusapan niya si Cornelia na wag itong tawagan dahil ayaw niyang maabala ito.

"Cornelia huwag, yan ang wag na wag mong gagawin."

"Pero, kailangan niya itong malaman."

"Cornelia kung may makatutulong man sakin ngayon ay ikaw yun. Baka may alam ka kung ano ang nangyayari sakin?"

"Si Cloudia tatawagin ko muna baka kaya ka niyang gamutin." agad na tumakbo si Cornelia para tawagin ang natutulog pang si Cloudia. Lumipat ng kinauupuan si Nigel na malapit sa isang malaking puno na namumukod tangi ang taglay nitong ganda. Sumandal siya dito at muli niyang tinignan ang mga kamay niya, sa pagkakataong ito ay bumalik na ito sa dati. Agad namang tumugon si Cloudia sa sinabi ni Cornelia. Pinuntahan nila si Nigel sa likurang bahagi ng garden at sinimulan niyang gamutin ito. Pero iba ang nangyari, tila nirereject na ng katawan ni Nigel ang panggagamot ni Cloudia. Nag-umpisa na namang lumabo ang mga kamay nito pati na rin ang ibang bahagi ng katawan nito. Habang nasa loob si Cornelia kanina ay natawagan na niya pala si Carlie at ang iba pa. Ang mga ito naman ay naghanap ng paraang makauwi kaagad sa mga trabaho nila.

"Bakit ayaw tumalab ng kapangyarihan ko?"

"Cloudia ulitin mo."

"Ginawa ko naman Cornelia pero bakit ayaw? Tignan mo sa book of spells mo kung may pwede kang gawin sa nangyayari sa kanya." inilabas naman ni Cornelia ang libro at nag-auto scan sa mga pages na nakakasanayan na niyang gawin simula ng siya na ang kinikilala ng libro na bagong may-ari. Nag-cast siya ng spell sa libro para mapabilis ang paghahanap niya sa mga spells na gagamitin niya.

"Wala Cloudia, walang nakasaad na kung anuman tungkol sa nangyayari sa kanya."

"Sina Carlie pauwi na ba?"

"Oo natawagan ko na pati yung iba."

"Huwag na kayo masyadong mag-alala. Baka hindi ako nararapat sa mundong ito." mahinang saad ni Nigel. Napansin na lamang nilang tatlo na tila tumigil ang takbo ng oras. Ang nahuhulog na dahon ay nakalutang sa ere, ang mga batang naglalaro ay biglang natahimik at nakatigil. Napalingon sila kung sino ang may gawa sa naturang eksenang iyon. Silang tatlo ay nakakakilos naman ng malaya.

"Tumigil ang pagtakbo ng oras." nakatingin si Cloudia sa relong suot-suot nito.

"Time freeze. Pero paano? Sino ang may gawa?" nakaramdam din sila ng lamig at nakita nilang nagiging yelo ang paligid at unti-unti itong palapit sa kanila.

"Sino kayo?" tumayo si Cornelia at gumawa agad ng barrier. May pumalakpak naman na nagmumula sa di kalayuan.

"You're too alert for a woman." aniya ng isang boses lalake.

"Alert? or you mean too aggressive for a fight?" ngayon naman ay isang boses ng babae.

"Lumabas kayo!" gumawa na si Cornelia ng isang magic circle at nakahanda na sa pag-atake.

"Relax lang miss, hindi kami naparito para mang-gulo. We're here because we ought to be here."

"Paliwanag mo naman ng maayos Castiel. Baka hindi nila gets yung pinagsasabi mo." nang-iinis na saad ng babae.

"Camille lumalabas na naman yang pagkamaldita mo."

"Camille? Castiel?" huminahon na si Cornelia at tinanggal ang barrier. Nakita nila ang dalawang tao sa harapan nila, ang babae ay naka-kibit balikat habang ang lalake ay nakapamulsa habang nakasandal sa likuran ng babae.

"Inuulit mo lang mga pangalan namin Miss."

"Bakit kayo naparito?" tanong ni Cloudia.

"May alam yata kami kung bakit nagkakaganyan ang lalakeng yan." lumakad papalapit kay Nigel si Camille na inoobserbahan ang bawat anggulo nito.

"May maitutulong ba kayo sa kanya?" tanong naman ni Cornelia.

"Wala kaming maitutulong sa case niya. Pero alam namin kung ano ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan." sagot naman ni Castiel.

"Ano?" sabat ni Carlie na nasa likuran na pala nila. Lumapit si Castiel sa kinaroroonan ni Carlie at niyakap niya ito.

"Found you at last!" aniya ni Castiel.

"What do you mean?" naguguluhang tanong ni Carlie na tinulak si Castiel palayo.

"Lend me your palm." bago pa makatugon si Carlie ay kinuha niya ang kamay nito at ipinakita ang palad niya. Ibinuka din ni Carlie ang kamay nito. Gumawa ng isang miniature Carlie si Castiel na gawa sa yelo.

"Ano yan?"

"Ice. Halata naman di ba? If this ice melts in your palm the moment I land it that means your my twin." nakatingin lang si Carlie sa yelong ipinatong sa palad niya, bago pa ito makadapo sa palad niya ay naging tubig ito bigla.

"You're my twin?"

"Told you already. I am Castiel Shawn and I am your twin." niyakap siya ulit nito.

"Too much drama Castiel, don't make such a fuss about being her twin. Mas uunahin niyo pa ba yan kesa sa lalakeng to?" tumakbo agad si Carlie sa kinaroroonan ni Nigel at nakita niya ang unti-unting paglaho nito.

"Ano ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito?" bago paman makapagsalita sina Castiel at Camille ay biglang natunaw ang yelong gawa ni Castiel at nawala rin ang epekto ng time freeze ni Camille. Isang itim na barrier ang nabuo sa kanilang kinatatayuan at lumabas ang aninong paulit-ulit na nagtawid sa kanila sa bawat dimension.

"Ang dahilan kaya siya nagkakaganyan ay dahil hindi siya galing sa dimensyong ito. Si Drake Nigel Vendrei Cross ay nagmula sa Starfall Moor Dimension kung saan kayo galing bago kayo napunta rito. Ang kung sino mang tumawid sa ibang dimensyon ay nagkakaroon lang ito ng isang temporary na katawan at habang tumatagal ay naglalaho rin ito. Tulad ng nakikita niyo, umabot na siya sa puntong maglalaho siyang bigla kasabay ng lahat ng memorya niyo sa kanya. Sa kanyang paglaho ay wala na kayong maaalalang nabuhay siya sa dimensyong ito. Hindi siya dapat napasama sa mga nahigop ng black hole kundi sariling desisyon niya iyong sumunod sa kinaroroonan mo Carlie. At ilang minuto mula ngayon ay magiging abo siya na dadalhin ng hangin pabalik sa kung saan siya dapat naroroon." paliwanag ng anino sa kanila.

"Pag nakabalik siya sa dimensyon nila mabubuhay ba siya ulit?" naiiyak na tanong ni Carlie.

"Mabubuhay siya mula sa umpisa, isisilang bilang isang sanggol pero kahit na anong alaala tungkol sayo ay wala siyang maaalala." nakita na lamang nila na tumayo si Nigel at hinarap ang anino.

"Tulad ng sinabi mo, desisyon kong magpunta dito. Kaya handa ako sa maaaring mangyari sa akin. Pero kung ibabalik mo ako kasabay ng pagkawala ng aking mga memorya ay huwag na lang. Mas gugustuhin ko pang makasama si Carlie hanggang sa tuluyan akong mawala kesa naman mabubuhay nga ako pero wala naman siya sa alaala ko." pahayag ni Nigel na nagsisimula ng maglaho ang katawan nito.

"Nigel." umiiyak na si Carlie habang nakikitang unti-unting nagiging abi ang mahal niya. Niyakap niya ito ng dahan-dahan dahil natakot siyang baka bigla itong mawasak at tangayin lahat ng hangin.

"Carlie hindi ako nagsisisi na sumama ako dito, kahit sa ilang buwang pagsasama natin masaya ako at minahal kita ng buong puso." hinalikan ni Nigel si Carlie at bigla na itong nawala. Napahagulgol na lamang si Carlie habang niyayakap ang mga damit nito. Inamo naman siya ni Chayanne na nakarating din at narinig ang lahat ng nangyari. Niyakap niya ito ng mahigpit.

"Bakit hindi kami naglaho tulad niya?" tanong ni Cornelia.

"Magandang tanong yan, malalaman niyo rin sa tamang panahon. Ang lahat ng katotohanan tungkol sa inyo." sagot naman ng anino.

"Sa pagkaka-alam ko may iba pang paraan para tuluyang mabuhay si Nigel sa dimensyong ito." biglang bulalas ni Cornelia. Napatingin sa kanya ang lahat dahil sa nasabi nito. Tila napangiti pa ang anino sa binunyag ni Cornelia. Umaayon ang lahat sa gusto niyang mangyari.

"Anong ibig mong sabihin Cornelia?" tanong ni Carlie na nagpunas ng luha.

"Carlie kase naalala ko lang na may naituro sa akin si Elder Welhelmina tungkol sa mga travelers na naglalakbay sa bawat dimensyon. Para daw mabalanse ang dimensyong biglang pinuntahan ng traveler ay may kukunin siyang buhay ng isa sa mga taga dimensyon at siya mismo ang gagamit sa buhay na yun. Papalitan niya ang buhay ng isang napili niya at siya ang magpapatuloy nito para maging legal ang kanyang paninirahan sa dimensyong napili niya. Parang ganun." nabuhayan naman ng loob si Carlie sa sinabi ni Cornelia. Sa nakitang reaksyon nila mula sa anino ay hindi ito natutuwa sa pangingialam ni Cornelia. Pero sa kaloob-looban nito ay alam niya ang daloy ng pag-iisip ni Cornelia.

"Totoo ang sinabi mo Cornelia." aniya ng anino.

"Pero bakit si Vladimar andito pa rin?" tanong naman ni Cloudia.

"Dahil yan protektado si Vladimar at ang iba pang kasamahan niya sa kapangyarihang naiwan ng matandang witch na si Welhelmina. Hangga't may buhay pa na nagtataglay sa pagkatao ng mga Devoughnaire mananatili silang buhay at ang mismong dimensyon ang mag-aadjust sa pagdating nila. Pero hindi rin magtatagal yun, dahil ang pinakamamahal mong si Vladimar ay mapapalitan din bilang katauhan ni Nigel." paglalahad ng anino.

"Anong ibig mong sabihin?" nanginig si Cornelia sa narinig.

"Ikaw na mismo ang nagsabi na pwedeng palitan ng isang traveler ang katauhan ng isang taga dimensyon di ba? Tutal ikaw naman ang nagpa-alam ng gagawin iisipin kong isinakripisyo mo si Vladimar kapalit ng kagustuhan mong makatulong kay Carlie." biglang naglaho ang anino at bumalik ang lahat sa dati. Napa-upo si Cornelia sa narinig. Hindi niya lubos maisip na ang kagustuhang makatulong ang siya ring magiging rason kung bakit siya ang maghihirap at masasaktan. Si Carlie ay hindi natuwa sa mangyayari pag nagkataon. Lalapitan na niya sana si Cornelia para damayan ng bigla itong tumakbo paalis. Pumasok si Cornelia sa mansion at hinanap si Vlad. Pinuntahan niya ito sa kwarto pero wala ito, sunod niyang pinuntahan ang mga batang lagi nilang kakulitan at tinanong kung nasaan si Vladimar.

"Ate Cornelia nasa veranda po si Kuya Vladimar magpapahangin lang daw kase bigla siyang natumba kanina ate." kwento sa kanya ng batang nakausap. Kinabahan na si Cornelia sa narinig at tumakbo papunta sa veranda. Nakita nga niya roon si Vladimar na nakatanaw sa kapaligiran.

"Vlad!" tawag niya dito at humarap naman ito na nakangiti. Niyakap niya ito agad at umiyak na siya.

"Cornelia bakit ka umiiyak?" hinimas ni Vlad ang likuran nito na nahihikbi na sa pag-iyak.

"Vlad sorry, sorry. Mula ngayon lage na ako sa tabi mo." ang akala ni Vladimar ay tungkol ito sa pagkatumba niya bigla habang kalaro ang mga bata.

"Ang daldal talaga ng mga batang yun. Wag ka mag-alala Cornelia okay lang ako. Nahilo ako bigla kanina kaya natumba ako." nakayakap pa rin si Cornelia sa lalaking mahal niya. Wala siyang lakas ng loob na sabihan ito na hindi magtatagal ay mawawala siya sa piling nito.

Nagkasama-sama na ang lahat ng mga Gods and Goddesses na bumagsak sa iba't ibang dimensyon. Hindi magtatagal ay ilalantad na ng anino ang koneksyon niya sa mga ito at ang nag-aabang na katotohanan sa pagkatao nila. Paano nila ito tatanggapin at paano nila ito iintindihin. Sa bawat desisyong gagawin nila ay kaakibat ang responsibilidad na panagutan ang maaaring kahihinatnan nito.

Bab berikutnya