webnovel

Clash Between the Gods 2

Ang mga back-up na paparating ay papunta na sa Claristun para tulungan ang mga kasamang nakikipaglaban. Wala silang alam sa mga nangyayari doon at kailangan nilang bilisan ang kanilang kilos para may abutan pa sila. Baka nanganib na sina Carlie at Chayanne ay hindi man lang nila ito maabutan sa tamang oras. Sina Cloudia at Christopher naman ay sa likod ng mga tigre sumakay dahil ito ang magdadala sa kanila sa kinaroroonan ng mga kasamahan nila. Samantala ay binubugbog na ni Charlemagne si Kugure na hindi umaalis sa kinatatayuan nito. Sobrang aliw naman ni Charlemagne sa pagsipa-sipa dito at hindi niya namalayang nag-iba ang aura ni Kugure. Sisipa na sana ito pero nakagat ni Kugure ang paa nito at hindi na pinakawalan pa. Dahil hindi pa naman niya inuutusan ang mga cyclopes ay nanatili lang itong nakatayo. Ayaw niya kasing isipin ng mga ito na nahihirapan siya sa isang tigre lamang.

"Bitawan mo ang paa ko!" kumuha si Charlemagne ng kahoy at pilit tinatanggal ang pagkaka-kagat ni Kugure sa paa nito. Iwinasiwas siya nito at nilapitan. Tumayo naman si Charlemagne at inutusan ang isa sa mga cyclopes na buhatin siya at ipatong sa shoulder nito.

"Napakaduwag mo talaga." bulalas ni Kugure. Namangha naman si Charlemagne dahil nakakapagsalita ang tigreng ito.

"Duwag? buti nga hindi pa kita tinapos." pagyayabang nito.

"Pagsisisihan mo yan, kung bakit hindi mo ako pinaslang ng may oras ka pa. Sa ngayon magdasal-dasal ka na dahil hindi na kita hahayaan pang makalapit sa kanila." matapang na saad ni Kugure.

"Anong magagawa ng isang tigreng tulad mo? Ang kaibahan lang naman ay may pakpak at nakakapagsalita ka. Anong kaya mong gawin laban sakin?"

"Yan na ba lahat ng pwede mong sabihin sakin?"

"Walang kwentang magtapang-tapangan ka wala ka namang magagawa."

"Sabihin mo yan sayo." ibinuka ni Kugure ang kanyang pakpak na kanina lang ay sugatan ang mga ito dahil sa tinamong tama ng pana pero kahit isang sugat ay wala na. Nagtaka naman si Charlemagne dahil wala na ngang makikitang sugat sa katawan ni Kugure. Hindi ito isang ordinaryong tigre lamang sa isip niya. Isang pentagram ang lumabas sa kinatatayuan ni Kugure at tinago niya ang sarili gamit ang pakpak.

"By the powers of the God hiding in this body, I release you!" biglang napalibutan si Kugure ng isang napakalakas na tornado habang nasa kalagitnaan siya ng pagpakawala sa totoo niyang identity.

"I am Carlisle Samuel Gilbert Winchester, the eldest among the Gods and Goddesses. You will pay for the unforgivable act you've displayed." humupa ang hangin at inilantad nito ang isang matangkad na lalake na may matapang na composure. Nakayuko pa ito kaya hindi pa maaninag ni Charlemagne ang mukha nito.

"Tama na ang satsat masyado ka ng maraming sinasabi!" umatake na ang tatlong cyclopes. Sinugod nila ang nakayukong si Carlisle at sabay-sabay nilang isinuntok ang malalaking mga kamay sa kinatatayuan ni Carlisle. Sabay ng pagbagsak ng mga kamay ay isang force field ang nilikha ni Carlisle na pangdepensa, hindi lang ito basta-basta dumedepensa kundi ibinabalik nito ng dalawang beses ang lakas ng lahat ng atakeng natatanggap nito. Bumalik sa mga cyclopes ang kanilang mga kamao at sapul sila sa mukha na ikinabagsak nila agad.

"Walang kwenta." saad ni Carlisle na ngayon ay mariing nakatingin kay Charlemagne. Nakaramdam bigla ng takot si Charlemagne sa mukhang ipinapakita ni Carlisle. Seryoso itong pabagsakin siya. Mabilis siyang nakatalon mula sa pagkakabagsak ng mga cyclopes at inutusan itong ulit na tumayo. Ngunit wala ni isa sa mga ito ang kumilos. Napa-atras si Charlemagne dahil humahakbang na papalapit sa kanya si Carlisle. Tila na-istatwa si Charlemagne sa kinatatayuan nito at hindi na ito nakagalaw pa. Isang hakbang nalang ang pagitan nila sa isa't isa. Walang pasabi ay sinuntok siya nito sa mukha at tumilapon siya palayo ng tatlong hakbang mula sa kinatatayuan niya. Lumapit ulit si Carlisle at tulad ng ginawa niya sa dalawang babae kanina ay siya naman ang tumatanggap ng walang humpay na sipa. Hindi pa nakontento si Carlisle ay hinawakan niya ang ulo nito at hinigop lahat ng kapangyarihang taglay nito. Tila isang lantang gulay na si Charlemagne na nakahiga sa lupa. Pinipilit pa rin nitong gumalaw at inupuan siya ni Carlisle at pinagsusuntok.

"Tama na!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Cydee. Naiyak siya sa nakita niya. Halos naliligo na si Charlemagne sa sariling dugo, wala na siyang naramdamang kapangyarihan mula rito. Tumayo si Carlisle at tumingin sa gawi ni Cydee.

"Magkakampi ba kayo? Andito ka rin ba para saktan ang taong mahal ko?" sunod-sunod na tanong ni Carlisle.

"Hindi, andito ako para warningan sana si Charlemagne tungkol sa mangyayari ngayon."

"Edi kakampi ka nga niya." parang wala na sa sarili si Carlisle at tila sinakop sa siya ng galit.

"Sandali lang, huwag kang papalamon sa galit mo! Nakita ko kung anong mangyayari!"

"Sinaktan ng lalakeng to ang mahal ko, kung kakampi ka niya sasaktan mo rin sila!" parang wala ng naririnig si Carlisle at dere-deretso na ang lakad niya papunta kay Cydee.

"Wala akong kayang gawin kundi ang makita ang hinaharap. Kung hindi mo kayang kontrolin ang galit mo ikaw mismo papatay sa mahal mo." tila walang narinig at patakbo na itong aatake kay Cydee. Inipon ni Charlemagne ang natitirang lakas at hinarang ang sarili sa harap ni Cydee. Akmang susuntok na si Carlisle ng magawang pigilan ni Cloyce ang kamay nito at nakahawak naman si Casimir kay Carlisle mula sa likuran nito. Ngunit sa sobrang lakas ng galit nito ay hindi nila nagawang pigilan ang suntok nito. Gumawa naman si Cyrus ng bakal na shield para protektahan sina Charle at Cydee at yun ang nasuntok ni Carlisle. Kahit yung bakal ay nagkapira-piraso sa lakas ng suntok na yun. Agad hinawakan ni Cloyce si Cydee at itineleport sa gilid ni Cyrus at ng iba pa habang kinarga na ni Casimir si Charle at inilayo rito.

"Hindi niya nakontrol ang kapangyarihan niya, masyadong matindi ang galit nito kaya sinakop na siya ng galit niya." saad ni Cyrus.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Cassiel. Mula sa kanilang harapan ay sumasalakay na naman si Carlisle at ang target nito ay si Cyrus dahil sa ginawang pagdepensa kay Charle. Panay iwas lang ang ginawa ni Cyrus dahil masyado itong mabilis para sa kanyang atake. Isang malakas na suntok na naman ang ipinakawala ni Carlisle at sinangga lang ni Cyrus ito gamit ang mga braso.

"Cyrus!" pag-aalala ni Ciara.

"Ciara pakalmahin mo siya!" agad namang kumanta si Ciara ng isang awiting nagpapakalma pero tila bingi si Carlisle dahil hindi na ito umeepekto.

"Cyrus parang hindi ito tumatalab!" aniya ni Cloyce. Hinawakan ni Cloyce at Casimir ang magkabilang kamay ni Carlisle at ikinulong siya ni Cyrus sa isang bakal na bilog. Pinagsusuntok ito ni Carlisle at sa bawat suntok ay natutupi ang napakatigas na bakal na gawa ni Cyrus.

"Grabe ang lakas niya." halos naglalaban ang lakas ni Cyrus at Carlisle. Dahil na rin sa pagsangga niya sa suntok nito kanina ay hindi niya natagalan ang atake ni Carlisle mula sa bilog na kulungang bakal na ginawa niya. Nakawala ito at aatake na naman papunta kay Cyrus. Sa pagkakataong ito ay tumulong na rin si Charlene, mula sa lupa ay ipinulupot nito ang mga baging na may mga spikes sa buong katawan ni Carlisle. Panay pa rin ang pagpupumiglas nito. Pinagtulungan na nila si Carlisle ngunit tila wala itong kapaguran at panay pa rin ang atake nito. Dumating naman sina Cloudia at Christopher sakay-sakay sa likuran ng mga tigre. Ginamot ni Cloudia si Chayanne habang si Christopher ay tinutulungan ang iba pa. Muling gumawa ng bakal na bilog si Cyrus pero sa pagkakataong ito ang motibo niya ay pabigatin ang mga ito para mahirapang makakilos si Carlisle. Idinikit niya ang mga bakal sa mga paa at kamay nito at dinoble pa ang bigat para hindi ito makagalaw. Tila epektibo naman at halos hindi maiangat ni Carlisle ang mga paa at kamay. Ginapos naman siya ni Charlene para pigilan itong kumilos, tumulong naman si Cassiel at ginawang invincible ang aapakang lupa kaya ito natumba agad, agad naman inihiga nina Cloyce, Casimir at Christopher si Carlisle para hindi ito makabangon. Mas lalong itong nagwala at palakas na ito ng palakas.

"Cyrus kaya mo pa bang pigilan ang lalakeng to?"

"Pipilitin ko." hinihingal na si Cyrus dahil sa kapangyarihang ibinuhos sa mga bakal na idinikit kay Carlisle. Ganun din si Charlene.

Samantala ay nagkaroon na ng malay si Chayanne pagkatapos gamutin ni Cloudia, sunod naman nitong ginamot ay si Carlie. Hinanap ni Chayanne si Kugure pero bigo siyang makita ito, akala niya ay wala na ito pero ng makita niya ang lalakeng pinagtutulungan ng mga kasama ay doon napako ang tingin niya. Naramdaman niyang kilala niya ang lalakeng ito, ng makita niya ang mga mata nito sa kanyang paglapit ay naibulalas niya ang pangalan nito.

"Kugure?"

"Chayanne huwag mong lapitan yan, masyado siyang mapanganib." utos ni Cyrus. Hinila siya ni Ciara palayo pero gusto niyang lapitan ito.

"Bitiwan mo ako! Siya si Kugure sigurado ako jan." halos maiyak na si Chayanne. Sa narinig na boses ni Chayanne ay mas lalo itong nagwala at tumilapon ang tatlong nakahawak sa kanya at nakawala siya sa bakal at sa baging na nakapalibot sa katawan nito. Tumayo si Carlisle at ngayon mas dumoble pa ang kapangyarihan nito. Nilapitan niya ang nanghihinang si Cyrus at susuntok na sana ito ng biglang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Si Chayanne, umiiyak na ito dahil hindi niya akalang magiging ganun kabayolente ang kilala niyang Kugure.

"Kugure tama na!" natigilan ito sa akmang pagsuntok niya. Tila naglalaban ang galit at ang katauhan nito sa loob -loob niya.

"Kugure, di ba ikaw si Kugure? Di ba sabi mo gagawin mo lahat para protektahan ako. Pero sa ginawa mo ngayon sinasaktan mo ako. Sinasaktan mo ang mga kasamahan ko kaya ganun na rin ang ginagawa mo sakin. Ang mga matang yan ay kay Kugure yan, hindi ako pwedeng magkamali." mas hinigpitan pa ni Chayanne ang pagkakayakap kay Carlisle.

"Chayanne." sambit ni Carlisle. Tumayo ito ng tuwid at tila umeepekto ang mga salita ni Chayanne sa kanya. Tumatagos ito hanggang sa puso niya.

"Kugure ikaw yan di ba?" lumipat siya sa harap nito. Tinitigan niya ang mga mata ni Carlisle at ganun din ito. Humupa na ang galit na kanina lang ay naghari sa puso niya. Hinatak niya si Chayanne at biglang niyakap.

"You're okay." mahinahong saad nito.

"Yes I'm okay, salamat sa kanila." kumawala si Chayanne sa pagkakayakap at tinabihan ang ma kasamahan niya. Natapos na ring gamutin si Carlie at tumayo ito at tumabi rin sa kanya.

"Kaming lahat ay magkakasama, kaming lahat ay iisa. Tulad mo pare-pareho tayong may koneksyon sa isa't isa. Alam ko yun dahil nakikita ko mga link sa pagitan natin." aniya ni Carlie.

"Pasensya na Chayanne. Hindi ko inakalang lalamunin ako ng galit ko." niyakap ni Chayanne si Carlisle na may assurance na naiintindihan niya ito.

"Lahat naman tayo ay nakakaramdam ng galit. Siguro hinayaan lang natin itong lamunin tayo." pahayag ni Chayanne. Tinignan ni Carlisle ang mga kasamang nasaktan niya pero wala sa mga mukha nito ang galit kundi mga ngiti ang iginanti ng mga ito.

"Pero paano ka naging tao? Hindi ka ba talaga si Kugure?" tanong ni Carlie.

"Ang totoo niyan si Kugure ang hari ng mga kauri niyang tigre, isa lang siyang ordinaryong tigre, ng bumagsak ako dito malaki ang naidulot kong sira sa kanilang tinitirhan. Sa kapangyarihang taglay ko napatay ko si Kugure ng hindi sinasadya, ang naisip kong paraan ay magtago sa katauhan ni Kugure. Ang malaking kaibahan ay may pakpak na siya ng magsanib kami. Indikasyon lang yun na ako na ang nagpapatuloy sa buhay niya." nakayukong saad ni Carlisle.

"Ibig sabihin wala na talaga si Kugure?" tanong ni Chayanne.

"Oo matagal ng wala si Kugure." niyakap ni Carlisle si Chayanne dahil alam nito kung gaano kahalaga kay Chayanne ang mga hayop, tinuturing nito bilang mga kapamilya niya. Matamang tinitigan ni Carlisle si Chayanne at biglang bumilis ang tibok ng puso nito. Hindi niya malaman ng matignan niya ang natutuyong mga labi ay gusto niya itong halikan at ibalik ang pagkapula nito. Palapit na ang mukha ni Carlisle habang si Chayanne ay hinahayaan lamang si Carlisle sa nais nito. Aktong pahalik na si Carlisle sa mga labi nito ay may pagsabog silang narinig. Nagulantang ang lahat sa nakita lalo na ang grupo ni Cyrus.

"Hindi maaari to!" bulalas ni Cyrus.

"Alam niyo ba kung ano yan?" nakatingin ang lahat sa isang nag-aapoy na korteng tao na biglang sumulpot sa kanilang harapan.

"Yan ang demonyong umatake sa Witch Mountain, siya rin ang pumatay sa lahat ng witches doon na kumupkop kay Cornelia."

"Ano?!" dueto nina Carlie at Chayanne.

"Akala ko naman maipagpapatuloy na natin ang paghahanap sa Aconitum Vulparia." aniya ni Cassiel.

"Para maipagpatuloy natin ang paghahanap dapat siguro nating bilisan ang pagligpit sa demonyong yan." saad ni Carlisle.

"Lalaban ako bilang ganti para kay Cornelia." saad ni Cyrus.

"Ganun din ako, akala ko pa naman naiwan ang isang yan sa dimensyong nawasak." aniya ni Ciara.

"Hindi ko man alam kung ano siya pero sa narinig ko sa inyo hindi siya ang tipong bubuhayin tayo pag nagkataon." saad ni Carlie.

"Lalaban din ako."

"Ako rin."

"Pati na rin ako." nag-kaisa silang labanan ang Demonyong si Caien na nagbalik na ang kapangyarihan nito. Inilipat ni Cloyce si Cydee, Cloudia, Charlene at Charlemagne sa isang ligtas na lugar, sa hide-out nila. Doon ay ipinagpatuloy ni Cloudia ang pag-gamot sa sugatang si Charlemagne.

"Cloyce anong nangyare?" salubong ni Cornelia sa kay Cloyce na buhat-buhat ang sugatang si Charlemagne.

"May naganap na labanan. Siya mismo ang kinalaban nina Carlie pero sabi ni Carlie ay wala na siyang naramdamang itim na aura mula sa kanya. Dahil na drain ni Carlisle ang kapangyarihan niya matagal pa bago siya magising. Kailangan siyang gamutin ni Cloudia." paliwanag ni Cloyce. Tinignan lang ni Cornelia ang itsura ni Charlemagne at pinakiramdaman ang aura nito.

"Tama nga si Carlie wala na siyang itim na aura. Siguro ngayon ipinagpapatuloy na nila ang paghahanap sa bulaklak."

"Hindi rin, mas malala pa ang mangyayari. Yung demonyong nakalaban mo——"

"Si Caien? anong meron?"

"Andito rin siya at kinakalaban ngayon ng iba pa nating kasama."

"Ano?! ngunit paano siya nakapunta rito?"

"Siguro nasama siya satin. Kailangan ko ng bumalik lalaban din akong kasama nila para mas mabilis naming matalo ito." paalis na si Cloyce para mag-teleport saktong hinawakan ni Cornelia ang kamay nito kaya nasama siya ni Cloyce sa lugar ng pinaglalabanan nila.

"Cornelia! bakit ka sumama?" bulalas ni Cloyce. Napalingon sila sa sinabi ni Cloyce.

"Cornelia?"

"Cornelia bakit ka nandito!" galit na tugon ni Cyrus. Parang walang narinig si Cornelia at nakatingin lang kay Caien na ngayon ay hinihigop ang mga kaluluwa ng mga nanghihinang taga Claristun.

"Hindi ba lalaban kayo? Kung aatake kayo ngayon ang tamang oras para dun. Hindi pa bumabalik ang tunay niyang kapangyarihan kumakain siya para lumakas." pagkasabi ay sumakay si Cornelia sa walis niya at sumugod agad kay Caien. Gumawa siya ng magic cirlce at nagpa-ulan ng mga fire balls. Wala ng nagawa sina Cyrus at Ciara sa kakambal nila at sumali na sila sa pag-atake. Malalaking bakal na patulis ang ginawa ni Cyrus at ikinombine sa fire balls na gawa ni Cornelia.

"Burning Metal Spears!" ang tawag nila sa combination nila. Si Ciara naman ay sinimulan na ang pagpili ng pyesang aawitin.

"Song of the Wicked." ang awiting kayang magpatumba sa kalaban sa oras na marinig ito. Dahil sa awiting ito na pumapasok sa eardrums, target nito ang utak at parang pinasabugan ito sa bawat notang maririnig. Naputol ang pagkain ni Caien ng mga kaluluwa at nagpakawala ng isang malakas na dagundong. Sa dagundong na ito ay tumilapon silang tatlo.

"Dapat na siguro tayong magka-isa. Cloyce at Casimir kunin niyo ang atensyon niya. Carlie at Cyrus patigilin niyo siya sa pagkilos. Cassiel kaya mo bang gawing invincible si Ciara tulad mo?" aniya ni Carlisle.

"Oo kaya ko."

"Sige wag kayong magpapahalata kung maaari ilapit mo si Ciara kay Caien para mas marinig nito ang kanta ni Ciara. Christopher, ano ba kaya mong gawin?"

"Ako ang bahalang mag-abiso sa inyo sa mga plano niya telepathically." maangas na pagkasaad ni Christopher. Napatingin silang lahat dito hindi matukoy ang ibig sabihin nito.

"Kung ano man yun ikaw na bahalang magsabi sa galaw ng kalaban. Cornelia kaya mo ba talagang makipaglaban?"

"Kaya ko, hindi lang naman ako nag-iisa sa laban na ito." nakangiting saad ni Cornelia.

"Ikaw na ang bahala sa pag-atake ganun rin ako. Lahat kayo pumunta na kayo sa mga pwesto niyo." agad nagsipunta sa pwesto nila ang bawat isa. Nang makalapit na sina Cassiel at Ciara ay sinimulan na nitong kumanta ng awiting magpapahina sa pisikal na lakas ng kalaban. Panay ang lakad ni Caien at sa bawat pagkain nito ay palaki ito ng palaki. Si Cloyce at Casimir naman ay dinidistract na si Caien papunta sa trap na ginawa nila. Makailang hakbang pa ay nahuli na ni Carlie si Caien at pinuluputan ng chians of light at ngayon ay may mga spikes na ito para dumiin sa bawat pagpupumiglas ni Caien. Si Cyrus naman ay gumawa ng isang bakal na hawlang may mga tinik din. Pinagsama ni Cyrus at Carlie ang mga kapangyarihan nila, gumapang ang mga chains sa bakal at nag-iba ang kulay ng hawla.

"Cage of Light!" ang tinawag nila sa combination nila. Nagpupumiglas na si Caien na makawala sa hawlang kinalalagyan. Dumidiin na ang mga spikes sa balat nito at dahil sa awit ni Ciara ay humihina ang pulang apoy na nakabalot dito.

"Gusto kong tumulong." saad ni Chayanne.

"Jan ka lang masyadong delikado." agad na tumakbo palapit si Carlisle. Walang nagawa si Chayanne kundi ang manood na lamang.

"Carlisle!" tawag ni Cornelia dito. Ibinato ni Cornelia ang isang punyal. Agad naman itong sinalo ni Carlisle.

"Para saan to?"

"Hindi basta-basta napapatay ang isang demonyo. Kailangan natin siyang ibalik kung saan siya galing. Isak-sak mo yan sa dibdib niya. Yang hawak mo ay ang Dagger of Immobility ibabaon natin yan sa puso niya para hanggang kailan ay hindi na siya maaaring magising o makakilos man lang. Ang kapangyarihang taglay niya ay kukunin natin at itatago. Sa ganyang paraan he is good as dead." paliwanag ni Cornelia.

"Kuha ko na. Sige makakaasa ka."

Kahit na nanghihina si Caien ay nagagawa pa rin nitong manlaban. Nasa harapan na ni Caien si Carlisle pero hindi nito magawang malapitan si Caien.

"Masyado pa siyang malakas ka——"

"Carlisle dodge!" utos ni Christopher kay Carlisle through telepathy. Agad naman itong umilag sa utos nito at bumuga si Caien ng apoy. Kung hindi pa naabisohan si Carlisle ay siguradong tinamaan na ito.

"Salamat Chris pero next time notify me a bit early okay para hindi ako nagugulat."

"Aye sir!" simula nun ay nag-aabiso na si Chris tatlong segundo bago bumuga ng apoy si Caien kaya naiiwasan ni Carlisle ang bawat tira nito kahit malapit lang siya.

"Masyado pa siyang malikot hindi ako makapag-atake." aniya ni Carlisle na panay iwas nalang ang nagagawa.

"Ako bahala." mula sa ibaba ni Caien ay gumawa si Cornelia ng hexagram.

"Cornelia ano ba binabalak mo." tanong ni Cyrus. Hindi na sinagot ni Cornelia ang tanong nito.

"I offer thee the life of this demon in front of me, in Hell he belong in Hell he will be; Open the portal from your side and let me enter your world." pagkasabi ni Cornelia ay isang portal ang nagbukas sa likuran ni Caien. Makikita mula sa labas ang mga kaluluwang gustong tumawid papunta sa kanila. Itinali ni Cornelia ang kanyang buhok at huminga ng malalim. Nakamasid lang ang mga kasamahan niya sa balak niyang gawin. Wala silang kaalam-alam sa gagawin nitong pagpasok sa empyerno. Umayos ng pagkaka-upo si Cornelia at pagkatapos ay dere-deretsong pumasok sa portal.

"Cornelia!!!" sigaw nilang lahat.

Sa loob ng impyerno ay tinawag niya ang Grim Reaper. Sa kontratang ginawa na kung saan kapalit ng pagtulong ng grim reaper sa kanya ay ang kanyang kaluluwa. Pagkatapos matagumpayan ang kontrata ay muling lumabas si Cornelia pero ngayon may kasama na siyang iba.

"Cornelia ano ba ang plano mo?"

"Maghintay lang kayo, malaking tulong yan pag nagawa niyo pa rin siyang pigilan sa pagkilos."

"May ginawa ka na naman bang ikapapahamak mo?" nag-alalang tanong ni Cyrus. Walang isinagot si Cornelia kundi isang ngiti lamang. Mas lalo silang nangamba sa ngiting binitawan nito.

"Grim Reaper Oxidious! I summon thee!" lumabas mula sa portal ang isang itim na grim reaper na may dalang scythe na silver. Nakapwesto ito sa likuran ni Caien at nakatingin sa kinaroroonan nito.

"Is this the Demon you told me?"

"Yes, he took so many souls, more than you can imagine. So now isn't it unfair that he took away your responsibilities?"

"You really know how to make a deal."

"Now, now, Oxidious ranked as the lowest among the others, taken fore-granted and exiled, hear my bidding."

"Dweisse Devoughnaire the witch, Cornelia Syren Gilbert Winchester the Goddess, the contract is now sealed. Receive the mark of death." pagtatapos ni Oxidious sa kontrata nila. Naka-ukit ngayon sa noo ni Cornelia ang markang nagpapatunay sa kontrata nila.

"Take away the demon!" utos ni Cornelia sa grim reaper. Mula sa hexagram na ginawa ni Cornelia ay may lumabas na isa pang klase ng kadena. Pumulupot ang mga ito sa mga paa at kamay ni Caien, halata sa mukha ni Caien ang takot sa kadenang nakapulupot sa kanya.

"This can't be!" sigaw ni Caien.

"Mabuti naman at nakikilala mo ang kadenang yan." saad ni Cornelia.

"Pano mo nagawang kunin ang Chains of Hell?" galit na tanong ni Caien.

"Kasama sa kontratang ginawa ko ang kadenang yan, alam kong mas malala pa sa pisikal na sakit ang dinudulot ng kadenang yan sa isang demonyong tulad mo!" sagot naman ni Cornelia na nagsisimula ng gumilid ang luha sa mata.

"Hindi ko akalain na isang tulad mo lang ang makakapagpalabas ni Oxidious. Pero dapat hindi na ako magtaka, nagawa mo nga akong pakawalan sa liyong iyon." Nagawa pang ngumiti ni Caien.

"Isang pagkakamali ang ginawa ko na pakawalan ka. Sising-sisi ako. Buhay pa sana sila kung hindi kita pinakawalan." Maiyak-iyak na saad ni Cornelia.

"Huwag kang mag-alala, tulad ng sinabi ko noon, I will always remember that a certain Dweisse released me." Kumalma na si Caien at tinanggap ang maaaring mangyari.

"I don't know what your up to, but this is the end of the line for you!" matapang na sagot nito.

"One last thing Cornelia, there's always a second time for everything. Including a second time on my freedom. And that will also be thanks to you." Nakangiting tinitigan ni Caien amg naguguluhang si Cornelia.

"Carlisle ngayon na!" Utos niya at pilit winawaksi ang mga sinabi ni Caien.

Agad isinaksak ni Carlisle ang punyal sa puso ni Caien. Idiniin niya ito ng husto na pati yung hawakan ay mababaon dito. Awtomatikong pumasok sa loob ni Caien ang punyal na bigay ni Cornelia, ng wala ng makitang bahagi ng punyal ay agad na pinulupot ni Oxidious ang kadena sa buong katawan ni Caien at handa ng ibalik sa empyerno.

"Cornelia anong sunod kong gagawin?" tanong ni Carlisle.

"Kaya mong mag drain ng kapangyarihan di ba? Ngayon i-channel mo ang kapangyarihan niya sa kahong ito!" ibinato ni Cornelia ang sinasabing kahon. Ginawa naman ni Carlisle ang sinabi ni Cornelia at hinigop ang kapangyarihan ni Caien papunta sa loob ng kahon. Nang maubos ito ay ibinalik ni Carlisle ang kahon. Ngayon ay nag-summon na naman si Cornelia ng iba pang mga kaluluwa. Sa dami nila ay hindi na nila mabilang ang mga kaluluwang isa-isang lumabas sa hexagram.

"Sila ang mga kaluluwa ng mga pinatay mo sa Witch Mountain. Sila ang lahat ng mga Devoughnaire na pinaslang mo! Ngayon sila mismo ang magtatago ng kapangyarihang ito!" kahit mga kaluluwa na ang mga ito ay nagawa pa rin nilang gumamit ng majika, isang hexagram ang ginawa ng nasa unahan ng mga ito at ipinasok ang kahon doon, sa pagkawala ng kahon ay isa-isang nawala ang mga kaluluwa. Tuluyan ng naiyak si Cornelia at kumaway na lamang.

"Cornelia, It's time for me to send this back to where he belong." saad ni Oxidious.

"You're right. I will rely on you. You know what happens when you fail." nakangiting saad ni Cornelia.

"You are really wise." pumasok na sa portal ang grim reaper habang hila-hila ang kadenang may hawak kay Caien. Isinara ni Cornelia ang portal at agad na hinimatay. Nasalo naman siya agad ni Cloyce at ibinaba ng dahan-dahan. Hindi pa rin ma-sink in ng iba ang nangyari, masyado itong mabilis para i-cope up.

"Tapos na ba?" tanong ni Cassiel.

"Sa tingin ko ganun na nga. Wala na akong nararamdamang kahit na anong kapangyarihan ni Caien." aniya ni Carlie.

"Cornelia!" nilapitan ni Cyrus ang kakambal at niyakap. "Ano na naman ba ang ginawa mo?"

"Mas mabuti pang ibalik ko siya sa hide-out para makapagpahinga ng maayos." volunteer ni Cloyce.

"Mas mabuti pa nga Cloyce. Sa ngayon ay dapat siguro nating ipagpatuloy ang paghahanap sa bulaklak. Kaya niyo pa ba?" tanong ni Chayanne.

"Kaya pa. Ang importante ay tapos na ang laban. Dapat nating makita ang bulaklak agad para makabalik tayo agad sa hide-out at matanong si Cornelia sa nangyari." aniya ni Carlisle.

"Sige." saad ng lahat.

Nagawa nilang puksain ang demonyong si Caien. Ngayon ay balik na sila sa paghahanap sa bulaklak na tanging antidote para kay Charice. Si Cornelia naman ay naihatid ng ligtas ni Cloyce na agad namang sinalubong ni Vlad at inihiga para makapagpahinga ng husto. Mas umayos na naman ang kalagayan ni Charlemagne na inaalagaan naman ni Cydee. Malapit ng magsama-sama ang mga Gods and Goddesses, ano kaya ang naghihintay sa kanila pag nagkasama na silang lahat.

Bab berikutnya